Beranda / Romance / His Fake Wife / Kabanata 4: Kindness

Share

Kabanata 4: Kindness

Penulis: Purplexxen
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-01 19:02:22

Aurora's Point of View

MAAGA akong nagising at bumaba sa kusina para ipagtimpla ng kape ang sarili. Naroon ang isang katulong at nabigla pa nang makitang maaga akong nagising.

"Good morning." Bati ko sa kaniya bago tumuloy para magtimpla.

Hindi niya ako sinagot at hindi rin siya umimik kagaya ng palaging ginagawa ng mga katulong kapag nasa malapit nila ako kaya tahimik kami sa kusina. Nang matapos ako sa pagtimpla ng instant coffee gumawa na rin ako ng sandwich at naupo sa highstool ng island counter. Dito na lang ako mag-aalmusal.

"Ba't ang aga mo?" Muling subok ko.

Gusto ko ng kausap, siguro naman hindi magagalit si Alted kapag nakipag-usap ako sa mga katulong niya. Wala namang masama doon.

"Ipagluluto ko po sila Snow at Winter ng breakfast." Sagot nito at nagsimula na ngang kumilos.

Snow at Winter? Ibigsabin iyong isa ang pangalan ay Winter? Ang ganda naman noon, malamig ang mga pangalan nila. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti.

"Anong lulutuin mo?" Tanong kong muli, mas pin
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (31)
goodnovel comment avatar
Haizel Joy Flores
really interesting
goodnovel comment avatar
Merl Yap
sobrang ganda ng story...Sana maipagkaloob na matapos ko pagbasa ang buong story...salamat po
goodnovel comment avatar
Judy Saplan
ang ganda ng story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • His Fake Wife   Kabanata 8.5

    Jehan's Point of View Nilakasan ko pa ang pagkagat sa daliri para pigilan ang mga hindi dapat na ingay na gustong lumabas sa bibig ko. Hindi naman ako titili, o ano, pero parang… parang iwan! Siguro, kasi hindi naman ako sanay na may kausap ako sa cellphone. Hindi ako sanay na ganito. L*ts*!So much of pretending I'm a buy person. “Where are you? I’m in my friends house. I can’t… I can’t go out.” Malamang. Kasama ni Abby ang driver niya. Nilakad ko lang itong bahay niya galing sa kalsada kung saan ako ibinaba ng tricycle kanina. Aba. Mataas ang lugar na kinatitirikan ng bahay nila Abby kaya kung bababa man ako at lalabas, imposibleng may tricycle sa malapit dahil wala gaanong kabahayan sa parteng ito ng Santa Rita. Natakot ata sila sa pamilya ni Abby noon. “Pwedeng ako ang pumunta sa’yo. Nasaan ka ba?” Kumurap ako, mabilis. Siguro may dala siyang sasakyan kaya pwede siyang pumunta kahit saan. Akala ko ba nasa syudad siya? Parang may nabanggit siya sa text na pupunta siya sa

  • His Fake Wife   Kabanata 8.4

    Jehan's Point of View“Kahit gaano kasama ang ugali ni Veda, kapatid mo pa rin siya, Jehan. Alam mong may mga factors din na nakaapekto sa kaniya kung bakit gano’n siya sa'yo, o sa inyo. She’s just like you. Pressured.”Ngumiti ulit ako at unti-unting sumandal sa mahabang sofa.Ano ba ang dahilan niya para maging ganoon siya sa amin? Sa akin? Lumaki siyang paboritong anak ni Papa at ni Mama. Lalo pa noong... umalis si Ate Lisandra. She became the most adored daughter.Ang hirap niyang pantayan, nasa kaniya lahat ng atensyon at pagmamahal ng mga magulang namin. She's the pride of our family. She's perfect.Kaya ano'ng problema niya? Dapat nga mabait siya sa amin... sa akin... dahil hindi ko naranasan ang lahat ng naranasan niya.Malungkot akong ngumiti at pilit ibinaon muli ang mga alaala sa likod ng isip ko. Nakaraan na iyon, wala nang dapat na balikan.“Salamat talaga Abby at kaibigan kita. Dahil kung si Tiny at si Kimberly ang kausap ko ngayon, sasabihin nilang bumili na ako ng bari

  • His Fake Wife   Kabanata 8.3

    Jehan's Point of View “Buti hindi ka pinalayas ni Tito Jaime?” Mahinang tanong ni Abby pagkatapos niyang tanggapin ang cold compress galing sa katulong. Maaga pa masyado kaya naabutan ko siya sa bahay nila. Pagkatapos ng ginawa ko, alam ko na ang mangyayari kaya nagwalk-out ako. Hindi na ako napigilan ni Papa o ni Veda, masyado silang gulat sa nangyari.Who would think that Jehan could do that to Veda?Sanay na ang mga tao sa bahay na madalas kaming mag-away ni Veda. Lalo na kami ni Veda. Para kaming dalawang bato na kapag pinagkiskis ay agad na gagawa ng apoy at tutupok ng isang bagay.Veda hates me so much that I wonder... how did it start? Bakit ganoon na lang ang pagtrato niya sa akin? Bakit ganoon na lang ang iritasyon niya at galit na ipinamamalas niya?Akala ko dati, kapag umalis ako ng Santa Rita at mag-aral sa Manila, may magbabago kahit paano sa relasyon namin biglang magkapatid. I thought we're gonna grow up and mature, pero mali pala ako.Mas lalong naging komplikado an

  • His Fake Wife   Kabanata 8.2

    Jehan's Point of View “Ang mahalaga, palugdan niya ang matanda. Madame Sole is a respected woman in San Gabriel. Mayayaman at maiimpluwensya ang mga anak niya, kung pera at kapangyarihan ang pag-uusapan ay malaking porsyon ang hawak ng mga Gazalin. Kung magiging maayos ang relasyon ni Jehan kay Madame Sole, baka tayo naman ang palugdan niya.” Tumayo si Papa. Sinundan namin siya ng tingin. “I need support from this two families. Ikaw ang tratrabaho sa mga Dela Fuente. Si Jehan naman sa mga Gazalin.” Pagkatapos ng sinabi ni Papa ay nagkaroon ng matinding katahimikan sa loob ng silid. Kapwa kami tahimik ni Veda, hindi nangangahas na kumontra o magsalita pa. Naririnig ko na dati pa ang tungkol sa pamilyang Gazalin. Kung hindi pa nga ako nagkakamali, mas mayaman ang mga Gazalin kumpara sa mga Dela Fuente. O baka parehas lang? Pero nakakapagtaka lang na kahit hindi ko pa naman nakikita ng personal ang head mistress ng pamilyang Gazalin ay iniimbitahan na niya ako sa kanila. At para

  • His Fake Wife   Kabanata 8

    Jehan's Point of View Isang linggo pagkatapos ng pagpunta ko sa San Gabriel, inaasahan ko nang magkikita ulit kami ni Nexon, pero hinihintay ko pa na may panahon siya. We were exchanging texts, at may usapan na kaming magkikita ulit para mapag-usapan ng personal ang tungkol sa plano naming annulment, pero wala pang eksaktong date para roon. Nag-iingat ako at sinisiguradong walang alam si Papa o si Veda tungkol sa bagay na ito. Pero minsan, dahil sa pagsesekreto ko, parang nagiging paranoid ako. Sa tuwing nahuhuli ako ni Papa na abala sa cellphone, agad ko iyong itinatago at nagkukunwaring hindi importante ang kausap. Hindi naman siya nagtatanong, pero madalas na magtagal ang tingin niya sa akin. Nagtataka siguro at nitong nakaraan ay madalas na akong gumamit ng cellphone. Si Veda, wala naman iyong pakialam sa akin. Maliban sa madalas niyang pagmamaldita kahit nandiyan si Papa, wala na siyang ibang napupuna sa akin. Which is somehow good. Siguro dahil abala rin siya sa pagtulong s

  • His Fake Wife   Kabanata 7.3

    Jehan's Point of ViewPagod pa ako galing sa byahe. Ayaw kong makipagtalo kaya hangga't maaari, gusto kong baliwalain si Veda at ang pag-a-attittude niya, ngunit pagkatapat namin sa kaniya sa may pinto, humarang siya. Sinadya niya akong pigilan na makapasok sa bahay. Matalim ang mga mata niya, nanghahamon. “Ate…” mahinang tawag ni Dove, halatang natatakot. “I don’t want to fight with you, Veda. I’m tired.” Tumaas ang sulok ng labi niya sa mapang-uyam na ngiti. “And so I am. Ang pagkakaiba lang natin, napagod ka sa paglalakwatsa; ako, sa trabaho.” I hold her gaze. Kahit pa matalim ang tingin niya, hindi na iyon tumatalab sa akin. Hindi ko alam kung kailan ako nasanay sa ugali niya, pero siguro inaasahan ko na rin na ganito siya palagi sa akin kaya hindi na rin ako nakakaramdam ng pagkabigo sa pagiging maldita niya sa akin. “Then, good for you. At least you’re useful for this family.” Matabang kong sabi. Nanlaki bigla ang mga mata. Hindi niya marahil inaasahan na talagang papatu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status