Share

KABANATA 4

Natatawa siyang tumingin saakin. "Ikaw palang ang babaeng tumanggi sakin. Pahayag ni Draymond.

"Magbibihis lang ako sir Draymond pwede ka nang umalis ng kwarto ko."

"Sige sabe mo ih." Agad naman siyang lumabas. Napailing na lamang ako na ang hina hina ko pagdating sa kanya. Gantong lalaki ba ang iniidolo ko halos manyak.

"Manang ka manamit noh'." Una niyang komento sa suot ko. Nakasuot lang naman ako ng komportableng pajama at t-shirt.

"Pantulog po kasi ito sir Draymond. Teka nga po? Kala ko ba uuwi ka na?" Pagtataboy ko sa kanya.

"Pinauuwi mo ko agad." Lumapit siya saakin at hinawi ang buhok ko at lumapit sa leeg ko at bumulong.

"May di pa tayo nagagawa." Sabi niya. Napaawang nalang ang labi ko sa sinasabi niya. Di naman ako sobrang inosente sa gantong bagay.

Kinuha ko ang belt bag at pinakita ang limang libo na nakita ko kanina lang.

"Sa'yo ba tong pera na to'?" Tanong ko.

"Yah." Walang gana niyang sagot.

"Para saan?"

"Acting naive, seriously?"

"Di ko alam ang mga pinag sasabi mo o ano ang nasa isipan mo para maging ganto ang trato mo saakin."

"Kulang pa? You need more?" Walang gana niyang sabi ni ulti nga tingnan ako ay di niya magawa.

"Umalis ka na sir Draymond. Hindi kita pinahihintulutan na insulutuhin ako sa sarili kong pamamahay!" Galit kong saad sa kanya. Bahagyang natawa lang ang loko! Naupo pa siya sa sala at nakangising tiningnan ako.

"Sa oras na maningil ako ella di mo kakayanin ang magiging kapalit nun. Sinisigurado ko sa'yo." Pagbabanta niya.

"Bibigay ka din tulad ng mga babae ko."

Napaawang ako sa kapal ng bunbunan ng lalaking ito.

"Di ako tulad ng mga babae mo Sir Draymond." Diin kong sabi sa kanya.

"Ayuko na hinahamon ako ella lalo akong nababaliw pag ganyan. Lalo akong mahuhumaling sa'yo." Pinaglakihan ko nalang siya ng mata sa sinabi niya.

"Sige, uuwi na ko pero ito tanggapin mo ang calling card na to'. You can contact me if you change your mind."

"Hindi kita tatawagan, para saan pa." Pagmamatigas ko.

"Fine, sabi mo ih." Umalis na siya sa bahay at ako ito naiwan sa bahay ko na nanghihina. Napasalampak ako sa sahig na halos insulutuhin niya ang pagkataong meron ako. Maaring di ako galing sa mayaman at di nakapagtapos ngunit di ako ganung tao. Tanging prisipyo at pinag kakaingatan ko na lamang ang meron ako. Na di ko pwede ibigay na ganun-ganun lang sa kung sino lang. Sa dami na nangyare ngayong araw at gabi para akong lalagnatin jusko!

Nang tuluyan na siyang umalis nilock ko agad ang pinto at nagpahinga. Napabalikwas ako na di parin ako makatulog di ko malimutan ang halik niya.

"Nakaka-asar..... Di ako makatulog dahil lang dun. Trip trip ka lang nun ella di yun seryoso sa'yo." Sabi ko sa sarili ko.

Sana pag gising ko okay na uli ang lahat.

Nagising si ella sa katok ng kapitbahay.

"Ellaaaaa???? Tagal mo namang sumagot bata ka!" Masungit na wika ng kanyang landlord sa labas ng apartment na inuupahan niya.

"Sandali lang po Ms.avee." namamaos at inuubo pa siya.

"Hala? Okay ka lang ba? Pagbukas niya ng pinto ay tinanong agad siya ng matanda.

"Sa totoo lang po Ms. Hindi." Sinapo siya sa ulo at naawa sa kanya ang matanda.

Matandang dalaga si avee.

"Pasensya ka na ihja ah ansungit ko kanina. May naghahanap kasi sa'yo babae nagtratrabaho ka ba sa bar?"

Tanong ng matanda sa kanya.

"Ano ho? Hindi po alam niyo naman ang kinabubuhay ko ih." Wika niya.

"Saka teka, chismis dito saatin nag uwi ka daw ng lalaki totoo ba yon? Ayusin mo ella ayuko ng lalaki sa apartment ko."

"Tinulungan lang po ko. Walang malisya po iyo'n ms."

"Good, Dahil mukang nilalagnat ka magpahinga ka muna. Ipagluluto kita hija ng makakain mo di mo inaalagaan ang sarili hija. Paano ka aasahan ng pamilya mo kung ulti sarili mo ih di mo maalagaa. Ng ayos?" Napangiti naman ako sa sinabi ni ms. Avee masungit ngunit totoong care ang meron siya sa mga taong nangungupahan sa kanya. Kahit simpleng paupahan ito ay di ko ipagpapalit dahil mabait at masasabi ko na payapa ang buhay ko rito.

"Pogi daw hija?" Nakangiting sabi sakin ni ms. Avee.

"Sino ba siya? Kilala ba?" Tanong niya muli.

"Opo sa katanuyan nga't. Si sir Draymond jazz Perkins po iyo'n." Nawindang ata siya at hinapak pa ko sa braso at mas kinilig pa siya sakin.

"Omeygosh hija? Seryoso ka? May ginawa ba kayo ha? Kaya ka nilagnat ng ganyan?" Sunod-sunod niyang tanong sakin.

"Wala po. Wala talaga."

"Ih bakit para kang dismayado hija? Ikaw ah nagdadalaga ka na. Di ka man lang nagasasabi sa lovelife mo." Nagtatampong sabi niya.

"Ano ba naman yan ms. Avee mas kinikilig pa kayo sakin ih."

"Pogi kasi yung bata na yon o mukang bata lang." Napaisip ako mukang bata oo nga. Natatandaan ko na Mr.perkins is already 31 years old.

"Ms. Avee naman ih. Teka nga sino ba ang naghahanap sakin?"

"Teka din muna ella tatawagin ko."

"Okay po."

"Ellaaaaa......sigaw nang nasa labas. Pag bukas ko ng pinto si ms. Feliz pala."

"Miss feliz? Ba't kayo naparito? Paano niyo nalaman kung saan ako nagugupahan." Tanong ko.

"Nakita kita kaninang madaling-araw kayo ni sir Perkin's sa labas. Hija? May ginawa ba siya sa'yo?" Tanong niya na may kuryusidad.

"Wala po." Maikling sagot ko.

"Diba may gusto ka sa kanya?" Tanong niyang muli.

"Paghanga po iyo'n, At hanggang dun lang." Paninigurado ko sa kanya.

Tumango-tango naman siya tanda ng pag sang-ayon.

"Teka po."

"Ano yon?"

"Paano niyo nalaman na ito ang tinutuluyan ko?" Nag isip muna siya bago sumagot.

"Tinanong ko sa mga guards sinabi ko na kamustahin lang kita at pumayag naman sila. Tingnan mo hija may mga dala akong damit. I want you to try all of this." Masiglang sabi niya.

"You look pale, i guess you are not okay."

"Opo ih may sakit po ko nilalagnat na." sabi ko.

"Nilalagnat na? baka may ginawa kayo ha? nagdadalaga ka na ella..!!!!" tili niya.

"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status