Angeline pov:ILANG ARAW PA ang lumipas at naging mas maayos na ang pakiramdam ko. Nakakakilos na rin ako na tuluyan ng naghilom ang sugat ko sa likod. Nalaman ko rin na nagpahatid nga si Primo kay manong Anton sa bayan at nag-iwan ng malaking halaga dito bilang kabayaran sa pagtulong at pagpapatuloy nila sa amin dito sa kanilang tahanang mag-asawa. Nahihiya na rin ako sa mag-asawa kaya napagpasyahan kong umalis na ng isla. Nakakatiyak din naman kasi ako na hindi ako pupuntahan ni Primo dito. Malinaw pa sa isip ko ang sinaad nito.Hindi ako si ate Shantal. Kaya wala akong, kwenta para sa kanya. Dahil hindi ako, ang mahal niya. Napagkamalhan niya lang ako. Gusto ko sanang magbalik sa poder ni tatay Amor. Pero dahil tauhan siya ni Primo ay magdadalawang-isip akong bumalik pa ng bahay. Palakad-lakad ako dito sa pampang. Nagpupulot ng mga shells na nagkalat lang. Dito ko ginugugol ang buong maghapon ko sa tuwing naiiwan nila manong Anton. Napaangat ako ng mukha at napangiti na makitang ma
Primo pov:MALIWANAG NA NG makarating kami ng isla kung saan ko iniwan si Angeline. Hindi na ako tumutol nang magpumilit si Amor na sumama. Ngayong alam ko na ang mga bagay-bagay sa kanila ni Angeline ay hindi na ako mag-aalangan palapitin ito sa asawa ko. Parang lulukso palabas ang puso ko na sa wakas ay nakarating din kami ng pampang. Napatalon akong napangiti na tumakbo sa bahay nila Anton! "Angeline!!? Baby!? Angeline!?" pagtawag ko dito. Unti-unting napalis ang ngiti ko na makitang sarado ang bahay. Napagala ako ng paningin sa paligid. Pero hindi ko mahagilap kahit ang anino nito. Napapalapat ako ng labing napapahawi ng buhok kong tinatangay ng malamig na hangin! Hindi na maganda ang nagpaparamdam sa akin sa mga sandaling ito. "Nasaan si Angeline bigboss?" ani Amor na napapalinga din."Hindi ko alam. Dito ko siya iniwan kasama ang mag-asawang tumulong sa amin" bulalas ko na naituro ang saradong bahay sa harapan namin."Sir Primo?" napalingon ako sa boses na tumawag sa akin.P
5 years later Angeline pov:NANGINGITI AKONG pinagmamasdan si Eivo na abala sa kanyang laruang kotse na bagong bili ko mula sa sobrang bayad ng kakanin na tinda ko sa simbahan kanina. Makita ko lang ang matamis na ngiti nito, ang malutong niyang paghalakhak, at ang mga nagniningning niyang mga mata ay masayang-masaya na ako. Bawing-bawi na ang pagod ko sa maghapon kong pagtitinda ng kakanin at mga bibingka sa labas ng simbahan na pwesto naming mga tindera doon ng kakanin. Napatitig ako dito. Ang bilis ng panahon. Limang taon na. Limang taon na rin pala kaming mag-ina dito sa isla Del Monte. Isang liblib na isla na pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao. Pero dahil hindi ko naman alam at hindi ko kaya ang trabahong pangingisda ay ibinenta ko na lamang ang naiwang pamana sa akin nila nanay at tatay na bangka at itong bahay na tinutuluyan naming mag-ina. Magmula nang magising ako noon sa isang hospital limang taon na ang nakakalipas ay napagpasyahan kong manatili na lamang d
Primo pov:NAGHAHANDA KAMI NG mga tauhan ko sa paglusob namin sa isang warehouse ni Havier kung saan gaganapin ang palitan ng armas at pera sa mga kliyente nitong banyaga mula pa sa Ukraine. Illegal ang bentahan ng mga ito kaya sa pribadong lugar sila magpapalitan kung saan secured nila ang paligid. Limang taon na rin ang nakakalipas magmula ng mamatay si Angeline. Ayon sa nadakip naming mga tauhan ni Havier limang taon na ang nakakalipas ay sila nga ang sumundo kay Angeline sa isla kasama ang amo nila. Pero mas pinili ni Angeline ang magpakamatay na tumalon sa nanggagalaiting dagat kaysa maging asawa ang matandang si Havier. Hindi na rin kami magtataka pa ni Amor sa mas pinili ni Angeline. At kita namang nagsasabi sila ng totoo dahil hanggang ngayon ay wala na ngang Angeline ang lumitaw o nagparamdam pa sa amin. Masakit. Mahirap. Pero kailangan kong tanggapin at magpatuloy sa buhay. Habang nasa kahabaan ng byahe ay tahimik lang akong nakapikit. Iniisip ang asawa ko. Oo, para sa aki
Primo:MATAPOS ANG SUCCESSFUL na operation namin na pabagsakin ang grupo ni Havier ay nag-lie-low muna kami ng mga tao ko. Lahat sila ay may nakuhang malaking bonus sa mga properties at pera ni Havier na nakuha namin ng buong-buo. Hindi naman kasi mahalaga sa akin ang pera dahil umaapaw na ako nun, at wala naman akong pamilyang pinaglalaanan. Hindi tulad ng mga tauhan ko na karamihan sa kanila ay may mga pamilyang binubuhay. Nagbakasyon ako sa isla. Gusto ko munang mapag-isa. Kung sakali at may kalabang sumunod sa akin dito ay hindi naman nila ako basta-basta mapapatumba. Kaya kampante akong magpagala-gala ng mag-isa sa isla ko. Isang umaga. Sakay ng speedboat ko ay naglibot-libot ako sa mga kalapit na isla. Matagal na ako sa islang ito pero tanging sa boundary ko lang ako naglalalagi. Hindi lumalagpas sa mga kalapit na isla. Parang may kung anong nang-eengganyo sa aking mamasyal ngayon na sinunod ko. May mga bario din pala dito na hindi ko alam. Mga kabahayan na magkakalayo-layo an
Angeline pov:NANGUNOTNOO AKO na mapansin si Eivo sa may pampang na kalong ng isang binata at nakayakap pa ang anak ko dito. Naningkit ang mga mata ko na inaaninag ang mukha ng lalakeng may kalong sa anak ko pero masyadong malayo ang kinaroroonan nila para mamukhaan ko. Pero kung sa tindig at pananamit ay masasabi kong hindi ito taga dito sa amin dahil halos kakilala ko na ang lahat ng kapit-bahay namin. Kumabog ang dibdib ko na napatitig sa pigura ng lalake. Para kasing, magkasingtangkad at katawan sila ni Primo. Nangatog ang mga tuhod ko. "Imposible" anas ko na tumulo ang luha. Pero kahit kinukumbinsi ko ang sarili ay iba ang nararamdaman ko. Maya pa'y ibinaba na nito si Eivo na may hinugot sa bulsa at may kinausap sa cellphone na itinapat sa tainga. Nakatingala naman dito ang anak ko na matamang nakikinig. Mapait akong napangiti. Ganto kasi si Eivo sa lahat ng mga kalalakihan. Naghahanap siya ng kalinga ng isang ama. Pero dahil wala na akong planong mag-asawa pa ay hindi ko maibi
Angeline pov:MATAPOS NAMING kumain ni Eivo sa Jollibee ay lumabas din kami nito at dinala sa kalapit na mall dito sa bayan. Nag-iisang mall lang siya dito kaya naman dagsaan ang tao dito para mamasyal. Magkahawak-kamay kami ni Eivo na pumasok ng mall. Nangingiti ako na makitang nangingislap ang kanyang mga mata na napapagala ang paningin sa paligid at kita doon ang pagkamangha nito. "Anak, gusto mo ng icecream?" pag-aalok ko na madaanan namin ang isang icecream house dito sa mall."Opo Mama!" kaagad nitong tugon na may pairit pang nagtatatalon sa tuwa.Natatawa akong inakay itong pumasok ng icecream house. Hindi naman pasaway si Eivo katulad ng ibang bata na kapag iginala mo ay 'yong gusto ang nasusunod. Para siyang matured na marunong makinig at makiramdam sa paligid nito.Habang nasa pila kami ay nakahawak lang ako sa kamay nito. Medyo marami-rami din kasing bata dito sa loob. Mahirap nang mawala si Eivo. Pagkatapat namin ng counter ay kinarga ko ito para maituro ang gustong flav
Angeline pov:ILANG ARAW DIN nanatili si Eivo sa hospital. Mabuti na lang at hindi nga nagbibiro si Dexter na sinagot ang lahat ng bayarin at mga gamot.para sa anak ko. Malaki-laki din ang iniwan nitong pera na siyang ginagamit naming mag-ina habang nandidito sa pagamutan. Mas sumigla na rin naman si Eivo kung saan pwede na namin itong i-uwi. Bawal kasi sa anak ko ang magpagod. Humihina ang baga niya at sumisikip ang dibdib nito na ikinahihirap niyang makahinga sa tuwing inaatake siya ng hika.."Kaya mo na ba talaga anak? Magsabi ka kung may masakit pa habang nandidito pa tayo sa pagamutan" aniko habang tinutupi ang mga damit nitong nabili ko sa kalapit na ukayan dito at pina-laundry na lamang kaysa umuwi pa ako ng isla Del Monte. "Okay na ako Mama. Malakas na po ako" masigla at nakangiting sagot nito. Kita ko namang mas nakabawi-bawi na nga ang katawan nito ng lakas. Masyado kasi itong napagod noong nakaraan. Idagdag pang sobrang saya at excitement ang nadarama nitong hindi makakab