Matuling lumipas ang mga araw. Mag-iisang buwan na rin simula nang mangyari ang insidenteng iyon. Kapag sumasagi sa utak niya ang pangayayaring iyon, ‘di niya maiwasang lukubin ng pait ang kanyang dibdib. Sa buong buhay niya, sa pagkakataong iyon siya nakaramdam ng matinding humiliation. Labis-labis na pagpapahiya pa nga. She suffered this pain all alone, in silence. Ayaw niyang magsumbong kay Margaux. Ayaw niyang makagulo.
Naipagpasalamat niya na hindi na nagpapang-abot ang mga landas nila ni Lorenzo. Hindi na rin ito madalas na napapagawi sa hacienda.
Ngunit nang dumating 25th birthday ni Margaux, napipinto na naman niyang makakrus ng landas si Lorenzo. May engrandeng pagtitipon sa bahay. Imbes na sa isang hotel sa bayan o ‘di kaya ay sa Manila idadaos ang naturang pagtitipon gaya ng nakagawian, mas pinili ni Sir Deo na sa bahay na lang. As always, Margaux looks exquisite sa suot nitong Sherri Hill purple gown. Simple lang ang tabas ngunit lumalabas ang kagandahan at malamodelong alindog ng kaibigan.
"You look so beautiful, hija," papuri ni Deo sa unica hija. "I'm sure luluwa ang mata ni Lorenzo kapag nakita ka."
Sumimangot si Margaux. Naglalakad na ang mag-ama pababa sa paikot na hagdanan habang nasa likuran siya ng mga ito.
"Eli, come on."
"Sige, susunod na lang ako, Margaux."
Hindi naman siya makiki-party. Noong hindi pa siya nagtapos ng pag-aaral, kapag hindi nagpapa-cater ang mag-anak ay isa siya sa mga food servers. Ngayong may trabaho na siya, mahigpit na tinututulan ni Margaux na gagawin pa niya iyon.
“Eli, how many times do I have to tell you, hindi ka namin alila dito.” Sa tuwina ay iyon ang angil ni Margaux na kasama ang pagsimangot.
Pinagkasya na lang niyang maupo sa veranda at pagmasdan ang kaganapan sa ibaba. Ilang pagtitipon na ba na kagaya nito ang idinaos sa bakuran? 'Di na mabilang sa mga kamay. Noong araw, nakakaramdam siya ng inggit kapag nakakakita ng mga kaedaran niyang nakasuot ng magagandang kasuotan. Nang nag-mature siya, nawala na rin ang pagpa-fantasize niya na sana isa rin siyang prinsesang kagaya ni Margaux at may kasayaw na prinsipe.
Mapait siyang napangiti. "Prinsesa naman ako ng nanay ko, ah." At hindi niya kailangan ng prince charming sa buhay.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang hindi inaasahang direktang mapatutok sa kapapasok na bulto ng katawan ang kanyang pansin. Si Lorenzo, kasama ng mga magulang. Nakasuot ito ng coat and tie. Lean and masculine, ganoon ang build ng katawan ni Lorenzo at maganda itong magdala ng damit kahit pa nga rugged outfit ang isuot nito. Nag-uumapaw ang kakisigan at confidence. Mapapanganga ang sinumang babae, lalo na ang mga hindi nakakakilala sa tunay na pag-uugali nitong may sa-demonyo.
Bigla na namang nabuhay sa alaala niya ang halik na iyon. Kahit anong gawin niya ay hindi mangatngat sa utak niya at naiinis na siya sa sarili. Sa tuwina rin ay nag-iinit ang sulok ng kanyang mukha. Tumatayo ang mga balahibo niya. Nagiging uneasy siya. Sa ngitngit niya ay may mga gabing napapaniginipan pa niya iyon.
Akmang aalisin na niya ang paningin rito nang siya namang pagtingala nito sa kinaroroonan niya. Sandaling nagtama ang mga mata nila. Wala siyang mabasang yamot sa ekspresyon nito gaya nang madalas na nangyayari. Surprisingly, malambot ang ekspresyong nakabalatay sa anyo nito habang nakatitig sa kinaroroonan niya.
But looks can be deceiving.
Umalis siya sa kinatatayuan at nagpasyang mahiga na lang muna. Nakakaramdam na rin siya ng pagod. Pero kahit nasa loob ng silid ay naririnig pa rin niya ang mga kaganapan sa labas. Umaabot ang malinaw na audio ng sound system hanggang sa loob.
"To my beautiful daughter, Margaux, happy birthday!"
Ang maawtoridad na boses ni Sir Deo ang umalingawngaw sa paligid.
"We thank all of you for coming here tonight to celebrate with us, but before this night would end, there is one thing that I am pleased to announce to all of you."
Bigla siyang napabangon. Sa likod ng kanyang utak ay may pumitik na hinala. Kumpleto halos ang mag-anak ni Lorenzo at nitong mga nakaraang araw, iba ang excitement ni Sir Deo para sa pagtitipong ito. Naglakad siya patungo sa bulwagan. Ang mag-anak na Santibanez at Samonte, nag-ipon-ipon sa pinaka-stage ng venue. Mas nagatungan ang hinala niya.
"My kumpadre and I," tinapunan ni Deo ng tingin ang ama ni Lorenzo na nakaakbay sa misis nito habang hawak sa kaliwang kamay ang brandy, "have always longed to marry our children in the future."
Awtomatikong napatutok siya kay Margaux. Perplexed. ‘Yon ang nakikita niyang reaksyon ng kaibigan. Alam niyang hirap na hirap itong panatilihing nakangiti sa harap ng mga bisita.
May mga sinasabi pa si Deo ngunit sa iisang pakay lang humantong ang mga pangungusap nito.
"The time has come. Lorenzo and Margaux are in love and are getting married."
Kasabay ng palakpakan ng mga nakasaksi ay ang pangingilid ng luha ni Margaux.
"Oh, you're crying, hija," puna ng ina ni Lorenzo na pinahid ang luhang nangilid sa mga mata nito sa pamamagitan ng hawak na panyo.
"Tears of joy."
But she knows better at naaawa siya sa kaibigan. Ikakasal ito sa isang walang kwentang tao, isang cheater. Makikisama ito sa taong hindi naman nito mahal. Naniniwala siya na dapat ay pagmamahal ang pinakaunang dahilan ng pag-aasawa at hindi responsibilidad o utang na loob o kagustuhan ng mga nakatatanda.
"Depende sa kung sino ang iri-retain ko."
Sumaging bigla sa isipan niya ang banta ni Lorenzo. Ah, talagang dapat na siyang umalis sa pamamahay na ito. Ayaw niyang maging amo ang lalaking iyon kung saka-sakali. Baka ito na ang mitsa nang tuluyan niyang pag-alis sa lugar na ito. Si Margaux ang ikakasal kay Lorenzo pero nagiging aligaga rin siya.
*****
"Shit!"
Umalingawngaw ang sunud-sunod na mura ni Margaux sa loob ng silid nito. Umi-echo ang bawat salita. Palakad-lakad ito sa loob nang nakakuyom ang mga kamao sa gilid. Kagat-kagat nito ang nngangatal na pang-ibabang labi.
“Ah!”
Ibinalibag nito sa kung saan ang hinubad na mga alahas pati na ang unan ay napagbuntunan nito ng frustrations. Sunud-sunod na luha ang umaagos sa mga mata nito. Ang maitim na mascara nito ay humalo sa mga luha. Naaawa siya rito pero wala siyang magagawa at hindi niya malaman kung paano ito aaluin. Words will never be enough to ease her suffering.
"I don't wanna marry that prick!" deklara nito. "They couldn't force me."
Paano nga ba ito makakatatanggi sa magulang? Pinahid ni Margaux ang luhaang pisngi at naupo katabi niya sa gilid ng kama. Hinawakan siya nito nang mahigpit sa kamay. "You gotta help me, Eli."
Naguluhan siya sa sinabi nito. "A-anong gagawin ko?" Nasa mga mata ni Margaux ang determinasyon at nakatagong tapang na ngayon niya lang nakikita.
"Tutulungan mo akong makatakas dito."
Mulagat ang mga mata niya sa narinig. Takot lang niya kay Sir Deo na malimit lang na napipintahan ng ngiti ang mukha.
"Margaux, natatakot ako sa daddy mo." Hitsura pa lang nito ay nakakatakot na.
"Either way, with or without your help, I'm getting away from here. I don't want to marry just because it is convenient for the business and for the family, Eli. I wanna marry for love, for God's sake!"
Naantig siya sa sinabi ni Margaux. Napapahanga siya rito at the same time. Hindi niya inaasahang lalabas iyon sa bibig ng kaibigan na tinaguriang spoiled brat.
"Help me."
Mas mahigpit nitong ginagap ang palad niya.
"Paano, eh, nakasunod lagi ang bodyguards mo?" At sigurado niya na kahit ang mga tauhan ng mga Santibañez ay babantayan na rin ito. In a way, ay may unspoken authority na si Lorenzo na gawin iyon ngayong engaged na ang mga ito.
Hindi kumibo si Margaux. Naihilamos lang nito ang palad sa mukha.
"Bakit hindi mo kausapin si Lorenzo? Dalawa kayong humarap sa mga magulang ninyo. Malay natin, baka makikinig din ang mga iyon." Suntok sa buwan ang suhestiyon na iyon. Pihadong may motibo ang lalaking iyon kung bakit pumayag.
"Makikinig? Magkasama tayong lumaki. Bukam-bibig ng mga magulang namin na kami ang magkakatuluyan in the future."
Ang hindi niya maunawaan ay kung bakit sa kabila ng espesyal na pagtrato ni Lorenzo dito ay hindi nito makuhang mahalin ang lalaki. Sa kanya lang naman magaspang ang pakikitungo ni Lorenzo. Pero paano kaya kung lumabas ang pagkademonyo nito oras na napakasalan na nito ang kaibigan?
Deep down in her heart, bumangon ang hangaring tulungan ang kaibigan at isalba ito kay Lorenzo. Paano ba niya maaatim na makita ang kaibigan na umiiyak oras na nambabae na ang lalaki kahit na kasal na ang mga ito. May moral obligation siya rito. Makagawa man lang siya ng isang tama habang nabubuhay siya.
Kaya, nagbitaw siya ng pangako.
"Tutulungan kita."
Nagkulay kahil ang maitim na kalangitan. Ang apoy na nagmumula sa sunog sa malawak na tubuhan ay lumikha ng kakaibang tanawin- it created a beautiful contrast against the pitch black sky. Kung sana ay spectacle iyon pero hindi lang iyon basta tanawin, kabuhayan iyon na pinanday ng amang si Deogracias at ng mga ninuno niya sa loob ng mahabang panahon.Sa isang iglap lang ay nagbabantang magiging abo ang lahat. Napalingon siya sa paligid. Ang lahat ng mga tauhan sa hacienda ay may hawak na timba ng tubig, magkatulong na inapula ang apoy na sa ilang saglit lang ay kakalat at tutupok sa lahat ng madantayan. Paroo't-parito ang mga iyon. Incoherent words are coming from each of them.Ang tunog ng paglamon ng apoy sa mga pananim na humalo sa hiyawan at sigawan ang prominenteng ingay na namayani sa paligid. It was defeaning.Nakakasakit ng kalooban ang namamalas sa ngayon. It was too heartbreaking.Her eyes are directed to that one man na sa unang pagkakataon ay kakikitaan ng pagsuko at pagk
Nagsasalimbayan ang mga dahon ng mga halaman sa burol, pati na ng punong kamatsile ay sumasayaw sa ihip ng hangin habang ang mga ibon sa kalangitan ay tila lumilikha ng magandang awitin sa buong kapaligiran.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga saka bumaba sa kinalululanang kabayo.Ang burol, ang kubo, ay gano’n pa rin. Ang tanging nagbago lang ay ang mas pagtanda ng puno. Unti-unti nang nalalagas ang mga dahon niyon.Napahakbang siya palapit sa puno, sa mismong kinauukitan ng mga initials nila ni Eli.Napangiti siya.It feels like yesterday.Nakikini-kinita pa niya ang mahal na asawa habang nakangiting hinahalikan sa lilim ng puno."Ha-ha-ha.!"At parang naririnig pa rin niya ang mga matutunog na halakhak ni Eli. Sa mga mumunting bagay ay kaagad na itong napapatawa at napapahalakhak.Napatingin siya sa paligid.This place screams of Elisa. The only woman he loves. His ultimate destiny. His soulmate. Ang tanging babaeng mamahalin niya sa habangbuhay."Dad, ang daya mo talaga. Kap
Cali and Elixir were born eight minutes apart. A beautiful baby girl and a handsome baby boy. Kuhang-kuha ng kambal ang mga features ni Lorenzo.Complete family. Ganoon ang pakiramdam niya.Sa loob ng maraming taon na nabuhay siya, ngayon niya lang tahasang masasabing kumpleto ang pagkatao niya. Ang pagiging maybahay at ina ang epitome ng tinatawag na kabuuan ng pagkababe niya.She was more than happy.“Look at them.”Napangiti siya sa nakikitang tuwa sa mukha ng asawa. Kung may mas masaya man sa mga oras na ito, ang asawa na niya marahil.“They are beautiful, Eli.”Hindi matawaran ang saya ni Audrey habang buhat ang isa sa mga kambal. Ang buong hacienda yata ay nagdiriwang sa pagdating ng mga anak niya. Ang Daddy Manolo na kasalukuyang may iniindang karamdaman, halos ayaw nang ipahiram kay Viviana si Cali.“Manolo, ako na naman.”Nagkakangitian na lang sila ni Lorenzo habang naaaliw sa pag-aagawan ng mga biyenan sa mga apo ng mga ito. Naisisgurado niya na magiging busog sa pagmamahal
"Para saan 'yan?"Kaagad na inilapag ni Eli ang hawak na knitting stick at yarn. Gumagawa siya ng mittens matapos burdahan ang mga lampin. Sabi ni Lorenzo, pwede naman daw silang bumili ng ready-made pero ini-insist niyang gawin ito. Lahat ng magiging gamit ng kambal nila, may personal touch niya.Akmang tatayo siya mula sa pagkakaupo sa rocking chair ngunit sinenyasan siya nitong manatili."Don't bother."Lumapit ito at hinalikan siya at ang maumbok na niyang tiyan.Lorenzo looks so tired. Tuluyan na nitong niyakap ang pamamahala ng hacienda. Katwiran nito, dito sila masaya. Si Audrey na ngayon ang humalili sa binakante nitong pwesto. Thankfully, nagkabati rin ang mag-anak. Madalas ngang sabihin ni Audrey sa kanya na lahat ng magagandang nangyayari sa kanila ay siya ang dahilan. Sa papanong paraan ay di niya matukoy. And Caleb, how much he missed that boy, ang isa sa mga dahilan nang pagkakalapit nila ni Lorenzo."Ako ang mag-aalaga sa pinsan ko, Tita Eli," sa tuwina ay pangangako ni
"Don't you think kailangan na nating umuwi, Lorenzo?"Magkatabi silang naupo sa isang bench paharap sa Brooklyn Bridge habang nakasandal siya sa balikat ng asawa. Kagagaling lang nila sa ospital para sa karagdagang tests niya. Nagyaya ang asawa niya na tumambay muna sila sa Brooklyn Bridge Park. Isa ito sa mga pampa-relax niya. Ang sarap lang kasing maupo rito at titigan ang ilog at ang ibang namamasyal sa park. Isa sa mga patients na kasama niya sa isang support group para sa mga cancer patients ang nag-introduce sa kanya sa park na ito.Kalaunan, naging routine na rin nilang mag-asawa.“Naririnig mob a ako, Enzo?”Bumuntong-hininga ang asawa. It was a sigh of frustration. “Saan na naman ba galing ‘yan, Eli?”Ramdam niyang ayaw nito sa tinatakbo ng usapan. "Naaawa na kasi ako sa'yo."Tiningnan siya nito nang tuwid sa mga mata. "Don't be. I'm tough."He is, pero hindi niya sigurado kung hanggang saan aabot ang pasensya nito, ng tapang. Hinaplos niya ang mukha ng asawa. "Akala mo ba
Isang buwan matapos ang kasal nila ay naisaayos ang mga papeles kakailanganin ni Eli, lumipad sila ni Lorenzo patungo sa ibang bansa. Isang facility sa New York ang pinuntahan nila. Sa US, sinubukan nila ang lahat ng paraang pwedeng magpapahaba ng buhay niya. Kahit mahirap., sinubukan niya ang lahat ng tests na ginagawa sa kanya. Sa totoo lang, nahihirapan siya. Minsan, nakakaramdam siya ng panghihina.Sa lahat ng hirap na pinagdaanan, hindi siya iniwanan ni Lorenzo.Kapag inaatake siya ng sakit ay naroroon kaagad ito sa tabi niya. Lorenzo never complained. Basta lang nakasuporta sa kanya. He was with her every step of the way. Ito ang nagsisilbing taga-push niya sa mga pagkakataong pinanghihinaan siya ng loob. Lagi itong nakasuporta, laging nagpaparamdam ng pagmamahal. Kahit ang mga anxieties at mood swings niya ay nakakaya nitong tanggapin.Ang pasensya nito ay abot hanggang sukdulan.Minsan, nahihiya siya sa sarili, nakakaramdam ng insecurities lalo na kapag nakikita sa salamin an