Share

Kabanata 4

Penulis: HANIFAH
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-10 20:43:37

"Sir, hindi mo ’ko stalker. Hindi mo ba talaga ako naaalala?"

Tinititigan niya ako ng matagal. Ako nama’y halos ilapit na ang mukha ko sa kaniya para lang matandaan niya talaga ako.

Maya-maya ay umiling siya. “You said you’re one of the employees I fired, but I don’t remember you.”

Seryoso talaga siya?

Kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Ang weird lang, kasi nitong umaga lang niya ako sinante. Imposible namang nagka-amnesia siya. Hindi rin naman mukhang nabagok ang ulo niya. Actually, he looks perfectly fine to me.

Napaisip ako bigla. Kalaunan ay muntik na akong mapalakpak nang may napagtanto ako.

Of course he couldn’t recognize me since I’m not wearing my glasses!

Kinapa-kapa ko ang bandang dibdib ko, lalo na ang kwelyo ng suot kong damit, nagbabakasali na naisabit ko doon ang salamin ko. Kaso wala doon. Natigil ako nang maalalang naipasok ko pala iyon sa dala kong pouch kanina.

Ang kaso, sa kagustuhan kong mang-blackmail kanina ay nakalimutan ko rin ang pouch kong iyon sa loob ng bar.

"Sh-t!" Hindi ko na napigilang mapamura.

“Hey, what’s wrong?” tanong niya.

Napalingon ako kay Boss Raz nang magtanong siya. Sunod ay napatitig ako sa kaniya nang maisip kong magpahatid sa kaniya pabalik doon.

Sana nandoon pa ang pouch kong iyon. Bukod sa de-grado kong salamin, nandoon din ang wallet ko. At sa wallet ko namang iyon, nandoon ang natitira kong pera pati na ang ibang valid ID ko.

Problemado akong napakagat sa labi. Paano na 'yan? I don't think this man would willingly take me there.

"Don't even try to think to escape again," makahulugang sabi niya. "Where’s your phone?"

Sabi na, e!

Umayos ako ng upo at saka tumagilid upang buo ko siyang makaharap.

"Um... ano kasi, uh... nakalimutan ko ang bag ko sa bar. Promise, idi-delete ko ang picture mo kapag maihatid mo ’ko do’n," mahina at may bahid ng hiya ang pakiusap ko.

Iyong parte na buburahin ko ang picture niya ay walang katotohanan. Desperado lang talaga akong makabalik sa bar na iyon kaya ko sinabi iyon.

Kaso...

“No. You stay here until I see you delete the picture.”

Halos mapaismid ako. Ang hirap naman isahan ng isang ito!

"Promise, buburahin ko. Kahit hindi mo na ako ihatid doon. Hayaan mo lang akong bumalik doon, please?" I pleaded more.

Mariin niya akong inilingan.

"I'm not planning to take you there either. Just give me your phone," matikas niyang sabi.

Agad kong itinago sa likod ko ang hawak ko pang cellphone nang dumirekta ang tingin niya doon.

"Hindi ko ’yon buburahin hangga’t hindi ko nababalikan ang pouche kong ’yon!" giit ko.

Marahas siyang napasinghap sa hangin sabay kuyom ng kaniyang panga.

“I'm not here to play with you, woman. Just give me your phone or I will call the police.”

Hindi ako natinag, kaya inilingan ko rin siya. "Likewise, sir. Hindi rin po ako nakikipagbiruan sa’yo," buong buo kong sabi.

Nagulat na lang ako nang ilapit niya sa akin ng husto ang katawan at sinubukang abutin ang cellphone sa likod ko. Buti na lang naging alerto ako kahit papaano kaya naiiwas ko iyon sa kaniya. Mas lalo kong itinago sa likod ang cellphone.

"Sir, ’wag kang ganiyan! Baka ikaw ang ipahuli ko sa ginagawa mo!" banta ko habang iniiwas pa rin sa kaniya ang cellphone.

Pilit niyang inaabot iyon sa likod ko habang ako naman ay todo iwas sa kamay niya.

"Just give me your f-cking phone!" he then roared.

Hindi pa rin ako nagpatinag. Tinulak ko na siya sa dibdib nang kulang na lang ay pumaibabaw siya sa akin sa kaaabot niya no'ng cellphone.

"Sabing ayaw ko pa nga, e! Bakit po ba ang kulit niyo?!"

Natigil siya at madilim na tiningnan ako.

"Ako pa talaga ang makulit ngayon, huh?" aniya, tila nauubusan na ng pasensya.

Eh, ’di mas lalong ayaw kong ibigay sa kaniya ang cellphone. Baka mamaya, sa sobrang inis niya ay basagin pa niya iyon. Ano pa kaya ’pag sinabi kong kahit mabura pa doon ang picture niya ay wala rin kasi may kopya pa ako sa mga dump accounts ko. No way am I surrendering this phone.

"Oo, sir! Ikaw po ang makulit. Payagan niyo na kasi akong bumalik sa bar niyo. Hindi naman ako tatakas, e!"

Lumukot ang bandang ilong niya sa sobrang inis. Nanatili akong nakatingin sa kaniya, wala pa ring balak na magpatalo sa kaniya. Akala niya, ha?

“Don't test my patience, woman. Masama akong magalit," he said in a cold, firm tone.

Aaminin ko, medyo kinabahan ako, pero hindi! Hindi ko naman ikamamatay kung hindi na muna ako magpapadala sa takot kong ito sa kaniya.

Mas lalo ko pang itinago sa likod ko ang cellphone. Para makasigurado, pinasok ko na iyon sa pantalon ko sa bandang likod. Ewan ko na lang kung makuha pa niya! Ni hindi nga niya nakayanang kunin iyon kanina sa b*obs ko; dito pa kaya na malapit sa p-wet ko?

Sana lang talaga nandoon pa sa bar ang pouch kong iyon. Hindi pa nga ako sigurado kung maibabalik pa sa akin ang trabaho ko, tapos mawawala pa iyon? Lord, please, ’wag!

“Bibilangan kita hanggang tatlo. At kapag wala pa rin, babasagin ko na ’yan ’pag makuha ko,” banta niya na talaga namang ikinadoble ng kaba ko.

Lihim akong napalunok. “K-Kahit naman makuha mo ’yon, may kopya pa rin ako. Hindi mo ’yon magagalaw.”

There. I finally said it.

Tangina, grabe ang kaba ko ngayon. Paano kung totohanin nga niyang basagin iyon? Hindi ako puwedeng mawalan ng cellphone ngayon! Hindi pa nga iyon bayad nang buo e!

Akala ko ay bubugahan na niya ako ng apoy sa sobrang inis, pero hindi. Sa halip ay malalim siyang napabuga ng hangin saka isinandal ang likod sa kinauupuan.

“Tell me what you want…” bulalas niya sa kalmadong tinig. “Anything. I'll give it to you.”

My lips parted slightly, purely in shock. Totoo na ba ito?

Sabi niya anything daw. Tutuparin kaya niya iyon?

Mariin ko siyang pinakatitigan upang busisihin ang mukha niya kung nagsasabi nga siya ng totoo. Nakatingin lang din siya sa akin, tila pinag-aaralan din ang mukha ko.

Sunod kong ginawa ay hinarap ko ulit sa kaniya ang buo kong katawan saka sinabi na ang gusto.

“Hire me again as your—”

“Are you sure you’re one of the people I fired?”

Kaso halos sabay kaming nagsalita kaya natigil ako; siya naman ay naituloy ang litanya.

“Po?” aniko, litong-lito siyang tiningnan.

Pinaharap na niya sa akin ang kabuuan ng katawan niya saka mas lalo pang nilaliman ang pagkakatitig sa mukha ko. Awtomatiko kong naiatras ang mukha ko nang sunod niyang ginawa ay bahagyang nilapit sa akin ang nagtataka pa rin niyang mukha.

“Sir?” I said, confused.

Umiling siya. “I don’t think I would fire someone with a face like that.”

That made me speechless.

Teka… anong ibig niyang sabihin doon?

“I remember firing someone this morning, but she is…” he paused, thinking. “She is dvmb and nerdy ugly.”

Nerdy—ano raw?!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 54

    “Marry me, Samantha Ion De Miranta…”Napatitig ako sa kaniyang mga mata habang ang mga salitang ’marry me’ ay nagpaulit-ulit sa pandinig ko. Pakiramdam ko ay umurong ang dila ko. I mean… kasal? Paanong napunta agad sa pagpapakasal ang pananatili namin dito?Lihim akong napasinghap nang synod na pumasok sa utak ko ay ang magaganda niyang nagawa sa akin. Tinitigan ko siya ng mariin habang magkadikit ang mga labi ko.Bagaman hindi naging mabuti ang paghihiwalay namin noon, bumawi naman siya sa akin magmula n’ung sinagip niya ako. Siya na ang lalaking hindi ako binitawan noong mga panahong pati ang sarili ko ay ayaw ko nang panghawakan. Siya ang naglinis ng mga sugat ko, hindi lang ang mga nasa balat, kundi pati ang mga sugat sa pagkatao ko. Sa loob ng halos dalawang taon, wala siyang ibang ginawa kundi masiguro na ligtas at masaya ako.‘Does he deserve a 'yes'?’ tanong ko sa sarili ko.Muli na naman akong napasinghap ng lihim nang maalala ko ang mukha ni Raz sa TV noong nakaraang taon.

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 53

    Isang tao, tatlong daan at animnapu’t limang araw na ang lumipas mula nang huling maramdaman ko ang hapdi ng lubid sa mga pulso ko at ang malansang amoy ng dugo sa impyernong silid na ’yun.Sa halos dalawang taon, ang rest house na ito ni Ethan sa gitna ng malawak na farm ang naging kaisa-isa kong mundo. Hilom na ang mga natamo kong sugat sa balat, pero may bigat pa rin sa dibdib ko sa tuwing naaalala ko ang pangyayaring ’yun. Ganunpaman, masasabi ko pa ring unt-unti na akong nagiging okay. Natutunan ko na ring yakapin ang katahimikan dito.Ngayong hapon, naglalakad ako sa malawak na lupain sa harap ng rest house. Ang amoy ng damo ay sumasana sa hangin, pati na ang sariwang bulaklak. Mula rito sa kinatatayuan ko, tanaw ko si Ethan na naglalakad din sa hindi kalayuan, tila may tinitignan sa mga pananim. Napangiti ako nang lumingon siya sa akin at kumaway."Sam! Halika rito, tignan mo 'tong mga bagong tanim na sunflowers!" sigaw niya.Natawa ako at nagsimulang tumakbo patungo sa kaniya.

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 52

    Pumikit ako nang mariin habang umaandar ang sasakyan ni Ethan. Nangingibaw man ang panghihina, sinubukan ko pa ring sulyapan ang labas ng bintana. Sa halos isang linggo kong nakakulong sa silid na ’yun, ang akala ko ay nasa liblib na kagubatan o abandonadong bundok ang kinaroroonan n’un. Ang gusaling pinanggalingan ko pala ay walking distance lang mula sa isang maluwag na highway kung saan tanaw ang mga dumadaang sasakyan at poste ng ilaw.Napayuko ako at hindi na napigilan ang paghikbi nang may mapagtanti ako. “How could Raz not find me there?” pabulong kong tanong sa sarili habang humahagulgol. “With all his power, with all his money... it’s just a few meters away from the main road. Was I really that invisible to him? Or maybe Gino was right... maybe Raz never really intended to find me at all.”Bahagya akong natigil sa paghikbi nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Ethan na humawak sa nanginginig kong kamay. "You're safe now, Sam. Please, stop crying. Hinding-hindi ka na nila

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 51

    "Patay na ba 'yan?" Malabo man ang pandinig ko ngayon pero narinig kong tanong iyon ng isa sa mga lalaking bantay."Hindi pa ata. Humihinga pa, o," sagot ng isa pa, sabay sipa sa paa ko para tignan kung may reaksyon ako. Hindi ako nakagalaw habang walang lakas na nakahandusay ngayon sa sahig."Pero mamamatay na 'yan, naghihingalo oh. Masyadong napuruhan sa ulo," dugtong ng isa sa mga babaeng bantay. Narinig ko ang yabag ng mga paa nila na papalayo nang bumukas ang pinto.Pumasok si Gino. "Labas muna kayo," maikli niyang utos.Naramdaman ko ang paglapit niya. Pasquat siyang umupo sa harap ko at hinawakan ang baba ko para iangat ang mukha kong puno ng dugo at pasa. "So, you made it, huh," bulong niya. Inalalayan niya akong maupo sa silya, bagaman parang lantang gulay na ang katawan ko.Bumalik siya sa pagkaka-squat sa harap ko, titig na titig sa akin. "I'm so disappointed in Raz. I gave him two days to find you, but he did not. With all his connections, he couldn't even track a single w

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 50

    Ang sumunod na dalawang araw ay hindi ko na masyadong maramdaman ang katawan ko. Para akong nasa mahabang siklo ng dilim, na unt-unting nagpapaguho ng katinuan ko. Sa loob ng silid na ito, wala akong nakikitang bintana upang masulyapan ko man lang ang pagsikat o paglubog ng araw. Ang tanging basehan ko ng oras ay ang pagpasok ng mga tauhan ni Gino para maghatid ng panibagong round ng pasakit.“Gising, prinsesa!” Isang malakas na sipa sa sikmura ko ang nagpagising sa akin sa ikalawang umaga.Napaduwal ako sa sobrang sakit. Ang hita ko ay namamaga na dahil sa mga tusok ng gunting ni Marga noong nakaraang gabi. Ngayon ang dalawang babaeng tauhan naman nila ang mananakit sa akin. Kumuha ang isa sa kanila ng isang maliit na pliers, isang plais na karaniwang ginagamit sa construction."Sabi ni Boss Gino, kailangan daw naming i-record ang boses mo para may mapakinggan si Raz bago matulog," nakangising sabi ng babaeng may maikling buhok.Bago pa ako makapagsalita, hinawakan ng dalawang lalaki

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 49

    Unti-unti akong napamulat. Nagtaka pa ako dahil sa bawat pagkurap ko ay sinasabayan ng matinding pintig sa sentido ko. Amoy kalawang, alikabok, at luma, iyan agad ang bumungad sa akin sa pagdilat ko. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko sa pag-aakalang baka malabo lang ang paningin ko…Pero nang luminaw na ang paningin ko, ang nakangising si Marga ang nakita ko. Nakaupo siya nang de-kwatro sa isang silya sa harap ko, prenteng humihigop ng wine. Agad akong nag-hysterical nang maalala ang nangyari sa party, pero natigilan ako nang maramdamang hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko. Pagtingin ko sa katawan ko ay nakagapos ako sa isang lumang kahoy na bangko."Gising na pala ang pakarat," nakangising bati ni Marga."Marga, pakawalan mo ako rito! Hayop ka, anong kailangan mo?!" sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mga lubid na bumabaon na sa balat ko."Boring mo talaga," nanunuya niyang sabi. “Dapat, pagmamakaawa ang unang lalabas sa marumi mong bibig… hindi ganiyan,” dugtong niya bago lum

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status