Share

His Greatest Inheritance
His Greatest Inheritance
Author: Your_LittlePen

PROLOGUE

last update publish date: 2026-06-11 12:23:57

LONDON

"F*ck that marriage!"

Galit na galit na napasigaw si Shanaia nang makarating sa kanya ang balitang ipapakasal ng kanyang mga magulang ang nag-iisang kapatid na si Shally.

"She's still studying! Are they really going to ruin my sister's life?" gigil niyang dagdag.

Tahimik na nakatayo sa harap niya si Arie, ang pinakatapat at pinakapinagkakatiwalaan niyang tauhan.

"After graduation pa naman daw po gaganapin ang kasal ni Miss Shally," maingat nitong paliwanag.

Hindi iyon nakapagpabawas ng galit ni Shanaia.

"I don't care." Mariin niyang ibinagsak ang hawak na folder sa mesa. "Hindi pa rin ako papayag. Buti sana kung mahal ng kapatid ko ang lalaking ipapakasal sa kanya. Pero hindi. It's a fixed marriage." Napailing siya. "They probably don't even love each other. Worse, baka hindi pa nga sila magkakilala."

Agad niyang kinuha ang cellphone at nag-dial ng numero. Isang ring pa lamang ay sinagot na ito.

"Hey, baby," masayang bungad ng lalaki sa kabilang linya. "Napatawag ka?"

"Ready yourself," diretsahang sabi ni Shanaia. "And prepare your private plane." Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan. "I need you."

"Saan tayo pupunta?"

"Philippines."

---

PHILIPPINES

Komportable ang pagkakaupo ni Ethan Parker sa kama habang ini-scroll ang I*******m account ni Shally Villafuerte. Muli niyang tiningnan ang larawan ng dalaga.

Pretty.

Simple.

At mukhang wala ring interes sa arranged marriage na ipinipilit sa kanila.

Biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid.

"Hi, son. Busy ka ba?"

Napatingala siya at nakita ang kanyang ina na may dalang paper bag.

"What brings you here, Mom?"

Lumapit ito at iniabot ang dala.

"Nakalimutan mo na ba?" nakangiting tanong nito. "Ngayon ang punta natin sa mansion ng mga Villafuerte para pag-usapan ang kasal ninyo." Tumigil ito sandali bago idinagdag, "That's why I bought you a new suit."

Tiningnan ni Ethan ang laman ng paper bag. Totoo nga.

Suit.

"Bakit pa? Ang dami ko nang suit sa closet."

"Wala akong pakialam." Tumaas ang kilay ng kanyang ina. "At mas mabuti nang kumilos ka na. Thirty minutes. That's all I'm giving you."

Pagkasabi noon ay lumabas na ito ng silid.

Napabuntong-hininga si Ethan. "Great."

Inihagis niya ang cellphone sa kama bago pumasok sa banyo.

---

Eksaktong tatlumpung minuto ang ibinigay ng kanyang ina, kaya mabilis siyang naligo. Alam niyang kapag lumampas siya sa oras, kahit hindi pa siya tapos mag-ayos ay papalabasin siya nito ng kuwarto.

Matapos ang labinlimang minutong shower, lumabas siya ng banyo at nagtungo sa walk-in closet. Nagtagal siya sa pagpili ng necktie.

Pagkatapos masigurong maayos ang kanyang itsura, saka siya lumabas ng silid.

"Sir, hinihintay na po kayo nina Ma'am at Sir sa labas," bati ng kasalubong niyang maid.

Tinanguan niya ito.

Pagdating niya sa labas, agad siyang sinalubong ng malamig na tingin ng kanyang ina. "Lumagpas ka ng pitong minuto sa binigay kong oras."

"Whatever, Mom."

Sumakay na lamang siya sa sasakyan. Naupo siya sa passenger seat habang nasa likuran ang kanyang mga magulang.

"Behave yourself once we get there," seryosong sabi ng kanyang ama. "Ayokong mapahiya sa mga Villafuerte."

Hindi na siya sumagot. Tahimik na lamang siyang tumingin sa bintana habang umaandar ang sasakyan.

Bakit ba kasi naimbento ang arranged marriage?

Mas gugustuhin pa niyang gumala kasama ang mga kaibigan kaysa dumalo sa meeting na ito. Ngunit wala siyang pagpipilian.

Nakasalalay sa kasalang iyon ang malaking bahagi ng mana na iiwan sa kanya ng kanyang mga magulang.

---

Halos tatlumpung minuto ang lumipas bago sila makarating sa Villafuerte Mansion.

Pagbaba pa lamang niya ng sasakyan ay napamangha na si Ethan.

Napakalaki.

Napakagara.

At halatang nag-uumapaw sa yaman.

Isang tauhan ang naghatid sa kanila papasok.

Kasabay ng kanilang pagpasok sa malawak na sala ay ang pagbaba sa hagdan nina Mr. at Mrs. Villafuerte kasama si Shally. Bahagyang nakayuko ang dalaga habang naglalakad.

"Mr. Parker," masayang bati ni Mr. Villafuerte habang nakikipagkamay sa kanyang ama. "I'm glad nakapunta kayo."

"Please, have a seat."

Naupo silang lahat sa magkaharap na sofa.

Habang abala ang matatanda sa pag-uusap tungkol sa negosyo, si Ethan naman ay lihim na pinagmamasdan si Shally.

Tahimik lamang ito.

Magkasalikop ang mga kamay.

Halatang hindi komportable.

Maya-maya ay napasulyap ito sa kanya ngunit mabilis ding umiwas ng tingin.

Napangisi si Ethan.

Mukhang pareho silang walang gana sa kasalang ito.

---

"Dalawang taon pa bago makagraduate si Shally," paliwanag ni Mr. Villafuerte. "Kaya napagdesisyunan naming pagkatapos na lamang ng graduation ang kasal."

"Gusto naming makapag-focus muna siya sa pag-aaral."

Agad namang sumimangot ang ina ni Ethan. "Two years? Isn't that too long?"

Napatingin si Ethan kay Shally bago nagsalita. "Why don't you ask her?" Nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya. "Tutal kami naman ang ikakasal." Ngumiti siya nang bahagya. "What do you think, my soon-to-be wife?"

Napatigil si Shally. Parang hindi nito alam kung ano ang isasagot.

Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan ay mahina itong nagsalita. "Hintayin po muna natin si Ate, Daddy."

Napakunot-noo si Ethan.

Ate? May kapatid pala ito?

Bakit wala siyang nakita kahit isa sa social media nito?

"Busy ang ate mo sa London," sagot ni Mr. Villafuerte. "Marami siyang inaasikasong kumpanya."

"Pero kailangan ko siya." Pilit na tumingin si Shally sa ama. "I'm sure uuwi siya kapag nalaman niyang kailangan ko siya. Please, Daddy."

"Shally—"

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Mr. Villafuerte.

Biglang bumukas ang napakalaking pinto ng mansion.

Sabay-sabay silang napalingon. At agad na nanlaki ang mga mata nina Mr. at Mrs. Villafuerte.

Isang babae ang dahan-dahang pumasok.

Nakasuot ito ng all-black outfit mula ulo hanggang paa.

Black boots.

Black clothes.

Black aura.

At kahit walang sinasabi, ramdam agad ang presensya nito.

"Ate!" Agad na tumakbo si Shally papunta rito. Ngumiti ang babae at niyakap ang kapatid. "I miss you, Ate."

"I miss you too, Ly."

Napanganga si Ethan.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero tila biglang nagbago ang atmosphere ng buong silid.

"Shanaia." Malamig na tawag ni Mr. Villafuerte.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ng babae. Naging seryoso ang ekspresyon nito.

Nagtagpo ang kanilang mga mata.

At sa loob lamang ng ilang segundo, ramdam ni Ethan ang tensyon sa pagitan nilang mag-ama.

Parang may matagal nang digmaan na hindi pa natatapos.

"Shally." Hindi inaalis ni Shanaia ang tingin sa ama habang nagsasalita. "Magpasama ka sa maid. Dalhin mo sa kuwarto ko ang mga gamit ko."

"Opo, Ate."

Kinuha ni Shally ang maleta.

"Pagkatapos mong ihatid ang gamit ng ate mo, bumalik ka rito," utos ni Mr. Villafuerte.

"No." Mariing sagot ni Shanaia. "You stay there." Tumigas ang kanyang boses. "Huwag kang babalik hangga't hindi ko sinasabi."

"Opo, Ate."

At walang pag-aalinlangang sumunod si Shally.

Tahimik na pinanood ni Ethan ang pag-akyat nito sa hagdan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasasaksihan.

Isang ama na halatang kinakabahan. At isang anak na tila handang kalabanin ang buong mundo para sa kanyang kapatid.

Doon lang tuluyang nag-sink in sa kanya ang lahat.

Kaya pala ayaw pauwiin ni Mr. Villafuerte ang anak niya mula London.

Kasi...

pipigilan nito ang kasal.

Napasinghap siya.

Paano na ang mana ko kapag nagkataon?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Greatest Inheritance   Chapter 56

    SHANAIA ISABELLEMay mga sugat na kayang paghilumin ng panahon. Pero mayroon ding mga sugat na kahit araw-araw mong piliting takpan, nananatili pa ring sariwa sa tuwing maaalala mo kung paano nagsimula ang lahat.Isa na roon si Claire.Para ko na siyang nakababatang kapatid. Kahit nagkaroon kami ni Kyler ng magulong nakaraan, hindi iyon naging hadlang para magbago ang pakikitungo namin sa isa't isa. Ate pa rin ang tawag niya sa akin. Kaibigan at kapatid pa rin ang turingan namin.Kaya mas masakit tanggapin na alam pala niya ang lahat.Na habang nakangiti siya sa harap ko, bitbit na pala niya ang katotohanang muntik nang pumatay sa amin ng anak ko.Naipakulong si Kyler kasama ang mga lalaking kasabwat niya sa pagpaplano ng aksidenteng iyon. Hindi siya lumaban. Hindi rin niya itinangging siya ang may kagagawan ng lahat. Tahimik niyang tinanggap ang sentensiyang habambuhay na pagkakakulong dahil sa kasong attempted murder, bagaman may posibilidad pa rin siyang makalaya balang araw kung p

  • His Greatest Inheritance   Chapter 55

    SHANAIA ISABELLE"Claire..." I called softly, my voice trembling despite my effort to remain composed. "Ano ba ang kailangan kong malaman? Please... sabihin mo na. Naguguluhan na ako."Ramdam kong bahagyang humigpit ang pagkakahawak ni Ethan sa magkabila kong braso. "Hon," mahinahon niyang bulong sa likuran ko, marahang hinihimas ang aking mga balikat, "calm down."Tumango ako nang bahagya, ngunit hindi maalis ang kaba sa dibdib ko.Biglang nagsalita si Jhade. "Ilang beses na naming sinabi kanina, pero uulitin ko ulit." Isa-isa niyang tiningnan sina Claire at Kyler. "Kakagising lang ni Isabelle. At higit sa lahat, buntis siya. She needs rest... not stress." Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. "Kaya kung anuman ang sasabihin mo, Claire... sabihin mo na."Napasinghap si Claire. Ngunit bago pa siya makapagsalita—"You heard her." Malamig na boses ni Kyler ang pumuno sa silid. "Kailangan ng pahinga ni Shanaia. At ang sasabihin mo ay—""Si kuya ang nagplano n'on!"Naputol ang sasabi

  • His Greatest Inheritance   Chapter 54

    SHANAIA ISABELLENakasisilaw na liwanag ang unang sumalubong sa akin nang unti-unti kong imulat ang aking mga mata. Napapikit agad ako. Parang may libo-libong karayom na tumutusok sa aking paningin dahil sa sobrang liwanag.Ilang segundo muna akong nanatiling nakapikit habang pilit na inaalala kung nasaan ako... kung bakit napakabigat ng buo kong katawan... at kung bakit parang kahit ang simpleng paghinga ay nakakapagod.Dahan-dahan kong sinubukang muling dumilat. Sa pagkakataong ito ay mas maingat.Unti-unting luminaw ang puting kisame sa itaas ko. White ceiling... White walls... May mahinang tunog ng ECG monitor na paulit-ulit na pumipintig sa paligid.Hospital... Nasa ospital ako.Bigla akong natigilan. Hospital... My baby.Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko.The accident... The truck... The blood... Clayton... Hindi... Hindi iyon aksidente. Someone planned it.Mabilis kong gustong kapain ang tiyan ko ngunit nang subukan kong igalaw

  • His Greatest Inheritance   Chapter 53

    SHANAIA ISABELLETahimik kong pinagmamasdan si Arie habang inaayos niya ang maliit niyang bag sa sala. Halata sa kilos niya ang pagod—hindi lang pisikal, kundi pati emosyonal. Kahit ilang araw na siyang nanatili sa Maynila, wala pa ring nagbago. Hindi pa rin niya nakumbinsi si Clayton na tanggapin ang batang dinadala niya.Napabuntong-hininga ako bago tuluyang nagsalita. "Ako na ang bahalang kumausap kay Clarkson," sabi ko habang nakatingin sa kaniya. "Paghahanapin ko muna siya ng temporary secretary para may tumulong sa kaniya sa office. Ikaw naman... alagaan mong mabuti ang sarili mo."Nag-angat siya ng tingin at agad na ngumiti, kahit halatang pilit iyon. "Huwag po kayong mag-alala, Ma'am Shanaia," mahina niyang tugon. "Pagkapanganak ko, babalik na agad ako sa London."Kaagad akong umiling. "No, Arie." Bahagya siyang natigilan. "Hindi ako papayag.""Bakit po?""Dahil mas kailangan ka ng anak mo kaysa ng kumpanya." Natahimik siya. Lumapit ako at marahang hinawakan ang kaniyang kamay

  • His Greatest Inheritance   Chapter 52

    SHANAIA ISABELLEThe aroma of freshly brewed coffee lingered in the air, blending with the soft hum of conversations inside the café. Around us, people continued with their own lives—laughing, chatting, typing on their laptops—as if nothing significant was happening.But at our table... It felt as though time itself had stopped. I couldn't even remember how long we had been sitting there.One minute. Five. Or maybe longer.Neither of us spoke. Neither of us looked away. We simply stared at each other, silently waiting for someone to break the suffocating silence between us.In the end... Ako rin ang unang sumuko."Hindi ka ba magsasalita?" mahinahon kong tanong.Bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi niya, ngunit walang init ang ngiting iyon. "Ikaw ang nag-ayang makipagkita," malamig niyang tugon. "Tapos aasahan mong ako ang unang magsasalita?" His voice... It was calm. Too calm. And somehow, that hurt more than if he had shouted at me. "Ikaw ang may gustong sabihin, hindi ba?" dugt

  • His Greatest Inheritance   Chapter 51

    SHANAIA ISABELLEThe first thing I felt wasn't the warmth of the morning sun filtering through the curtains. It was someone's warm breath brushing lightly against my ear."Hon..." His voice was low and gentle."So sleepy..." I mumbled, burying my face deeper into the pillow."Wake up." I only answered him with an incoherent groan. "I've been trying to wake you up for almost thirty minutes.""Five more minutes...""You've been saying that every five minutes." A quiet laugh escaped him.I felt the mattress dip before a familiar hand gently brushed the loose strands of hair away from my face."Hon.""Hmm...""It's already lunchtime."I frowned without opening my eyes. "So?""So... you need to eat.""I'm not hungry.""That's exactly what pregnant women say before suddenly getting hungry.""I can eat later.""You also said that an hour ago."I let out another dramatic groan. "Ethan...""Hmm?""I want to sleep.""I know.""I love sleeping.""I know.""I love this pillow.""I know.""And I l

  • His Greatest Inheritance   CHAPTER 01

    ETHAN GREYNaupo si Shanaia sa single sofa sa gitna ng sala at isa-isang pinagmasdan ang mga taong naroon.Tahimik ang buong mansiyon.Hindi niya man lang sinulyapan ang direksyon namin. Para bang hindi kami kasama sa silid.Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, nagsalita siya. "Now... speak."

  • His Greatest Inheritance   Chapter 06

    ETHAN GREY Eksaktong alas-sais ng umaga nang magising ako. Gusto ko pang matulog. Mabigat pa ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi. Pero agad kong naalala ang sinabi ni Dad bago ako matulog. Pupunta kami ngayon sa mansiyon ng mga Villafuerte. Napabuntong-hininga ako at tumitig sa kisame. K

  • His Greatest Inheritance   Chapter 05

    ELI CLAYTONWala pang alas-siyete nang makarating ako sa office ko sa loob ng club. Habang hinihintay si Shanaia, inabala ko muna ang sarili ko sa pagbabasa ng mga impormasyong nakuha ko tungkol sa pamilya Parker. Nakapatong sa mesa ang makapal na folder habang isa-isa kong binabalikan ang laman ni

  • His Greatest Inheritance   Chapter 04

    ETHAN GREYKulang na lang ihagis ko ang laptop ko sa pader dahil sa sobrang inis.Halos isang oras nang naka-loading ang hinahanap kong impormasyon, pero wala pa rin akong napapala."Nakakabwisit ka talaga!"Muli kong pinindot ang refresh button.Loading.Loading.Loading.At nang tuluyan itong mat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status