Share

Kabanata 3

Penulis: HANIFAH
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-10 20:28:20

"Oh, e 'di ikaw na mayaman! Sa'yo pala 'to e. Bakit 'di mo agad sinabi?!"

Malalalim na ang paghinga ko matapos kong isigaw 'yon sa mukha niya.

Tumalsik pa ang laway ko, dahilan para mapapikit siya. Pagkatapos ay nandidiri niyang pinahid sa natalsikan niyang mukha ang isang kamay niya.

"F-ck. It smells like alcohol."

Medyo tinamaan ako ng kaunting hiya doon, lalo na nang amuyin pa niya ang kamay niyang pinangpahid sa natalsikan kong laway.

"Eh, sino ba kasing may sabing ilapit mo sa'kin ang mukha mo? Natalsikan ka pa tuloy!" Nagawa kong magpakasarkastiko kahit unti-unti na talaga akong nilalamon ng hiya.

Tingin ko ay nawawala na ang epekto ng alak sa katawan ko. Parang gusto ko na lang tumakbo palayo at hinding-hindi na sa kaniya magpakita.

Ano ba naman kasing pumasok sa kukuti ko para gawin ang bagay na 'to?!

"Now, give me..."

Napatingin ako sa palad niya nang ilahad niya 'yon sa harap ko. Nang ibalik ko agad ang tingin sa mukha niya ay bahagya niya akong tinaasan ng kilay.

"Your phone... I saw you take a picture of me. Akin na. Ako na ang magbubura."

Kalmado na ang boses niya; hindi na rin siya mukhang galit. Nakumpirma ko 'yon nang isatinig niya ang kasunod na sinabi...

"Don't make me touch a small b*obs."

My jaw literally dropped. What the hell?

Kusa akong napaatras, dahilan para mapasandal ako sa pader. Ang kamay kong nakatakip pa rin sa harap ng dibdib ko ay nalipat sa namimilog ko nang bibig.

A playful smile curved on his lips as he watched my reaction.

"Nasaan na?" muli niyang nilahad sa harap ko ang kaniyang palad.

Hindi pa nga ako naka-move on sa huli niyang sinabi, tapos gusto pa ata niyang ipasok ko ang kamay ko sa loob ng bra ko habang nakatingin siya. Eh 'di mas lalo akong kakainin ng hiya!

"T-Talikod ka muna," uutal-utal kong sabi.

Kinunutan niya ako ng noo, mukhang hindi nakuha ang gusto kong iparating.

"Just turn around so I can get my phone," paglilinaw ko sa Ingles.

Hindi siya tumango pero mukhang naintindihan naman niya dahil tumalikod din agad siya.

Kinuha ko naman 'yon na pagkakataon upang bumwelo patakbo.

Inipon ko muna ang natitira kong lakas, saka inulyapan ang nakaharap na niyang likod sa akin. Nang makitang wala siyang kaalam-alam sa gagawin ko ay walang alinlangan akong kumaripas ng takbo palayo sa kaniya.

Hindi ko siya nilingon. Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo. May nababangga pa akong naglalakad sa kalsada pero tumatayo din agad ako, sabay takbo ulit.

Tagaktak na ang pawis ko nang tumigil ako sa unang kanto. Hihingal-hingal man ay sumilip pa rin ako sa nadaanang kalsada.

Success. Hindi siya nakasunod!

Sa sobrang pagod ko sa pagtakbo ay napaupo ako habang hinahabol pa rin ang hininga. Kinapa ko ang bandang dibdib ko at inilabas doon ang cellphone.

Ngayon na nasa katinuan ako, nagsisisi ako kung bakit ko naisipang i-blackmail siya kanina.

Pero may parte pa rin sa akin na gustong ituloy ang balak.

Pagkatapos ng gabing ito, may posibilidad na wala nang tatanggap pa sa akin na ibang advertising company.

Baka nga ngayon ay nagpaplano na siyang ipa-block ako sa lahat ng kumpanya. May kakayahan siyang gawin iyon dahil respetado ang kumpanya niya sa larangan ng advertising.

Isang utos lang niya na huwag akong tanggapin, agad makikinig ang iba sa kaniya. Siyempre, sa kaniya na mismo manggagaling, e. Sino bang magti-take ng risk na tanggapin pa ako kung galing na sa dati kong boss na huwag akong tanggapin? Wala. Lalo na sa tulad kong wala pang napapatunayan.

Kaya naman bago pa magbago ang isip ko ay pinagsesend ko na sa mga dump account ko ang litratong iyon. Pang-backup lang para kung sakaling mabura dito, may kopya pa ako.

Sakto namang namatay ang baterya ng cellphone ko kasabay ng pagparada ng isang itim na sasakyan sa harap ko.

Napatayo ako nang wala sa oras nang lumabas mula sa driver seat ng sasakyang iyon ang nagpupuyos na naman sa galit na lalaki... si Boss Raz.

"You f-cking stay there!" nanggagalaiti niyang sigaw at nagsimulang lumapit sa akin.

Pero bago pa siya tuluyang makalapit sa akin ay kumaripas na naman ako ng takbo.

"Son of a b-tch!" dinig ko pang malakas niyang mura.

Sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa cellphone habang halos hindi na ako huminga sa kakatakbo.

Nang malapit na ako sa kanto ng apartment ko ay naramdaman ko na lang ang literal na paglutang ko sa ere. Iyon pala ay naabutan na niya ako at mabilis na binuhat gamit ang isa lang niyang braso. I started wriggling like a worm on fire.

"Ibaba mo 'ko! Ibaba mo 'ko!" paulit-ulit kong sigaw at pagpupumiglas.

Parang wala siyang narinig. Imbes kasi na ibaba ako ay inayos pa niya ang pagkakapatong ko sa kaniyang balikat saka naglakad palapit sa kaniyang kotse.

"Tulong! May kidnapper dito, tulong!" estiriko kong sigaw.

Kung alam ko lang na mahahanap agad niya ako, hindi na sana ako tumigil sa pagtakbo kanina. Hindi naman niya alam ang apartment ko kaya dapat ay doon na ako dumiretso.

"Tulong! Kinikidnap ako, tulong!"

Nadungawan ko ang pagbukas niya ng pintuan sa bandang passenger seat kaya mas lalo akong kinabahan.

"A-Anong binabalak mo sa'kin?!"

Imbes na sagutin ako ay basta na lang niya ako itinapon papasok sa loob ng sasakyan.

"Don't you dare escape again," seryoso niyang banta, may kasama pang pagduro sa akin.

Akala ko ay isasara na niya ang pintuan, tapos sa driver siya uupo. Hindi, dahil pinausog lang niya ako saka naupo sa mismong tabi ko.

"Let's talk about what you want from me," he said.

Napaayos ako ng upo at lihim na napangiti.

Ang kaninang pag-estiriko ko at pangamba ay kusang nawala. Mukhang tama nga ang naging desisyon kong ituloy ang balak kanina.

Sana nga bago matapos ang araw na ito ay naibalik na sa akin ang mahal na mahal kong trabaho.

Pangako, gagalingan ko nang todo. Hindi lang iyon. Sisiguraduhin ko rin na wala nang makakalusot sa akin ni isang typo.

"But before that, tell me who you are," aniya.

Gulantang akong napalingon sa kaniya. Suplado naman niya akong tinaasan ng kilay nang makita ang pagkalito sa reaksyon ko.

What the hell! Huwag niyang sabihing mula pa kanina ay hindi niya ako namukhaan?! The f-ck?!

"Perhaps... are you one of my stalkers?"

Oh my god, stalker? Seryoso ba talaga siyang hindi niya ako nakilala?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Chapter 44

    Sa tagal kong naghintay na ma-seen niya ang message ko ay hind ko namalayang nakatulog ako. Kaya naman pagkagising na pagkagising ko kinabukasan ay cellphone agad ang hinawakan ko. Tiningnan ko kung naghimalang nag-reply siya habang tulog ako kaso… No new messages. "Grabe talaga ’tong future husband ko. May pagka-hard to get pala," panggagaslight ko na lang sa sarili. Nakakatamlay man ang hindi niya pag-reply sa akin pero nag-selfie pa rin ako para i-send iyon sa kaniya, kaso nang makita kong kitang kita sa mukha ko ang pagpupuyat ko kagabi, hindi ko na lang sinend. Naligo na ako't pumasok. Pagdating sa classroom, mukha agad ni Mia ang nakita ko kaya tuluyan na akong nawala sa mood. “Good morning, Chloe—" “Walang good sa morning ko kung Mukha mo agad ang nakita ko! Tsupe!" pambubugaw ko sa kaniya saka dumiretso na ako sa upuan ko. B*wisit! Kay aga-aga ganito na agad bubungad sa akin? Tsk. "Luh, high blood agad? Pakopya muna ng assignment, please? Promise, ’di kita kukulit

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Chapter 43

    Gusto kong magpalamon sa lupa sa sobrang hiya ko. Literal na napatayo ako mula sa pagkakaupo at napasabunot na lang sa buhok ko habang palakad-lakad sa loob ng kwarto. Sa dinami-rami ng pwedeng mangyari ngayong gabi, bakit ito pa?! "Diyos ko, Chloe! Ang tanga-tanga mo talaga!" bulong ko sa sarili ko habang nanginginig ang mga kamay na dinampot ang phone ko. Tiningnan ko ang screen at binasa ulit ang text niya. From: Future Husband Why would I go to hell? My god! Feeling ko nakataas ang isang kilay niya habang tina-type iyon. Malamang ay naguguluhan siya o baka naman nainsulto na. Sino ba naman ang hindi, 'di ba? Eh, parang minura ko na siya, e! B*wisit kasing Mia! Lagot siya sa akin bukas! Mabilis akong nag-tipa ng ire-reply kay Alistair. Kailangan kong ma-explain 'to agad bago pa niya ako i-block sa buong buhay niya. To: Future Husband OMG! I'm so sorry, Architect! Wrong send po talaga 'yun! Hindi po para sa inyo 'yun! May classmate lang po akong makulit na nanghihin

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Chapter 42

    Pero teka… bakit nga ba siya nag-text bigla? Hm… hindi kaya tumalab na agad charm ko sa kaniya? Ano, kasalan na ba ang sunod nito? Napahagikgik ako sa mga naisip. Kahit gustuhin ko man na makasal kami agad, hindi pa talaga puwede. Nasa Senior high pa lang ako. Kailangan may mapatunayan muna ako. Pero puwede namang boyfriend-girlfriend muna kami habang nag-aaral pa ako. ’Yung tipong hatid-sundo niya ako sa school. Tapos tuwing break time ay pupuslit siya sa kaniyang trabaho para lang hatiran ako ng snack. Gosh! Kapag mangyari talaga ’yun, ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo! Natulog ako na may malapad na ngiti sa labi. Medyo masakit ang likod ko dahil sa Ilang oras na paggawa ng plates, pati na ang pagsagot ko sa mga assignments ko, pero parang wala lang sa akin iyon. Basta kinabukasan ay malapad pa rin ang ngiti ko nang pumasok ako sa school. To: Future Husband Good morning. Pasok na ako. Text ko iyan sa kaniya bago ako tuluyang pumasok sa unang subject ko ngayong

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Chapter 41

    Pagbalik ko sa table, hindi na ako tumabi sa kaniya. Mahirap na, baka Mamaya ay makahalata pa sina Mama. Isama mo pa ang nanunuring tingin ngayon sa akin ni Ate. Tahimik akong naupo sa tabi ni Mama saka nakinig na lang sa pinaguusapan na, habang nagkukunwari akong busy kumain ng pagkain ng carbonara. Lihim akong sumusulyap kay Alistair pero tuwing nahihimigan kong titingin siya sa akin ay agad kong binabalik sa pagkain ko ang tingin ko. He was back to his professional self. Seryoso siyang nakikipag-usap kina Papa tungkol sa mga materyales na gagamitin sa warehouse. Nakakainis lang dahil gusto ko siyang pagmasdan na nagsasalita. ’Yung paggalaw ng panga niya habang nagsasalita at ang paminsan-minsang pag-aayos niya ng kaniyang relo. Kaso, ito nga si Ate na hindi ako nilulubayan ng tingin, at talagang tumabi pa siya sa amin ni Mama. “Chloe, ayos ka lang? Bakit parang namumula ka? Kanina ka pa rin tulala sa plato mo,” bulong ni Mama sa akin. “Ah, mainit lang po siguro dito sa labas,

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Chapter 40

    Kinabukasan ay maaga akong nagising katulad ng bilin ni Mama. At para makapaghanda na rin ako. Halos isang akong namili ng isusuot sa cabinet ko. At dahil ayaw ko na naman magmukhang bampira katulad ng nasabi sa akin ni Kuya Gab, binagay ko na sa skin tone ko ang pinili kong lipstick. Binili ko pa ito sa online sa pagkamahal-mahal na presyo. Simple lang din ang sinuot kong damit. Isang pastel-colored dress na abot hanggang tuhod, na pinaresan ko ng manipis na sandals. Sobrang simple lang talaga pero elegante tingnan. Nang makarating kami nina Mama sa mansyon nina Ate Claire, agad kaming iginiya ng maid patungo sa poolside area kung saan gaganapin ang selebrasyon. Pagpasok pa lang namin doon ay kitang-kita na ang karangyaan ng handaan. Sikat na catering service ang nakita kong abala sa pag-aayos ng buffet table. "Ma! Mabuti at nakarating kayo," bati ni Kuya Gab na lumabas mula sa sliding door. Naka-polo shirt lang ito pero litaw na litaw ang pagiging bilyonaryo. "Si Claire ay na

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Chapter 39

    "Chloe, what are you doing here?” mabilis akong nilapitan ni Kuya Gab. Pero nilagpasan ko lang siya at nagkunwaring hindi siya narinig. Umalinsunod ang tingin nila sa akin nang naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Alistair. At dahil kasali sa plano ko ang kumilos ayon sa babaeng nasa edad nila, hindi ko masyadong nilapit kay Alistair ang pagkakaupo ko. Sapat lang ang layo ko sa kaniya para maamoy ko ang pabango niya. And honestly, he smelled like expensive wood and citrus. Ang sarap sa ilong."Hi, Kuya Gab," bati ko sa pinaka-malumanay kong boses nang naupo ito sa harap namin, gulat at tulirong nagkakalikot na sa phone.I’m sure he’s already contacting Ate to tell her that I’m here, tsk.Binaling ko na lang ulit ang tingin ko kay Alistair at saka siya nginitian ng pormal. "Good morning... Ninong Alistair," ulit kong bati.Katulad pa rin kanina, hindi ako binati pabalik. Sa halip ay inilingan ako at nakipag-usap na sa kasama nilang lalaki. "What are you wearing, Chloe? Base sa r

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status