Share

Chapter 3

Isang linggo na ang dumaan nang huling pag-uusap namin ni Masson Villaranza. Sa loob ng isang linggo na iyon ay kinukulit pa rin ako ni David na bumalik sa kaniya.

"Ma'am Ivory, may nagpadala po sa 'yo."

Tinignan ko muna ang hawak ni Ary na envelope. Kanino ‘to galing? Kinuha ko ito at binasa kung sino ang sender. It's from Masson V. Kahit sa pinadala niya, nakaka intimida pa rin siya.

Nang buksan at tignan ko ang nasa loob, it's a contract. May perma na niya sa ibaba kaya walang pag-aalinlangan kong kinuha ang ballpen at pumirma rin sa kontrata.

Right after kong ma permahan ang contract ay agad na nag vibrate nag cellphone ko. It's a text from him. Paano niya kaya nakuha number ko?

"Hey it's Masson, get ready. We will get wed tonight," aniya. Napag-usapan na namin ang date but kinakabahan pa rin ako.

Parang ang hirap paniwalaan ang lahat ng ito.

"Ary, hinanda mo na ba yung white dress na pinahanda ko sa 'yo?" Tanong ko.

"Yes ma'am Ivory. Nasa kama niyo na po."

"Thank you," sabi ko at pumunta sa banyo. Hinubad ko ang roba na suot at lumusong sa bath tub.

"Mamaya, ikakasal na 'ko. What a life!" Sabi ko habang umiiling.

Nang tumontong ang oras sa alas sais, dumating si Masson.

Tinignan ko muna ang sarili sa salamin saka huminga ng malalim.

"Wow ma'am Ivory, ang ganda niyo po," sabi ni Ary. Tinignan ko ulit ang itsura ko sa salamin, ganoon pa rin, maganda. Walang pinagbago. Ang swerte naman ni Masson Villaranza, magiging bride niya ang napakagandang kagaya ko.

Well, it's given.

"Nang bumaba ako ay nakita ko si Masson. Naghihintay sa baba at seryosong nakatingin sa 'kin. Sa lahat ng taong nakilala ko, siya ang mahirap basahin.

Hindi ko alam kung nagagandahan ba siya o hindi.

"Wow ma'am. Ang gwapo pala ng pakakasalan mo," kinikilig na sabi ng nasa tabi ko. Napa-irap nalang ako sa isipan ko.

Well, hindi ko naman ma e di-deny. Gwapo si Masson. Kulang pa nga yata ang salitang sobrang gwapo e.

"Salamat sa paghihintay. Natagalan ako sa pag-aayos." Tumaas ang gilid ng labi nito habang nakatingin sa 'kin.

"No it's fine. Shall we, my soon to be bride?" sabi niya habang ini offer ang braso niya sa 'kin.

Huminga ulit ako ng malalim saka isinabit ang kamay ko sa braso niya.

Sumakay kami sa sasakyan niya. In fairness, I like his taste about cars.

"Your car is quite expensive. I heard, wala pa 'to dito," namamanghang sabi ko habang nakatingin sa sasakyan niya.

"Thank you. Your car is expensive too. Bagong labas na model yan ‘di ba?" tanong niya.

"Well...yeah." My car is expensive too but mas mahal ‘yong sa kaniya.

"Here," binigay niya sa ‘kin ang isang box. Nang buksan ko, it's a couple ring, a wedding ring to be exact.

"I like it. It's pretty unique and quite expensive din," sabi ko habang nakatingin sa mga singsing. 

"I'm glad you like it. By the way, suotin mo 'tong isang singsing na 'to. It's an engagement ring. Baka may mag tanong, at least we're prepared."

Nang makita ko ang singsing, halos maiyak ako sa tuwa. Kinuha ko ang singsing na may malaking bato na bigay niya sa 'kin. Kumikinang ang mga mata ko habang nakatingin sa singsing.

Ang ganda! Wala akong masabi sa taste niya sa lahat ng bagay. 

Sinuot ko agad ito at perfect sa daliri ko. Gosh! Super ganda talaga at mahal ito. I'm sure about it.

Isa ito sa singsing na tinitignan ko when I told my parents na payagan kaming e engage ni David. 

But sobrang mahal at mukhang hindi afford ni David ‘to kaya hindi ko na sinabi.

But Masson? Gosh! Hindi ako makapaniwala na binili niya ‘ to na parang wala lang. 

Gaano ba kayaman ang pamilya niya? Magkano kaya ang allowance niya from his parents? 

"Just tell me if hihinaan ko ‘yong aircon," aniya.

"No it's fine." Masiyado naman siyang gentleman na seryoso. Hindi bagay sa kaniya. Siguro ang boring ng life niya.

He looks matured though hot. Parang awrahan ng isang mafia boss. Alright masiyado ng OA ‘yon. To be honest, sobrang gwapo at hot niya. He's not the old enough pero parang kuya ko na.

"By the way, after this, sa condo ko na tayo uuwi."

"Okay, ‘yon lang-WHAT?"

"You heard me. Sa condo ka muna matutulog mamaya dahil bukas ng madaling araw tayo pupuntang Villanueva."

"ANO? Teka! Bakit hindi ako na inform dito?"

"I'm sorry pero this is urgent. Mayor ang magkakasal sa 'tin mamaya and nandoon na ang dalawa kong kapatid naghihintay."

"Pumayag ako sa kasunduaan na titira ako sa bahay mo. Pero hindi ko natatandaan na uuwi ako sa Villanueva." Ayaw kong umuwi. I'm enjoying my life here in Manila.

"Miss, mukhang hindi tayo nagkakaintindihan. Sabi ko sa bahay ko ikaw titira pero hindi sa bahay dito sa Manila. Sa bahay ko doon sa hacienda Villaranza."

Ano? Anong sinabi niya? What the ef? 

-----------------

Sa venue, nagngingitngit pa rin ang kalooban ko habang naaalala ang pag-uusap namin ni Masson kanina.

"After you my bride." Aniya habang may nakakalokong ngisi sa mga labi. I hate his face.

"Aatras ako sa kasalang ito. Ayaw kong umuwi sa Villanueva." Sabi ko ko at galit na nakatingin sa kaniya.

I expect him to get shock at tatanggi pero ngumisi lang siya.

"Did you read the contract?" tanong niya.

"Why? Anong meron sa contract?" naguguluhang tanong ko. Hindi ko binasa. Tinignan ko lang. Nang makita ko na pumirma siya sa ibaba ay pumirma na rin ako.

"Well... I also put there na once umatras ka sa kasalanan o lumabag sa kontrata sa loob ng limang buwan, 50% stocks ng Vitaliano group of Company will be transfer to Villaranza. At ‘pag ako naman ang lumabag, of course mapapa sa inyo ang buong ari-arian ko."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano ba ang mga naipundar niya? Sa lahat ng sinabi niya ay doon lang nakuha ang attention ko. Curious ako sa buhay ni Masson. Curious ako sa magiging asawa ko.

"Ano bang meron ka?"

"Ouch!" Tumawa siya but I know what's the difference between force and genuine. Obviously, that laugh was a force.

It's not an insult. It's a question. Ano bang meron siya na kayang pantyan ang 50% shares namin sa Vitaliano Company? I’m not bragging na sobrang yaman namin pero parang ganoon na nga.

"Sweetie, your soon to be husband can stand alone without his family's support."

Unti-unti siyang lumapit sa 'kin. I didn't blink even once. Ayaw kong ma intimida sa presensya niya kahit intimidating siya. 

"I am Masson Villaranza. Owner of MV Airlines, your soon to be multi-billionaire husband."

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang ma proseso sa isipan ko ang sinabi niya. He must be kidding me. It's impossible. Right?

Hindi lang siya basta anak ng billionaire? He, himself is already a billionaire? God! I need to breathe. 

Who are you Masson Villaranza?

-------

Hanggang ngayon ay lutang pa rin ako. Hindi ko na nga namalayan na nasa loob na kami ng hall. Ngayon ko lang din napansin na nandito na ‘yong mayor na magkakasal sa 'min.

At si Mas- wait.

"How did you find that girl Son? Is she... a minor?" Sabi nong lalaking katabi ni Masson and he looks like Masson.

"Excuse me, 18 na 'ko." Pagsusungit ko sa kamukha ni Masson na nagtatago ngayon sa likod ng isa pang kamukha ni Masson.

Teka nga muna! Naguguluhan ako. Triplets sila?

"Dox, stop it. We're here as a witness. Hindi para maglaro," sabi nong isa. Naguguluhan talaga ako sa kanila.

Yung may mala badboy na buhok ay si Dox? Yeah. Nakataas kasi ‘yong buhok niya. Parang manok.

"But Dix, para siyang bata." Sabi nong Dox.

"Teka nga, mind you if ipakilala mo Masson sa 'kin ‘yang mga nasa gilid mo." Naiinis na tanong ko. Naiinis talaga ako sa kaniya kanina pa hanggang ngayon.

Masiyado niya ‘kong binigla sa araw na ito. Nakakabanas.

"These two are my brothers. Triplets kami. Siya si Maddox," aniya sa lalaking may mala badboy na hairstyle.

"And this one is Maddix." Aniya sa isang lalaki na may greek na hairstyle.

Nang tignan ko sila tatlo, malilito ka talaga kung sino si Masson, Maddox at Maddix.

Magkakapareho ang mga mukha nila. Iyong hairstyle at damit lang talaga ang pinagkaiba.

"And this is my soon to be bride, May Ivory Vitaliano." Pagpapakilala niya sa 'kin. 

"Mapagkakatiwalaan ba siya Son?"

Tumaas ang kilay ko sa tanong ni Maddix. Anong akala niya sa 'kin? 

"Ehem.. Mag sisimula na ba tayo?" naagaw ng mayor ang attention namin lahat.

"Yes mayor. Start it now," seryosong saad Masson. My soon to be husband. Madali lang ang seremonyas. After mag salita ng mayor ay pumirma lang kami. 

Pagkatapos ng kasal, agad kaming umuwi ni Masson sa condo niya gaya ng napag-usapan kanina.

"Feel at home here Ivory. Kumain ka sa ref if nagugutom ka. May damit sa guest room na kasya sa 'yo. Feel free to use it." Aniya at balak na sanang pumasok sa kwarto niya ng pigilan ko siya.

"Wait, lahat ba ng damit sa guest room ay branded?" tanong ko.

Huminto siya at parang pina process pa ang sinabi ko kanina.

"So far I know, yeah! Those are luxury items and if I'm not mistaken galing lahat ‘yan sa L.A, Italy at France. So I think so." Aniya.

Parang lumaki ‘yong tenga ko sa narinig. Lahat ‘yon as in galing sa ibang bansa? At branded pa ah. Sh*t! Can't wait to see it all.

But since nakatingin pa si Masson sa 'kin, I maintain my posture as serious and calm. Kahit nagtutumalon na ‘yong puso ko sa saya.

"Oh okay. That's good," sabi ko at taas noong umupo sa sofa.

Nang makita na unti-unting tumalikod si Masson at nag lakad papasok sa kwarto niya ay doon lang ako tumalon.

"Jockpot!" Dali-daling pumasok sa guest room.

Nang buksan ko ang closet, halos nagningning ang buong mata ko sa mga branded clothes sa closet niya.

Grabe. It costs billions I think? Sobrang ma-mahal nito at ang dami pa. I didn't know na ganito ka yaman ang Villaranza.

Parang ang sarap hingin tong buong closet kay Masson ah. 

Kumuha ako ng ilang pares at tinignan. Grabe talaga, yung mga brand at ang price, ang ma-mahal.

Parang sa limang item lang nito ay ang allowance ko whole month. Malaki na nga yung allowance ko for whole month but upon seeing these clothes, nagmumukha akong pulubi dito. 

Pagod ako pero gising na gising ang diwa ko sa nakikita ko. This is heaven. Yes!

----

It's 2 in the morning. Kailangan na naming maghanda dahil pupunta na kaming airport mamayang 3.

Kumatok ako sa pintuan ni Ivory. Pero mukhang tulog pa yata.

Nang pihitin ko ang pintuan ay bukas ito kaya sumilip ako sa loob.

Nagulat ako nang makita siya sa kama nakahiga ng nakarap ang katawan sa bedsheets habang pinapalibutan siya ng mga damit sa sahig at kama.

Bukas ang closet at nagkalat ang ilan sa mga damit.

Anong ginawa niya?!

Lumapit ako sa kaniya para gisingin siya. 

"Ivory wake up." But hindi siya gumigising. May sinasabi pa siya na hindi ko marinig. 

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko. Nilapit ko ang tenga ko sa bibig niya para marinig ang sinasabi niya. 

"Give me.. Kiss," kiss? Gusto niya ng kiss?

"Yes. That's... it.. kiss," dagdag nito. 

What is she talking about? Is she asking for a kiss?

If that so, then I'll give it to her. 

Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kaniya. Malapit na malapit na. Konting - konti na lang pero-

Agad siyang nagmulat ng mga mata na ikinatigil ko. 

"Cookies" salitang binitiwan niya bago nangunot ang noo na nakatingin sa'kin. "What are you doing?" 

Huh? She's asking for a kiss- nang marealize ko ang nangyayari agad akong napamura!

Parang napapaso akong lumayo sa kaniya. What am I thinking that she's asking for a kiss? For pete sake, a cookies? Tas kiss ang dinig ko? You're crazy Masson. 

"I'm just about to wake you up. We're ahm- aalis na tayo mamaya 3 am. Fix yourself and-" tumingin ulit ako sa sahig at pati siya ay napatingin rin. 

Unti-unting lumaki ang mata niya nang makita ang kalat na damit. Parang binagyo.

"I didn't do this." Agad na sabi niya. I just smirk and leave quietly. Pero bago ko pa man isara ang pintuan, narinig ko siyang pa impit na sumigaw. 

'She's funny' I said. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status