共有

Chapter 103

作者: Kulalaiii
last update 公開日: 2026-05-16 19:23:34

Nakapagbilin na pala si Ashley kanina kay Manang Marta na ipagluto kami nito ng hapunan kaya hindi na kami namroblema ni Ashley na magluto ngayon para kay Locke.

Nasa labas pa si Ashley, at hanggang ngayon ay hindi pa ito pumapasok. Gusto ko man puntahan ito, pero tila napako ako ngayon sa aking upuan habang pinagmamasdan ang mag-ama.

Si Theo ay abalang ipinapakita ang paborito niyang laruan, samantalang si Locke naman ay nakikinig nang may pambihirang lambot sa kaniyang mga mata.

“Look,
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Rosemarie Montealegre Catian
more update Ms a
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 110

    Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang mukha ng anak ko. Ang kaniyang tawa, ang maliit niyang kamay na humahawak sa akin kapag natatakot siya. Nasaan ka na ba, Theo? Kumain ka na ba? Nilalamig ka ba riyan? Humiwalay ako sa dibdib ni Locke ngunit nanatiling nakasubsob ang aking mukha sa aking mga palad. Basang-basa na ang kaniyang damit dahil sa aking mga luha, pero parang wala siyang pakialam. Sa tabi namin, tahimik na nakayuko si Bryan habang mariing nakakuyom ang kaniyang mga kamao. Si Ashley naman ay nakasandal sa pader , at ngayon ay halos wala nang iluluha habang yakap-yakap ang sarili dahil sa matinding pagkasira ng loob at labis na panunumbat sa kaniyang sarili. “Hindi pwedeng maglaho na lang si Theo nang walang nakakakita! Maraming tao sa bayan, Bryan! Paanong walang nakapansin sa kumuha sa kaniya?!” sumabog ang boses ko, hindi ko na mapigilan ang pagsigaw dahil sa halo-halong galit at takot. “Patawad, Talitha… Inikot na namin ang buong Sta. Ana. Ang mga terminal ng

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 109

    Takot na takot ako noon kay Locke dahil akala ko ay ilalayo niya sa akin ang anak ko kapag nakilala niya ito. Pero ang takot na iyon ay nawala nang pinatunayan niyang hindi niya ilalayo sa akin ang anak ko. Ngunit ngayon… ang takot na nararamdaman ko ay muling nagbalik dahil sa balita ni Ashley na sumira sa kapayapaan ng aming umaga. Isang malupit na katotohanan na humila sa akin pabalik sa kawalan. “Anong p-pinagsasabi mo, Ashley? Huwag mo akong biruin ng ganyan!” halos mawalan ako ng boses habang mabilis na lumapit kay Ashley at hinawakan nang marahas ang kaniyang magkabilang balikat. Ang buong katawan ko ay biglang nanghina, at ang mga luha na kanina lang ay walang dahilan upang lumabas ay mabilis na umagos sa aking mga pisngi. Ang panaginip ko… ang masamang panaginip ko noong isang gabi at araw-araw na bangungot na kinuha si Theo sa akin ay tila ba unti-unting nagkakatotoo ngayon. “H-Hindi ko alam, Talitha,” napaupo si Ashley sa sahig at nagsimulang umiyak habang ang kaniy

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 108

    Idinilat ko ang aking mga mata at sinalubong ako ng sinag ng araw na dahan-dahang pumasok mula sa bintana ng aming bahay. Sa aking tabi, naramdaman ko ang mabigat na braso ni Locke na nakapulot sa aking bewang, dahan-dahang humihila sa akin pabalik sa kaniyang katawan.Tinitigan ko ang kaniyang mukha habang natutulog siya. Wala na ang bagsik at lamig na madalas kong makita sa kaniya—dahil pinalitan ito ng isang payapang anyo. Sa unang pagkakataon sa loob ng pitong taon na pagtatago at pagtakbo, nakaramdam ako ng kakaibang kapayapaan ngayong katabi ko siya. Ang bawat hininga niya na humahaplos sa balat ko ay tila patunay na hindi na ako nag-iisa.Ang pader ng takot at pag-aalinlangan sa aking dibdib ay tila tuluyan nang natunaw. Pakiramdam ko, basta nasa tabi ko si Locke, ligtas kami ng anak ko. Ligtas na kami sa kahit anong unos.Isang linggo na rin ang nakalipas nang malaman ni Locke na may anak siya. Isang linggo na rin ang lumipas na hindi na umalis si Locke sa tabi namin. Dito na

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 107

    “Locke… Locke, pakiusap. ’Wag mong kunin sa akin ang anak ko.” Pilit kong inaagaw si Theo sa mga braso ni Locke. Umiiyak ang anak ko at maging ako ay hindi mapigilan ang maiyak, dahil maging si Theo, inaabot nito ang kamay ko. “Locke, pakiusap…” umiiyak na sabi ko. Magkahawak-kamay kami ng anak ko. Samantalang si Locke ay madilim lang ang mukha habang pinagmamasdan ako. At habang pinagmamasdan ko ang galit niyang mga mata, ang kaniyang titig ay puno ng lamig, walang bakas ng lalaking nag-alaga sa amin kagabi. Tila ba sinasabi ng mga ito na nahulog na naman ako sa pagpapanggap niya. Unti-unting inalis ni Locke ang mga kamay ko sa kamay ng anak ko. Parang binuhasan ako ng malamig na tubig nang magawa niya ito nang walang kahirap-hirap. Itinulak pa ako nito kaya napahiga ako sa buhangin. Kaming tatlo lang ang narito ngayon, walang tutulong sa akin kaya mabilis akong tumayo at hinabol si Locke na karga-karga ang anak kong umiiyak habang tinatawag ang pangalan ko. Dahil sa bili

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 106

    Ang kaniyang mainit na hininga ay nag-iwan ng kakaibang kaba sa aking sistema, sapat na para magtayuan ang mga balahibo ko sa braso. Mabilis kong iniwas ang aking tingin sa kaniya at humigpit ang hawak ko sa baso ng tubig. Ngunit kahit hindi ako nakatingin, nararamdaman ko pa rin ang kaniyang mga mata na nananatiling nakatitig sa akin—mabigat, mapag-angkin, at puno ng mga pangakong alam kong sisingilin niya sa oras na kami na lang dalawa ang magkaharap. Ang paninitig niya ay isang tahimik na banta na unt-unting umaagaw sa natitira kong wisyo. “Hoy, Locke! Ano na namang ibinubulong mo riyan kay Talitha? Baka natatakot na naman sa iyo ang mag-ina mo, ah!” pang-aasar muli ni Lucian sabay taas ng kaniyang baso. “Manahimik ka, Lucian. Uminom ka na lang kung ayaw mong ihagis kita sa dagat,” malamig na tugon ni Locke na ikinatawa nang malakas ng mga mokong. Lumalim pa lalo ang gabi sa Carter Resort. Habang tumatagal ang inuman ay unti-unting napapalitan ng seryosong kuwentuhan ang

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 105

    Ang pagbuhos ng malamig na tubig kay Carter ang siyang naging paraan ng mga mokong upang magising ito. Hindi naman nagkamali ang mga ito, dahil nang matapos buhusin ni Reed si Carter ay nagising ito at tumayo nang biglaan. “Fuck! What happened?” unang tanong ni Carter habang hinahagod ang basa niyang buhok. “Nahimatay kang gagö ka!” sagot ni Reed rito. “Para bang ikaw ang ama ni mini-Locke na pitong taon na hindi nakikita ang anak,” daing naman ni Lucian. “Nakakahiya ka! Itatakwil na kita bilang kaibigan ko,” reklamo naman ni Darien. “Manahimik kayo! Puyat ako kaya lang ako nahimatay,” dahilan ni Carter na mukhang hindi naman pinaniwalaan ng mga mokong. Nakakarga pa rin si Theo kay Locke ngunit gising na gising na ito ngayon. Kami naman ni Ashley ay nakatayo malapit sa kusina habang pinagmamasdan ang mga kalokohan ng mga mokong. “Mabuti pa sa resort na lang tayo mag-inuman. May sumpa yata ’tong bahay kaya nahimatay ako,” ani ni Carter habang ginagala ang kaniyang tingin

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 22

    Bigla na lang sumagi sa isip ko ang mga magulang ko habang nakatulala ako sa kamay kong basa dahil sa luha.Bigla na lang nagpakita ang kanilang imahe—imaheng nakangiti sa akin ngunit malungkot ang mga mata.Suminghap ako at mabilis na pinunasan ang luhang hindi ko alam kung bakit pumatak. Kumain d

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 21

    Hindi ko alam kung anong pinanggagawa ni Locke nang nawala siya ng ilang araw rito sa mansyon. Pero alam kong napakalaking hibang niya.Hibang na hibang na siya!“Hindi mo naman sinabi kanina na gagawin mo akong parausan! Gagawin mo akong sex slave mo!” galit kong wika rito kahit na nakapatong pa r

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 19

    Tila banyaga ang mga lumabas sa bibig ni Locke. Hindi ko ito maintindihan.Hindi ko kailanman binigyan ang ibang tao na angkinin ako. Hindi ko kailanman binigyan ng karapatan ang kahit sinong tao na maging pag-aari nila ako.Kaya ano itong nagmumula sa bibig ni Locke ngayon? Nahihibang na ba ito?H

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 17

    Gumaan ang pakiramdam ko habang tinitignan ang mga ngiti sa mga labi ng mga kapit-bahay nina Bryan. Nawala ang galit sa akin panandalian at napalitan iyon ng ginhawa dahil sa pagsalubong nila sa akin.Tila may malambot na kamay ang humaplos sa aking puso habang pinagmamasdan ko silang tinutukso kam

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status