Share

True Friend

"Bes!" tili ni Celine ng makapasok sa silid ni Jasmine. Kinse minuto rin ang hinintay ni Jasmine mula ng tumawag siya sa kaibigan.

Dali-daling tumakbo ito patungo sa kaniya. Ngumiti si Jasmine rito at niyakap ang kaibigan ng makalapit ito sa kaniya. Nang maghiwalay sila mula sa pagkakayakap. Tinitigan siya ni Celine at naupo sa upuan sa kaniyang tabi.

"Kamusta ka na? Pasensiya na naging abala ako nitong mga nakaraang araw. Kung hindi ka pa tumawag, hindi ko malalaman na nasa ospital ka." anito sa malungkot na boses. Ginagap niya ang kamay nito na nasa hita nito at pinisil iyon.

"Okay lang ako, pwede na ako umuwi bukas. At tsaka, okay naman na si baby kaya nagpapasalamat ako dahil doon. Okay lang, naiintindihan ko naman eh." aniya rito nang may masuyong ngiti sa mga labi.

"So, ano ang problema natin? Spill it para mapayuhan kita, dahil sa tingin ko yun ang kailangan mo ngayon." tanong nito. Napangiti siya. Maaasahan talaga si Celine.

Napakagat-labi siya nang maalala ang mga nangyari
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status