Share

Chapter 7 I love you

Angeline pov:

"Oohhh Primo... aahhh!" napaungol akong nasabunutan ito sa unti-unti niyang pagbaon mula sa likuran ko habang nakatalikod ako dito na nakahiga kami sa kama.

Mariin kong nakagat ang ibabang labi na napapaungol pa rin habang dinadama ang kanyang pagbaon sa loob kong ikinabinat muli ng v-walls ko! Parang hinihigop ng loob ko ang alaga nitong ikinauungol nito na napapapisil sa baywang ko.

"Aaahhh! Auhmm!"

"Ooohh! Fūck!" panabay naming ungol sa tuluyang pagbaon nito.

Nangingiti akong nakatuwad ang pisisyon dito habang malaya na itong naglalabas-masok muli sa loob ko na napapahalinghing at panay ang sambit sa pangalan ko. Hindi ko mapangalanan ang saya na nadarama sa piling ng asawa ko. Pakiramdam ko'y wala na akong mahihiling pang iba sa mga sandaling ito. Sana lang kung panaginip ang lahat ng ito ay mas gugustuhin ko pang hwag ng magising sa napakagandang panaginip na 'to. Kapiling....ang lalakeng unti-unti ko ng napapapasok sa puso ko.

HABANG NAKAYAKAP ITONG nahihimbing ay hindi ko maiwasang maalala ang ate ko. Mariin akong napapikit na tumulo ang luha habang inaalala ang nakaraan. Kung paano kami napunta, sa piling ng isang Havier Marquez.

********

WALA PANG isang buwan nang māpatay ang ama naming isang police captain. Nasa katorse anyos pa lang kami noon ni Allison. Pero dahil sa profession ni papa ay naulila kami ng ama. May nakabangga si papa na isang sindikato noon na siyang sanhi kaya ito nāmatay. Pero laking gulat naming magkapatid na wala pang isang buwan ay may iniuwi si mama na lalake sa bahay namin na ipinakilala nitong magiging step-father namin ni Allison at sa mansion na nito kami titirang mag-iina.

Noong una pa lang ay hindi na maganda ang kutob namin ni Allison dito. Ibang-iba ang uri ng pagtitig nito sa aming magkapatid. May pagnanasang naglalaro sa kanyang mga mata. Tumira kami sa mansion nito. Naging maayos ang pagtira namin sa tahanan nito. Buhay prinsesa kaming magkapatid na may sarili pang yaya, bodyguard at driver. Lahat ng gusto namin binibigay nito ng higit. Pagkain, damit, gadget, o kahit saang lugar namin gustuhing pumunta ay ipinagkakaloob ng amahin namin. Akala namin ni Allison okay na. Na pinagkakaloob niya ang mga iyon na bukal sa loob nito. Pero akala lang pala namin ang lahat!

Sa pagsapit ng sixteen anyos naming magkapatid ay naging mas malapit ito sa amin. Dalawang taon na rin kaming nakatira sa mansion at kahit paano ay nagkaroon na kami ng tiwala at respeto dito bilang pangalawa naming ama lalo na't maayos ang relasyon nila ni mama. Pero isang araw bigla na lamang inatake sa puso ang ina namin na naging sanhi ng pagkamatay nito! Wala kaming mapuntahang magkapatid kundi ang manatili ng mansion kasama ang amahan namin na tinuturing na naming ama. Pero hindi pala mga anak ang turing sa aming magkapatid. Hanggang sa natuklasan ko mismo ang ginagawa nitong pambababoy sa ate ko. At plano pang isunod ako!

Sa pagtakas ko sa mansion at pagiging anak ni tatay Amor ay hindi ako tumigil na makipag-connect sa ate ko. Gabi-gabi ay nakikitawag ako gamit ang cellphone ni tatay para matawagan ito. Pero hindi niya ako pinapansin. Galit na galit siya sa akin na iniwan ko siya sa kamay ng isang dēmonyo!

Sa ika-18th birthday naming magkapatid ay lumabas na sa publiko si ate na pinakilalang si Shantal Marquez. Pinalitan na nga ni Havier ang pangalan at surename ni ate. Ipinakilala niya itong kanyang anak. At dahil kilalang negosyante si Havier Marquez ay mabilis kumalat ang balita sa social media, sa tv at kahit sa dyaryo ay laman sila ng balita na lumabas na sa publiko ang mukha ng heredera ng pamilya Marquez. At 'yon si ate Allison. Na naging si Shantal Marquez.

Ini-stalk ko lagi si ate sa kanyang social media account at kita kong ibang-iba na ito sa simpleng dalaga na pagkatao. Supistikadang babae na ito na isang tingin mo pa lang ay masasabi mong anak mayaman. Naglakas-loob ako na i-message itong makipagkita sa akin. Pero inabot na ng ilang buwan ang message ko ay hindi manlang nito binasa. Marahil sa dami ng nagmi-message sa kanya. Kaya minabuti kong puntahan na lang ito sa university kung saan siya nag-aaral. Pero sadyang mahirap siyang lapitan sa dami ng supporters niya na nakasunod at mga bodyguard na nakapalibot sa kanya lagi.

Pinag-aral din ako ni tatay Amor. Hindi man sa kilalang university, ang mahalaga ay nakapagtapos ako sa kolehiyo sa kursong stewardess. Pangarap namin 'yon ni ate. Na maging stewardess balang araw pero, ako lang ang nakakamit.

Hindi na rin ako nagtangkang muli na makipaglapit kay ate dahil mukha namang nasa maayos na siya. At ibang-iba na siya sa kapatid ko. Iba na ang katauhan. Iba na ang ugali. Iba na ang kilos at itsura. Hindi na siya, si Allison na kakambal ko. Kundi isa na siyang Marquez. Si Shantal Marquez na spoiled brat at anak bilyonarya.

********

NAPABUNTONG-HININGA AKO ng malalim na iwinaksi sa isip ang nakalipas. Matagal ko na dapat ibinaon sa limot ang lahat. Dahil ganun din naman ang ginawa ng kapatid ko. Kinalimutan, na niya ako. Tumulo ang luha kong mariin kong ikinapikit at mas niyakap si Primo na nahihimbing na habang ikinulong ako sa mainit niyang bisig. Sa piling ni Primo ay naging buo ang pagkatao ko. Sila ni tatay Amor, ang naging bagong pamilya ko. Na bumuong muli, sa pagkatao ko.

Kusang sumilay ang matamis kong ngiti nang mas yakapin ako ng asawa ko at mariing napahalik sa noo kong ikiangat ng mukha kong napatitig dito. Nakapikit pa rin ito na bakas ang antok at pagod. Napahaplos ako sa kanyang pisngi at 'di mapigilang mapangiting napahalik sa noo nito.

"Uhmm...more baby" napahagikhik ako sa lalim ng boses nitong namamalat pa. Napa-smack-kiss ako sa kanyang mga labing lalong ikinangiti nitong humawak sa batok ko at sumiil sa mga labi ko.

"P-Primo" mahinang sambit ko sa pangalan nitong ikinaungol lang naman nito na mas pinalalim ang halikan namin.

Kapwa kami hinihingal na napabitaw sa isa't-isa. Nagniningning ang mga mata na may ngiti sa labi. Halos nagkakapalitan na lang kami ng hanging nalalanghap sa sobrang lapit ng aming mukha at nagkakasagian ang tungki ng aming ilong.

Para akong nahihipnotismo sa matiim niyang mga mata kung makatitig. Napahaplos ako sa pisngi nito na wala sa sariling naisatinig ang nasa isip na ikinangiti nito lalo bago siniil ako sa mga labi ko.

"I love you Primo"

Komen (5)
goodnovel comment avatar
Ly VEr BE
unlock please
goodnovel comment avatar
AKHIRAH MIAMOR
thank u po
goodnovel comment avatar
Joeffrey Alonzo Butana
nice story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status