Se connecter12 months later…… .
»»————> 𝑎𝑢𝑟𝑒𝑙𝑖𝑎 <————«« Aurelia and Xavier decided to take the shot of their marriage. They have been living like a normal couple for the past twelve months. Today is their first wedding anniversary. She’s been preparing for a nice dinner with him. Dinner time has arrived and he hasn't come home yet. She kept waiting for him. She even dressed nicely so they can take a picture and show it online like they always do on their monthsary. Tonight is different, he has never been late to their dinner. Naghintay sya ng naghintay, naupos na ang kandila sa lamesa at lumamig na ang mga pagkain ay wala pa rin ito. Bumuntong hininga na lang sya at ibinalik na sa fridge ang cake na siya ang nag-bake. Paakyat na sana siya nang dumating ito, pagpasok nito ay agad siyang nilapitan at akmang hahalik kagaya ng palagi nitong ginagawa pag-uwi. Nag-iwas sya ng ulo nang hahalik na sana ito. “Kumain kana,” walang gana niyang sabi bago pabalang na isinara ang pintuan ng pridyider. “Why? What’s wrong?” nagtatakang tanong nito sa kanya. “What’s wrong? You forgot our dinner date,” her voice is full of tension. “How can you fucking forget our dinner?” She’s looking at his eyes seeking an answer. “Tell me, when? And why on earth? I thought we’ll give it a shot? Or you’re just shitting me?” Answer is the one she’s looking for with his voice. “Why the fuck?” she kept asking him. “Look, I’m sorry. I just had a lot of work today.” Hinawakan nito ang braso ko pero tinabing ko iyon. “Kumain kana.” Walang buhay niyang sabi atsaka umalis paakyat sa kanilang kwarto. Nakahiga na si Aurelia nang pumasok si Xavier sa kanilang kwarto. “Hey… I know you’re mad, I’ll make it up to you then. Tomorrow we’ll go shopping if you want.” Pang-aamo nito sa kanya. “Talaga?” Pagtatanong nya dito habang naka krus ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. Nakita ni Aurelia kung paano nag-liwanag ang mukha nito. “Yes, baby. Tomorrow I’ll promise.” Tsaka ito naglakad ito papunta sa kanya. Niyakap sya nito bago tinapunan ng mga halik. “Sabi mo ‘yan ah?” Paninigurado nya. “Yes, baby, promise.” Hinalikan sya ulit nito sa mga labi. “Mag-shower kana, ang baho mo na.” Pangloloko nya dito, ikinulong nito ang mukha sa kanyang leeg. Itinulak nya ito papalayo. “Come on, ‘wag kang tamad, Xavier.” Tumawa lang ito at tumayo papunta sa banyo. Pagkakinabukasan ay maaga nag-ayos ng sarili si Aurelia. Susurpresahin nya ang asawa ngayong araw. Imbes na susunduin siya nito sa bahay ay pupuntahan nya ito sa trabaho. Nang makarating sya sa kumpanya nito ay agad nya itong hinanap sa sekretarya nito. “Hi! Nasan si sir mo? Nasan si Xavier.” Pagtatanong nya dito. Tila namutla ito ng tanungin nya kung nasaan ang asawa. “Nasan kako ang asawa? Nasaan ang sir mo?” mataray na pagtatanong nya dito. “Ah-eh ma’am…. Nasa condo po,” pag-aalangan nitong tugon. Napataas sya ng kilay. Bakit nandoon ang asawa nya? Doon dati dinadala ni Xavier ang mga naging babae niya noong hindi pa sila kasal. Hindi na nya pinag-salita ang sekretarya at umalis na agad sa opisina. Dali-dali siyang nag-punta sa condo. Hindi nya alam pero may galit at nginig sa kanyang katawan. Pagkarating nya ay agad nyang pinindot ang 5th floor kung nasaan ang unit ng asawa. May spare key sya ng naturang condo. Nang makalabas sya sa elevator ay naging mabigat ang bawat hakbang nya. Biglaan nyang binuksan ang pintuan ng condo, napa-awang ang kanyang bibig nang makita niya na may ibang labi na nakalapat sa labi ng kanyang asawa. Malakas nyang isinara ang pintuan at inilang hakbang ang babae at ang kanyang asawa. “Is this why you’ve been home late? Huh!?!” Bumabagsak ang mga luha nya habang nagsasalita. “How many months? How many months!?!” Pasigaw na tanong niya sa babae. Pagtukoy nya sa maumbok na tiyan nito. “Ilang buwan?!” Bumalatay ang kanyang kamay nang sampalin nya ito. Lumingon sya kay Xavier. “Why? Why?” paulit-ulit nya na tanong dito. Akma syang lalapitan nito nang pigilan niya ito. “No! No! No! Don’t touch me! No!” Pagtataboy niya dito. “Are you the father?” Nanghihinang tanong niya dito. “Oo, sya ang tatay ng dinadala ko,” matapang na sabi ng babae na may bahid pa ng pang-uuyam ang ekspresyon ng mukha nito. “And you’re proud? Huh?!” Matapang nyang balik tanong sa babae. “Proud ka na nakabuntis sa’yo ay isang kasal na lalaki? Proud kang malandi ka?!” Pag-uulit nya ng tanong dito. “At ikaw?” Pagbaling nya sa asawa. “Sabi mo hindi mo ako mamadaliin pero nakabuntis ka ng ibang babae?!” Galit na tonong tanong nya. Mabilis sya naglakad palabas pero na abutan siya nito at niyakap sa likod. “Let’s talk, please.” Pagmamakaawa nito. “Naawa ka ba sakin nung nagse-sex kayo? Inisip mo man lang ba ako? Yung nararamdaman ko?” Buhos ng luha at bugso ng damdamin ang nangingibabaw sa kanilang dalawa. Nagpumiglas siya at nag-patianod na umalis. Mabilis niyang pinaandar ang kanyang sasakyan. Kung paano siya nakarating sa kanilang bahay ng hindi naaksidente ay hindi niya din alam. Sa dami ng luha na bumabagsak sa kanyang mga mata ay hilam na hilam sya sa mga ito. Pagkapasok na pagkapasok nya ay agad nyang binato ng maliit na vase ang salamin ng picture nila noong sila ay ikinasal. Hinila nya ito at tuluyang bumagsak sa sahig at tuluyang nawasak. Tinabing nya ang iba pa nilang mga pictures pati na rin ang kanilang mga paintings. “Fuck! Fuck you, fuck you for real! Fuck you!” Galit na paghagulgol nya. Umakyat siya sa kanilang kwarto atsaka nag-impake ng mga gamit nya. Inihagis nya sa kama ang singsing nila nung kasal. Mabilis siyang umalis ng bahay. Ayaw niyang maabutan sya nito. She takes the road to the airport to leave. She’s leaving him, permanently. I thought he would change, I guess I’m wrong. Takbo ng kanyang utak. Always a womanizer, will always be the same. Tsaka mabilis na pinatakbo ang sasakyan.Ang gabi ay bumagsak na sa siyudad, madilim at tahimik maliban sa mga ilaw na kumikislap sa labas ng bintana ng opisina ni Xavier. Ang basag na mesa ay nananatiling saksi sa unos na dumaan ilang oras pa lamang ang nakalipas. Ngunit sa ngayon, ang mga luha ay napalitan ng apoy. Si Xavier Andrada ay nakaupo sa gilid ng mesa, ang siko ay nakapatong sa tuhod, ang telepono’y mahigpit sa kamay. Nakatitig siya sa itim na screen ng device, nanginginig ang mga daliri. Sa likod ng kanyang mga mata, hindi nawawala ang imahen ni Aurelia — duguan, nanghihina, ngunit matatag. At si Anchali, nakayakap sa laruan, umiiyak habang tinatawag siya ng “Daddy.” Huminga siya nang malalim. Wala na siyang oras para sa emosyon. Hindi ngayon. Sa isang marahas na galaw, pinindot niya ang numero na matagal na niyang iniiwasang tawagan. Tumunog ang linya—isang beses, dalawang beses, tatlo—hanggang sa may sumagot na pamilyar na boses, paos at malamig. “Hindi ko inakalang tatawag ka ulit, Kuya.” “Samuel.” Tahim
Malamig ang hangin sa opisina ni Xavier, ngunit ang pawis sa kanyang sentido ay hindi maipaliwanag. Nakaalalay sa mesa ang mga kamay niya, nanginginig, habang paulit-ulit niyang tinatawagan ang telepono ni Aurelia — walang sagot, walang tugon, tanging tahimik na beep na parang kumakain sa utak niya.“Sir,” sabi ni Ramil, ang chief security niya, halos hindi makatingin. “Sinuyod na namin ang buong paligid ng village. Wala po silang iniwang bakas. Dalawang van lang ang nakita sa CCTV, parehong walang plate number.”“Gaano kalayo na sila?” malamig ang boses ni Xavier, pero sa ilalim niyon ay naroon ang naglalagablab na galit.“Hindi namin matukoy, sir. Nagpalit po sila ng ruta tatlong beses. Paglabas ng subdivision, nawalan na kami ng visual.”Tahimik. Tila huminto ang oras. Ang tik-tak ng relo sa dingding ay parang mabigat na hampas sa dibdib niya.Sa isang iglap, binagsak ni Xavier ang kamao sa mesa, sumabog ang tunog ng basag na salamin mula sa basong nadaganan ng kamay niya.“Find th
Maganda ang simula ng araw.Ang langit ay kulay asul, walang ulap, at ang mga dahon sa hardin ng mga Andrada ay marahang sumasayaw sa ihip ng hangin.Tahimik ang bahay, puno ng liwanag ng umagang tila walang banta.Nakaayos na si Xavier sa harap ng salamin, suot ang navy suit na madalas nitong gamitin kapag may importanteng meeting.Mula sa kama, pinagmamasdan siya ni Aurelia habang sinusuklay ang buhok.“Magandang umaga,” sabi niya, ngiting may pagod. “Ang aga mo na namang gising.”Ngumiti si Xavier, lumapit, at marahang hinalikan siya sa noo. “I have to finalize a few things before lunch. Promise, babalik ako agad.”“Be careful,” mahina niyang sabi, sinusundan ng tingin ang asawa na lumalakad palabas ng silid.Sa sandaling iyon, normal ang lahat — parang wala nang dapat katakutan.Si Anchali naman ay masayang kumakain ng pancake sa ibaba, kumakanta pa ng tunog mula sa cartoon na napanood nila kagabi.Nakangiti si Aurelia habang inaasikaso ito, walang ideya na iyon na pala ang huling
Mainit ang araw ngunit malamig ang pakiramdam ni Aurelia sa loob ng sasakyan. Ang bawat kanto na nililiko niya ay parang may mata na nakamasid. Sa likod ng salamin, naroon pa rin ang itim na kotse—malayo pero hindi nawawala. Parang anino na hindi niya maalis sa kanyang paningin.Nakapikit siyang huminga, pinilit kumalma. “It’s fine, maybe it’s just coincidence…” bulong niya sa sarili, ngunit kahit sa tono ng kanyang tinig ay ramdam niya ang pagdududa.Iniliko niya ang sasakyan papasok sa mas mataong daan, sa tapat ng café na madalas nilang kainan ni Anchali tuwing Sabado. Nagpark siya, naghintay. Ilang segundo… walang gumagalaw. Ngunit nang tumingin siya muli sa rearview mirror, wala na roon ang itim na kotse.Nanlambot ang kanyang mga daliri sa manibela, parang biglang nawala ang lahat ng lakas. “Okay,” bulong niya, “kalma lang, Aurelia. You’re fine.”Ngunit hindi pa man niya natatapos ang paghinga, biglang bumukas ang pintuan ng café, at isang pamilyar na pigura ang lumabas—matangka
Mataas na ang araw nang magising si Aurelia. Dumadaloy ang ginintuang liwanag sa mga kurtina, dumadampi sa malamig na sahig ng silid nila ni Xavier. Ang tunog ng mga ibon sa labas ay tila musika ng panibagong araw, at sa gilid ng kama, mahimbing pa ring natutulog si Anchali, nakayakap sa maliit na stuffed bear na ibinigay sa kanya ng ama.Dahan-dahang tumayo si Aurelia, iniiwasang mag-ingay. Ang buhok niya’y malambot na bumagsak sa balikat, at sa kanyang hakbang ay may halong antok pa. Nang lingunin niya ang kabilang bahagi ng kama, napansin niyang wala roon si Xavier.“Again…” mahina niyang sabi sa sarili, pilit pinipigilan ang pag-aalala. Kahit pa sanay na siyang maagang bumababa ito para sa mga tawag sa opisina, may kakaibang pakiramdam na bumabalot sa kanya ngayon—isang hindi mapangalanang kaba.Mula sa hagdan, naririnig niya ang mahinang kaluskos ng mga tauhan sa kusina. Naamoy niya ang bagong timplang kape, at sandaling ngumiti. Ngunit bago pa siya makapunta roon, napansin niyan
Habang kumakain kami, si Anchali ay walang tigil sa pagkukuwento ng nangyari sa school—kung paano siya tinawag ng teacher para mag-lead ng morning prayer, at kung paano siya binigyan ng gold star sa math quiz. Si Xavier naman ay buong pusong nakikinig, nakangiti, paminsan-minsan ay humahaplos sa buhok ng anak namin.Ako, nakatingin lang sa kanila, at sa unang pagkakataon matapos ang ilang araw, nakaramdam ako ng kapayapaan.“Papa, next week daw may Family Day sa school!” sabi ni Anchali habang sumubo ng kanin. “Pwede ka bang sumama?”“Of course, baby,” sagot ni Xavier agad. “I wouldn’t miss it for the world.”Napatingin ako sa kanya. “Sigurado ka? Baka may meeting ka ulit—”“Wala akong mas mahalaga kaysa sa inyo,” putol niya sa akin, sabay ngiti. “Promise.”Tahimik akong tumango. Sa loob-loob ko, gusto kong maniwala. Gusto kong paniwalaan ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya—na tapos na ang mga lihim, na ito na ang Xavier na handang maging totoo at buo sa amin.Pagkatapos ng hap

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





