Share

His Secret Wife
His Secret Wife
Author: AKHIRAH MIAMOR

Chapter 1 Debt

Third Person POV:

NANGINGINIG sa takot ang matanda na nakaluhod sa harapan ng kanilang bigboss. Takot na takot na naliligo ng pawis!

"Where's my money Amor?" buong-buo ang boses nitong tanong sa tauhan na tanging natirang buhay sa mga tao nitong tumangay sa kanyang pera!

"Bigboss" tanging sambit nito na nagmamakaawa ang tono. Napailing-iling itong nangingilid ang luha.

Walang emosyong nakamata lang naman sa kanya ang kanilang amo na nakadekwatro pa habang nakaupo sa pang-solo-hang sofa dito sa sala ng kanyang mansion.

"Ayaw mong magsalita? Pwes ang anak mo ang magbabayad sa iyong pagkakautang" anito na ikinanigas ng matanda at napipilan sa narinig.

Hindi siya makakilos. O makatanggi dahil napapalibutan ng mga kapwa nito bodyguard ito na may mga armas na nakatutok sa kanya at isang maling galaw niya lang ay katapusan na niya!

TULALA ITONG kinaladkad papasok sa isang selda na nakatago sa underground ng mansion. Habang hinihintay ng kanilang boss ang dalagang anak ng matanda ay napapangisi itong napapahimas ng kanyang baba. Aminado naman itong unang kita niya pa lang sa dalaga ay nakuha na nito ang kanyang attention.

Isang simple at napakahinhin na binibini. Wala pa sa mga babaeng nakakahalubilo nito ang katulad sa dalaga ng kanyang tauhan. Kaya naman siya na mismo ang nag-setup dito para ma-corner niya ito at walang pamimilian ang kanyang tauhan kundi ang ipambayad ang anak nito sa kanya. Bagay na pinakaminimithi niya mula sa simula ng kanyang plano. Ang makuha, ang dalagang bukud-tanging nagpatibok ng kanyang puso!

"Angeline" sambit nito sa pangalan ng dalaga.

Kusang sumilay ang matamis nitong ngiti na minsanan lang lumitaw. Napapailing ito sa sarili na ngayo'y may babae ng nakakapagpangiti sa kanya. Malakas ang kutob niya. Si Angeline ang babaeng anak ng mortal niyang kaaway sa mafia na buong akala ng lahat ay patay na.

"Two birds in one stone" anas nitong napapangisi.

sa isip-isip na makukuha niya ang dalagang kursunada niya, at magagamit din laban sa pinakamatinding kalaban ng kanyang grupo. Ang pamilya Marquez.

"Bigboss?"

"What?" taaskilay nitong tanong sa tauhang kanang kamay nito. Si Colton. Matangkad, malaki ang pangangatawan at isang ex military na batikang-batika na sa pātayan.

"Nandito na ang bisita mo bigboss" anito na napayuko bahagya.

Napangisi itong napapahimas ng baba na napatitig sa dalagang hawak sa magkabilaang braso ng mga tao nito. May piling sa mata at nakagapos ang kamay. Bakas din ang takot dito na halos mawalan na ng kulay ang magandang mukha.

"Un tie her" utos nitong kagaad sinunod ng kanyang mga tao.

Nanginginig ang dalaga na napagala ng paningin sa kabuoan ng silid kung sana siya dinala. Napalunok itong bakas ang takot at pag-aalala nang magtama ang kanilang mga mata. Napangising aso naman itong nakataas ang kilay at walang mabasang emosyon sa mga mata nitong nakakapanghina ng tuhod kung makatitig.

"S-sino kayo? A-anong kailangan niyo sa akin?" nauutal na tanong ng dalaga. Sinenyasan naman ng binata ang mga tauhan nitong magsilabasan na ng kanyang office room sa kanyang mansion.

Tumayo itong nagpamulsa na dahan-dahang lumapit sa dalagang takot na takot. Napailing itong napapangisi na at pinisil sa baba ang dalaga patingala dito. Bakas ang takot sa mga mata nito na mapupungay. Nangungusap, na tila nanghihipnotismo. Napalunok itong napatitig sa dalaga. Napakaamo ng maganda niyang mukha. Mapupungay ang may pagkabilugang mga mata na kulay berde. Malalantik ang makapal at mahaba nitong pilikmata na bumagay sa may kakapalan din nitong mga kilay na itim na itim. Matangos ang maliit na ilong. Mapula-pula ang maninipis nitong labi na tila nag-eengganyong magpahalik sa kanya, makinis din ang balat na natural na maputi ang kutis.

"Tama nga ako. Siya si Shantal Marquez. Ngunit paanong napunta siya kay Amor at ngayo'y ibang-iba siya sa isang sosyal, maarte at supistikadang babae na nakilala ko isang taon na ang nakalipas? Paano siya, naging si Angeline Gomez na anak mahirap, simple at mahinhin?" piping usal nito sa sarili.

"M-maawa ka sa akin. Pakawalan mo na ako Sir. Wala kayong mapapala sa akin. Wala kaming pera ng tatay ko kung inaakala mong--ummpt"

Natigil ang anu pang sasabihin ng dalaga nang siilin ito ng binata sa kanyang mga labi! Nanigas itong natuod at namimilog ang mga mata habang nagpapakasasa ang binatang nakapisil sa kanyang baba at salitang s********p ang kanyang mga labing wala pa ni isa ang nakakahalik!

"Damn. So sweet. Kiss me back baby" anas nitong muling siniil ng mas malalim at mapusok ang dalagang nakatuod pa rin at hindi makatugon sa ginagawad nitong halik sa kanyang mga labi!!

"Don't you know how to kiss hmm?" muling saad nito na napapaawang ng labing naghahabol hininga.

Natigilan ito nang mapatitig sa dalagang mariing nakapikit na umaagos ang luha. Napalunok itong nakadama ng guilt at awa sa dalaga.

"Hey" marahang pinahid nito ang luha ng dalagang unti-unting napadilat ng mga mata.

"Are you afraid of me baby?"

"S-sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin?" bagkus ay balik tanong ng dalaga dito. Nangingilid ang luha na kitang natatakot sa kanya.

Napahinga ito ng malalim na binitawan na ang dalaga at napahawi ng buhok nitong hanggang kanyang balikat ang haba. Napatingala itong napapahinga ng malalim. Kinakalma ang puso nitong sobrang bilis ng tibok sa hindi niya malamang dahilan kung na-e-excite ba siya, o kabado na kaharap niya ngayon ang babaeng iniibig.

"Ikaw ang kabayaran, sa pagkakautang ng ama mo sa akin. Anak ka ni Amor Gomez hindi ba?" kalmadong sagot nito na ikinaawang ng labi ng dalaga.

"1 million baby, nasa isang milyon ang utang ng ama mo sa akin. At ikaw, ikaw ang pinambayad niya kaya hanggang ngayon ay humihinga pa rin siya" anito na lalong ikinalaglag ng panga ng kaharap at sunod-sunod ang pag-alpasan ng luha!

"A-ano?" nauutal nitong tanong na natutulala sa sinaad ng binata. Ngumiti itong hinaplos sa pisngi ang dalagang bakas ang kalituhan na napatingala dito.

"You heard me right baby. So from now on? You'll stay here, with me. Okay?"

"P-pero--"

"Shh.... you have nothing to worry about baby. You're a queen in my kingdom. Because you are, my soon to be wife" malambing putol nito sa sasabihin ng dalaga.

"W-wife?" utal nitong tanong na ikinatango nito.

"A huh? Wife" ulit nitong matamis na ngumiti sa dalagang natutulala sa mga kaganapan!

Napangisi ang binata nang makitang walang pagtutol sa dalaga sa pahayag nitong kabayaran siya sa utang ng kanyang ama at magiging asawa kalaunan.

"Hmm...seems like, my plan is going well" piping usal nito na nakatitig sa dalagang napapayuko at natutulala pa rin sa mga nangyayari. Napahaplos ito sa ulo ng dalagang napapitlag na napatingala dito. Ngumiti itong malamlam ang mga matang matiim na nakatitig sa dalaga.

"You have nothing to worry about baby. You're safe, in my arms"

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Bhelle❤️
...️...️...️..... hello bebs Gn muna ko now hehe
goodnovel comment avatar
Ronila Sabatin
I'm here na
goodnovel comment avatar
AKHIRAH MIAMOR
thank you bebe!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status