LOGINIlang sandali rin akong napatingala sa kalangitan matapos kong magkwento sa kanya ng pahapyaw.Nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang marahan niyang pagtapik sa likod ko."Don't just stand there."Napasulyap ako sa kanya ng marinig ko ang sinabi niyang iyon. At mas lalo akong nagulat ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.Napatitig ako sa kamay niyang nakahawak na sa akin."Halika. I will treat you some delicious food." sabi niya sa akin sabay hila na paalis sa lugar na iyon.Napasunod na lang ako sa kanya at hindi na binawi ang kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak.Bahagya akong napangiti. Hindi na rin masama na ikwento ko sa kanya iyon dahil kapalit ng paghawak niya sa kamay ko.Naglakad kami palabas ng Falcon.Ang akala ko ay sasakay na kami ngunit nagpatuloy lang kami sa paglalakad kung saan matatagpuan ang maraming nagtitinda ng street foods."Ang raming mga tao." hindi ko mapigilang sabihin dahil marami ngang estudyante ang nakakalat para bumili ng mga iba't ibang mga pagkain.
At Falcon University.Hindi na ako mapakali at nakaramdam ako ng pagkabalisa. Halatang kakaiba ang kinikilos ni Kian simula pa kaninang umapak kami sa malaking gate pa lang ng Falcon.Nag-aalala tuloy ako na baka may hinala na siya na si Aria at Alina ay iisa.Tahimik lang akong nakasunog sa kanya. Wala na akong balak pang magsalita baka tuluyan na akong mabuking. Ngunit sa pagkabalisa ko ay hindi ko na napansin ang pagtigil niya, kaya nabangga lang ako sa likod niya."Bakit ayaw mong sumabay sa akin?" tanong niya, saka niya ako nilingon.Napahawak pa ako sa ilong ko na bumangga sa malapad niyang likod."H-hindi naman." mahina kong sagot.Kaya para hindi na siya magtanong pa at baka lalo siyang maghinala ay pinilit kong kinalma ang sarili ko at umagapay sa kanya sa paglalakad.Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa madaanan namin ang basketball court kung saan ko siya lagi nakikita sa hapon na naglalaro bago umuwi."This is the basketball court, palagi ako noon naglalaro dito araw-
Naalimpungatan ko sa huni ng mga ibon sa labas.Nagmulat ako ng mga mata. Awtomatikong napatingin ako sa labas ng bintana kung saan tanaw ko ang mga sanga ng puno ng manga at mga ibon na nakadapo sa mga sanga."Ugh!" Sumidhi ang kirot ng ulo. Hinilot ang sintido ko. "Nalasing na naman ba ako kagabi?" tanong ko pa sa sarili ko.Mariin akong pumikit. Pagdilat ko, nasulyapan ko si Aria na tulog sa gilid ng kama ko. Nakaupo siya sa sahig, nakayuko at mahimbing nga sa pagkakatulog.Nasulyapan ko rin ang gamot sa gilid, sa ibabaw ng bedside table. Tiningnan iyon kaya napagtanto kong gamot iyon sa hangover. Binantayan ba niya ako magdamag?"Anong nangyari kagabi?" muli kong tanong.Wala akong maalala kahit isa sa mga nangyari kagabi at kung paano kami nakauwi ngayon dito sa bahay.Bahagya kong pinilig ang ulo ko. Hinintay kong mawala ang naramdaman kong pagkahilo bago ako bumaba ng kama. At nagpasya akong ilipat si Aria sa kama.Maingat kong kinarga si Aria at pinahiga sa kama.Gumalaw siya.
"Kian... nandito na tayo." bahagya kong tinapik ang pisngi niya ngunit tanging mahinang ungol ang tinugon niya sa akin.Tinulungan ako ng driver niya na ibaba siya sa kotse ngunit ng makababa na siya ay tinulak niya ang driver niya kaya sa akin napunta ang buong bigat niya.Kahit na nahirapan ako sa pag alalay sa kanya ay nakaya ko naman siya na ipasok sa loob ng bahay."Tubig..." mahina niyang usal."Oo, sandali lang. Narito na tayo. Maupo ka na muna at ikukuha kita ng tubig." sabi ko sa kanya at pinaupo siya sa sofa.Kasama ko pa siyang natumba ngunit mabilis akong tumayo.Huwag kang maggagagalaw baka malaglag ka. Kukuha lang ako ng tubig mo."Akma akong tatalikod ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Mas lalo akong nagulat ng hilain niya ako kaya muli akong napaupo sa tabi niya. Nagitla pa ako ng bigla niya akong yakapin sa likod ko."Eh!""Huwag kang umalis." iyon ang narinig ko sa kanya. "Hindi ko kayang mawala ka.."Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa mga sinasabi niya. Nap
"Puwede bang magpalit na muna ako?" tanong ko kay Kian, na niyuko pa ang sarili ko dahil suot ko pa rin ang damit niyang pinahiram niya sa akin. At tulad kanina ay nilagyan ko ng belt iyon para maging bistida."No need. I told you earlier, you look adorable in that."Muli na lang akong napayuko.Sumunod sa kanya. Sumakay ng kotse niya hanggang sa bagtas na namin ang daan sa kung saanman niya gustong pumunta.Lumipas ang dalawampung minuto at tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng isang bar."The place you want me to come with you... Is it a bar?" tanong ko sa kanya nang makababa kami ng sasakyan.Bahagya pa akong napasulyap sa kanya bago ako ulit tumingin sa harap ng bar."Pfft. Tama ka. Bakit? Natatakot ka ba na ibebenta kita?""Hindi magandang biro iyan.""Guess it,"Napansin ko pa ulit ang kanyang pagngiti bago naunang pumasok sa loob.Bakit nga ba ako matatakot? Halata naming hindi niya ako hahayaang masaktan dahil ilang beses na rin niya akong niligtas......Pagpasok sa loob, nap
"Look,"Pang-uulit niya na gusto pang tumingin ako sa katawan niya."No! I'm not looking." Muli kong tinakpan ang mga mata ko ng aking mga palad."Why not? Narito ang ebidensya na hindi ako nagsisinungaling,"Habang sinasabi niya iyon, bahagya akong napasilip sa kanya.At ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung ano ang mga ebidensya na sinasabi niya.Mayroong marka ng mga ngipin sa kanyang leeg."This is... I did that?!" Hindi ako makapaniwala na ginawa ko iyon sa kanya.No! It can't be."Sa tingin mo ay kaya kong kagatin ang leeg ko?" balik-tanong niya na sinundan ng pagbuntong-hininga. "Hmm, but don't worry." Saka siya kumilos at bumaba na sa kama.Tanging ang itim na trunks lang ang suot niya na akala ko ay wala siyang suot kanina.Nakasunod na lang ang mata ko hanggang sa pumasok siya sa banyo."Totoo ba na ako ang may gawa nun?" tanong ko pa ulit sa sarili ko na hindi talaga ako makapaniwala. Hindi lang iisa, kundi marami pang mapupulang marka sa katawan niya.







