Share

His Innocent Secretary
His Innocent Secretary
Author: mindfreaklessly

Chapter 01

last update Last Updated: 2023-06-08 12:38:36

“Sure na ba kayo rito?” tanong ko sa mga kaibigan ko na nasa kabilang linya.

“Ano ka ba, Gian? Ngayon ka pa ba aayaw?” asik sa akin ni Ele ang pinakamainipin sa aming lahat siya rin ang palaging mainitin ang dugo, akala mo palaging may dalaw.

“Ano’ng meron? Saan ka ba pupunta Gian? Ba’t ‘di mo kami sinama?” si Made naman ang naguguluhang nagtanong, sa aming lahat siya naman ang mabagal makaintindi, low-gets kung baga.

“Alam mo Made minsan talaga tutulungan kitang linisan ang turnilyo mo sa utak para naman mag-function ng maayos!” reklamo naman sa kaniya ni Cali ang mataray sa lahat pero palabiro madalas.

“Talaga?!” excited na sagot naman ni Made, “Ano bang kailangan para makabili ako? Katulad ng sabon ‘yong mabula bibilhin ko para malinis talaga tapos bibili din ako ng fabric conditioner para mabango. Ano pa ba? alam ko na kailangan din ng brush ‘di ba? Para lang maglalaba lang gano’n. Yey! Excited ako.” Napailing na lang ako habang pinapakinggan ang pinagsasabi niya.

“Ewan ko sa ’yo! Masisiraan talaga ako ng ulo kapag ikaw kausap ko.” naiinis na sagot naman sa kaniya ni Cali.

“Edi mas masaya ‘yon! Pagkalinis mo ng akin, ‘yong sa ’yo naman lilinisan ko. Yehey! Excited na talaga ako! D’yan muna kayo ah bibili lang ako ng sabon!” magiliw na paalam nito.

“Sige lang, dumiretso ka na rin sa divisorya bili ka ng utak!” pagsang-ayon ni Ele.

“Meron ba do’n? Ang alam ko sa palengke ‘yon eh. Utak ba ng ano? manok, baboy, kalabaw o isda?” naguguluhan naman nitong sagot.

“Utak ng ipis, beh.” si Kylie naman ang sumagot, ang babae na mahilig sa mga social social media na ‘yan.

“Sige, magtatanong ako kay Aling Marites kung meron sila. Bye!” masayang paalam naman nito.

Masarap siya sakalin talaga promise.

“Parang sumakit bigla ulo ko, mygad!” reklamo pa ni Kylie.

“Hello! Andito pa kaya ako!” nakakangawit na kasi maghawak ng phone sa may tainga, saka ang lalakas ng mga boses nila kaya medyo nakakabingi. Kailangan pang ilayo sa tainga ang phone dahil baka ‘yon pa ang dahilan ng pagkasira ng eardrums ko. “Ano? Kayo-kayo na lang ba mag-uusap? Nakakahiya na kaya dito,” paliwanag ko pa.

Narito kasi ako sa labas ng malaking kompanya na ‘to. Pinagtitinginan na ako ng mga empleyado rito. Bakit ba kasi pumayag ako sa ganitong kalokohan?

“Inaarte mo d’yan? Wala nang atrasan ‘to. Sige na, pumasok ka na.” Sermon ni Ele sa kabilang linya.

“Kailangan ba talaga ‘to?” paninigurado ko, mamaya prank lang pala ‘to nagpa-uto naman ako.

“Mukha ba akong clown ha?!” this time naubusan na nga ng pasensya si Ele.

“Go, Gian! Galingan mo, ah. Sundin mo lahat ng sasabihin sa ‘yo. Maniwala ka sa ‘kin. H’wag mo kalimutang kumembot, ah. ‘Yong tinuro ko din sa ’yo na lakad na parang model. Saka medyo landian mo kapag ginawa mo ‘yon, sinasabi ko sa ’yo tanggap ka kaagad!” nakakasigurong habilin sa akin ni Cali.

“Siguradohin mo lang na gagana ’yan, ah. Lagot ka sa akin pag napakahamak ako dito,” paninigurado ko, mahirap na baka mapahiya ako, eh.

“Sure ‘yan! Ano ka ba? Gamay ko na ‘yan, ‘no. Gan’yan kasi gusto ng mga lalaki ngayon!” pagtitiyak niya pa.

“Oh, sig-”

“Good luck, bye!” sabay-sabay na sabi nila pagkatapos no'n ay binabaan na ako ng linya.

Bumuntong-hininga muna ako habang nakatingin sa harapan ng malaking kompanyang ‘to.

“Javier Construction Engineering Corporation.” Pagbasa ko sa isip lang sa pangalan ng kompanya na kapag napatingin ka sa gawi nito ay iyon agad ang mapapansin mo.

Pinahapyawan ko muna ang suot kong Floral Lace na blouse na p-in-artner-an ng Mustard Front Flap Detail Belted H-Line Skirt. Si Cali ang pumili sa suot kong ‘to. Sa amin kasi siya ang fashionista, hindi kasi ako magaling pumili ng mga sinusuot saka wala akong hilig sa ganito lagi nga nila akong sinasabihan na para akong manang sa paraan ko ng pananamit.

Sanay kasi ako na balot na balot ang katawan ko ‘di ako komportable sa mga suot na masyadong ma-e-expose ang katawan ko. Kahit ngayon ay ‘di pa rin ako komportable sa suot ko lalo na kapag may mga dumadaan na tao sa paligid ko na halos gusto ng idikit ang mata sa katawan ko sa paraan ng pagtitig nila.

Nang sa palagay ko ay ayos na ang itsura ko ngumiti ako sa kawalan at nagsimula na akong maglakad pataas ng hagdan, may pito kasing palapag ng hagdan bago makarating sa entrance ng kompanya.

“Hi, Miss!” bati sa akin ng guard.

“Um. Hello po, Manong guard,” nahihiyang bati ko rin sa kaniya pabalik.

“Ano pong sa atin, Miss?” mahinahon na tanong niya.

“Ah. Haha. Mag-a-apply po akong secretary, ito po ‘yong resume ko.” pag-abot ko sa kaniya ng resume na ginawa ni Kylie.

“Ah, sige Miss, umakyat na lang po kayo sa 11th floor, isa lang po ang room do'n. Sakto nando'n po si Sir,” masayang dugtong pa niya.

“Sige po, salamat po,” nahihiya pa rin na sagot ko.

“Walang anuman, Miss. Ayusin niyo lang po ang pakikipag-usap niyo kay Sir Javier, Miss. Mukhang mainit pa naman ang ulo no’n,” habilin niya pa.

“Si Manong guard naman, eh!” reklamo ko kaagad sa kaniya. “Tinatakot mo naman po ako, eh!”

“Nagsasabi lang po ako ng totoo, Miss,” natatawang sagot naman nito.

Kamot-kamot ako sa noo ng iwanan ko si Manong at naghanap ng elevator, pagkahanap ko ay pinindot ko ‘yon at hinintay na bumukas. Pagkabukas ay tumambad sa akin ang isang lalaking naka-formal attire at ang elevator girl, pumasok na ako.

“11th floor!”

“Sa floor number eleven po, Ate!” sinabi ko sa elevator girl kung saang floor ako lalabas, kasabay ko pang nagsalita ang lalaki.

Mag-a-apply din kaya siya? Sana ‘di siya matanggap, ako na lang dapat.

Napansin kong napatingin sa akin ang lalaki kasabay ang pagkunot ng noo niya.

“Who said that you can go at the 11th floor?” pagkakuwa’y tanong nito sa akin.

English speaking pa ang yawa, required bang magaling sa english? Patay! baka ‘di ako matanggap mahina pa naman ako sa pag-e-english.

“K-kailangan bang may parent consent bago pumunta do’n? ‘Di ako na-inform, eh,” napakamot ulit ako sa ulo ko. E 'di sasabihin ko na lang na wala na akong magulang kaya wala ako dalang parent consent. Totoo naman, eh. Wala naman talaga akong magulang.

“W-what? Who told you na p’wede kang pumunta ro’n?” pag-ulit niya ng mukhang naguluhan sa sinabi ko.

“E, do’n ka rin naman pupunta, sino ba nagsabi sa ‘yong p’wede ka pumunta do’n para makapagpaalam ako?” tanong ko sa kaniya.

“It's my own decision!” naiinis na sagot naman niya.

“Yon naman pala, eh. Gano’n na lang din ako. Sarili kong desisyon na pumunta do’n. Hehe, ano okay na?” katwiran ko naman.

“You can’t!” simpleng ma-awtoridad na sagot niya.

“Wow ha, para ano? Para ikaw lang ang makapag-apply at ikaw din ang makuhang secretary. Ulol!” naiinis na rin na sagot ko.

Ano siya si-ni-swerte?!

Gulat na nakatingin sa ’kin ang elevator girl at laglag pa ang panga niya. Ano kayang nangyari rito.

“Ate.” Pagtawag ko rito. “Bibig niyo po nakanganga, itikom niyo. Alam ko naman pong maganda ako, baka po kasi maglaway kayo, eh. O baka mapasukan ng mukhang . . .” sabay tingin ko sa lalaki.

“. . . Este langaw, kaya isarado niyo na, hehe!” natatawang saad ko lalo namang nanlaki ang mata niya pero sumunod naman siya sa akin na itikom niya ang bibig niya.

Iang saglit pa s’yang nakatitig sa ’kin bago inalis ang tingin at pahapyaw na umiling. Inggit siguro ‘to kasi mas maganda ako sa kaniya at mas maputi. Gano’n na ba ako kaganda para kainggitan.

“What did you say?” tanong bigla ng lalaki.

“Si Ate kausap ko, manahimik ka.” This time tinarayan ko na talaga siya, masyado na s’yang pa-epal eh.

Pasalamat siya g’wapo siya kaso negative pa rin siya sa akin pangit ugali, eh.

Pagkabukas ng pinto ay mabilis akong lumabas, narinig ko pa ang pagtawag sa akin ng elevator girl pero ‘di ko siya pinansin, tuloy-tuloy na akong lumabas at bumungad sa akin ang room na may nakasulat sa wall na, ‘Office of Zayne Andrius Javier’ kakatok na sana ako ng mapansin kong nasa tabi ko na pala ang lalaki.

Tatlong beses na akong kumakatok pero hindi pa rin bumubukas, ilang segundo na rin akong naghihintay pero wala pa rin talaga.

“Kung titignan mo lang ako’y napaka walang-kwenta mo pala!” sita ko sa lalaki, wala man lang kasing ginawa kun’di tumitig sa ’kin habang naka-krus pa ang mga kamay sa may dibdib. “Ikaw kaya kumatok para may maambag ka naman sa ekonomiya!” satsat ko pa kasabay ang ilang beses kong pagtaray.

“Keep rolling your eyes,” saad niya habang may kung anong kinuha sa bulsa niya at pagkaraan ng ilang segundo niyang pagkulikot do’n ay nilabas niya ang isang card. “Maybe you’ll find a brain back there.” Dagdag niya pa habang ini-swipe ang card sa may pinto pagkatapos no’n ay bumukas na ito at tuloy-tuloy na s’yang pumasok.

Naiwan naman akong nakanganga sa labas. “W-wait! What?” Mahinang pagkausap ko sa sarili ko “Totoo ba ‘to? Hindi kaya?” napatingin ulit ako sa pangalang nakadikit sa wall malapit sa kaliwang side ng pinto.

“. . . S-siya si Z-zayne!” Natapik ko ang sarili kong noo sa katangahan ko ngayong araw. “Siya si Zayne, Gian!b“Ang tanga mo self. Buset! Paano na ‘to? Anong gagawin ko? ‘Di ako nito tatanggapin panigurado. Hihingi na lang kaya ako ng tawad? Aishh. Tanga mo kasi, Gian. Ang tanga-tanga!” napalunok muna ako bago ako umayos ng tayo at pinipilit ko ang sariling pumasok sa loob.

Kailangan ko ‘tong job na ‘to. Bahala na!

“H-Hi, S-Sir!” nauutal kong bati sa kaniya pagkapasok ko, nanginginig na rin ang tuhod ko dahil sa kaba at hiya. Samantalang siya ay nakaupo habang pinaglalaruan ang ballpen sa mga daliri niya. Kunot-noong diretso ang titig niya sa akin. Mukhang inaasahan niya talagang papasok pa rin ako sa kabila ng pinagsasabi ko.

“Tell me about yourself?” nagulat ako ng agad siyang magtanong sa akin. Hindi man lang niya ako binati. Well, ano pang sense ng pagbati niya sa akin kung kawalang-hiya na ang nagawa ko sa kaniya. Hindi ko tuloy naintindihan ang sinabi niya.

“P-Po?” tanong kong muli.

“I only repeat the question, once.” Istriktong tugon niya na mas lalong nagpakaba sa akin. “Tell me about yourself?” pag-ulit niya sa tanong.

Ang sabi sa akin ni Cali dapat daw masagot ko agad ang tanong pero siguraduhin ko raw na may dating ang paraan ng pagsagot ko na parang nang-aakit. Kaya naman ang ginawa ko ay dahan-dahan akong lumapit sa harap ng table niya habang bahagyang kumikimbot ang bewang ko.

Kailangan daw parang model, eh. Nako! Cali, kapag ‘di ito gumana kakalbuhin talaga kita.

Medyo kataasan ang table niya pero dahil matangkad naman ako at mataas ang suot kong stilleto pinilit kong maupo ro’n sa mesa niya, inangat ko ng bahagya ang isa kong binti at ipinatong ‘yon sa isa pa. Hinawi ko rin ang buhok ko papunta sa kanang bahagi ng balikat ko para tumambad sa kaniya ang kaliwang parte ng leeg ko, bahagya ko rin pinadausdos ang daliri ko mula sa may leeg ko kunwari rin akong tumingala kasabay ang pagbaba ng kamay ko mula sa leeg papuntang balikat hanggang sa tuluyang makababa sa braso ko na pinatuloy ko pababa sa binti ko.

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko pero sinunod ko lang naman ang tinuro ni Cali, sana nga gumana.

Nang tignan ko siya ay saglit akong ngumiti pagkatapos ay bahagya ko rin kinagat ang pang-ibabang labi ko kasabay ang pagtitig ko sa kaniya “I’m Gianna Amelia Denise Belarde. You can call me Gian. I can do multitasking, I can do any job including blow job,” pauna kong sagot. ‘Di ko maintindihan kong ano ‘tong pinagtuturo sa akin ni Cali pero daw effective.

Napansin ko naman na parang bigla s’yang ‘di mapakali, umayos na rin siya sa pagkakaupo na parang kanina ay bagot na bagot na ngayon ay parang biglang nabuhayan at ginanahan.

Napapunas na rin siya gamit ang palad niya sa noo niya dahil bigla s’yang pinagpawisan. Nakakapagtaka naman dahil malamig naman sa loob ng office niya. “I’m at your service, moanday, tongueday, wetday, thirstday, freakday, sexday and suckday.” Pagkasabi ko no’n ay muli kong kinagat ang ibabang labi ko. Nagtaka ako dahil sabi sa akin ni Cali ay joke daw ‘yong sinabi ko panghuli pero bakit imbes na matawa si Zayne ay parang lalo s’yang ‘di napakali at napansin ko kung ilang beses siyang napalunok.

Sabi na nga ba hindi ‘to effective. Lagot baka magalit ‘to sa akin at paalisin ako rito. Sabi kasi ni Cali ay gagana raw ang joke na ‘yon mukhang na-corny-han naman si Zayne.

Bumaba na lang ako galing sa mesa at inosenteng tumayo sa may gilid. Napagmasdan ko pa rin ang ilang beses n’yang paglunok bago ako itinuro.

“Y-you can l-leave your resume here in the t-table.” Nauutal n’yang pagkasabi no’n, anong nangyari sa kaniya ba’t bigla s’yang nautal?

Dahan-dahan naman akong lumapit at ipinatong ang resume ko sa ibabaw ng mesa niya.

“Now, leave.” Mahinahon n’yang wika kaya mabilis ang tumango at naglakad palapit sa pinto. “You will start tomorrown. Be ready, Gian!” napatigil ako ng muli s’yang magsalita, gulat akong napatingin sa kaniya.

Totoo ba ‘to? Akala ko ‘di na niya ako tatanggapin. Effective nga.

“Please, l-leave.” Pakiusap niya pa sa akin, tumango naman ako at mabilis na lumabas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Innocent Secretary   Special Chapter VI

    “Sinabi ko bang paniwalaan mo ‘ko?” sarkastikong tugon ko sa kaniya.“Hayop ka, Zayne! Kaya mo ba talagang gawin ‘yan kay Gian? Mahal mo si Gian, Zayne! H’wag kang magpalamon sa galit mo, sa paghihigante mo! H’wag mo ‘yan gagawin kay Gian. Baka pagsisihan mo lang ‘yan, Zayne!” pag-k-kuwestiyon niya sa akin.“Gawin mo na ang dapat mong gawin, Andrius. H’wag kang magpapabilog sa babaeng ‘yan. Kompanya ang nakasalalay dito. Mamili ka! Buhay ng babaeng ‘yan o ang kompanya?” sabat pa ni Dad kaya muli akong bumaling kay Gian. “Iputok mo na, Andrius!” muli akong napalingon kay Dad.“Bilis!” nanginginig ang kamay ko habang kinakasa ang baril.“Hindi puwede!” akma ko na sanang ilalagay ang kamay ko sa trigger ng baril nang sumigaw ang kaibigan ni Gian. “H-Hindi mo siya puwedeng p-patayin Zayne d-dahil buntis si G-Gian! Buntis si Gian!” nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang iyon na bigla ako nanlamig.“H’wag mo sabihing maniniwala ka Zayne sa babaeng ‘yan! Niloloko ka lang n’yan, nililito ka lan

  • His Innocent Secretary   Special Chapter V

    “That woman doesn’t deserve your love. You don’t need to waste your time on someone who only wants you around when it fits their needs. Don’t turn a valuable rugby into a priceless gem, Zayne! Stop breaking your own heart by trying to make a relationship work that clearly isn't meant to work. Don’t lose yourself by trying to fix what's meant to stay broken. Do you understand? Now, stop! I will not give your phone back if you couldn’t realize what I mean.” Hindi niya nga binalik sa akin ang phone ko kaya nanahimik na lang ako.Nang maiuwi nila ako sa bahay ay pinalitan lang nila ako ng damit at umalis na rin sila.Nagising ako dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa bintana dahil hindi pala nakasara ang kurtina nito. Napahawak ako sa ulo ko matapos kong maramdaman ang pananakit nito. Napansin ko pa na iba na rin ang suot ko, kaya naman inisip ko kung ano bang nangyari kagabi hanggang sa maalala ko lahat-lahat, ultimo ang sinabi ni Aiden.“That woman doesn’t deserve your love. You don't

  • His Innocent Secretary   Special Chapter IV

    “Ano ibig-sabihin nito, Zayne? Hindi mo na ba ako itataboy? Okay na ulit tayo?” tanong niya sa akin pagkatapos kong hugutin ang pagkalalaki ko sa kaniya.Kunut-noo akong umiling-iling sa kaniya matapos niyang itanong ‘yon. “Of course not. Avery is already pregnant. I just did it to make you stop, okay? Pinagbigyan lang kita ngayon para tigilan mo na ako. Now leave permanently and don’t you dare to come back!” sinunod naman niya ang sinabi kong umalis siya. Nang tuluyan na siyang makaalis ay pagalit kong basta-basta na lang itinapon ang laman ng mesa ko, wala akong pakialam kung ano ang mga nahagis ko na kumalat na lang sa sahig. Matapos ‘yon ay napaupo na lang ako sa swivel chair.“I’m sorry, Gian . . . I'm sorry for hurting you like this. I just can't accept the fact that you choose to make love with my brother, I just can’t accept that you do this to me. Umasa ako, eh. Umasa akong enough na ako sa ‘yo! Umasa akong ‘di mo magagawa ito dahil lang sa nagawa ko, akala ko maiintindihan

  • His Innocent Secretary   Special Chapter III

    “What?!” gulat kong tanong dito. “But . . .”“No buts, Andrius! It’s important! You need to be here, as soon as possible!” hindi ko pa nasasabi ang dahilan ko ng pangunahan niya ako.Pero paano si Gian? May usapan kami, hindi puwedeng ‘di kami matuloy, hindi puwedeng ‘di ko siya puntahan, baka maghintay lang siya nang maghintay sa akin do’n. Hindi puwede ‘to!Tatawagan ko na sana si Gian kaso saktong pagbukas ko ng phone ko ay bigla na lang itong namatay. Hush! Wrong timing! Paano na ito?Lumabas na ako papunta sa parking lot para tignan kung nando’n ba sa sasakyan ko ang charger ng phone ko pero tanging nando’n lang ay ang power bank, ch-in-arge ko kaagad ang phone ko, naghintay ako ng ilang minuto para bumukas ang phone, kaso ‘yong power bank naman ang walang charge. Pinilit ko pang i-power on ang phone baka sakaling umabot pa, mabuti na lang ay nag-on pa ito. Una kong tinignan ‘yong message ni dad which is ’yong location kung saan ang meeting. Nag-t-type pa lang ako ng i-m-messag

  • His Innocent Secretary   Special Chapter II

    “Nagka-ex ka na ba, Sir?” I spilled the coffee I was drinking after she suddenly asked. Ang masama pa rito pati ang suot ko ay natapunan din.She apologized to me, but it was also her fault that she had suddenly ask questions. I went home with her. When we returned to the company, she went straight to her desk. I watched her while I was at my table. Drowsiness was obvious in her eyes as they were already started to close. And only just a few minutes later, she folded her arms and laid her head on it.I approached her to wake her up, but I stopped walking while staring at her as she slept. I bent down and slowly brought my face closer to her, I leaned down on the table as I suddenly stared at her innocent face.“I like watching you fall asleep. It is like watching a star fall from the sky,” I whispered as I took a few strands of her hair that were blocking her face and I place it behind her ear.Mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kaniya. “What a beautiful view. Sweet dreams!” matapos

  • His Innocent Secretary   Special Chapter i

    “Who’s this girl?” I asked myself as I watched the woman walk into this elevator.“11th floor.” I utter to the elevator staff in a calm voice.“Sa floor number eleven po, Ate.” The woman spoke with me at the same time, so I automatically looked at her again with a frowned face.“Who said that you can go to the 11th floor?” I asked her immediately. Sino ba siya para pumunta ro’n sa office ko?She was still pushing herself, she was still brave enough to argue with me even if I’ve said that she’s not allowed there. What a hard-headed, woman!Nauna pa talaga siya sa akin papuntang opisina ko. Ang lakas naman ng loob nito.“Kung titignan mo lang ako’y napaka walang-kuwenta mo pala!” siya na nga itong malakas ang loob na manguna sa akin, siya pa ang mas galit. Kung tutuusin ako dapat ang magalit kasi teritoryo ko ‘to. “Ikaw kaya kumatok para may maambag ka naman sa ekonomiya?” nang-utos pa nga.I shuddered as I stared at her wickedly. I took the key card from my pocket and immediately slid

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status