“I hate how Ele protect that bullshit! I mean, para sa kaniya ikaw ang nagmumukhang sinungaling. Naturingang kaibigan pero hindi man lang maasahan kapag kailangan,” reklamo pa nito habang nasa biyahe kami.“Okay lang ‘yon. Hindi naman natin sila mapipilit na maniwala sa akin, kailangan ko munang may patunay baka sakaling maniwala na sila.”Halos gabi nang makahanap kami ng condo, hirap kasi kami kung saan puwede kaya halos maubos ang limang oras namin sa paghahanap. Mayroon pang ilang condo owner na hindi kami pina-rent dahil nakilala nila ako. Ang dahilan nila ay ayaw nilang magalit ang ibang renter. Nag-drive thru na lang din kami ng pagkain kasi ‘di naman kami makakapagluto.“Paano pala ang trabaho mo?” tanong sa akin ni Cali na sumusubo ng pagkain.Napaisip muna ako bago siya sinagot “Papasok pa rin ako bukas, gusto kong ayusin ang sa amin ni Zayne. Kung maaaring gawin ko lahat ay susubukan ko para lang patawarin niya ako at h’wag n’yang paalisin sa kompanya.”Pagkagising ko nali
“H-Hindi! H-Hindi ako naniniwala, Zayne! S-Sinasabi mo lang ‘yan para lubayan na kita. Sinasabi mo lang ‘yan para makaganti ka sa nagawa ko. S-Sinasabi mo lang ‘yan dahil may nagawa akong mali. Sinasabi mo lang ‘yan dahil nasasaktan ka. N-Na dahil nasaktan kita. Pero alam kong mahal mo ‘ko,” hindi ko matanggap ang sinabi n’yang ‘yon kaya pinagpipilitan kong mahal niya ako.“Hibang ka na, Ms. Belarde? Hindi kita minahal. Kung iniisip mong minahal kita para sa anong dahilan naman, ha? Walang kamahal-mahal sa ’yo kaya walang dahilan para mahalin kita!” sa bawat salitang binibitiwan niya ay katumbas ng isang saksak sa dibdib ko ang idinudulot nito.“Pero hindi ‘yon ang pinaparamdam mo no’ng mga araw na ayos pa tayo, Zayne! Nadadala ka lang sa sitwasyon, galit ka lang kaya mo ‘yan nasasabi. Sigurado akong mahal mo ‘ko, alam ko ‘yon, ramdam ko!” wala akong magawa kung ‘di ipagpilitan na mahal niya ako. ‘Yon kasi ang nararamdaman ko. “Alam kong darating ‘yong araw na pababalikin mo ‘ko sa ko
Hinayaan kong pumatak ang mga luhang gustong kumawala sa akin. Wala na ako ibang magawa kung ‘di ang lumuha nang lumuha, sa ngayon ay ito na lang ang kaya kung gawin. Sobra akong nasasaktan, sobra-sobra na ang sakit na pinaparanas sa akin. Gusto ko ng matapos ito, gusto ko ng maging okay ang lahat. Gusto ko nang bumalik sa akin si Zayne.“A-Ate, oh?” napatingin ako sa harap ko ng may magsalita ro’n, bumaba ang tingin ko sa kamay n’yang may inaabot sa aking panyo, tinignan ko muna siya pabalik sa mukha niya. Bahagyang nakangiti ito sa akin at mahahamigan sa itsura niya na nahihiya siya. Dahan-dahan ko namang inabot ang panyong hawak-hawak niya. ”Thank you, uhm . . .” ‘di ko alam kung ano ang itatawag sa kaniya.“S-Sab na lang po,” sagot nito, mala-anghel ang boses niya sa tuwing magsasalita siya ay magandang pakinggan lalo pa’t parang anghel ang ayos niya. Simula sa pananamit niya, simpleng datingan niya, sa paraan ng pagsasalita niya, sa tipid n’yang pagkilos at may pagkamahinhin
“Ano ba ‘tong nangyayari ba’t bigla-bigla na lang ako nagsusuka? Ang unti lang naman ang nainom ko kagabi,” katwiran ko sa sarili ko habang naghihilamos ako.“What are you doing?! Leave now!” asik sa akin ni Zayne pagkalabas ko pa lang ng banyo, nakaabang na pala siya sa akin na lumabas.“Zayne. Please, h’wag mo na akong itaboy. Mahal na mahal kita. Please? Balik na tayo sa dati,” ayokong umalis ng hindi kami nagiging okay. Ayokong umalis ng wala akong kasiguraduhan.“Bakit ba ang kulit mo, ha?! Bakit ba pinagpipilitan mo ang sarili mo, hindi nga kita gusto! Hindi kita nagustuhan! wala akong nagustuhan sa ’yo!” sagot niya na pinagdidiinan ang bawat salita.“Hindi kasi ako naniniwala na hindi mo ‘ko gusto, Zayne! Alam kong gusto mo ‘ko. Dini-deny mo lang kasi nasaktan kita!” dahilan ko sa kaniya, gano’n kasi ang nararamdaman ko, alam kong minahal niya talaga ako.“Ang kampante mo ‘no?! Tiwalang-tiwala ka sa sarili mong nagkagusto talaga ko sa ’yo. Hindi kita gusto! You should not here,
Kumuyom ang kamao ko pagkatapos kong marinig ‘yon mula kay Zayne. Gusto ko s’yang saktan, gusto kong iparamdam sa kaniya ‘yong sakit na ginawa niya sa akin kaso hindi ko magawa, hindi ko magawang saktan siya. Gano’n ko siya kagusto para magpigil ako ng galit sa kaniya. Ang gusto ko lang naman ay magkaayos kami, gusto ko lang na bumalik kami sa dati. Gano’n ba ‘yon kahirap ibigay para umabot kami sa ganito? Para pahirapan niya ako ng ganito.Umalis ako ng opisinang ‘yon na masama ang loob, masakit sa damdamin ang bawat bagay na pinaparamdam sa akin ni Zayne. Hindi ko na alam kung bakit kailangan ko pa itong tiisin, hindi ko alam kung bakit ang hirap-hirap balewalain, bakit kailangan umabot sa ganito ang kabayaran sa isang pagkakamali na hindi ko naman ginusto.Naisipan ko munang pumunta sa bahay namin, susubukan ko na rin makipag-ayos sa kanila. Magbabaka-sakali lang naman ako na baka puwede na kaming bumalik sa dati, ‘yong dating wala kaming galit sa isa-isa, walang tampuhan, puro ka
Titig na titig lang siya sa akin habang nagtatanong ako. “B-Bakit po, Ate? Bakit ganiyan po ang reaksyon niyo? Kilala niyo po itong nasa picture?” turo niya sa taong nasa picture na hawak-hawak ko.Pabalik-balik ang tingin ko sa picture na hawak ko at sa mukha ni Sab, hindi ko napansin no’ng mga nakalipas na araw na mayroon silang hawig nito. Dahil do’n ay namuo ang kaba sa dibdib ko, hindi ko pa naman tiyak, wala pa mang kasiguradohan ngunit kabang-kaba na ako.“Kilala mo po ba Ate ang mama ko?” natulos ako sa kinatatayuan ko matapos kung marinig ‘yon mula sa kaniya, parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil do’n na nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam, nanginginig na rin ang kamay ko dahil na rin siguro sa pagkabigla.“Mama mo?” tanong ko sa kaniya, magbabaka-sakali lang naman akong mali ang pagkakarinig ko.“Opo, Ate. Mama ko po iyang nasa picture. Kilala mo po ba siya?” tanong nito pabalik sa akin na tulad ko ay nagtataka rin siya sa ikinikilos ko.“O-Oo. Kilalang-kilala ko
Mapait akong ngumiti at sunod-sunod na tumango sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya para yakapin siya sa huling pagkakataon. Hindi naman siya umalma sa ginawa ko ngunit hindi niya ako niyakap pabalik.Kumawala na ako sa pagkakayakap sa kaniya. “Siguro nga hanggang dito na lang ako. Sa kabila ng masasakit na nagawa mo sa akin, sa kabila ng pagtanggi mo sa nararamdaman mo para sa akin, sa kabila ng pangtataboy mo, naging totoo ang pagmamahal ko sa ’yo, Zayne. Sige, palagi kang mag-iingat, ah? S-Salamat sa ilang buwan na pinagsamahan natin. Salamat dahil tinanggap mo ako rito sa kompanya mo kahit saglit lang,” pagkatapos kung sabihin ito ay bumuntong-hininga muna ako bago tuluyang um-exit ng opisina niya.Pagkagaling ko sa kompanya ni Zayne tumungo ulit ako ro’n sa bar kung saan do’n ko nakita si Sab. Gusto ko s’yang makausap para na rin makipag-ayos sa kaniya. Naiintindihan ko na ngayon, siguro ay nadala lang din ako nang galit no’ng gabing ‘yon kaya gano’n na lang ang nasabi ko sa kaniya.
“Hala!” bigla n’yang binitawan ang damit kong hinila niya nang siguro’y mamukhaan na niya ako. “Ikaw po pala ‘yan, Ate,” saad niya na bumalik sa pagiging mahiyain at mahinhin ang boses.“Kinabahan naman ako sa ’yo, Sab!” sagot ko rito na napahawak pa ako sa dibdib ko sabay huminga ng malamin dahil pakiramdam ko’y malalagutan ako ng hininga.“Bakit mo po ba kasi ako sinusundan? Ayan tuloy ibabalibag po sana kita. Saka maggagabi na rin po, ah?” muli niyang pagtatanong at pagsabi sa balak niya sanang gawin.“K-Kaya mo ‘yong gawin?” gulat kong usisa na nagtataka sa kaniya.Tumango naman siya at makahulugang ngumiti. “Nag-aral po ako ng taekwondo, Ate,” napalunok ako matapos n’yang sabihin ‘yon.“Edi kung ‘di mo ako namukhaan ay talagang gagawin mo ‘yon?” pangungulit ko pa.“Opo, Ate. Tulog ka po sana ngayon ng mahimbing,” pagmamalaki n’yang tugon na bahagya pang tumawa. Imbes matakot ako ay humanga pa ako sa kaniya. Hindi halata sa kan’yang marunong siya sa self-defense dahil sa pagiging