Share

CHAPTER 01

last update publish date: 2026-06-11 12:26:23

ETHAN GREY

Naupo si Shanaia sa single sofa sa gitna ng sala at isa-isang pinagmasdan ang mga taong naroon.

Tahimik ang buong mansiyon.

Hindi niya man lang sinulyapan ang direksyon namin. Para bang hindi kami kasama sa silid.

Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, nagsalita siya. "Now... speak."

Nagkatinginan ang mga magulang ni Shally.

"Shanaia," maingat na sambit ni Mrs. Villafuerte, "kagagaling mo lang sa biyahe. Mas mabuti sigurong magpahinga ka muna."

Dahan-dahang lumingon si Shanaia sa kaniyang ina. "That's not what I want to hear, Mom."

Malamig ang boses niya ngunit sapat iyon para maramdaman ng lahat ang babala.

"Hayaan mo na kami rito," singit ni Mr. Villafuerte.

"Hayaan?" Napatawa siya nang mapakla. "It's about my sister, Dad. So whether you like it or not, makikialam ako."

Tumuwid siya ng upo.

"Now, if you don't want to tell me what I need to know, I'll ask them myself."

Doon lang siya tuluyang humarap sa amin.

"Mr. Erick Parker, am I right?"

Sasagot na sana si Dad nang muling magsalita si Mr. Villafuerte.

"Shanaia, stop this—"

"Shut up, Dad."

Biglang tumahimik ang lahat.

"I gave you a chance. You chose not to use it. So please, sit there and let him answer."

Kahit ako ay napakurap.

Kakaiba ang babaeng ito.

Walang takot.

Walang pag-aalinlangan.

Parang sanay mag-utos.

Bahagyang umubo si Dad bago ngumiti.

"Yes. I'm Erick Parker. This is my wife, Vivian Parker. And this is my son, Ethan Grey Parker."

Ngumiti si Shanaia kay Mom bilang pagbati.

Pagkatapos ay lumingon siya sa akin.

Saglit lang.

Wala pang dalawang segundo.

Parang wala siyang nakitang espesyal.

Nakakainsulto.

Wala pang babaeng tumingin sa akin nang ganoon.

"Can you tell me everything, Mr. Parker?"

Diniinan niya ang salitang everything.

Huminga nang malalim si Dad.

"Originally, pinag-uusapan namin ang kasal ng anak ko at ng kapatid mo—"

"From the beginning."

Napahinto si Dad.

"I want everything. Kailan nagsimula. Sino ang nagplano. Kailan gaganapin ang kasal. Lahat."

Parang abogado kung magtanong.

O mas tamang sabihing parang imbestigador.

At si Dad ang pangunahing suspek.

"To be honest," panimula ni Dad, "noong first year college pa lang si Shally, napag-usapan na namin ng mga magulang niya ang tungkol sa kasal nila ni Ethan."

Nanlaki ang mata ko.

First year pa lang?

Hindi ko alam iyon.

"Last month namin sinabi sa kanila ang plano. At kanina, pinag-uusapan namin kung kailan gaganapin ang seremonya."

"And what was my sister's answer?"

"She wanted to wait for you."

Biglang tumahimik ang sala.

"Pero sinabi ng father mo na busy ka sa London."

Tumaas ang isang kilay ni Shanaia.

"Busy?"

Tumawa siya nang walang amusement.

"Interesting."

Napalunok si Mr. Villafuerte.

Mukhang alam niyang may problema na.

Pagkatapos ay ibinalik ni Shanaia ang tingin sa akin.

Diretso.

Matalim.

Parang sinusuri niya ang buong pagkatao ko.

"How old are you?"

Napakurap ako.

"What?"

"Your age."

Napasandal ako.

"And why do you need to know that?"

"Because I'd like to know how old the man is who's supposed to marry my sister."

"At paano kung ayokong sabihin?"

Ngumisi ako.

Ngunit sa halip na mainis, ngumiti rin siya.

"That's fine."

Itinaas niya ang kamay.

Agad na lumapit ang babaeng nakatayo sa likuran niya at nag-abot ng brown envelope.

Binuksan niya iyon.

Pagkatapos ay naglabas ng ilang dokumento.

At doon ko naramdaman ang unang bugso ng kaba.

"Ethan Grey Parker."

Binasa niya ang laman ng papel.

"Born August 12, 1995. Twenty-seven years old. CEO of E&G Cosmetics. One of the youngest successful businessmen in the country."

Napaayos ako ng upo.

Paano niya—

Ngunit hindi pa siya tapos.

Naglabas siya ng mga litrato.

Maraming litrato.

At biglang bumagsak ang sikmura ko.

"His former girlfriends include Rebecca Thompson..."

Isang litrato ang lumapag sa sahig.

"Madeline Miller."

Isa pa.

"Julia Stewart."

Isa pa.

"Naomi Anderson."

Isa pa.

"Scarlett Mitche—"

"Enough!"

Napabalikwas ako ng tayo.

Tumigil siya.

Ngunit hindi nawala ang ngisi sa labi niya.

"And many more."

Isa-isa niyang ibinagsak ang natitirang mga larawan.

Mga larawan ko.

Kasama ang iba't ibang babae.

Sa restaurant.

Sa hotel.

Sa kotse.

At mas malala pa.

"Oh my God..." bulong ni Mom.

Dahan-dahan akong napalingon kay Dad.

Maling desisyon.

Dahil sa tingin pa lang niya, alam kong patay ako mamaya.

Ibinaba ko ang tingin.

Pagkatapos ay muling hinarap si Shanaia.

Tumayo na siya.

"I think we're done here."

Malamig pa rin ang tono niya.

"I'll speak with my parents. More importantly, with my sister."

Inayos niya ang kaniyang blazer.

"After that, we'll talk again."

Humakbang siya palayo.

"Have a good evening."

At iniwan niya kaming lahat na nakatulala.

"Shanaia."

Napahinto siya sa paglalakad nang tawagin siya ng kaniyang ama.

Ngunit hindi siya lumingon.

"Bukas na tayo mag-uusap, Dad. Pagod ako sa biyahe at gusto ko nang magpahinga."

Iyon lang ang sinabi niya bago muling naglakad palayo. Sumunod agad sa kaniya ang babaeng kasama niya.

Tahimik kong sinundan ng tingin ang papalayong pigura niya hanggang sa mawala sila sa ikalawang palapag.

Hindi ko makakalimutan ang nangyari ngayong gabi, Shanaia.

Hindi kailanman.

"Mr. Parker, humihingi ako ng paumanhin sa ginawa ng anak ko."

Napalingon ako kay Mr. Villafuerte.

Bakit kay Dad siya humihingi ng tawad?

Ako ang pinahiya ng anak niya sa harap ng lahat.

Hindi lang pinahiya.

Pinahamak pa.

"Naiintindihan ko siya, Mr. Villafuerte," kalmadong sagot ni Dad. "Concerned lang siya sa kapatid niya."

"Pasensya na talaga."

Tumango si Dad.

"Mauuna na kami. Babalik na lang kami kapag napag-usapan na ninyo ang bagay na ito."

Tumango naman si Mr. Villafuerte at inutusan ang isa sa mga tauhan nila na ihatid kami palabas ng mansiyon.

Tahimik kaming naglakad.

Tahimik.

Masyadong tahimik.

At alam kong hindi magandang senyales iyon.

Pagdating sa driveway, huminto si Dad at seryosong tumingin sa akin.

"You better prepare a good explanation about those pictures, Ethan."

Pagkasabi niya noon ay sumakay na siya sa kotse kasama si Mom.

Napabuntong-hininga ako.

Patay.

Talagang patay ako.

Buong biyahe pauwi ay hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang ramdam ang mabigat na presensya ni Dad sa likurang upuan.

Twenty-seven years old na ako.

CEO ng sarili kong kumpanya.

Pero hanggang ngayon, takot pa rin ako sa ama ko.

Hindi dahil sasaktan niya ako.

Kundi dahil kaya niyang kunin ang lahat ng pinapangarap kong mapasakin.

Lahat ng mana.

Lahat ng ari-arian.

Lahat ng negosyong itinayo ng pamilya.

At hindi ko hahayaang mangyari iyon.

Nag-iisa akong anak.

Dapat lang na sa akin mapunta ang lahat.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay ay sumabog agad si Dad.

"WHAT ARE THOSE F*CKING PICTURES, ETHAN?!"

Napapikit ako.

Ayan na.

"Hindi ba sinabi ko na sa'yo na tigilan mo na ang pambababae mo?! Paano kung dahil sa mga litratong iyon ay umatras ang mga Villafuerte sa kasal?!"

Mas lalong lumakas ang boses niya.

"Baka nakakalimutan mo na sa kasal na iyon nakasalalay ang lahat ng mamanahin mo!"

"Malay ko bang darating ang babaeng iyon dala ang mga litrato!" depensa ko. "Ni hindi ko nga alam na may kapatid pala si Shally!"

At totoo naman.

Wala akong ideya na may isang Shanaia Villafuerte pala.

At lalong wala akong ideya na ganoon siya katapang.

"O kahit hindi mo alam!" sigaw ni Dad. "Sana itinigil mo pa rin ang kalokohan mo!"

Napasabunot ako sa buhok dahil sa inis.

"Fine! Kasalanan ko na! Pero nangyari na ang nangyari. Hindi na mababago iyon."

Padabog akong naupo sa sofa.

Ngunit hindi man lang natinag si Dad.

"Ito ang tandaan mo, Ethan."

Malamig ang boses niya.

Mas nakakatakot.

"Kapag hindi natuloy ang kasal na ito, wala kang makukuhang kahit isang piso mula sa akin."

Nanigas ako.

Hindi na siya nagsalita pa.

Tinalikuran niya kami at umakyat sa hagdan.

Naiwan kaming dalawa ni Mom sa sala.

Pagkaalis ni Dad, napatingin ako kay Mom na nakaupo lang at dahan-dahang umiiling.

"What?" iritable kong tanong. "Sesermonan mo rin ba ako?"

Ngumiti siya nang bahagya.

"Hindi."

Napabuntong-hininga ako.

"But I will give you an advice."

Napatuwid ako ng upo.

"Hindi kita masisisi sa mga ginawa mo dahil ganiyan din naman ang daddy mo noong binata pa siya."

Napataas ang kilay ko.

Talaga?

"Pero mas mabuting sundin mo ang gusto ng ama mo."

Nawala ang ngiti niya.

"Dahil kahit nag-iisa ka naming anak, kaya ka niyang itakwil."

Tumayo siya.

"And remember this, Ethan."

Huminto siya bago umakyat.

"Ang mga Villafuerte ang pag-asa natin."

Pagkatapos noon ay iniwan niya rin ako.

Naiwang mag-isa sa sala.

Napatingin ako sa kisame at mariing ipinikit ang mga mata.

Buwisit na buhay.

Ang tanda ko na pero hindi ko pa rin magawang magdesisyon para sa sarili ko.

At lahat ng ito...

Kasalanan ng babaeng iyon.

Kung hindi siya dumating, hindi sana nagalit si Dad.

Hindi sana nagkaroon ng problema.

Humanda ka talaga sa akin, Shanaia Villafuerte.

Sa susunod na magkita tayo...

Pagbabayaran mo ang ginawa mo.

---

SHANAIA ISABELLE

"Arie, magpahinga ka na."

Patuloy akong nagbo-blower ng buhok habang nakatingin sa salamin.

"Ipinahanda ko na ang guest room para sa'yo. Katabi lang ng kuwarto ko."

Nag-bow muna si Arie bago ngumiti.

May lahing Korean siya kaya nakasanayan na niya iyon.

"Sige po, Miss Shanaia. Good night."

"Good night."

Pagkaalis niya ay tinapos ko ang pagpapatuyo ng buhok ko bago lumabas ng kuwarto.

Diretso akong nagtungo sa silid ni Shally.

Hindi pa man ako nakakatok nang maayos ay bumukas na agad ang pinto.

At sumalubong ang pamilyar niyang ngiti.

"Can I sleep here tonight?" tanong ko.

Lalong lumawak ang ngiti niya.

"Of course, Ate!"

Agad niya akong hinila papasok.

Napatingin ako sa kabuuan ng kuwarto.

At napangiti.

Walang nagbago.

Pareho pa rin ng itsura noong iniwan ko ito tatlong taon na ang nakalipas.

"Hindi mo pa rin binabago."

Napatingin siya sa paligid.

"Ito kasi yung design na tayong dalawa ang gumawa."

Ngumiti siya.

"Maraming beses ko nang gustong ipa-renovate pero gusto kong kasama ka."

Bahagyang kumirot ang dibdib ko.

"Tulad noong nandito ka pa."

Napayuko siya.

"Noong hindi mo pa ako iniiwan."

Tahimik akong lumapit at niyakap siya.

Mahigpit.

Dahil alam kong kahit kailan ay hindi ko mababawi ang tatlong taong nawala sa amin.

"I missed you so much, Ate."

Mas humigpit ang yakap niya.

"Kung may magandang naidulot man ang arranged marriage na ito, iyon ay ang pagbalik mo."

Napapikit ako.

"Wag kang mag-alala."

Hinaplos ko ang buhok niya.

"Sa susunod kong pagbalik sa London, kasama ka na."

Bigla siyang napaatras.

"Talaga?!"

Tumango ako.

"Talaga."

Ngunit agad ding nawala ang saya sa mukha niya.

"Paano ang kasal?"

Napayuko siya.

"Paano kung kasal na ako bago ka bumalik sa London?"

Hinawakan ko ang kamay niya.

Hindi ako nag-atubiling sagutin siya.

"Hindi mangyayari iyon."

Tumingin siya sa akin.

"Nobody can force you into a marriage you don't want."

Ngumiti ako.

"Ako na ang bahala."

Muling yumakap sa akin si Shally.

At sa pagkakataong iyon, ramdam kong kahit papaano ay nabawasan ang bigat na dinadala niya.

Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na rin siya.

Tahimik akong bumangon at lumabas sa veranda.

Mula roon ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isang tao.

Mabilis niyang sinagot ang tawag.

"Akala ko hindi ko na maririnig ang boses mo bago ako matulog."

Napailing ako.

"Tsk. May ipapagawa ako sa'yo."

"Naku. Kapag ganiyan ang bungad mo, alam kong trabaho na naman."

"Kailangan ko ng impormasyon tungkol sa mga Parker."

Saglit siyang natahimik.

"Yung pamilya ng lalaking ipapakasal kay Shally?"

"Yes."

"Bakit?"

May bahid ng panunukso ang boses niya.

"O baka naman interesado ka sa anak?"

"What the hell, Clayton."

Napairap ako.

"It's not like that."

Tumawa siya.

"Then why?"

Napatingin ako sa madilim na kalangitan.

"May mali."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magkaroon ng arranged marriage sa pagitan ng pamilya namin at ng mga Parker."

"Maaari namang business partnership."

"Impossible."

Mabilis ang sagot ko.

"Malawak na ang negosyo ng pamilya namin."

"Then maybe they want to strengthen the bloodline."

Napailing ako.

"Then why the Parkers?"

Tahimik siya.

May punto ako.

Hindi pamilya ng matalik na kaibigan ni Dad ang mga Parker.

Hindi rin sila kabilang sa mga pamilyang madalas naming nakakasalamuha.

Kaya bakit sila?

"Sige," saad ni Clayton. "I'll look into it."

"Tomorrow."

"Bossy as always."

"Clayton."

"Fine. Tomorrow."

Napangiti ako.

"Thank you."

"Anything for you."

Pagkatapos noon ay pinatay ko na ang tawag.

Muli akong tumingin sa madilim na kalangitan.

At sa unang pagkakataon mula nang makarating ako sa mansiyon, may kutob akong may mas malalim na dahilan sa likod ng kasal na ito.

Parker...

What are you really up to?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Greatest Inheritance   Special Chapter 2

    Sana'y bumuka na lang ang lupa sa kinatatayuan ko at tuluyan akong lamunin.Sa lahat ng klase ng kahihiyan na puwedeng maranasan ng isang tao, ito yata ang pinakamasakit—ang mapagtanto mong sa loob ng limang taon mong paghihintay, maling akala pala ang pinanghawakan mo.At ngayon, nakaupo ako sa harap ng babaeng limang taon kong hinanap, habang pilit na pinapakalma ang sarili ko dahil kanina lang ay halos gumawa ako ng eksena dahil nakita ko siyang kasama ang ibang lalaki.Ang tanga mo, Ethan.“Ba't yukung-yuko ka diyan?” tanong ni Shanaia. Kasunod noon ay marahang niyang inilapag ang tray sa mesa. “Baka mabali na yang leeg mo.”Napilitan akong tumingala. Sandali lamang. Dahil nang magtama ang mga mata namin, agad ko ring ibinaba ang tingin ko sa baso ng juice na nasa harapan ko.Hindi ko kayang titigan siya. Hindi matapos ang ginawa ko.“Salamat... sa juice,” mahina kong sambit.Kinuha ko ang baso at walang-isip na ininom ang laman nito nang diretso. Para bang kapag nalunok ko ang ju

  • His Greatest Inheritance   Special Chapter 1

    The alcohol burned my throat.One bottle. Two. Three.Hindi ko na mabilang. Pero kahit gaano karami ang maubos ko, parang wala pa ring epekto. Siguro dahil mataas ang tolerance ko sa alak. O baka naman dahil mas matapang ang sakit na nararamdaman ko kaysa sa kahit anong alak sa mundong ito.I closed my eyes and laughed bitterly.Ang tanga mo, Ethan. Sana hindi ka na lang nagsinungaling kay Dad. Sana hindi mo sinabi na ibibigay mo sa kaniya si Nathan. Sana hindi ka natakot. Sana...Napamura na lang ako sa isip. Napakawalang-kuwenta mo."Kuya Eth-Napalingon ako sa pinto. "Shally."Halos mapaatras siya nang makita ang mga bote ng alak na nagkalat sa sala."What's happening to you, Kuya Ethan?""Just..." Tinungga ko ang laman ng bote. "Drinking.""Yeah, I can see that!" napataas ang boses niya. "Ang tinatanong ko, bakit ka naglalasing? Anong nangyari?"Hindi ako sumagot. Wala akong lakas. Wala rin akong alam kung paano ipapaliwanag ang pagkawasak ng buhay ko sa iilang salita.Bigla siyan

  • His Greatest Inheritance   Epilogue ( Last part )

    Sa paglipas ng araw, kahit papaano ay umaayos ang lagay ni Shanaia ayon sa doctor. Matapos nga ng mahigit isang buwan ay inilipat na siya sa VIP room. Akala ko sa private room lang dahil iyon ang nirequest ko pero yung doctor na nagpakilalang kaibigan ni Shanaia ay nag insist na sa VIP siya ilalagay. Ayos lang naman sakin kaya hinayaan ko na lang.“Kailan kaya siya magigising, doc?” -tanong ko habang hawak-hawak ang kamay ni Shanaia.“Hindi ko alam ang exact date pero sa tingin ko ay hindi na tatagal ng sobra bago siya magising. All we can do now is to wait.” -sagot niya at tumango na lang ako.Maya-maya ay nagpaalam na rin siyang aalis na. Hinatid siya ni Shally sa labas at nang bumalik ito ay hindi ko inaasahan ang taong nakasunod sa kaniya. Anong ginagawa niya dito?Madali akong napatayo at inayos ang sarili. Nagtatanong ang mga matang nilingon ko si Shally pero nagkibit balikat lang siya. “M-magandang araw po...s-sir.” -nauutal kong bati.“Is that how you greet your father-in-law?

  • His Greatest Inheritance   Epilogue ( Part 2 )

    Ethan's POVI did everything I could. I fought for her. I stayed. I learned how to love her the way she deserved. And somehow...it became enough.She never filed the annulment. We stopped being husband and wife only on paper. We became a real family. Little by little, she learned to love me back.The affection I used to beg for came naturally now-a good morning kiss, a worried glance whenever I worked too late, her hand finding mine without thinking.Those small things became my greatest victories. Even when the scandal about me and Jhade spread across the company, she never doubted me.Almost everyone believed the photos. She didn't. I'd forgotten that my wife was smarter than anyone gave her credit for. No one could fool Shanaia Villafuerte.Life wasn't perfect. Dad stripped Shanaia of her position as CFO. Then he removed me as CEO.But none of those losses compared to what came next. Because then... Shanaia told me she was pregnant. And for the first time in my life, I understood w

  • His Greatest Inheritance   Epilogue ( Part 1 )

    Unexpected meeting... Unexpected marriage...I was supposed to marry Shally Marie but instead, I married Shanaia. Marrying her is like a nightmare to me...at first. She's emotionless...expressionless...distant. Shanaia never smiled at me. She never smiled to anyone but to her sister only. I don't care, though! Because she's just nothing to me. Nagpakasal man kami pero sa papel lang kami mag-asawa."Unang-una, kinasal man tayo pero mag-asawa lang tayo sa papel. Wag mong kakalimutan na nagpakasal lang tayo para sa negosyo. Wag mo akong papakialaman at hindi rin kita papakialaman. Gagawin ko lahat ng gusto ko at hindi mo ako puwedeng pagbawalan. Lastly, hindi ka puwedeng ma-inlove sakin." -seryoso kong sabi sa kaniya."Okay." -tangi niyang sagot at sa walang ganang tono pa. Like what the hell! Ang haba ng sinabi ko pero iisang salita lang ang magiging tugon niya. Para niya naring sinabi na walang kuwenta yung sinabi ko. Kaya nga mas lalo pang nadagdagan ang inis na nararamdaman ko para s

  • His Greatest Inheritance   Chapter 66

    SHANAIA ISABELLE“Mommy, I'm done!”Napahinto ako sa pagdi-diaper kay Caleb nang marinig ang malakas na sigaw ni Nathan mula sa loob ng banyo.“Saglit lang!” balik-sigaw ko, mas mahina kaysa sa boses niya.Tinapos ko munang ayusin ang diaper ni Caleb bago ko siya iniwang nakahiga sa kama. Dinampot ko ang tuwalya ni Nathan at agad siyang pinuntahan sa banyo.“Nathan,” mahinahon kong sabi habang ibinabalot sa kaniya ang tuwalya, “ilang beses ko nang sinabi sa'yo na huwag sumigaw nang ganyan?”Agad na lumungkot ang mukha niya. “Sorry, Mommy.”Napailing ako habang marahang pinupunasan ang buhok niya. “Just don't do it again, okay? Kapag inulit mo pa, magagalit na talaga ako. Understand?” Mabilis siyang tumango. “Good.”Ngumiti siya bago mabilis akong hinalikan sa pisngi. “I love you, Mommy!”Hindi ko napigilang mapangiti. “I love you too.”Binuhat ko siya palabas ng banyo kahit nakabalot pa rin siya sa tuwalya.“Ghad, Nathan,” natatawa kong sabi. “Mukhang kailangan na kitang i-diet.”Napa

  • His Greatest Inheritance   Chapter 04

    ETHAN GREYKulang na lang ihagis ko ang laptop ko sa pader dahil sa sobrang inis.Halos isang oras nang naka-loading ang hinahanap kong impormasyon, pero wala pa rin akong napapala."Nakakabwisit ka talaga!"Muli kong pinindot ang refresh button.Loading.Loading.Loading.At nang tuluyan itong mat

  • His Greatest Inheritance   Chapter 03

    KYLER EZEKIEL“Pwede ba?! Mamaya ka na mangulit! May ginagawa ako!”Irritado kong pinindot ang end call bago tuluyang pinatay ang cellphone ko. Isinuksok ko iyon sa bulsa ng suot kong jeans at napabuntong-hininga.Buwisit na lalaki.Alam nang tatlong taon na akong tumigil sa pambababae, pilit pa ri

  • His Greatest Inheritance   Chapter 02

    SHANAIA ISABELLE Alas-singko y medya pa lamang ng madaling-araw nang magising ako. Sa tabi ko, mahimbing pa ring natutulog si Shally. Nakatalikod siya habang yakap ang unan na para bang wala siyang iniisip na problema sa mundo. Napangiti ako nang bahagya. Kapag ganitong oras ako nagigising, ala

  • His Greatest Inheritance   PROLOGUE

    LONDON"F*ck that marriage!"Galit na galit na napasigaw si Shanaia nang makarating sa kanya ang balitang ipapakasal ng kanyang mga magulang ang nag-iisang kapatid na si Shally."She's still studying! Are they really going to ruin my sister's life?" gigil niyang dagdag.Tahimik na nakatayo sa harap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status