Home / Romance / His Obsession, My Ruin / Chapter 1 - The Interview

Share

His Obsession, My Ruin
His Obsession, My Ruin
Author: Makathalaya

Chapter 1 - The Interview

Author: Makathalaya
last update Last Updated: 2025-10-31 00:30:02

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa mataas na gusali ng Montefalco Group. Kahit ang hangin sa loob ng building ay parang mayaman — malamig, mabango, at nakakakaba. Nakaipit ang resume ko sa folder, pero parang gusto ko nang umatras.

Ito na ’yong araw na matagal kong hinihintay. Ang pagkakataong mabago ang takbo ng buhay ko at ng pamilya ko. Pero habang papalapit ako sa reception, parang gusto kong lumubog sa sahig.

“Good morning, Miss?” bati ng receptionist, pormal at naka-ngiti.

“Good morning po. May appointment po ako para sa interview sa Events Department,” sagot ko, pilit na kalmado.

Tiningnan niya ang pangalan ko sa listahan. “Celene Ramos?”

Tumango ako.

“Ah, Miss Ramos. Kayo po ang candidate na tinawag ni Mr. Luther Montefalco mismo.”

Nanigas ako. “Si… Mr. Montefalco mismo?”

“Yes, ma’am. The final interview will be handled by him personally. Top floor po, private elevator sa kanan.”

Parang nanlamig ang buong katawan ko. Yung mismong CEO? Ako ang i-iinterviewin niya?

Hindi ba dapat HR lang? Bakit kailangan pa ng CEO?

Hawak-hawak ang folder, lumakad ako papunta sa elevator. Sa bawat hakbang, parang mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Kalmado lang, Celene. Kaya mo ‘to. Hindi ka pwedeng umatras ngayon.

Pagpasok ko sa elevator, kita ko ang sariling repleksyon sa salamin.

“Okay ka lang, Celene,” bulong ko sa sarili ko. “Huwag kang matataranta kahit harapan mo pa ang demonyong mayaman.”

Ding!

---

Pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang isang opisina na para bang ibang mundo. Malawak, puro salamin, at tanaw mo ang buong lungsod ng Maynila. Sa gitna, isang lalaki ang nakatayo sa tabi ng malaking bintana, nakasulyap sa ibaba, parang hari sa sarili niyang kaharian.

Suot niya ang itim na suit na siguradong mas mahal pa sa buong suweldo ng nanay ko sa isang taon.

Matangkad. Malapad ang balikat. Malinis tingnan. Pero sa likod ng pino niyang itsura, may aura siyang mabigat — parang bawat galaw niya ay may utos, at bawat tingin ay kayang tumagos sa kaluluwa mo.

“Miss Ramos?” malamig niyang sabi, hindi man lang lumingon.

“Y-Yes, Sir,” sagot ko, halos pabulong.

Dahan-dahan siyang humarap.

At doon ko lang lubos na naintindihan kung bakit sinasabi ng mga tao na si Luther Montefalco ay hindi basta tao — isa siyang panganib.

Matangos ang ilong, maputing balat, matalim ang mga matang kulay abo. Parang hindi siya gawa ng normal na dugo’t laman, kundi ng puro kapangyarihan.

“Have a seat,” maikling sabi niya.

Umupo ako sa harap ng desk niya. Tahimik siya habang binabasa ang resume ko. Walang kahit anong ekspresyon sa mukha.

“You graduated with honors,” aniya sa malamig na boses. “Pero wala kang corporate experience.”

“Wala pa po, Sir,” sagot ko. “Pero may ilang events po akong hinawakan noong college. Ako po ang—”

“College events,” putol niya. “That’s nothing compared to handling billion-peso contracts.”

Para akong sinampal sa hiya. Pero pinilit kong ngumiti. “Naiintindihan ko po. Pero willing po akong matuto. Gagawin ko po ang lahat para—”

“Para makapasok sa kumpanya ko?” putol niya ulit, sabay tingin sa akin — diretso, matalim, nakakatunaw.

Hindi ko alam kung may halong panunukso o panghuhusga sa tono niya.

“Yes po,” mahina kong sagot.

Napataas ang sulok ng labi niya. Hindi iyon ngiti, kundi ngising mayabang.

“You look like the type who would say anything just to get what she wants.”

“Hindi po totoo ‘yan,” sabi ko, medyo nanginginig ang boses.

“Really?” Umikot siya sa mesa, tumayo sa tabi ko. Ramdam kong bumigat ang hangin sa pagitan naming dalawa.

“Then prove it.”

Tumingala ako sa kanya. Masyado siyang malapit. Naamoy ko ang mamahaling halimuyak ng pabango niya — halong cedar at leather. Ang bango, pero nakakakaba.

“P-Prove it?”

“Show me that you deserve the job.”

“Paano po?”

Tumingin siya sa akin na para bang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. “Tumindig ka.”

Tumayo ako, litong-lito. Hindi ko alam kung anong gusto niyang ipagawa. Pero bago pa ako makapagsalita, dahan-dahan siyang lumapit.

Hanggang sa halos magdikit na ang mukha namin.

“You don’t break eye contact when someone powerful tries to intimidate you,” bulong niya. “Remember that.”

Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid. Tanging marahas na tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

“Y-Yes, Sir.”

Lumayo siya, saka bumalik sa upuan niya na parang wala lang nangyari. “You may sit.”

Napaupo ako, nanginginig pa rin.

---

Ilang segundo ng katahimikan bago siya muling nagsalita.

“You remind me of someone,” sabi niya, hindi tumitingin sa akin. “A woman who also thought she could outsmart me. She failed.”

“Hindi po ako siya,” matigas kong sagot kahit nanginginig ang kamay ko. “At hindi rin ako basta-basta sumusuko.”

Sa unang pagkakataon, tumigil siya. Dahan-dahan niyang tinaas ang tingin niya sa akin. May kung anong nagbago sa mga mata niya — parang nasiyahan siya.

“Hmm.” Umayos siya ng upo. “I like confidence. But confidence without control is suicide, Miss Ramos.”

Tumaas ang kilay ko. “Then I’ll learn control.”

Napangisi siya. “You’re bold. That could be either your strength… or your downfall.”

Tapos bigla siyang tumayo. “That will be all for today.”

Tumango ako, sabay tayo. “Salamat po sa oras ninyo, Sir.”

Paglabas ko ng opisina niya, parang nanginginig pa rin ang tuhod ko. Hindi ko alam kung ano bang nangyari. Interview ba ‘yon, o interrogation?

Pero kahit nakakatakot siya, may parte sa’kin na… na-curious.

May kung anong kakaiba kay Luther Montefalco. Parang gusto mong umiwas, pero mas gusto mong alamin kung bakit ka kinakabahan sa kanya.

---

Kinabukasan, habang kumakain ako ng pandesal sa karinderya, nag-vibrate ang cellphone ko.

Isang email.

> From: HR Department

Subject: Job Offer – Montefalco Group

Congratulations! You’ve been selected as the new Project Assistant under the CEO’s direct supervision.

Halos mahulog ko ang cellphone.

“Ha?” bulong ko. “Under the CEO’s supervision? Si Luther Montefalco mismo?!”

Napalunok ako. Pucha. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot.

---

Ilang araw pagkatapos...

“Good morning, Sir,” bati ko nang pumasok ako sa opisina niya.

“Miss Ramos.” Hindi man lang siya lumingon. “You’re five minutes early. I like that.”

Tahimik akong lumapit, iniabot ang mga dokumentong ipinagawa niya.

“Sit,” utos niya.

Sumunod ako.

Binasa niya ang papel, tahimik lang. Ako naman, halos pigilin ang paghinga.

Then bigla siyang nagsalita.

“You’ll work closely with me from now on. You’ll see things that other employees can’t. Do you understand what that means?”

“Opo, Sir.”

“It means one mistake, and you’re out. Permanently.”

Sabay tingin sa akin — diretso sa mga mata ko.

“Is that clear?”

“Crystal clear po, Sir,” sagot ko, kahit nanginginig na ang kamay ko.

“Good.” Tumayo siya, lumapit sa akin, at inilagay ang kamay sa ibabaw ng mesa, halos dumikit ang mukha niya sa akin.

“Then don’t make me regret hiring you, Celene.”

Tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman — takot, kaba, o ’yong kakaibang init na gumapang sa dibdib ko.

Isa lang ang malinaw:

Sa araw na ‘yon, pumasok ako sa mundo ng isang lalaking kayang wasakin hindi lang ang career ko—kundi pati puso ko.

---

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 22 – The Unfinished Thread

    Baguio’s mornings never fail to calm me down. Madalas pa rin akong gumising nang maaga—hindi dahil may kailangan akong habulin, kundi dahil gusto ko lang maramdaman kung paano sumikat ang araw habang unti-unting binabasa ng hamog ang mga dahon. Tahimik. Mapayapa. Parang ang lungsod mismo ay humihinga kasama ko. Lumipas na halos tatlong buwan mula nang dumating ako rito. Akala ko sandaling pahinga lang, pero ngayon, parang dito ko na rin natagpuan ang sarili kong hindi ko kilala noon. May bagong ritmo ang buhay ko—simple, mabagal, pero totoo. Sa café, mas kabisado ko na ang mga regular na customer. Si Ate Mila na laging nag-o-order ng cappuccino tuwing 9AM. Si Kuya Ben na mahilig magbasa ng dyaryo sa sulok. At ‘yung mga estudyanteng dumadaan lang para sa mabilis na kape bago magklase. Lahat sila, parte na ng araw ko. At sa bawat “good morning” na binibigay nila, nararamdaman kong unti-unti kong nabubuo ulit. Pero kahit gano’n, may mga sandaling napapatigil pa rin ako. Kapa

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 21 – The Return

    Ilang buwan na mula nang iwan ko ang Maynila, pero minsan parang kahapon lang ang lahat. Ang mga alaala, hindi naman talaga nawawala — humihina lang, tapos biglang babalik kapag tahimik na ulit ang gabi. Dito sa Baguio, nasanay na ako sa simpleng takbo ng araw. Gumigising ako bago sumikat ang araw, nagtitimpla ng kape, at tinitingnan kung paano nagiging ginto ang langit habang unti-unting bumababa ang hamog sa mga puno. Kung dati, bawat umaga ay umpisa ng panibagong stress, ngayon isa na lang itong mahinahong paghinga. Pero kahit anong gawin ko, may mga oras pa rin na nadidinig ko ang boses niya sa isip ko — kalmado, mababa, at pamilyar. “Focus, Celene.” “Relax.” “Look at me.” Napapailing ako tuwing naaalala ko ‘yon. Kasi kahit gusto ko na siyang burahin sa utak ko, parang kabisado na ng katawan ko kung paano siya pakinggan. “Celene!” tawag ni Tita Nora mula sa ibaba. “May delivery, baka gusto mong ikaw na mag-asikaso.” “Okay po, pababa na!” Bago ako bumaba, sinilip ko m

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 20 – Unspoken Letters

    Baguio mornings always start with a chill that seeps through the skin. Kapag binubuksan ko ang bintana sa umaga, bumabati sa’kin ang hamog at amoy ng pine trees — malamig pero mapayapa. Sinasabi ng mga tao, ang lamig daw ay nakaka-linis ng isip. Pero sa totoo lang, kahit ilang araw na akong nandito, mainit pa rin sa loob ng dibdib ko. Kasi doon nakatira lahat ng alaala niya. Tatlong linggo na akong malayo sa Maynila. Sa una, masaya akong umalis. Ang sabi ko sa sarili ko, kaya ko ‘to. Magpapahinga lang, hihinga lang sandali. Pero habang tumatagal, nare-realize kong hindi pala madaling takasan ang mga bagay na hindi naman nakikita — tulad ng boses niya, o ng paraan niyang tumingin na parang siya lang ang nakakaintindi sa’kin. “Celene, kain ka na,” tawag ni Tita Nora mula sa kusina. “Susunod po,” sagot ko habang nagsusuklay sa harap ng salamin. Pagbaba ko, may mainit na sinangag, longganisa, at kape. Simple lang, pero sapat para mapangiti ako. “Ang tahimik mo pa rin ah,” sabi ni T

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 19 – The Distance Grows

    Pagising ko kinabukasan, parang ang bigat-bigat ng hangin. Parang bawat paghinga ko may kasamang tanong na walang sagot. Kagabi, sinabi niyang “Go home, Celene”, at kahit ilang ulit ko nang binabalikan ‘yung boses na ‘yon, hindi ko pa rin alam kung paalam ba o pakiusap. Nag-shower ako, nagsuot ng damit na pinakapormal ko, pero kahit anong ayos, halata pa rin ‘yung lungkot. Pagharap ko sa salamin, hindi ko na makita ‘yung babaeng nakangiti habang nagta-trabaho sa ilalim ng isang demanding na boss. Ngayon, babae na akong natutong magmahal sa maling oras. Sa opisina. Tahimik. Lahat abala sa kani-kanilang report. Pagdating ko, ilang segundo lang, narinig ko ang tunog ng elevator. Si Luther. Nakasuot ng navy suit, seryoso, pero maputla. Parang hindi rin nakatulog. Hindi siya tumingin sa akin, at ako naman, pinilit kong huwag mag-react. Parang dalawa kaming estranghero na nagkakilala lang sa panaginip. “Celene, prepare the draft for the board,” sabi niya. “Noted, sir.” Porma

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 18 – The Breaking Point

    The next morning, pagmulat ng mata ko, bigla kong na-realize kung gaano kabigat ‘yung gabi kahapon. Ang hangin sa paligid ko parang puno ng mga salitang hindi namin nasabi. Kahapon, halos magtagpo na ulit ‘yung mga labi namin, pero pareho kaming umatras — takot, pagod, at marahil ay parehong sugatan. Pag-alis ko sa condo, dala ko pa rin ‘yung bigat ng gabi. Yung lamig ng boses niya, yung titig na halos sabay humihingi ng tawad at nagpapaalam. Bakit ba kasi gano’n? Kapag malapit na, saka siya lumalayo. At kapag gusto kong lumayo, saka siya lumalapit. Pagpasok ko sa opisina, parang normal ang lahat. Mga empleyado abala sa kanya-kanyang trabaho, may tumatawa, may nagkakape. Ako lang ‘yung tahimik, pilit na normal, pero ang totoo—hindi na ako ‘yung dati. Pag-upo ko sa desk ko, nakita kong sarado pa ang blinds ng office ni Luther. Alam kong andun siya. Ramdam ko. Pero wala na ‘yung dati niyang presensiya—‘yung lakas ng aura niya na dati kong kinakatakutan pero ngayon ay hinaha

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 17 – The Distance Between Us

    The morning after felt colder than the night we shared. Parang biglang tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa. Kagabi, mainit, totoo, puno ng mga salitang hindi namin kayang sabihin. Pero ngayong umaga, puro katahimikan na lang. Pagpasok ko sa office, tahimik ang buong floor. Nandoon siya—Luther, the man who made my heart forget reason. Suot niya ang paborito niyang itim na suit. Walang bakas ng emosyon, walang ngiti. Parang ibang tao siya. “Good morning, sir,” sabi ko, halos pabulong. “Morning.” Dalawang pantig lang, pero parang libong tunog ng basag na salamin sa loob ko. Naupo ako at binuksan ang laptop. Pinilit kong magpaka-busy, kahit ang totoo, bawat tunog ng keyboard ay paalala ng boses niya kagabi. ‘You’re mine tonight.’ Ngayon, parang hindi na ako umiiral sa mundo niya. “Celene, my office,” sabi ng intercom. Kumalabog agad ang dibdib ko. Pagpasok ko, nakatalikod siya, nakatingin sa city view. “Sir?” “Sit,” utos niya. Tahimik. Ilang segundo ng katahimikan bago s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status