Share

Chapter 002

Penulis: ExDealers
last update Tanggal publikasi: 2026-08-01 16:39:56

ZANIYAH

“Bitawan ninyo ako!”

Buong lakas akong nagpumiglas, pero lalo lamang humigpit ang pagkakahawak ng dalawang guwardiya sa magkabilang braso ko. Sinubukan kong sipain ang isa, ngunit dahil sa taas ng suot kong takong, muntik pa akong matumba.

“Hindi ako sasama sa inyo!” sigaw ko. “Hindi ninyo ako puwedeng ibenta!”

Wala man lang silang pakialam sa sinasabi ko.

Parang wala silang naririnig habang sapilitan nila akong inilalakad patungo sa stage.

“Tumigil ka na,” malamig na sabi ng babaeng nagdala sa akin doon. “Wala ka nang magagawa.”

“Hindi ako bagay na puwede ninyong ibenta!”

“Bayad na ang utang ng pamilya mo kapag natapos ito, Zaniyah.”

Sa bawat hakbang ko, pakiramdam ko ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko. Halos hindi ako makahinga sa corset na suot ko, pero mas nakakasakal ang mga matang nakasunod sa akin.

Lahat ng lalaki sa loob ng silid ay nakatingin sa akin.

Walanghiya.

Parang hindi ako tao sa paningin nila. Parang isa lamang akong bagay na inilabas upang suriin bago bilhin.

May ilang tumitingin sa mukha ko, habang ang iba ay naaasam kung titigan ang katawan ko. Naririnig ko pa ang mahihinang tawanan at bulungan nila habang papalapit ako sa stage.

“Maganda siya at bata pa.”

“Mukhang palaban. Mas masarap paamuin ang ganiyan.”

Nanindig ang balahibo ko.

Gusto kong takpan ang katawan ko, pero hawak ng mga guwardiya ang magkabilang braso ko. Kahit ilayo ko ang tingin ko, ramdam ko pa rin ang maruruming mata ng mga lalaking nakaupo sa harapan.

Pagdating namin sa hagdan ng stage, binitawan ako ng isang guwardiya para makaakyat ako. Agad kong sinubukang tumakbo, ngunit nahawakan niya ang likod ng damit ko.

“Bitawan mo ako!”

Mabilis akong hinila pabalik. Napasigaw ako nang sumakit ang braso ko sa pagkakahawak niya.

“Huwag mong subukan,” bulong niya. “Maraming armado sa paligid. Wala kang mapupuntahan.”

Napatingin ako sa malalaking pintuan.

May dalawang guwardiyang nakaharang doon. May mga lalaki rin sa bawat sulok ng silid. Lahat ay nakasuot ng itim at may baril sa tagiliran.

Kahit makawala ako sa dalawang lalaking ito, hindi ako makakalabas nang buhay.

Nang makarating kami sa gitna ng stage, inilagay nila ako sa tabi ng auctioneer. Mabilis akong yumakap sa sarili ko upang kahit papaano ay matakpan ang balat na lantad sa suot kong damit.

Ngumiti ang auctioneer sa mga lalaking nasa ibaba.

“Ladies and gentlemen, narito na ang hinihintay ninyong espesyal na handog ngayong gabi.”

Lalong lumakas ang bulungan sa paligid.

Napatingin ako sa mga paddle na hawak ng bawat lalaki. May mga numero ang mga iyon, at handa na silang itaas ang mga iyon anumang oras.

“Ang babaeng nasa harapan ninyo ay si Zaniyah Castro,” pagpapatuloy ng auctioneer. “Twenty-four years old, malusog, at walang anumang bisyo.”

Nanlaki ang mga mata ko.

Pati edad ko, alam nila?

“Ilang pagsusuri ang ginawa sa kanya bago siya dinala rito,” dagdag niya. “At makasisiguro kayong hindi pa siya nahawakan ng sinumang lalaki.”

Nagpalakpakan ang ilan at may sumipol pa mula sa likuran.

Naramdaman kong uminit ang mukha ko sa sobrang galit at kahihiyan.

“Mga walanghiya kayo!” sigaw ko. “Hindi ako pumayag dito! Hindi ninyo ako puwedeng ibenta!”

Ngunit parang lalo lamang natuwa ang mga lalaki sa ginawa ko.

“Ganyan nga, gusto ko palaban,” natatawang sabi ng isang lalaki.

“Mukhang marami akong kalaban dito sa auction ngayon. Pero exciting,” ngising sabi ng isang lalaki.

Napakuyom ang mga kamay ko. Kung puwede ko lang silang sugurin isa-isa, ginawa ko na.

Itinaas ng auctioneer ang martilyo.

“Ang panimulang halaga para kay Zaniyah ay one million pesos.”

Natahimik ang silid.

Mabilis kong pinagmasdan ang mga lalaking nasa ibaba. Walang agad na nagtaas ng paddle.

Napakurap ako.

Baka walang may gusto dahil mahal. Baka may pagkakataon pa akong makaalis dito.

Unti-unting nabuhay ang pag-asa sa dibdib ko. Kung walang bibili sa akin, baka ibalik nila ako sa pamilya ko. Baka maaari pa akong tumakbo at humingi ng tulong sa mga pulis.

Ngunit hindi pa man ako nakakahinga nang maayos, may biglang nagtaas ng paddle mula sa ikalawang hanay.

“Two million!”

Napalingon ako sa direksyon ng boses.

Isang matabang lalaki ang nakaupo roon. Halos mapuno ng malaki niyang katawan ang upuan. May mga tattoo ang leeg at dalawang braso niya, at puno ng makakapal na gintong kuwintas ang dibdib niya. Halos lahat din ng daliri niya ay may singsing.

Ngumiti siya sa akin.

Hindi iyon ordinaryong ngiti dahil excited ang itsura niya, na para bang matagal na niyang hinihintay na makuha ako.

Dahan-dahan niyang dinilaan ang gilid ng labi niya habang hindi inaalis ang tingin sa katawan ko.

Nanginig ang tuhod ko.

Hindi. Kahit sino, huwag lang ang lalaking iyon. Please.

“Two million from Mr. Salvador,” masayang sabi ng auctioneer. “May tataas pa ba?”

Mabilis na itinaas ng isa pang lalaki ang paddle niya.

“Three million.”

Natawa si Mr. Salvador at sumandal sa upuan.

“Five million,” sagot niya.

“Seven million,” sigaw ng lalaking nasa kabilang bahagi.

Sunod-sunod na tumaas ang mga paddle.

“Eight million!”

“Ten million!”

“Fifteen million!”

Sa bawat halagang binabanggit nila, mas lalo akong nanlalamig.

Pinag-aagawan nila ako na parang isang mamahaling gamit.

Hindi nila alam kung sino ako. Hindi nila alam kung ano ang gusto ko, kung ano ang kinatatakutan ko, o kung ano ang mga pangarap ko sa buhay.

Wala silang pakialam.

Ang alam lang nila, kaya nila akong bilhin.

“Twenty million.”

Natahimik ang lahat nang marinig ang malamig na boses mula sa unang hanay.

Napatingin ako sa lalaking nagtaas ng paddle.

Siya ang nakabili sa babaeng nauna sa akin.

Si Riven Hayes.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 015 (SPG)

    ZANIYAHDahan-dahan niya akong inilapag sa kama nang hindi pinuputol ang pagkalapat ng kanyang mapupulang labi sa akin. Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang kanyang mga halik. Ganito pala ang feeling ng mga taong naghahalikan, masarap at nakakaloko. Hindi ba galit ako sa kanya, bakit ngayon hindi ko man lang magawa na itulak siya palayo. Hindi ko alam kung bakit gusto ko ang ginagawa ni Aamon sakin.Hindi ko namalayan na naka patong na pala siya sa ibabaw ko. Unti-unti kong naramdaman ang matigas niyang alaga nang dahan-dahan niyang ikiskis iyon sa mamasa-masa kong hiyas. "Ohhh" ungol ko ng bigla niyang idiin ang kanyang pagkalalaki sa akin. Habang tumatagal mas lalo akong nalulunod sa sarap ng kanyang mga halik. Unti-unting bumababa ang mga halik niya sa aking leeg habang hinahaplos ang malulusog kong mga suso. Para akong mababaliw at hindi ko maipalawanag ang aking nararamdaman. Ibinaba niya ang kanyang kamay papunta sa laylayan ng aking bathrobe at dahan-dahan niyang tin

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 014

    ZANIYAHPagkapasok namin sa hotel room, agad akong dumiretso sa bathroom. Gusto ko lang talagang makaligo dahil nanunuot na sa balat ko ang lamig mula sa ulan.“Mauna na akong maligo,” sabi ko habang hawak ang doorknob. “Parang mamamatay na ako sa lamig.”“Go,” sagot ni Aamon habang inilalapag ang cellphone at wallet niya sa side table.Hindi na ako naghintay pa at agad kong isinara ang bathroom door.Mainit ang shower kaya kahit paano ay nawala ang panginginig ko. Pero matapos kong maligo, saka ko na-realize na wala pala akong pamalit na damit.Napatingin ako sa basang dress at underwear ko.Great.Wala akong choice kundi isuot muna ang bathrobe ng hotel.Paglabas ko ng bathroom, nakita kong nakaupo si Aamon sa gilid ng kama. Napatingin siya sa akin nang bumukas ang pinto kaya bigla akong nailang.“Bakit?” tanong ko habang hinahawakan nang mas mahigpit ang sinturon ng bathrobe.“Nothing,” sagot niya habang tumatayo. “Ako naman.”Pumasok siya sa bathroom at isinara ang pinto.Habang n

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 013

    ZANIYAHBasang-basa kami nang tuluyan kaming makapasok sa sasakyan ni Aamon. Pagkasara ko ng pinto, saka ko lang naramdaman kung gaano kalamig ang katawan ko. Nanginginig ang mga kamay ko at halos mangatal ang mga tuhod ko habang nakaupo sa passenger seat.Siguro dahil lang iyon sa aircon.Napansin ni Aamon ang panginginig ko kaya agad niyang hininaan ang aircon. Pagkatapos ay sumulyap siya sa backseat at inabot ang coat niyang nakapatong doon.“Here,” sabi niya habang iniabot iyon sa akin. “Isuot mo muna.”Napatingin ako sa coat bago ko iyon tinanggap. “Thanks,” maikli kong sagot habang isinusuot iyon sa balikat ko.Doon ko lang napansin na wala na pala siyang suot na coat nang bumaba siya ng sasakyan kanina. Naka-white polo lang siya ngayon, at dahil basang-basa rin iyon sa ulan, halos dumikit na ang tela sa katawan niya.Napadako ang tingin ko sa dibdib niya.Putang ina.Hapit na hapit ang polo sa katawan niya kaya kitang-kita ang hulma ng dibdib niya. Hindi ko namalayang bumaba pa

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 012

    CHAPTER 12ZANIYAHBandang alas-singko y medya, nasa waiting area pa rin ako.Mahigit isang oras na simula nang umalis si Aamon. Tiningnan ko ang cellphone ko, pero wala pa ring tawag o message mula sa kanya.Nagtext ako.[Are you done?]Walang reply.Pinilit kong huwag mainis.Sinabi naman niyang one or two hours.Bandang alas-sais y medya, tumawag ako.Hindi niya sinagot.Napabuntong-hininga ako at ibinalik ang cellphone sa kandungan ko.May emergency lang siya, Zaniyah. Huwag kang praning.Pero pagsapit ng alas-siyete y medya, hindi na talaga ako mapakali. Halos tatlong oras na mula nang umalis siya at ni isang message, wala.Paminsan-minsan, napapatingin ako sa glass doors ng clinic sa tuwing may headlights na dumadaan sa labas.Pero walang Aamon.Bandang alas-otso y medya, nagsimula nang magligpit ang mga staff. Lumapit sa akin ang receptionist habang may hawak na ilang folders.“Ma’am Zaniyah, may susundo pa rin po ba sa inyo?” magalang nitong tanong habang pasulyap na tumitingi

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 011

    CHAPTER 11ZANIYAHPagkatapos ng appointment namin sa clinic, hindi agad kami bumalik sa villa.“Where are we going?” tanong ko habang pasulyap-sulyap kay Aamon na tahimik lang na nagmamaneho.“Kakain,” maikli niyang sagot nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.Napakunot ang noo ko at sumandal sa upuan. “Hindi ba puwedeng sa villa na lang tayo kumain?” tanong ko.“Babalik tayo sa clinic mamayang hapon para sa complete laboratory results mo,” paliwanag niya habang patuloy sa pagmamaneho. “Mas malapit dito ang restaurant.”Hindi na ako nagtanong pa. Mukhang nakaayos na naman sa isip niya ang buong schedule namin kaya wala rin namang saysay makipagtalo.Makalipas ang ilang minuto, huminto kami sa harap ng isang sikat at mamahaling restaurant na ilang beses ko nang nakikita sa social media. Hindi ko pa man nakikita ang menu, pakiramdam ko isang order lang dito, ilang araw na agad na kita ng karinderya namin.Pagpasok namin, agad kaming sinalubong ng manager.“Good afternoon, Mr. Carrin

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 010

    ZANIYAHKinabukasan, alas-sais pa lang ng umaga ay gising na ako.Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Ilang beses akong nagising at hindi ko alam kung dahil naninibago lang ang katawan ko sa lugar o dahil hindi pa rin matahimik ang isip ko sa lahat ng nalaman ko kahapon.Pagbangon ko, inayos ko agad ang kama gaya ng nakasanayan ko sa bahay. Kahit may mga staff naman dito na siguradong gagawa niyon para sa akin, hindi ako sanay na iniiwan lang na magulo ang higaan ko. Pagkatapos, naligo ako at nagsimulang mag-ayos.Isang simple lang na pink halter-neck midi dress na may maliliit na floral prints ang pinili kong isuot. Ipinares ko iyon sa puting flat shoes na may maliit na bow. Hinayaan ko lang ding nakalugay ang buhok ko at naglagay ng kaunting make-up.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status