Share

Chapter 6 Nightmare

Angeline pov:

PABALING-BALING AKO ng ulo at mahigpit na napapakapit sa kobrekama habang hinihingal at tumatakbo sa madilim na lugar. Kahit anung bilis kong tumakbo ay parang walang nangyayari. Hindi ako makalayo sa mga humahabol sa aking kalalakihan!

*********

NAPATAKIP AKO ng palad na makitang pumasok si tito Havier sa silid ng ate kong ai Allison. Nangangatog ang mga tuhod na sumilip mula dito sa labas at kitang-kita ko kung paano siya lumapit sa kama ng ate kong nahihimbing. Dahan-dahang inilihis ang kumot na ikinagising ni ate na napabangon at nagsumiksik sa headboard ng kama nito!

"T-tito!? Hwag po! Maawa kayo! Tama na, hindi ko na po kaya!" pagmamakaawa ni ate na napahagulhol.

"Hwag mo akong artehan Allison. Para namang ngayon lang natin ito ginawa. Gusto mo bang idamay ko ang kapatid mo huh?" pagbabanta nito na hinubad ang pants na ikinahagulhol lalo ni ate na napailing-iling dito.

"Hubad" maawtoridad nitong utos na kaagad sinunod ni ate.

Naghubad siya at pikitmatang nagpaangkin sa ama-amahan naming ikinaatras ko kaya nasagi ko ang vase sa gilid na naglikha ng ingay! Namilog ang mga mata kong napalingon sa silid ni ate at nasulyapan si tito na palabas na ng silid! Taranta akong napatakbo pababa ng hagdanan pero nakita pa rin ako nito!

"Angeline!!"

Sa sobrang takot ay napatakbo ako ng kusina kung saan ang pinto palabas ng mansion dito sa likuran! Nakasunod naman itong lalo kong ikinatataranta! Nanginginig ang katawan ko pero kailangan kong labanan ang takot at nerbyos ko! Hindi ako makakapayag matulad ako sa ginagawa niya sa kapatid ko. Hindi!

"Angeline, hwag mo na akong pahirapan. Nakita mo ba kung paano ko pinapaligaya ang ate mo? Gagawin ko din 'yon sayo kaya hwag ka ng magtago. Magugustuhan mo ang gagawin natin Angeline" dinig kong pagmamalaki nito sa ginagawa niyang kahayupan kay ate!

Panay ang takbo ko na napapakubli sa mga naglalakihang halaman dito sa garden ng mansion. Nakasunod pa rin naman ito kaya lalo akong kinabahan na baka mahuli niya ako.

"Angeline....pagod ka na ba? Angeline yahooo!" mariin akong napapikit na marinig ang nakakakilabot niyang boses!

Napasuksok ako sa punong-kahoy na pinangkukublian ko para matakasan ang step-dad kong si Havier Marquez. Nanginginig na ang katawan ko sa lamig at takot. Pero kailangan kong magpakatatag at lumaban para makatakas na sa impyernong mansion na 'to! Hindi ito palasyo. Kundi isang impyernong malaking banta sa amin ng kapatid ko!

"Angeline? Nasaan ka na baby? Hwag ka ng magtago, mahahanap din kita" tumulo ang luha kong marinig ang boses nitong nasa malapit na! Lalo akong napasuksok sa punong-kahoy na pinangkukublian ko.

Takot na takot akong piping nagdarasal na makaligtas sa kamay niya ngayong gabi! Nakakatiyak akong lalo akong mapapasama sa oras na mahuli niya ako. Ngayon pa na natuklasan ko ang kahayupang ginagawa nito sa kakambal ko? Paniguradong dadanasin ko rin ang mga iyon sa kamay niya lalo na't palaging wala si mommy sa mansion para matignan kaming mga anak niyang iniiwanan na lang ang pamamahala sa kanyang pangalawang asawa! Asawa na asawa din ang tingin sa aming magkapatid! Hindi ako papayag. Hindi ako makakapayag danasin ko ang kahayupang iyon sa kamay ng ama-amahan namin. Hindi! Mamamatay na lang ako kaysa sikmurain ang kababuyan niya. Hindi ko kaya.

"Boss nilulusob ang isang hideout natin sa Zambales!" dinig kong pagsulpot ng isang lalake na lihim kong ikinapasalamat sa nakakataas.

"Damn! Sino ang mga walanghiyang pumasok sa teritoryo ko!?" sigaw nito na dinig kong nagkasa ng kanyang baril!

"Ang grupo ni Montemayor boss. Kasama siya sa mga lumusob. Kaya nakuha lahat ng armas at perang nakatago don!"

"Bullshīt!! Primo....ginigigil mo akong hayop ka! Suwapang ka talaga at walang sinasanto!" nanggigigil nitong bulyaw na sunod-sunod kinalabit ang katilyo!

Napatakip ako ng palad sa bibig na impit na nanapatili dala ng takot! Nanginginig ang katawan ko at nanghihina na ang mga tuhod ko. Maya pa'y dinig ko na ang mga papalayo nilang yabag na ikinahinga ko ng maluwag. Ilang sandali kong pinakiramdaman ang paligid. Tahimik na kaya nakakatiyak akong wala na sila tito Havier at tauhan nito. Dahan-dahan akong lumabas mula sa pinangkukublian ko at nakahinga ng maluwag na wala na nga sila sa paligid.

Maingat ang bawat yabag kong lumabas ng malawak naming garden dito sa likurang bahagi ng mansion at tinungo ang exit! Kabado ako lalo na't wala akong ni anumang dala. Walang cellphone. Walang pera. Pero mas gugustuhin ko namang maging palaboy kaysa nakatira sa sarili naming mansion pero ginagawa namang parausan ng isang matandang manyakis at drūglord din. Hindi na ako magtatakang malamang isa siyang amo ng delekadong mafia.

Yakap ang sarili ay patakbo akong sinuong ang madilim na kalsada. Mahirap nang mahuli ako dito. Hindi pa rin ako ligtas dahil tiyak akong pinapahanap na niya ako sa ilang tao nito. Panay ang pahid ko sa luha kong nag-aalpasan. Kahit gustong-gusto kong balikan si Allison ay hindi ko na magawa.

"Allison, babalikan kita. Ililigtas kita sa kanya. Sa ngayon ay sarili ko muna ang kailangan kong ilayo. Patawarin mo ako. Patawad"

ILANG ORAS akong lakad-takbo ang ginagawa. Naliligo na rin ako sa pawis at hingal na hingal. Nanghihina na ang mga tuhod ko sa sobrang pagod idagdag pang uhaw na uhaw na ako. Pero kailangan kong magpatuloy. Hindi ako pwedeng sumuko.

Na-alerto akong napakubli na makarinig ng mga papalapit na hugong ng sasakyan! Parang lulukso ang puso ko dala ng nerbyos at takot na baka sina tito Havier at mga tao na nito ang mga paparating! Pigil-pigil ang hininga kong nakakubli sa nagtataasang mga talahib dito sa gilid ng kalsada at hinintay makadaan ang mga kotse na tauhan nga ni tito. Piping nagdarasal na sanay walang makapansin sa akin sa pinangkukublian ko.

Para akong nabunutan ng tinik na malagpasan ako ng mga ito na walang nakapansin sa akin! Nanginginig ang mga tuhod kong lumabas sa pinangkukublian at muling nagpatuloy sa paglalakad at hindi alam kung saang daan ang tatahakin. Mariin kong nakagat ang ibabang labi. Magliliwanag na rin. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay may humaharurot na kotseng biglang sumulpot sa harapan kong ikinanigas kong dumilim ang paligid kasabay ng pagbagsak ko sa semento!

NANGUNOTNOO AKO na pinakiramdaman ang sarili. Nanghihina at sobrang kirot ng ulo ko. Napakatahimik ng lugar na kinaroroonan at dama ang mga pares ng matang nakatutok sa akin. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan na dahan-dahang nagdilat ng aking mga mata. Unang bumungad sa akin ang malabong kisame at ang nakakasilaw na ilaw. Naniningkit ang mga mata kong napagala ng tingin dito sa silid na kinaroroonan.

"Mabuti naman nagising ka na mis. Kumusta ang pakiramdam mo?" ani ng may edad na lalakeng nasa tabi kong may iniinom na kape.

"Masakit po ang buong katawan ko. Maging ulo Sir" mahinang sagot ko. Napahinga ito ng malalim na pinakatitigan ako.

"Anong pangalan mo mis? Para maibalik na kita sa kanila" nanigas ako sa tanong nitong kaagad kong inilingan na ikinakunot ng noo nito.

"Hwag po! Inaabuso ako doon. Minamaltrato. At gustong halayin ng aming ama-amahan. Nakatakas na po ako sa kanya. Maya parang awa niyo na Sir, aalis ako. Hwag niyo na akong ibalik doon. Nagmamakaawa ako" napahagulhol akong humawak sa kamay nito na nagmamakaawa.

Lalong nagsalubong ang mga kilay nito na pinasadaan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Pero napakabata mo pa. Ilang taon ka na ba?"

"Sixteen po"

"Sixteen.." napahinga ito malalim.

"Aalis na lang po ako. Salamat sa pagtulong sa akin" pilit akong bumangon pero pinigilan ako nito.

"Dito ka na. Kung wala ka namang mapupuntahan. Pwede kitang ampunin sa isang kondisyon" napalabi akong patuloy sa pagtulo ang luha na napatitig dito. Tipid itong ngumiti na naglahad ng kamay.

"Ako si Amor. Wala akong asawa, walang anak. Palagi ring wala dito sa bahay. Ngayon kung komportable ka sa akin at kaya mo akong pagkatiwalaan? Pwede ka dito. Ikaw ang, magbabantay dito sa bahay. Okay ba 'yon sayo?"

"Opo! Salamat po! Maraming-maraming salamat po!" napayakap ako dito dala ng labis-labis na tuwang may matutuluyan na ako. Natawa naman itong hinaplos ako sa ulo.

"Anong pangalan mo?" napabitaw akong nagpahid ng luha na ngumiti dito.

"Angeline po"

"Okay. Angeline. Magmula ngayon, ituring mo ng tahanan mo ang bahay ko dahil magmula sa araw na 'to? Ako na ang tatay Amor mo"

********

NAPABALIKWAS AKO na maramdaman ang sunod-sunod na pagyugyog sa akin ng kung sino.

"Baby?"

"Primo!" napahagulhol akong nayakap ito na damang nanginginig ang katawan kong mapanaginipan ang isa sa bangungot mula sa nakaraan ko! Isang bangungot na pilit kong ibinabaon sa limot pero para namang nananadyang hindi mabura-bura sa isip ko kahit ilang taon na ang nakakalipas!

"Shhh....it was just a dream baby. Nandito ako. Walang masamang mangyayari sayo, okay?" pagpapakalma nitong kumalas at pinahid ang luha kong mariing napahalik sa noo ko.

"Primo...." ngumiti itong siniil ako sa aking mga labi. Isang masuyo at malalim na halik habang hinahagod-hagod ako sa likuran kong ikinakalma ng puso at isip kong dahan-dahang napapikit at tinugon ang kanyang mga labing ikinaungol nito.

"Feel better baby?" anas nitong ikinatango ko.

"Yeah. Thank you Primo" napangiti itong muling siniil ako sa mga labi kong ikinangiti kong napayakap sa batok nito at buong pusong tinugon ang kanyang halik!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status