Share

Chapter 3 Wedding

Angeline pov:

PASADO ALASDOSE na ng hatinggabi pero heto at hindi pa rin ako dalawin ng antok habang si Primo ay himbing na himbing ng nakayakap sa tyan ko ang isang braso nito at nakaunan naman ako sa kabilang braso nito. Halos kabisado ko na nga ang oagkakahulma ng napaka-gwapo niyang mukha pero heto at hindi ko maalis-alis ang paningin dito. Kahit hindi ko pa siya gaanong kakilala ay dama ko naman ang sensiridad dito sa mga sinaad kanina bago kami nagpasyang matulog na.

Lihim akong napapangiti habang hinahaplos ko ito sa ulo. Napakaamo niyang tignan. Pakiramdam ko tuloy ay nananaginip ako ngayon na may kasamang mala-greek God ang wangis na nahihimbing sa kanlungan ko. Hindi ko mapigilang kiligin sa mga sandaling ito. Napaka-gwapo at bata pala ng bigboss ng ama ko. Akala ko pa naman isang matandang masungit ang amo nito kaya laging natataranta si papa sa tuwing tinatawagan siya ng amo na magpunta ng mansion nito. 'Yon pala ay isang mala-prinsipe ang amo nitong ngayo'y inaalok ako ng kasal. At kahit may bahagi sa puso ko ang natatakot ay alam ko sa sarili ko, gusto ko ang alok nito. Kahit pa, kailangan niya akong itago sa publiko.

"Primo" mahinang sambit ko sa pangalan nito na 'di mapigilang mapangiti.

Napalunok akong bumaba ang tingin sa kanyang mga labing bahagyang nakaawang. Para akong nasasabik muli na matikman ang mga 'yon! Wala sa sariling nailapit ko ang mukha dito at magaang idinampi ang mga labi ko ditong ikinapikit kong napangiti. Namilog ang mga mata ko nang mapahawak ito sa batok ko at tinugon ang mga labi ko!

"Ayt! Umpt- Primo!" tili kong pilit nilalayo ang mukha ko dito sa kanyang paniniil sa mga labi ko!

"This is the proper way to kiss me baby" anas nitong napayuko at masuyong inangkin ang mga labi kong ikinangiti kong napayakap sa kanyang batok at kusang napapasunod na sinasabayan ang bawat hagod ng malambot at mainit niyang mga labi!

"Uhmm... P-Primo" napaungol akong hindi mapigilang mamigat ang panghinga na mas pinapalalim nito ang ginagawad na halik sa akin!

"Why are you still awake baby? Can't sleep?" malambing tanong nitong ikinanguso kong napatango.

Napahinga ito ng malalim na hinaplos ako sa ulo at magaang humalik sa noo kong ikinangiti at impit kong irit na ikinatawa nitong pinaghahalikan ako sa buong mukha! Dama ko ang paggapang ng init sa buong mukha ko na napapalapat ng labing hindi maikubli ang kilig na nadarama!

"Hindi ako dalawin ng antok"

"May mabisa akong paraan para mapagod ka at dalawin ng antok matapos mong pagpawisan baby" anas nitong may naglalarong pilyong ngiti sa kanyang mga labi.

"Primo hah" pagbabanta kong pinandidilatan ito ng mga matang mahinang ikinatawa nitong napalapat ng labi.

"Why? I'm just trying to help you baby" painosenteng saad nito.

"Hwag na. Ayoko nga sa nasa isip mo" ismid kong ikinahalakhak nitong sumubsob sa leeg kong ikinasinghap ko!

"Bakit ano ba sa tingin mo ang iniisip ko hmm?" panunudyo pa nitong ikinatikom ko ng bibig.

Impit akong napapatili sa isip-isip ko nang hindi na lang ito basta nakasubsob sa leeg ko kundi marahang s********p na nito ang balat kong ikinainit bigla ng paligid at bigat ng paghinga kong nagugustuhan ang ginagawa nito.

"P-Primo oohhhhh" napayakap ako ditong napapatingala at hindi na mapigilang mapaungol na tila naghahangad ng mas higit.

"P-Primo uhm.... please" anas kong hindi na rin alam kung ano ang ipinapakiusap dito!

"Please what, baby?" anito na umangat ng mukhang pinakatitigan ako sa aking mga matang nanlalamlam ang itsura na kitang natatangay na ako sa init na binubuhay nito sa sistema ko!

"Primo naman" nahihiyang maktol kong napakubli ng mukha sa diddib nitong ikinahalakhak nito na pilit akong sinisilip!

"Hahahah! I'm just asking what do you want baby. So that I know what to do" nanunudyong saad nito.

Napabusangot akong bumitaw dito at tinalikuran itong napahalakhak at yumapos sa tyan ko pakabig dito. Lihim akong napangiti nang pinaunan ako nitong muli sa kanyang braso at mas ipinagdiinan ang mainit at matigas nitong pangangatawan na yumakap sa akin at panay ang halik sa ulo ko!

"I love doing this thing with you baby" anas nitong mas niyakap ako.

"Alin?" napapalapat labing tanong ko.

"Um, cuddle with you a night long"

"Talaga?" pabebeng saad kong mahinang ikinatawa nito.

"A huh, especially...."

"Inaantok na ako" agarang saad ko sa kung ano pa mang sasabihin na nan nitong natawa na napahalik sa ulo ko.

"Okay. Let's sleep now baby. We have to look fresh on our wedding tomorrow" anito na hinila ang comforter na pinantabing sa aming katawan.

"Goodnight baby"

KABADO AKO habang inaayusan ng kinuhang make-up artist at hair stylist ni Primo para sa kasal namin dito sa din lang sa kanyang mansion. Sikretong kasalan ang magaganap sa amin. Ikinaliwanag naman nito sa akin kung bakit hindi pa kami pwedeng lumantad bilang mag-asawa sa publiko dahil sa uri ng kanyang profession at para na rin sa kapakanan ko.

Inaasahan ko naman na 'yon eh. Na may mga mabibigat silang kalaban kaya hindi na ako umalma pa na hindi nito ipapaalam sa publiko ang pagiging mag-asawa namin. Isa pa ay nangako naman itong ligtas pa rin ang ama ko at patuloy pa rin sa pagtatrabaho sa kanya bilang isa sa kanyang mga bodyguard kaya malaya ko itong makakasama dito sa mansion sa tuwing wala silang importanteng gagawin o pupuntahan. Nangako rin itong maaari pa rin naman akong lumabas ng mansion, gumala o kahit mag-travel saan ko man gusto. Ang mahalaga ay magpaalam ako sa kanya at meron at meron akong kasamang mga bodyguards ko. Binigyan din ako nito ng blackcard na nakapangalan mismo sa kanya at nagkakahalaga ang laman non ng 500 billion pesos na pwedeng-pwede ko daw lustahin saan ko man gustong gastusin.

"Are you ready ma'am?" magalang tanong ng make-up artist kong ikinatango kong napabuga ng hangin bago dahan-dahang nagmulat ng mga mata.

Napaawang ang mga labi ko na walang kakurap-kurap na nakatitig sa kaharap ko sa salamin na namamangha!

"W-wow....a-ako pa rin naman ito tama?" bulalas kong natutulala na ikinatawa ng mga itong tumango-tango.

"Yes ma'am. Kayo pa rin iyan. Mukhang hindi lang kayo sanay na makita ang sarili niyong naaayusan kaya kayo nabigla" masiglang saad nitong sinang-ayunan ng kasamang hair stylist.

"S-salamat huh? Ang galing niyo"

"Naku ma'am, maganda lang po talaga kayo"

NAPAPABUGA AKO ng hangin habang marahan kaming naglalakad ni papa sa red carpet na nakalatag sa sahig papunta sa harapan kung saan naghihintay si Primo at lalakeng may edad na naka-formal attire at may ngiti sa labing nakatitig sa aming mag-ama.

Napangiti akong napatitig kay Primo. Mas lalo pa siyang gumwapo ngayon sa suot na all-white tuxedo at nakapusod din ang itim, unat at hanggang balikat nitong buhok na ikinabagay nito lalo.

Dama ko ang puso kong parang lalabas na dibdib ko lakas ng kabog nito! Napalapat ako ng labi na magtama ang mga mata namin at bakas ang samo't-saring emosyon na naglalaro ngayon sa kanyang mga mata.

"Uhm, bigboss. Ipinagkakatiwala ko na po sainyo ang kapakanan at kaligtasan ng anak ko. Nawa'y mahalin at protektahan mo siya katulad ng pavmamahal at pangangalaga ko sa dito" ani papa na iniabot kay Primo ang kamay ko. Para akong nakuryente sa paglapat ng aming balat na ikinalunok ko.

"No worries Amor, I mean, Papa. Pakaiingatan ko si Angeline, nang higit pa sa nararapat sa kanya"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status