Bagsak ang mga balikat na umuwi si Sylvia sa bahay. May iilang tao at kumakain at namimili.
"Ala'y ang aga mo!" bati ni Sol sa kaniya.
"Nariyan na ba si Sylvia?" narinig niyang tanong ng kaniyang ina mula sa itaas.
"Ere na inang!" sagot naman ng kaniyang kuya.
Matamlay na tinapik ni Sylvia ang balikat ni Sol bago tuluyang umakyat sa hagdan.
"Bakit ang aga mo?" usisa ng kaniyang inang makasalubong niya sa hagdan.
"Wala lang po."
Nasundan na lang ng tingin ni Sonia ang pangalawang anak. Naabutan ni Sylvia ang hipag sa sala. Karga-karga ang isang taong gulang niyang pamangkin na si Sophia.
"Ate," bati niya at napangiti nang makita ang magandang mukha ng bata.
"Himala! Hindi ka yata gabi na umuwi!"
Lumapit siya rito at sinilip ang tulog na pamangkin. Bago itinuon ang mga mata sa asawa ng kapatid na si Jellie.
"Nabwisit ako sa bagito kong boss," kahit gustong sumigaw ni Sylvia ay pinigilan niya baka magising ang pamangkin.
Inabot sa kaniya ni Jellie ang bata na agad naman niyang kinarga. Kinuha sa kaniya nito ang nakasabit na tote bag sa balikat.
"Lagi ka naman n'on binubwisit. Ano bang bago?" Natatawang aniya nito habang naglilipit ng ilang gamit ng bata.
Marahang umupo si Sylvia sa sofa habang pinagmamasdan ang tulog na si Sophia.
"Wala naman na si Trevor sa kumpanyang iyon. Bakit hindi ka pa umalis?"
"Buti sana kung ganoon lang iyon kadali."
"Alam mo naman nangako ako kay Sir. T, aalalayan ko ang bunso niyang kapatid," paliwanag niya at tiningnan ang hipag.
Inihagis ni Jellie ang ilang maliliit na unan sa kabilang sofa bago tuluyang sinalubong ang tingin ni Sylvia.
"Masyado kasing malakas sa iyo si Sir. T. mo e. Kaya ngayon stress ka."
Napabuntong-hininga siya, naalala niya tuloy nang hilingin ng kaniyang dating boss na alalayan ang kapatid nitong si Troye. Noong mismong araw nang kasal nito sa isang kilalang stylist na si Klaudia Labrico.
Nakilala niya si Trevor sa University. They are both one of the top students. Hindi man magka-batch at ahead man siya rito ay naging hadlang iyon para maging malapit sila.
In short they became friends despite of their differences.
Sa age, status of living and looks.
Perong parang anghel na padala ng Diyos ang binata.
He was so generous, humble, sweet and genuine man.
"Bakit naman kasi nagpakasal agad iyon 'no?" untag sa kaniya ng hipag.
Lumapit ito na may hawak na feeding bottle kay Sylvia at kinuha muli si Sophia. Siya naman ay muling tumindig habang nakasimangot.
"Hindi ko nga rin alam. Ang sabi niya sa akin noon, they can't live or even breathe without each other," naiinis niyang tugon.
"Ang sabihin mo, good catch na kasi si Sir. T."
"Hindi na talaga iyon pakakawalan ng jowa no'n!" dagdag pa ni Jellie habang inaalog-alog ang batang kasulukuyang nasa bibig ang bote ng gatas.
Napatango si Sylvia, hindi niya masisisi si Klaudia. Sa angking anyo at katangian ni Trevor, aba, talagang magsisigurado ka na!
Lalo na nang sumikat ito matapos umupong CEO Ng Ledesma Company. Pero talbog ang lahat nang minsang hintayin siya nito sa labas ng kumpanyang kauna-unahan niyang pinagsilbihan.
Ang akala niya noon ay magtatapat ang binata ng pag-ibig sa kaniya. Kaya't gandang-ganda siya sa sarili habang naglalakad palapit dito.
Pero bahagya siyang nadismaya nang alukin siya ng trabaho. At iyon ang bilang sekretarya na hindi naman niya pinagsisihan.
Working with him is not like literally working.
"E, iyong boss mo ngayon, hindi mo type?"
Awtomatikong napalinga si Sylvia sa hipag habang malalim ang gitla sa noo.
"Hindi, 'no!" bayolente niyang reaskyon.
"Gwapo rin naman iyon ha?" Nakangiting panunukso ni Jellie.
"Gwapo na kung gwapo, asal hayop nga lang," walang gana niyang sagot.
Naglakad na si Sylvia patungo ng kaniyang silid. Hawak pa lang niya ang doorknob para pihitin ay muling nagpahabol ang kaniyang hipag.
"Syl, ito payo lang ha?"
"Bakit hindi ka humanap ng papa?"
"Papa? Hindi naman nawawala si Papa. Iyon nga lang nasa langit na," sagot niya at muling humarap Kay Jellie.
"Papa. Papa-ibigin ang ibig kong sabihin," pagtatama nito.
Natigilan siya at nanatiling nakatitig dito. Kahit kailan yata ay hindi sumagi sa isip niya ang ganoong bagay.
Pinaniniwalaan niya noon pa man na darating iyon.
Darating ang pag-ibig at hindi niya kailangan hanapin.
Pero 35 years na niya iyong pinanghahawakan. At sa tagal na iyon ay heto pa rin siya nag-iisa.
"Hindi ka na bumabata. Enjoy mo na 'yong buhay mo," patuloy na payo ni Jellie nang ihiga ang tulog na anak sa crib.
"Masarap magmahal at lalo na mahalin din pabalik."
"Tama ka naman diyan," mahinahong pagsang-ayon ni Sylvia habang nakatitig sa kawalan.
"E 'di, go!"
Pinilig niya ang ulo at pinagtagpo ang tingin nila ng hipag.
"May trabaho ako. Hindi ko iyon kayang mapagsabay-sabay."
Habang nakaharap sa salamin si Sylvia ay pinagmasdan niya ang kabuuan.
Katulad ng sabi ng iba, hindi naman talaga jaw dropping ang beauty niya. Hindi rin siya pangit, typical Filipina lang.
Hindi din siya out-going person. She prefer to stay inside the house. Magbasa at tumulong sa business nila ito ang ginagawa niya tuwing free sa trabaho.
Siguro iyon ang dalawang bagay na kulang kaya walang kulay ang lovelife niya.
Sa edad ngayon ay dapat nagse-settle down na siya with someone who she wanted to be with. Mayroong kahawak-kamay na batang lalake at may kargang mas batang babae.
Like her batchmates, na nakikita at madalas niyang makasalubong ang mga ito with their families.
Ayaw niyang maiingit pero hindi ba iyon naman ang pangarap ng bawat isa sa atin?
Ang makasama ang gusto nating tao at bumuo ng isang pamilya.
Bakit hindi ba niya naiisip ang ganitong kaimportanteng bagay?
Huminga ng malalim si Sylvia at itinuon ang matatapang na mga mata sa salamin.
She need to change her life for good.
She need to find her elusive destiny.
She need to find the love, the love that can't find her.
Saglit siyang natigilan , paano niya magagawa iyon kung may trabaho siyang masakit sa ulo?
"Mag-resign na kaya ako?" tanong niya sa sarili.
"Sir?" ulit ng boses.Umatras yata ang luha ni Troye nang mas malinaw na marinig ang pamilyar na boses. Marahan siyang nagtaas ng mukha, at kulang na lamang ay mahulog ang puso niya nang makita ang sekretarya."Kape niyo po. May iuutos pa po ba kayo?"Ilang beses niyang kinurap ang mga hindi naniniwalang mga mata. Baka dahil sa pangungulila ay namamalik-mata lamang siya, at nakikita ito ngayon sa kaniyang harapan.Sa loob mismo ng kaniyang opisina!Gumuhit ang ngiti sa labi ni Sylvia habang may luhang hindi napigilang bumagsak habang nakatitig sa nabiglang si Troye."Mag-pu-push up pa po ba ako?" biro niya habang naiiyak.Nang mapagtanto, at masiguradong nasa harapan nga niya ang sekretarya ay matulin siyang tumayo sa kinauupuan. At nang makalapit sa harapan nito ay nag-usap muna ang kanilang mga mata."Sylvia Dimaculangan, reporting as your Executive secretary. Hindi niyo pa naman po tinatanggap ang resignation letter ko, 'di ba?"Maagap na hinawakan ni Troye ang kanang braso niya, h
"I'm sorry."Nagising si Troye nang mapagtantong nakapikit na dahil sa gulat ang kaharap na sekretarya. Hinawakan niya iyon sa braso habang nahihiya ang hitsura.Marahang binuksna ni Sylvia ang mga mata. Naroon ang binata, at hinahaplos ang kaniyang balat."I'm sorry, hindi ko gustong sigawan ka," kalmado nitong aniya."Wala na akong nararamdaman kay Trevor, maniwala ka."Nag-angat ng tingin si Troye, ngumiti siya rito ng tipid para mapanatag na tungkol sa isyu nito sa kapatid."At huwag mong ikumpara ang sarili mo sa kaniya. Magkaiba kayo, at para sa akin, mas espesyal ka.""If you say so, then be with me.""Hindi sapat na dahilan 'yon para makasama ka," naging masakit na naman ang tono ni Sylvia."Tell me, ano ba'ng puwedeng maging sapat na rason para magpakatotoo ka rin, katulad ko," determinadong tanong nito.Umiling si Sylvia, at ibinaba ang mukha.Natatakot siya, iyon ang totoo.Natatakot siya sa puwedeng kahinatnan ng kanilang pagtitinginan. Mapanghusga ang mundo, lalo na ang m
"Sylvia!"Matapang ang mukha ni Sylvia nang humarap sa patayong si Jarell. Kung puwede niya lamang ito lapitan at saktan, gagawin na niya.Pero alam niyang magsasayang lamang siya ng oras, at lakas. Wala na rin siyang pinagkaiba kay Jarell.Binalingan niya ang asawa nitong masama pa rin ang tingin sa kaniya."I'm sorry, hindi ko alam na may asawa na siya. Maniwala ka man o hindi, kung alam kung mayroon, hindi ako magkakaroon ng relasyon sa gagong iyan!""Patawarin mo ako. Hindi ko alam," pagpapakumbaba ni Sylvia.Nabanaag naman niya ang pagkalma ng babae, na tingin niya ay na kumbinsi niya dahil sa totoong paliwanag.Itinuon niya ang mga mata kay Jarell."Hindi ako nagpakantanda para lamang paglaruan, at gaguhin mo. Jarrel, mas pipiliin kong mag-isa habang buhay kaysa maging kabit.""Sylvia-""Stop it, Jarell. Hindi na gagana 'yang rason mo. Kung tingin mo, tanga ako na basta na lamang maniniwala sa iyo.""Pwes, mali ka.""Let's go," naramdaman niya ang paghila ni Troye sa kaniyang mg
"Dude?"Nagtungo sa kalayuan si Troye, at saglit na iniwan ang mga kaharap na negosyante."Bakit, Benzon?""Sasabihin ko ng personal sa iyo ang nalaman ko tungkol kay Jarell."Sinakmal agad siya ng kaba. Lumingon siya sa mga kasama bago inisip kung ano'ng dapat unahin."Sorry, late ako."Pinagmasdan ni Sylvia ang pakamot-kamot na si Jarell. Hinihingal ito dahil palagay niya tumakbo ang binata."Kanina ka pa?" tanong nito kasabay nang paghaplos sa kaniyang braso."Hindi naman. Pero, saan ka ba galing?" pasimpleng niyang usisa nang magsimula silang maglakad sa loob ng mall."A, meeting.""Meeting?" Bahagya pa siyang lumingon kay Jarell."Oo.""Akala ko ba sa kaibigan mo?"Pagkakatanda ni Sylvia ay ang paalam ni Jarell sa kaibigan nitong kauuwi lang daw ng bansa. Kaya ano'ng sinasabi nitong galing sa meeting?"Oo, pagkagaling ko sa meeting doon na ako dumiretso," patuloy na palusot ng binata."Talaga?" kailangan niyang sabihin iyon na para bang naniniwala siya kahit hindi.Habang naglala
Narating nila ang labas ng gate. Humarap si Troye sa kaniya habang hawak pa rin ang kaniyang kamay."May problema ba?" usisa ni Sylvia dahil balisa ang binata.Sinalubong nito ang mga mata niya. Matiyaga niyang hinintay ang lalabas sa bibig nito."A-about your date," panimula ng binata."Date? Sino? Si Jarell ba?" nalilito anang niya."Yes, that damn shit!" singhal ni Troye kasabay nang pagbitaw sa kamay niya.Mukhang alam na ni Sylvia kung saan tutungo ang usapang ito. Huminga siya nang malalim."Mr. Ledesma-""No, hear me first, Miss Dimaculangan!"Napaamang siya sa bulyaw nito, at nang lumapit. Hinawakan siya sa magkabilang braso, at tinapatan sa mukha."Makipag-break ka na sa kaniya.""H-ha?" utal niyang bigkas habang kumurap-kurap ang mga mata nilang magkahinang."End your relationship with him, hangga't maaga pa.""Te-teka nga," pwersahang iwanagwag ni Sylvia ang magkabilang braso.Nang magtagumpay ay nagbigay siya ng espasyo sa pagitan nilang dalawa."Ano ba 'yang pinagsasabi m
"Sagutin mo na 'yan, kanina pa natunog ang cellphone mo."Sinilip pa ni Sylvia ang phone ni Jarell pero maagap iyong kinuha nito na nakapagpa-arko ng kaniyang mga kilay."Si, si mama lang 'to. Nangungulit."Napahilig ang mukha niya, habang pinagmamasdan ito na animo'y kinakabahan, at may itinatago.Ilang beses na niyang napapansin ang laging pagtunog ng cellphone ni Jarell sa tuwing magkasama silang dalawa.Kapag naman tinatanong niya kung sino 'yon ay kung sino-sino ang dinadahilan nito.Mama niya, kapatid, pinsan, kaibigan at kung anu-ano pa.May umuusbong na kutob sa kaniya.O mas dapat sabihing isang hinala!"Kumain ka na," untag ni Jarell kay Sylvia."Sige. Nga pala, birthday ni Spike bukas, punta ka?" alok niya para na rin mapakilala niya ito ng pormal sa pamilya."Bukas?" tila nag-isip ito sa gagawin."Oo, bukas. May lakad ka ba?""Sorry, Syl."Hinawakan siya nito sa kamay na nasa ibabaw ng mesa. Napatingin siya roon bago sa mukha nitong sumisigaw ng pakiusap."Can't make it."