MasukHello, good evening. From now on maglalapag na po ako ng 2-3 chapter everyday. around 9-10 pm po palagi ang update. Babawi na me dahil magchristmas vacation na po kami. Stay tuned!
Everybody knows how much she loves driving. Ngunit overprotective masyado ang kaniyang mga kapatid kaya hindi siya hinahayaan na siya ang magdrive, lalo pa’t alam nila na reckless driver din siya madalas. May kaunting ngiti sa kaniyang labi nang mapasulyap sa rearview mirror at napansin na walang SUV van na nakasunod sa kaniya. Ngayon ay hindi na siya pressured at naiirita dahil sa pagbuntot sa kaniya ng kaniyang mga bodyguard. Ngunit hindi siya gaanong nagtitiwala na tuluyan nang inalis ni David ang kaniyang mga bantay. Pakiramdam niya’y mayroon pa ring nagmamasid sa kaniya, ngunit hindi lamang nagpapakita dahil naiirita siya sa tuwing nalalaman niyang may nagbabantay sa kaniya. Ganunpaman, masaya pa rin siya na hindi na ganoon ka-visible ang presensya ng kaniyang mga bodyguard. Pakiramdam niya’y nagiging normal na ulit ang kaniyang buhay. Nang maiparada niya ang sasakyan sa parking lot ay sinalubong agad siya ng babaeng assistant. Kabado itong ngumiti sa kaniya. Namumukhaan ni
Bago ang mismong pag-alis ni David Cuesta ay pinayagan na ulit siyang magtrabaho sa hotel. Sa pagkakataong ito, hindi na lamang siya general manager ng hotel, acting-CEO at president na rin siya ng Arc Hotel at ng mga branch nito sa Pilipinas. It made her happy. Akala niya’y hanggang sa matapos ang kaso ni Arsen ay ikukulong na lamang siya ng kaniyang pamilya sa mansion upang maprotektahan sa ilang banta sa kaniyang buhay. Mas mabuti nang pinabalik na siya sa hotel dahil may pagkakaabalahan na siyang ibang bagay. Hindi na siya masisiraan ng loob sa pagkabagot. “Ano'ng pinagkakaabalahan ni Blue? He hasn't contacted me for days.” Medyo iritado niyang tanong kay Rafael. Maaga siyang gumising para mag-ehersisyo sa likod ng bahay. Gusto niya rin na sulitin na maganda ang tanawin sa harap ng malaking lawa. Ganitong oras ay narito na si Blue para samahan siya sa mansion. Sabay silang pumupunta sa hotel kapag may trabaho, pero nitong nakaraang linggo ay hindi niya nakita ang sekretaryo.
“Are you okay?” Rafael’s soft voice breaks the silence. Nasa sasakyan na sila at pauwi na. Tapos na sa wakas ang walang katapusang mga tanong ng fiscal sa kaniya. Ngumiti siya at marahan na tumango. Ngunit ramdam ni Rafael ang biglang pagbabago sa kaniyang kilos. Bigla’y naging tahimik siya at ayaw nang makipag-usap. Kanina pa rin siya nakatulala at walang partikular na tinitingnan. Nag-aalala na si Rafael lalo’t alam nito na nagkaroon ng epekto sa kaniya ang pag-uusap nila ng fiscal. Dahil sa mga tanong nito’y napilitan siyang balikan ang ilang alaala at buksan ang mga sugat na dapat ay naghilom na. Nang tanungin ni Prosecutor Velasco kanina kung ang dahilan ng tangkang pagpatay sa kaniya ni Arsen ay dahil sa relasyon niya kay Silvestre ay nakita nilang natigilan siya. Kahit na iyon naman ang totoo ay hindi niya agad nasabi ng diretso. Gusto nitong mawala siya upang wala nang sagabal sa kanila ni Silvestre. Pagkarating sa mansion ay sinalubong sila ni Uriel. Maging si Uriel
“Kailan ako titigilan ng mga bodyguard na ‘to?” Tanong ni Aeverie kay Rafael. Tatlong araw simula nang maaresto at paimbestigahan si Arsen ay pormal nang nakapaghain ng kaso sa fiscal. Ngayon, ang fiscal naman ang magsusuri sa mga ebidensyang nakalap ng imbestigador. Nasa loob sila ng sasakyan at papunta na sa tanggapan ni Prosecutor Jedrek Velasco para sa kaniyang second statement. Sa likod ng kanilang sasakyan ay ang itim na SUV van kung nasaan ang kaniyang mga bodyguard. Naiirita siya sa tuwing naiisip na may sumusunod sa kaniya saan man siya magpunta. Nag-alok ng temporary protection ang pulisya sa kaniya, ngunit tinanggihan niya ito at sinabing kaya niya ang kaniyang sarili. Pero dahil sa kaniyang pagtanggi sa temporary protection ay nag-hire naman ng apat na bodyguard si David Cuesta para sa kaniya. Nahihiya na tuloy siyang lumabas dahil sumusunod sa kaniya ang apat na lalaki kahit saan siya magpunta. Alam ni David kung gaano niya kaayaw na may nagbabantay sa kaniyan
Bigla’y tinamaan siya ng matinding kaba dahil sa sinabi ni David.It’s been a while since the last time she saw Aeverie. Ngayon na lang ulit niya ito nakita at may balak na naman si David na ilayo sa kaniya ang babae.Mukhang nakita ni David ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya kaya naman mapanuya itong ngumiti.“Aeverie deserves someone who can sacrifice himself as much as she can sacrifice herself. Ano nga ba ang kaya mong isakripisyo para sa anak ko?”He couldn't answer. Napatigil siya at natulala na lamang sa kausap.Ano nga ba ang kaya niyang isakripisyo para kay Aeverie?His engagement with Arsen. Bigla’y bulong ng kaniyang isip.He is a man of words. Bawat salita niya'y pinapahalagahan niya at bawat pangako’y pilit niyang tinutupad. Ayaw niyang matawag na sinungaling. Ayaw niyang dumating ang panahon na hindi na seryosohin ng mga tao ang mga sinasabi niya.Kaya naman, pinapahalagahan niya ang bawat salitang binibigkas niya.Ngunit nito lang, kahit noong hindi pa gaanong ma
“What we had was just arranged by my grandfather. Pinakasalan namin ang isa’t isa dahil sa kahilingan ni Abuelo. I promised the old man that I will keep my marriage with Aeverie for three years, and after that I will end it.” Dagdag niya. Hindi niya makakalimutan ang kasunduang iyon. Tatlong taon lamang ang talaan ng kanilang kasal, pagkatapos no’n ay tatapusin na niya ang kanilang pagsasama ni Aeverie. “Your daughter needs her freedom too. Hindi ko gusto na matali siya sa akin dahil lang sa isang kasunduan.” Mariin siyang tinitigan ni David Cuesta. Binabasa nito ang kaniyang ekspresyon. “Are you telling me that she was just forced by your Abuelo?” “No, Mr. Cuesta.” Marahan siyang umiling. God, no. If she was forced to marry me then that must be more of a betrayal to my part. Bulong ng kaniyang isip.Kung iisipin niya ngayon, mas masakit pala kung sakali na pinilit lamang ng kaniyang Abuelo si Avi na pakasalan siya. Mas mabuti pang isipin na kusa siya nitong piniling pakasalan d







