Share

Chapter 2 Kiss Session

Angeline pov:

NAKAYUKO AKONG tahimik na umiiyak. Natatakot at kinakabahan din. Hindi ko lubos akalaing dito ako hahantong kung saan mapapangasawa ang isang taong stranghero sa akin. Ni wala akong alam sa kanya ultimo ang pangalan. Pero heto at mapapangasawa ko siya sa isang iglap. Hindi ko kaya. Para akong aatakehin sa puso! Gusto ko na lamang tumakas dito. Pero kung iisipin ko ang dahilan kaya ako napunta dito ay pinanghihinaan na kaagad ako ng loob dahil, hindi ko naman maaatim na buhay ng pinakamamahal kong ama ang magiging kapalit ng kanyang utang sa amo na hindi ko batid kung leader ba ng sindikato, mafia, o alagad ng gobyerno.

Naramdaman ko ang pagbukas-sara ng pinto kasabay ng pagpasok ng kanyang prehensya at pabango na ikinatayo ng mga balahibo ko sa katawan! Hindi ko maiwasang kabahan na kasama ko ito sa iisang silid! Napahigpit ang kapit ko sa laylayan ng damit kong nanatiling nakayuko na nakaupo dito sa paanan ng kama nitong nasa tatlong beses ang laki sa king size bed.

Dama ko ang matiim niyang mga matang nakatutok sa akin na lalo kong ikinakakaba at hindi makatingin sa kanya. Para akong napapaso at malulusaw sa tiim niya kung makatitig. Kahit bata pa siya, malinis ang napaka-gwapo niyang mukha, matangkad na may makisig na pangangatawan ay hindi ko pa rin magawang magustuhan ito. Kakaiba ang nadarama ko dito na parang nasa panganib ako kapag katabi ko ito.

Naupo ito sa tabi kong ikinabilis ng pagtibok ng puso ko! Napahigpit ako ng kapit sa laylayan ng damit kong lalong napayuko. Nahihiya at natatakot ako sa kanya lalo na't masyado akong natangay at nasarapan sa halik na ginawad niya sa akin kanina! Nag-init ang mukha ko na maalala kung gaano siya kagaling humalik at kung gaano kasarap ang lasa ng kanyang mga labi!

"Are you afraid of me?" malambing bulong nito na hinawakan ako sa kamay na ikinapitlag ko!

Napalunok akong napatitig sa kamay nitong nakahawak sa kamay ko. Tila may nanggagaling doong init na nananalaytay ngayon sa ugat ko! Lalo tuloy nagkarambola ang pagtibok ng puso ko na dinig na dinig ko na ang lakas ng kabog nito!

"Baby. Look at me" muling saad nito.

Mariin akong napapikit nang pumisil ito sa baba ko at pilit itiningala sa kanya. Dahan-dahan akong nagmulat na ikinalunok kong mabungaran ang napaka-gwapo niyang mukha! Medyo namumula na rin ang pisngi at nalalanghap ko ang mainit nitong hiningang tumatama sa pagmumukha ko ang amoy ng pinaghalong mint at alak. Nakainom siya. Kita din naman 'yon sa mga mata niyang napakalamlam na tila nangungusap.

Napatitig ako dito. Ang ganda ng mga mata niyang chocolate ang kulay na may pagkasingkit. Makakapal din ang malalantik niyang kilay at pilikmata. Napakaamo ng mga iyon na kay sarap pakatitigan. Matangos ang ilong, nakakaengganyo ding pagmasdan ang mga kissable lips nitong manipis na mamula-mula. Napakintab na tila nagpapaanyaya lagi ng halik! Nag-init ang mukha kong napaiwas ng tingin sa kanyang mga labi na maalala kung paano ako hinalikan ng mga 'yon kanina sa office room nito.

"Are you shy hmm?" malambing tanong nitong pilit pinagtama ang aming paningin.

Nangingiti itong nagniningning ang mga mata na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi. Napalapat ako ng labing dama ang paggapang ng init sa aking mukha sa matiim niyang pagtitig! Mahina itong natawang inabot ang mga labi kong ikinamilog ng mga mata kong napakapit sa kanyang balikat!

"Uhmmm..." mariin akong napapikit na tunog ungol ang sanay reklamo at pag-angal ko!

"Damn baby. Try to kiss me back hmm" anas nitong humawak sa batok ko at mas pinalalim ang ginagawad na halik sa mga labi ko!

"Uhhmm- h-hindi ako marunong ehh" nahihiyang saad kong ikinatawa nitong niyakap ako.

Napalunok akong nanigas na madama ang katawan nitong napakatigas! Humahagod ang isang palad nito sa likod ko na tila pinapakalma ang malakas na kabog ng dibdib ko!

"Feel better baby?" anito na kumalas na sa pagkakayakap sa akin. Nahihiya akong alanganing ngumiti at tumango. Napangiti lang naman itong matiim na nakatitig.

"I'll teach you how to respond my kisses okay?" napaawang ako ng labi na ikinatawa nitong marahan akong hinila pakalong dito!

Pilit akong ngumiti na humarap ditong naka-upo sa lap nito paharap dito. Dama ko ang init ng mukha kong paniguradong kasingpula na ng hinog na kamatis sa pula!

"Um, first close your eyes baby" anas nitong ikinasunod kong napapikit. Pigil-pigil ang hininga ko na hinihintay dumapo ang kanyang mga labi sa labi ko!

"Second, open a little bit your lips baby" paanas nito na sumasagi na ang labi sa aking ikinasinghap kong napaawang ng labi.

"Uhmm" mahina akong napaungol sa paglapat ng kanyang mga labi sa labi ko na marahang s******p!

"Try to follow what I'm doing baby" anito na muling siniil ako sa labi at mas malalim na ang ginagawad nitong halik!

Napakapit ako sa balikat nitong inaaral ang bawat paghagod ng kanyang mga labing salitan s********p ang mga labi ko na may pakagat-kagat pa sa ibabang labi kong ikinaaalpas ng munting ungol ko!

"You're free to moan my name if you want too" napalabi akong napatitig sa mga mata nitong mapupungay. Nangingiti naman itong humaplos sa ulo ko.

"H-hindi ko alam"

"Ang alin?" kunotnoong tanong nitong ikinakagat ko ng ibabang labi. Napatitig ito doon na nanlamlam lalo ang mga matang sunod-sunod napalunok.

"P-pangalan mo" mahina itong natawang napapisil sa tongki ng ilong ko. Napaka-gwapo niya talaga lalo na kung nakangiti o tawa na labas na labas ang kanyang mapuputi at pantay-pantay na ngiping kitang alaga sa dentista!

"Primo. I'm Primo Montemayor your soon to be husband baby" kindat nitong may napakagandang ngiti sa labi.

"P-Primo?" nauutal kong ulit na ikinangiti nito lalo.

"A huh. You can call me by my name. Or if you want you can also call me baby, hubby, honey, love, sweetheart--"

"Primo. Okay na 'yon" kaagad kong putol sa mga suggestion nitong itawag ko sa kanyang ikinataas ng isang kilay itong may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi.

"A'right. If that's what you want baby" napalapat ako ng labing nahihiyang nag-iwas ng tingin ditong mahinang natawa na pinisil ako sa baba at muling siniil ang mga labi kong ikinatigil ko!

"Still shy?" tudyo nito na pinagbubunggo ang mga ilong namin.

"M-medyo" natawa itong muling kinabig ako sa batok at mas pinalalim ang halik na dahan-dahan kong ikinapikit.

Napayapos sa kanyang batok na unti-unting sinabayan ang bawat hagod ng kanyang mga labing napakabanayad ng halik na tila ingat na ingat sa bawat galaw nito!

"Uhmm....P-Primo" napaungol ako sa pagpasok ng dila nito sa loob ng bibig kong hinuli ang naninigas kong dila sa gilid na sinusundot-sundot nitong ikinauungol ko.

"Comm'on baby, play with me" anas nitong muling sinundot-sundot ang dila kong nag-aalangang nakipagsagian dito.

"Uhmm" napasabunot ako dito nang huliin nito ang dila ko na pinuluputan bago s******p na walang pandidiring nilunok ang laway ko!

Hinihingal akong napabitaw ditong napapangising pinahid ang ibabang labi ko at napakalagkit na naman ng ginagawad na pagtitig!

"H-hwag ka ngang ngumiti"

"Bakit?"

"Para mo akong pinagtatawanan" pagmamaktol kong napabusangot. Mahina itong natawang ikinabusangot ko lalo.

"You're really cute baby" napatago ako ng mukha sa leeg nitong ikinahalakhak nito at pilit sinisilip ang mukha kong napakainit na at paniguradong namumula na naman!

"Hey" napalingon ako dito na nagtatanong ang mga mata. Ngumiti itong humaplos sa ulo ko.

"Can you kiss me baby?" paglalambing nito.

"Kiss na naman?" napahagikhik itong nakagat ang ibabang labing pinamulaan.

"A huh? Let's see how fast learner you are in our kiss session" kindat nitong napapakagat labi habang ako'y nag-iinit na ang pisnging 'di makatingin sa kanyang mga mata ng diretso!

Comments (6)
goodnovel comment avatar
제니제니
humalik pala hahaha nduling na me fafa primo............
goodnovel comment avatar
제니제니
uyy fafa primo I teach mo rin aq paano humanity plet......... langya ang rupok ni angeline at ang harut² ni fafa primo............
goodnovel comment avatar
AKHIRAH MIAMOR
hahahahaha marupok din kasi ang otor bebe hahah
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status