Share

CHAPTER 51

last update Last Updated: 2025-09-08 08:08:41

Tahimik ang bahay nang araw na iyon. Nasa kwarto si Anchali, abala sa kanyang mga laruan, habang si Aurelia ay nakaupo sa mesa, hawak ang tasa ng kape na halos lumamig na. Walang ingay kundi ang tunog ng hangin mula sa bintana.

Si Xavier ay nasa trabaho. Tulad ng nakagawian, mahigpit ang bilin bago umalis, “Stay inside. Don’t talk to anyone. Wait for me.”

Ngunit hindi lahat ng pinto ay nananatiling sarado.

Napapitlag si Aurelia. Una, inisip niyang tauhan lang ni Xavier. Ngunit may malamig na pakiramdam sa kanyang batok, isang pamilyar na kaba.

Dahan-dahan siyang lumapit at sumilip sa peephole.

At doon, nanlamig ang kanyang katawan.

Isang babae—mataas ang postura, naka-damit pang-opisina, may kumpiyansang nakaukit sa mukha. Ang babaeng narinig niya noon sa kabilang linya, tumatawag kay Xavier ng hon.

Huminga nang malalim si Aurelia, at binuksan ang pinto.

“Ano’ng kailangan mo?” mariing tanong niya.

Ngumiti ang babae, walang pakundangan. “Hindi mo ba ako papapasukin?”

At bago pa man siy
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Runaway Obssesion   CHAPTER 63

    Maagang-maaga pa lamang ay gising na si Aurelia. Hindi siya halos nakatulog kagabi sa tindi ng kaba at pananabik. Sa tabi niya, mahimbing na natutulog si Anchali, nakayakap sa paborito nitong stuffed bunny. Sa bawat paghinga ng anak, dama niya ang bigat ng desisyong gagawin nila ngayong araw—ang paglayo, ang pagtakas, ang pagsisimula ng bagong buhay.Tahimik siyang bumangon at naglakad patungong bintana. Nakalilis ang kurtina, at mula roon ay tanaw niya ang mga ilaw ng bayan na unti-unting naglalaho habang sumisikat ang araw. Ito na iyon, bulong niya sa sarili. Wala nang atrasan. Kailangan naming makaalis bago makaramdam si Xavier.Pagkaraan ng ilang minuto, bumaba si Aurelia sa kusina at nadatnan ang ina niyang si Selene na abala sa pagluluto ng almusal. “Anak, maaga kang bumaba. Sigurado ka ba sa gagawin niyo ngayon?” tanong ng ina, habang inihahain ang mainit na tinapay at gatas.Tumango si Aurelia. “Yes, Ma. If we don’t leave now, baka wala na kaming chance. Jill is already waitin

  • His Runaway Obssesion   CHAPTER 62

    Mahigpit ang titigan nina Aurelia at Xavier sa sala—parang dalawang mabangis na hayop na handang magsalpukan. Sa gitna nila, walang kamuwang-muwang na nakaupo si Anchali sa sofa, hawak-hawak pa ng kanyang ama ang maliit nitong kamay. Ang bata ay nakangiti kanina, pero nang maramdaman ang bigat ng hangin at makita ang malamig na ekspresyon ng kanyang ina, dahan-dahan na rin itong natahimik.“Aurelia…” malalim at mariin ang boses ni Xavier, tila ba isang babala. “Huwag kang lalapit.”Ngunit hindi nagpigil si Aurelia. Dahan-dahan siyang umusad, hawak pa rin ang maleta na kanina pa niya pinipigilan na bumagsak. Ang bawat hakbang niya ay sinasabayan ng mabigat na tibok ng kanyang puso. *Kailangan ko siyang makuha… kailangan ko siyang mailabas.*“Anchali, halika sa Mama.” Malumanay ang boses niya, pilit niyang pinapakalma ang anak. “We need to go, sweetheart.”Nag-angat ng tingin ang bata, naguguluhan. “But Daddy’s here…” bulong nito.Humigpit ang hawak ni Xavier sa kamay ng anak, kaya agad

  • His Runaway Obssesion   CHAPTER 61

    Simula nang pumasok muli si Anchali sa eskwela at sumunod si Xavier sa trabaho, naiwan siyang mag-isa sa bahay.Para bang masyadong tahimik. At sa gitna ng katahimikan na iyon, ang isip niya ay hindi mapalagay.Matagal na niyang napapansin—ang pagkakaila ni Xavier sa ilang tanong, ang bigat sa mga mata nito tuwing binabanggit ang nakaraan, at higit sa lahat, ang misteryosong opisina nito sa itaas ng bahay.Mula sa kanyang kinauupuan, napatingin siya sa hagdan.Anong meron sa opisina niya? Bakit parang sobrang lihim ng lahat?Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya, ngunit bago pa siya makapagdesisyon nang tuluyan, tumayo na siya, marahang humakbang patungo sa hagdan, at nagsimulang umakyat.Sa bawat yapak niya sa hagdan, tila lalong bumibigat ang kanyang dibdib. Nang makarating siya sa tuktok, napaharap siya sa pintuan ng opisina ni Xavier—madilim na kahoy, mabigat, at laging nakasara.Huminga siya nang malalim, dahan-dahang iniikot ang seradura. Laking gulat niya nang bumukas

  • His Runaway Obssesion   CHAPTER 60

    Tahimik na bumalik sa bahay ang sasakyan nila Xavier. Sa biyahe pa lamang ay ramdam na ni Aurelia ang bigat ng hapunan sa tiyan, ngunit kasabay nito ay may kakaibang gaan sa kanyang dibdib. Sa likod ng kotse, unti-unting tumahimik si Anchali, na ilang minuto lang ang nakalipas ay panay pa ang hagikhik dahil sa pinapanood sa tablet.Pagdating nila sa garahe, agad bumaba si Aurelia at sinamahan si Anchali papasok. Ang bata ay nag-inat ng braso, halatang pagod na, ngunit sa kabila nito ay may ngiting nakaguhit pa rin sa labi.“Good night, Mama. Good night, Papa,” paalam ni Anchali habang dumiretso sa kanyang silid.“Aren’t you forgetting something?” tanong ni Xavier, nakahalukipkip habang nakatayo sa tabi ng pintuan.Napakunot-noo si Anchali at sabay tawa, “Oh right… good night kiss!” Dagli niyang nilapitan si Aurelia at humalik sa pisngi, ngunit nang si Xavier naman ang sumenyas na siya rin, napapikit ang bata at mabilis na humalik sa pisngi ng ama—saka agad na tumakbo papasok.“Che!” s

  • His Runaway Obssesion   CHAPTER 59

    Palubog ang sikat ng araw nang magpasya silang umuwi mula sa parke. Ang halakhak ng ibang bata, ang kaluskos ng mga dahon na tinatangay ng hangin, at ang amoy ng sariwang damo ay nanatili sa paligid habang naglalakad sina Aurelia, Xavier, at Anchali patungo sa kotse na nakaparada sa gilid ng kalye.Mahigpit ang hawak ni Anchali sa kamay ng kanyang ina, parang ayaw pakawalan. Ang stuffed toy niya’y nakasiksik pa rin sa kabila niyang braso. Habang naglalakad, nakasunod si Xavier, halatang gusto pa ring makalapit, pero mariing umiiwas ang bata.“Anak…” mahinahong tawag ni Xavier habang binibilisan ang hakbang para mapantayan ang dalawa. “Sumama ka naman sa tabi ko kahit sandali lang. Hindi ba mas masaya kung maglalakad tayo nang magkakasabay?”Pero biglang bumitaw si Anchali sa gilid at tumakbo nang kaunti, halos idikit ang sarili kay Aurelia. “Ayoko! Mama lang ang katabi ko!”Napatigil si Xavier sa paglalakad at napapikit ng mariin. Kitang-kita ni Aurelia ang pagsisikap ng lalaki na huw

  • His Runaway Obssesion   CHAPTER 58

    Mabilis lumipas ang maghapon para kay Aurelia. Sa gitna ng mga gawaing bahay at katahimikan, natagpuan niya ang sarili na abala sa pag-iisip kung anong masarap na meryenda ang puwedeng pagsaluhan nilang mag-ina matapos makuha si Anchali sa paaralan. Sa isip niya, kailangan nilang magkaroon ng sandali na sila lang—magaan, masaya, at walang bigat ng mga nakaraang usapan. Naghanda siya ng maliit na bag, naglagay ng pamunas, tubig, at ilang gamit para kay Anchali. Eksaktong alas-tres ng hapon nang siya’y magtungo sa eskuwelahan. Sa labas, nakapila na ang mga magulang, ang ilan may dalang payong, ang iba nama’y masiglang nagkukuwentuhan. Paglabas ni Anchali sa gate, agad siyang tumakbo papunta kay Aurelia, mahigpit ang yakap, at masigla ang ngiti. “Mama!” sigaw nito. “Saan tayo pupunta?” Bahagyang natawa si Aurelia at hinaplos ang buhok ng anak. “Magme-meryenda tayo. Na-miss ko kasi ang date nating dalawa.” Parang kumislap ang mga mata ni Anchali. “Yey! Gusto ko ng cake at juice!” Na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status