LOGINPaulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang mukha ng anak ko. Ang kaniyang tawa, ang maliit niyang kamay na humahawak sa akin kapag natatakot siya. Nasaan ka na ba, Theo? Kumain ka na ba? Nilalamig ka ba riyan? Humiwalay ako sa dibdib ni Locke ngunit nanatiling nakasubsob ang aking mukha sa aking mga palad. Basang-basa na ang kaniyang damit dahil sa aking mga luha, pero parang wala siyang pakialam. Sa tabi namin, tahimik na nakayuko si Bryan habang mariing nakakuyom ang kaniyang mga kamao. Si Ashley naman ay nakasandal sa pader , at ngayon ay halos wala nang iluluha habang yakap-yakap ang sarili dahil sa matinding pagkasira ng loob at labis na panunumbat sa kaniyang sarili. “Hindi pwedeng maglaho na lang si Theo nang walang nakakakita! Maraming tao sa bayan, Bryan! Paanong walang nakapansin sa kumuha sa kaniya?!” sumabog ang boses ko, hindi ko na mapigilan ang pagsigaw dahil sa halo-halong galit at takot. “Patawad, Talitha… Inikot na namin ang buong Sta. Ana. Ang mga terminal ng
Takot na takot ako noon kay Locke dahil akala ko ay ilalayo niya sa akin ang anak ko kapag nakilala niya ito. Pero ang takot na iyon ay nawala nang pinatunayan niyang hindi niya ilalayo sa akin ang anak ko. Ngunit ngayon… ang takot na nararamdaman ko ay muling nagbalik dahil sa balita ni Ashley na sumira sa kapayapaan ng aming umaga. Isang malupit na katotohanan na humila sa akin pabalik sa kawalan. “Anong p-pinagsasabi mo, Ashley? Huwag mo akong biruin ng ganyan!” halos mawalan ako ng boses habang mabilis na lumapit kay Ashley at hinawakan nang marahas ang kaniyang magkabilang balikat. Ang buong katawan ko ay biglang nanghina, at ang mga luha na kanina lang ay walang dahilan upang lumabas ay mabilis na umagos sa aking mga pisngi. Ang panaginip ko… ang masamang panaginip ko noong isang gabi at araw-araw na bangungot na kinuha si Theo sa akin ay tila ba unti-unting nagkakatotoo ngayon. “H-Hindi ko alam, Talitha,” napaupo si Ashley sa sahig at nagsimulang umiyak habang ang kaniy
Idinilat ko ang aking mga mata at sinalubong ako ng sinag ng araw na dahan-dahang pumasok mula sa bintana ng aming bahay. Sa aking tabi, naramdaman ko ang mabigat na braso ni Locke na nakapulot sa aking bewang, dahan-dahang humihila sa akin pabalik sa kaniyang katawan.Tinitigan ko ang kaniyang mukha habang natutulog siya. Wala na ang bagsik at lamig na madalas kong makita sa kaniya—dahil pinalitan ito ng isang payapang anyo. Sa unang pagkakataon sa loob ng pitong taon na pagtatago at pagtakbo, nakaramdam ako ng kakaibang kapayapaan ngayong katabi ko siya. Ang bawat hininga niya na humahaplos sa balat ko ay tila patunay na hindi na ako nag-iisa.Ang pader ng takot at pag-aalinlangan sa aking dibdib ay tila tuluyan nang natunaw. Pakiramdam ko, basta nasa tabi ko si Locke, ligtas kami ng anak ko. Ligtas na kami sa kahit anong unos.Isang linggo na rin ang nakalipas nang malaman ni Locke na may anak siya. Isang linggo na rin ang lumipas na hindi na umalis si Locke sa tabi namin. Dito na
“Locke… Locke, pakiusap. ’Wag mong kunin sa akin ang anak ko.” Pilit kong inaagaw si Theo sa mga braso ni Locke. Umiiyak ang anak ko at maging ako ay hindi mapigilan ang maiyak, dahil maging si Theo, inaabot nito ang kamay ko. “Locke, pakiusap…” umiiyak na sabi ko. Magkahawak-kamay kami ng anak ko. Samantalang si Locke ay madilim lang ang mukha habang pinagmamasdan ako. At habang pinagmamasdan ko ang galit niyang mga mata, ang kaniyang titig ay puno ng lamig, walang bakas ng lalaking nag-alaga sa amin kagabi. Tila ba sinasabi ng mga ito na nahulog na naman ako sa pagpapanggap niya. Unti-unting inalis ni Locke ang mga kamay ko sa kamay ng anak ko. Parang binuhasan ako ng malamig na tubig nang magawa niya ito nang walang kahirap-hirap. Itinulak pa ako nito kaya napahiga ako sa buhangin. Kaming tatlo lang ang narito ngayon, walang tutulong sa akin kaya mabilis akong tumayo at hinabol si Locke na karga-karga ang anak kong umiiyak habang tinatawag ang pangalan ko. Dahil sa bili
Ang kaniyang mainit na hininga ay nag-iwan ng kakaibang kaba sa aking sistema, sapat na para magtayuan ang mga balahibo ko sa braso. Mabilis kong iniwas ang aking tingin sa kaniya at humigpit ang hawak ko sa baso ng tubig. Ngunit kahit hindi ako nakatingin, nararamdaman ko pa rin ang kaniyang mga mata na nananatiling nakatitig sa akin—mabigat, mapag-angkin, at puno ng mga pangakong alam kong sisingilin niya sa oras na kami na lang dalawa ang magkaharap. Ang paninitig niya ay isang tahimik na banta na unt-unting umaagaw sa natitira kong wisyo. “Hoy, Locke! Ano na namang ibinubulong mo riyan kay Talitha? Baka natatakot na naman sa iyo ang mag-ina mo, ah!” pang-aasar muli ni Lucian sabay taas ng kaniyang baso. “Manahimik ka, Lucian. Uminom ka na lang kung ayaw mong ihagis kita sa dagat,” malamig na tugon ni Locke na ikinatawa nang malakas ng mga mokong. Lumalim pa lalo ang gabi sa Carter Resort. Habang tumatagal ang inuman ay unti-unting napapalitan ng seryosong kuwentuhan ang
Ang pagbuhos ng malamig na tubig kay Carter ang siyang naging paraan ng mga mokong upang magising ito. Hindi naman nagkamali ang mga ito, dahil nang matapos buhusin ni Reed si Carter ay nagising ito at tumayo nang biglaan. “Fuck! What happened?” unang tanong ni Carter habang hinahagod ang basa niyang buhok. “Nahimatay kang gagö ka!” sagot ni Reed rito. “Para bang ikaw ang ama ni mini-Locke na pitong taon na hindi nakikita ang anak,” daing naman ni Lucian. “Nakakahiya ka! Itatakwil na kita bilang kaibigan ko,” reklamo naman ni Darien. “Manahimik kayo! Puyat ako kaya lang ako nahimatay,” dahilan ni Carter na mukhang hindi naman pinaniwalaan ng mga mokong. Nakakarga pa rin si Theo kay Locke ngunit gising na gising na ito ngayon. Kami naman ni Ashley ay nakatayo malapit sa kusina habang pinagmamasdan ang mga kalokohan ng mga mokong. “Mabuti pa sa resort na lang tayo mag-inuman. May sumpa yata ’tong bahay kaya nahimatay ako,” ani ni Carter habang ginagala ang kaniyang tingin
Halos nasa isang milyon ang kulang sa pinasahod sa mga magulang ko sa loob ng dalawang taon. Hindi pa roon kasama ang isa pa nilang trabaho. Hindi pa kasama roon ang ilang taon pa nilang ginugol sa pagsisilbihan sa mga Salvador.Hindi ako kumain nang gabi dahil sa galit. Halong halo galit sa kanila
Tuluyan na nga akong bumigay. Tuluyan ko na ngang ipinagkaloob ang sarili ko kay Locke.Binigay ko ang sarili ko sa kanya na walang pamimilit. Binigay ko ang sarili ko sa kanya dahil ginusto ko rin.Gusto ko na lang iuntog ang ulo ko sa pader para kahit papaano ay magising ako sa kahibangan kong it
Ang awa ay hindi dapat ibinigay kay Locke. Maging ang kabaitan ay dapat ipagkait sa kanya.Ang isang katulad niyang masamang lalaki ay hindi dapat pinaglalaanan ng kabutihan at awa!Nawalan na ako ng ganang kumain nang marinig ko ang sinabi nito. Uminom na lang ako ng tubig at inalayo ng bahagya an
Gusto kong maawa kay Locke pero agad rin naalis ang awa sa isip ko.Dahil unang una, bakit ako maawa kung dapat ay ikakasaya ko ang kalungkutan ng mga Salvador? Bakit ako maawa kung deserve nilang masaktan kahit mimisan lang.Panglawa, bakit ako maawa kung batid kong binaboy ako ni Locke habang may







