Share

Kabanata 30

Hindi ako magtatanong, hindi ako magsasalita. Hihintayin ko na siya ang maunang magsalita. Kapag nagtanong ako at hindi pa siya handang sagutin ang lahat maaring magsinungaling lang siya o baka ang mas masakit ay iwan niya lang ako na hindi pa rin binibigay sa'kin ang kasagutan na gusto kong marinig. Gusto kong siya ang magsabi at makipag-usap dahil paniguradong iyon na ang tamang panahon kung saan handa na siya at maaring kasabay na rin doon ang desisyon niya para sa sarili niya at para sa amin ng anak niya. Araw-araw kong hinahanda ang sarili ko oras na dumating ang pagkakataong iyon. Dahil hindi ko masasabi na ano mang oras ay pabor sa akin ang desisyon niya. Ngunit ano't-ano man ay tatanggapin ko.

"Ayos ka na ba talaga, Greg?"

Isang linggo siyang nagpahinga at isang araw lang na namalagi sa hospital. Nag-abot ako ng kaunting tulong kay Aleng Bebang para kahit papaano ay may magastos sila sa gamot ni Greg.

"Maayos na ako, at ito, oh." Tapos may inabot siya sa akin na sobre.

"Ano '
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status