Share

Chapter 51 Eisha

Keisha pov:

2years later

NAPAPANGITI AKONG naghahalo sa niluluto kong ulam na tinda ko dito sa maliit kong pwesto sa loob ng palengke. May isa akong kasama dito. Si Ivory na katulungan ko dito habang si Zaira naman ang nag-aalaga sa anak kong si Eisha. Isang taong gulang pa lang ito kaya kailangan ng taga-bantay nito habang inaasikaso ko ang maliit kong karinderya na siyang pinagkukunan ko ng pang-araw-araw naming mag-ina.

Dalawang taon na rin ang nakakalipas magmula nang pinalayas ako ng madrasta ko sa bahay namin na mapag-alaman nitong nagdadalang-tao ako sa edad na disisyete. Galit na galit ito noon hanggang sa pinalayas niya ako. Wala naman akong magagawa dahil si papa ay nasa ibang bansa at madalang lang itong tumawag sa akin. Naunahan din ako ni tita Lolita na magsabi ng kalagayan ko dito kaya naman kung anu-ano na namang panunulsol ang isinumbong nito kay papa na pumanig sa kanya at itinakwil din ako.

Lumuwas ako ng syudad. Dito nakipagsapalaran. Noong una ay hirap na hirap ako
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status