SKY'S POV
Kinaumagahan ay maaga akong nagising nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Hindi ko alam pero antok na antok ako. 'Yong kahit gustong gusto kong imulat ang mga mata ko ay hindi ko magawa. Nakapikit man pero nakuha ko pa rin ang cellphone ko sa bedside table at hindi na nag-abala pang alamin kung sino ang tumatawag dahil agad ko 'yong sinagot. "Hello? Mamaya ka na lang tumawag, natutulog pa ako." Inaantok at pikit na sagot ko. "Tamad at wala ka talagang pakinabang na animal ka! Tumayo at kumilos ka r'yan upang pagsilbihan ang asawa mo, t*nga!" Nanggigigil na sigaw ni Daddy na siyang nagpagising sa aking tulog na diwa. "O-opo! Sorry, Dad." Paumanhin ko at nagmadaling bumangon mula sa kama. Nagmadali akong naglinis ng sarili ko sa banyo. Pagkatapos no'n ay nagbihis ako ng maluwag na t-shirt at pajama. Heto naman kasi ang nakasayanan ko na suotin. Mas komportable ako sa ganito kumpara sa mga revealing na damit. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago nagdesisyong bumaba. Naroon na sina Rhea at Mika pagdating ko. Naghahanda na sila ng pagkain. Ako naman ay nagpresintang tumulong sa kanila. Mahaba ang buhok ni Rhea samantalang si Mika naman ay mayroong maikling buhok. Maganda sila pareho at alam kong makakasundo ko ng sobra. "Naku! Huwag ka ng tumulong at umupo ka na r'yan. Maagang umalis si sir Yashvin." Nakangiting sambit ni Rhea habang nilalagay ang ibang plato sa lamesa. Maagang umalis? Hindi niya man lang ba ako inantay at nagpaalam na aalis na siya? Kung sa bagay, ano pa nga ba ang inaasahan ko. Eh wala nga pala siyang ni katiting na nararamdaman para sa akin. Sino nga ba ako sa kaniya para umasa na magpaalam siya bago pumuntang trabaho at sabayan man lang ako sa pagkain? Napahugot ako ng isang malalim na hininga sa naisip ko. Ngayon pa lang, dapat ay masanay na ako sa ganitong pangyayari. Hindi na dapat pa ako maghangad ng higit pa dahil nilinaw naman na sa akin ni Yashvin na kasal lang kami sa papel, wala ng iba pa. "Sabayan niyo naman akong kumain, oh?" Pagmamakaawa ko sa kanilang dalawa. Saglit na nagtinginan sina Rhea at Mika bago nagsalita ang isa sa kanila. "Ha? Bakit kami sasabay eh isa lang naman kaming kasambahay?" Kamot ulong sambit ni Rhea. Kumunot ang noo ko at nagsalita, "Hindi 'lang' kayo basta kasambahay. Kaibigan ko na rin kayo kaya tara na at nang makapagsimula na tayong kumain." Pamimilit ko sa kanila. "Sigurado ka ba, Sky? Hindi ba nakakahiya?" Kamot batok na tanong ni Mika. Tinignan ko si Mika nang diretso sa kaniyang mga mata bago ako muling nagsalita. "Magtatampo ako kapag hindi niyo ako sinabayan sa pagkain." Sambit ko. "Oo na. Heto na nga at sasabay na." Dire-diretsong sagot ni Mika habang naglalagay ng pagkain sa plato niya. Gano'n din ang ginawa ni Rhea dahilan para bahagya akong mapa-ngiti sa inasal nilang dalawa. Naparami ang nakain namin dahil naparami rin ang aming naging mga usapan. Si Mika at Rhea pala ay magkapit-bahay sa kanilang probinsya. Pareho silang breadwinner sa kanilang pamilya. Nakakalungkot lang dahil gaya ko ay kailangan nilang mapalayo sa kanilang mga pamilya. Sinab nina Mika at Rhea ay high school lang ang natapos. nila na ayos lang daw 'yon dahil ang mahalaga ay matustusan nila ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Pero sa kabila no'n ay ramdam at alam ko na may espasyo sa puso nila na gusto nilang makapag-tapos ng pag-aaral. "Nabusog ako! Nag-enjoy akong kausap ka, Sky. Magkasing-edad lang tayo pero parang ang dami mo ng napagdaanan sa edad mong 'yan." Natatawang wika ni Rhea habang naghuhugas ng pinagkainan naming tatlo. Kasalukuyang nagwawalis si Mika sa dining room habang ako naman ay tumutulong kay Rhea sa pag-babanlaw ng nasabon niyang mga plato. "Hmm, isipin na lang natin na gano'n nga. Alam mo, sa totoo lang. Nami-miss ko na ang pamilya ko." Halos maluha luhang sambit ko. Natigil si Rhea sa pagsasabon ng plato at tinignan ako sa aking mga mata. "Alam ko ang ganiyang pakiramdam. Mabuti ka nga at puwede mo silang bisitahin ano mang oras mo gusto. Hindi tulad ko—namin—na kailangan pang mag-antay ng ilang buwan o 'di kaya'y taon bago namin mabisita ang aming mga pamilya." Buntong hiningang sambit ni Rhea. Oo nga naman, puwede ko naman silang bisitahin kung kailan ko gusto. Pero ang tanong, magiging masaya ba sila na makita akong bumisita sa mansyon? Kung babase ako sa reyalidad ay mukhang si Yaya Juanita lang ang magiging masaya sa kanila. "Pag-iisipan ko kung kailan ako bibisita. Sa ngayon, gusto kong maghanap ng trabaho. Ayaw ko naman na nakakulong lang ako rito sa mansyon." Buntong hiningang sambit ko. "Bakit ka pa maghahanap ng trabaho eh sobrang yaman naman na ni Sir Yashvin. Kaya nga niyang bumili ng isla." Natatawang pagsingit mi Mika sa usapan namin ni Rhea. Tapos na pala siyang magwalis at maglinis sa dining. Kung tutuusin ay may punto siya. Pero ayaw ko lang talaga na iasa lahat ng pangangailangan ko kay Yashvin. "Mag-asawa nga kami pero hindi ibig sabihin no'n ay iasa ko na sa kaniya ang lahat. Gusto kong maghanap ng trabaho para kapag may kailangan at gusto ako ay mabibili ko gamit ang sarili kong pera." Nakangiting sambit ko pagkatapos kong banlawan ang huling mga plato't baso pagkatapos ay nilagay ang mga 'yon sa machine upang patuyuin. "Kung sa bagay, may punto ka naman. Hindi dapat tayo dumedepende sa isang tao." Tatango tangong turan ni Mika. Nang matapos na kami sa ginagawa namin ay agad ko silang niyaya sa sala subalit agad silang tumanggi dahil may mga gawain pa silang kailangang gawin. Hindi ko naman na sila pinilit pa dahil baka mapagalitan sila kapag hindi nila natapos agad ang mga trabaho nila. Inabala ko na lang ang sarili ko sa panonood. Oras ang lumipas ay magdidilim na. Bago pa tuluyang dumilim ay nagdesisyon na akong magluto para may pagkain si Yashvin pag-uwi. Kahit naman hindi kami malapit sa isa't isa ay asawa ko pa rin siya. Kung para sa kaniya ay kasal lang kami sa papel, para sa akin ay kasal kami at mag-asawa kami. Nagdesisyon akong magluto ng beef steak para sa kaniya. Noong una ay hindi pa ako pinayagan nina Mika at Rhea pero hindi na sila nakapalag pa dahil nagsimula na akong magluto kanina kahit pinipigilan nila ako. Kasalukuyan akong narito sa edge ng swimming pool at nakaupo habang bahagyang pinapadyak ang mga paa ko sa tubig. I opened my phone and decided to call Yaya Juanita. "Hello, Sky anak? Kumusta ka? Mabuti at napatawag ka?" Bungad ni Yaya Juanita dahilan para mabilis na bumuhos ang mga luha ko pababa sa aking pisngi. "Yaya....." Lumuluhang sambit ko.SKY'S POV"May problema ba, anak? Magkwento ka kay Yaya at handa akong makinig kahit gaano pa kabigat at kahaba 'yan." Aniya. Ramdam ko ang lungkot at pag-aalala sa boses ni Yaya Juanita. Alam ko na nalulungkot din siya sa kalagayan ko subalit wala lang siyang magawa dahil si Daddy ang makakalaban niya. Iba kapag si Daddy ang makakalaban mo. He's too powerful and domineering. Ang dami kong gustong isumbong kay Yaya at isiwalat pero taksil ang aking dila dahil ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko. Huminga muna ako ng isang malalim na hininga bago muling nagsalita. "Na-miss lang po kita, Yaya. Miss namiss na po kita." Humihikbing sambit ko. Dinig ko ang malalim na paghinga ni Yaya Juanita bago ito muling nagsalita. "Basta anak, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Yaya. Kahit anong mangyari nandito lang ako, ha? Handa akong pakinggan ka sa mga hinaing mo sa buhay."I can't help but to burst out crying the moment she said those words. "Shhh, nandito lang si Yaya." Pagp
SKY'S POV Kinaumagahan ay maaga akong nagising nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Hindi ko alam pero antok na antok ako. 'Yong kahit gustong gusto kong imulat ang mga mata ko ay hindi ko magawa. Nakapikit man pero nakuha ko pa rin ang cellphone ko sa bedside table at hindi na nag-abala pang alamin kung sino ang tumatawag dahil agad ko 'yong sinagot. "Hello? Mamaya ka na lang tumawag, natutulog pa ako." Inaantok at pikit na sagot ko. "Tamad at wala ka talagang pakinabang na animal ka! Tumayo at kumilos ka r'yan upang pagsilbihan ang asawa mo, t*nga!" Nanggigigil na sigaw ni Daddy na siyang nagpagising sa aking tulog na diwa. "O-opo! Sorry, Dad." Paumanhin ko at nagmadaling bumangon mula sa kama. Nagmadali akong naglinis ng sarili ko sa banyo. Pagkatapos no'n ay nagbihis ako ng maluwag na t-shirt at pajama. Heto naman kasi ang nakasayanan ko na suotin. Mas komportable ako sa ganito kumpara sa mga revealing na damit.Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago nagdesisyo
SKY'S POV Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi habang pilit na pinipilang tumulo ang aking mga luha. Arogante ang lalaking kaharap ko ngayon. Ibang iba sa ugaling naipakita niya sa akin noong una kaming magkita sa mall. Ayos lang naman sa akin kung hindi namin ituring na asawa ang isa't isa pero huwag naman sana siyang umasta na arogante sa harap ko."What the hell took you so long? Tsk! Really, woman?!" Nakahalukipkip na singhal nito habang naka-upo sa backseat ng kaniyang magarang sasakyan nang makasunod ako't makababa ako sa parking lot. Yumuko ako bago nagsalita, "P-pasensya na." "As if your sorry can change everything, tsk! Hop in, stupid." Aniya na siyang naging senyales sa akin para buksan ang kanang pintuan ng backseat.Tahimik na nagmaneho ang driver at gano'n din kami ni Mr. Alejo. Walang ni isang sumubok na magsalita sa amin. I really feel uncomfortable with his presence but I have no choice but to get used to his presence. Hindi ko alam pero parang ilang oras ang lumipa
SKY'S POV "I-I don't get it! Bakit ikaw? You just graduated, for Pete's sake!" Halatang gulat na gulat na tanong niya. I knew she would react this way. Kahit naman kung ako ang nasa sitwasyon niya ay ganito ang magiging reaksyon ko. I am only 21 and just finished college tapos ikakasal agad? "I had no choice. Si Dad ang nagdesisyon nito and I'm sure you know him so well. We must follow his orders." Buntong hiningang wika ko. I heard her deep sigh and silence dominated between us. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nagdesisyong magsalita. "Ganyan mo ba talaga sila kamahal? Are you really gonna sacrifice your freedom and happiness just for them?" Ramdam ko ang pag-aalala sa tono nang pananalita ni Denise. Alam niya kasi kung anong trato sa 'kin ng pamilya ko. Siya lagi ang nakakakita ng mga pasa ko t'wing sinasaktan ako ni Daddy at ate Angelina. Siya lagi ang pinagkukwentuhan ko t'wing nasasaktan ako sa mga salitang ibinabato sa akin nina Daddy at ate. At higit sa l
SKY'S POV "That costs One Hundred and Seventy Five Thousand. Check if it fits your body." Ate Angelina uttered while lending me my simple wedding gown. Bahagya akong nagulat sa presyo subalit agad ding nakabalik sa wisyo ilang segundo ang lumipas. When I got inside the fitting room, I quickly wore the simple wedding gown. Lagpas tuhod ang haba nito pero hindi bababa sa legs ang haba. Napakaganda kong tignan. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakapagsuot ka ng mamahaling damit. "Are you done?!" Sigaw ni Ate sa labas ng fitting room. Gulat man ay agad kong binuksan ang pintuan. Abala si Ate sa cellphone pagbukas ko ng pinto subalit nang i-angat niya sa 'kin ang kaniyang paningin ay panandalian pa siyang natigilan. "B-bagay ba, Ate?" Naiilang na tanong ko. "Y-you still look cheap. Anyways, okay na 'yan. Wala na tayong magagawa kahit mas mahal pa ang bilihin natin. What a shame." Sabi nito sabay talikod sa akin. Kibit balikat na lang akong pumasok sa loob ng fitting room upang h
SKY'S POV Isang malakas na sampal ang lumapat sa aking pisngi pagkabalik ni Daddy sa loob ng bahay. Umiiyak akong humawak sa aking kaliwang pisngi habang nakayuko dahil sa sobrang lakas ng sampal na 'yon. "Kahihiyan ka sa pamilyang ito! Isa kang p*tang inang kahihiyan!" Galit na galit na sigaw ni Daddy. Saglit kong tinignan si Mommy na nakaiwas lang ng tingin sa 'kin habang si Ate naman ay nakangisi lang sa tabi ni Mommy. Hindi ko naman intensyon na ipahiya sila. Masyado kasi akong nagmamadali na makarating sa dining dahil sa tono ng pananalita ni Ate kanina sa call. "I-I'm sorry, Dad." Umiiyak na paumanhin ko. "Don't call me, Dad! You better not make any mess on your wedding with Mr. Alejo, Sky! I'm warning you!" Nagngingit-ngit na galit nito sabay alis sa harapan ko. Sumunod si Mommy sa kaniya habang si Ate naman ay nakangising nilapitan ako. "For the nth time, wala ka na namang ginawang tama ngayong araw." Aniya pagkatapos ay umakyat na rin sa kuwarto niya. Mabi