Masuk"Sir, I only wear glasses during work hours but I'm not ugly!" galit kong depensa.
"Oh, was that you?" he asked, looking genuinely surprised. Bahagyang nakaawang ang bibig niya habang tiningnan ako mula ulo pababa hanggang sa heels ko. "Seriously, you look completely different without those thick glasses," komento pa niya. Hindi ako ma-attitude na tao pero hindi ko na naiwasang ikutan siya ng mata. "I still look the same po with or without the glasses," I shot back, irritation dripping from my voice. "Nevermind. Just give me your phone." Nilahad na naman niya ulit sa harap ko ang kaniyang palad. Mapanglait na nga, ubod pa ng kulit. Sinabi ko nang ayaw ko; heto't paulit-ulit pa ring hinihingi. "Wala na. Naglaho na!" Sa inis ko, iyan na lang ang naisagot ko. "I saw you tuck it into your pants. Baka gusto mong ako na ang dumukot d'yan? Papatulan ko 'yan," sambit niya na lalo pang nakadagdag ng inis ko sa kaniya. "Bastos!" sigaw ko at malakas siyang tinulak sa dibdib. Agad niyang hinuli ang kamay ko. Impit akong napatiil nang hilain niya ako palapit sa kaniya. He smirked after. "You want me to hire you again, huh?" Sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa ay naamoy ko ang hininga niyang may bahid na rin ng alak. "Then give me your phone now. I can offer you a higher position if you want." Muntik na akong masuka sa biglaang pag-iiba niya ng pananalita. Halata kasing nang-aakit siya. Akala ata niya kakagat ako. "Ang kulit, kulit mo rin e, 'no? Sabing ayaw ko nga!" singhal ko. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hinila niya uli, dahilan upang halos bumundol na ako sa kaniya. "Hahalikan kita 'pag 'di mo pa ibigay sa akin," kalmado ngunit mapanganib niyang banta. Hindi agad ako nakapagsalita. Mabilis ko lang naiatras ang mukha ko nang akmang hahalikan nga niya ako. "Ano ba!" asik ko. "Pang-ha–hãrass na ang ginagawa mong 'to!" dagdag ko nang mahanap ko na ang boses ko. At ang lalaki, sinuklian niya lang ako ng isa pang ngisi. "Masama talaga akong magalit, Miss De Miranta... bigla-bigla akong nanghahalik." "Ang sabihin mo, mãnyak ka lang!" I hissed, then tried to free my hands from his grip. "Mãnyak! Mãnyak! Mãnyak!" Napawi ang suot-suot niyang ngisi. Hindi ako nakawala nang mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Mãnyak! Mãnyak! Mãnyak! Tulong, may mãnyak dito!" Sa kawalan ng pag-asa na makawala sa kaniya ay nagpatuloy na lang ako sa pagsisigaw. "F-ck!" malutong niyang mura at sinubukang takpan ang bibig ko. Sa katangahan niya ay hindi niya namalayang nabitawan na pala niya ang kamay ko, kaya malaya ko siyang naitulak sa dibdib. Pero bago pa siya mapaatras sa kinauupuan ay muli niyang nahuli ang mga kamay ko at mabilis na nadukot ang cellphone ko mula sa loob ng pantalon ko. "Got you!" he proudly said with a grin. Gulat na gulat akong natulala sa kaniya dahil sa bilis ng kaniyang naging kilos. Pilyo niya akong nginisian nang makita ang reaksyon ko, pagkatapos ay basta na lang itinapon sa may front seat ang cellphone ko. "Now, get out!" huli niyang sigaw bago niya ako tinulak palabas ng kaniyang kotse. Napadaing ako nang unang tumama sa kalsada ang p-wet ko. Buwisit na lalaki! "Hoy!" Tumayo agad ako dala ang wala nang mapaglalagyan na galit ko. Pero bago pa man ako makalapit sa kotse ay humarurot na ito paalis. Ni hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na mura-murahin siya. "Ugh!" inis na lang akong napaungol at napapadyak sa kawalan ng pag-asa. Pagod, bigo, at lugmok akong napaupo sa kalsadang pinaglandingan kanina ng p-wet ko. "Ang sama niya! Siya na ata ang pinakamasamang tao na nakilala ko sa buong mundo!" hiyaw ko sa kawalan. Bago pa ako masiraan ng bait dito ay tumayo na muli ako. Kahit gustuhin ko mang maglupasay dito sa kaiiyak, hindi ko puwedeng gawin. Maghahatinggabi na kaya kailangan ko nang makuha ang pouche ko sa bar na iyon. Wala na. Talagang unemployed na ang kinabagsakan ko. Ang summa cum laude ng Department of Mass Communication ay uuwing luhaan dahil nawalan na ng trabaho. Ang malala pa doon ay mukhang mahihirapan siyang maghanap ng bagong trabaho. Pinalis ko ang kumawalang luha sa mga mata ko at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa bar. Akala ko wala nang mas ikamamalas sa buhay ko pagkatapos ng nangyari... mayroon pa pala. Pagdating ko sa bar ay hinarang na ako ng bouncer sa entrance pa lang. "Ma'am, mahigpit pong ipinagbilin ng may-ari na huwag kang papasukin dito." Natulala na lang ako sa bouncer dahil sa sinabi niya. Kanina pa ako sinusubukang pumapasok pero ayaw niya akong payagan. Tapos malalaman ko na lang ngayon na utos pala iyon ng buwisit na lalaking iyon! "Naiwan ko sa loob ang pouch ko! Anong gusto mo, hayaan ko na lang iyon doon?!" sigaw ko na. Mas lalong iniharang ng bouncer ang katawan niya sa gitna ng entrance nang sinubukan kong lumusot doon. "P-tangina, ano bang problema mo?!" "Ma'am, sumusunod lang po ako sa utos. Huwag po kayong mag-eskandalo dito." "Wow!" Hindi makapaniwala kong hiyaw. Napapatingin na sa akin ang mga labas-masok na customer ng bar, pero wala na akong pakialam. I need to get my pouche so I can finally go home. Sobrang hirap ba ’yon intindihin? "Pouch ko ang kukunin ko! Gamit ko! Alin ba doon ang hindi mo maintindihan?!" The bouncer looked apologetic, but he still did not move. "Umalis na lang ho kayo bago pa ako magpatawag ng pulis." Mariin akong napapikit at napasapo sa noo. Ang sakit na ng ulo ko; gusto ko nang matulog, pero dahil gusto ko nang sumabog sa sobrang galit, pinilit kong magpakatatag sa harap ng bouncer. "Si Raz ang boss mo, tama?" My voice shook with anger. "Opo, ma'am. Alcantara po siya," tugon niya, para bang sinasabi niyang kailangan kong sumunod dahil sa apelyidong iyon. "Alcantara, my as$," I muttered. Lumapit ako at tumitig sa kaniya nang prangka. "Pakisabi sa boss mong mahilig sa p*kpok na, kung siya nanghahalik kapag galit, puwes ibahin niya ako! Mabait akong tao pero iba rin ako magalit!" sigaw ko, saka umalis na sa harap niya. Raz Eros Alcantara... Ito pala gusto mo, ha? Tignan na lang natin kung hanggang saan 'yang kayabangan mo!“Marry me, Samantha Ion De Miranta…”Napatitig ako sa kaniyang mga mata habang ang mga salitang ’marry me’ ay nagpaulit-ulit sa pandinig ko. Pakiramdam ko ay umurong ang dila ko. I mean… kasal? Paanong napunta agad sa pagpapakasal ang pananatili namin dito?Lihim akong napasinghap nang synod na pumasok sa utak ko ay ang magaganda niyang nagawa sa akin. Tinitigan ko siya ng mariin habang magkadikit ang mga labi ko.Bagaman hindi naging mabuti ang paghihiwalay namin noon, bumawi naman siya sa akin magmula n’ung sinagip niya ako. Siya na ang lalaking hindi ako binitawan noong mga panahong pati ang sarili ko ay ayaw ko nang panghawakan. Siya ang naglinis ng mga sugat ko, hindi lang ang mga nasa balat, kundi pati ang mga sugat sa pagkatao ko. Sa loob ng halos dalawang taon, wala siyang ibang ginawa kundi masiguro na ligtas at masaya ako.‘Does he deserve a 'yes'?’ tanong ko sa sarili ko.Muli na naman akong napasinghap ng lihim nang maalala ko ang mukha ni Raz sa TV noong nakaraang taon.
Isang tao, tatlong daan at animnapu’t limang araw na ang lumipas mula nang huling maramdaman ko ang hapdi ng lubid sa mga pulso ko at ang malansang amoy ng dugo sa impyernong silid na ’yun.Sa halos dalawang taon, ang rest house na ito ni Ethan sa gitna ng malawak na farm ang naging kaisa-isa kong mundo. Hilom na ang mga natamo kong sugat sa balat, pero may bigat pa rin sa dibdib ko sa tuwing naaalala ko ang pangyayaring ’yun. Ganunpaman, masasabi ko pa ring unt-unti na akong nagiging okay. Natutunan ko na ring yakapin ang katahimikan dito.Ngayong hapon, naglalakad ako sa malawak na lupain sa harap ng rest house. Ang amoy ng damo ay sumasana sa hangin, pati na ang sariwang bulaklak. Mula rito sa kinatatayuan ko, tanaw ko si Ethan na naglalakad din sa hindi kalayuan, tila may tinitignan sa mga pananim. Napangiti ako nang lumingon siya sa akin at kumaway."Sam! Halika rito, tignan mo 'tong mga bagong tanim na sunflowers!" sigaw niya.Natawa ako at nagsimulang tumakbo patungo sa kaniya.
Pumikit ako nang mariin habang umaandar ang sasakyan ni Ethan. Nangingibaw man ang panghihina, sinubukan ko pa ring sulyapan ang labas ng bintana. Sa halos isang linggo kong nakakulong sa silid na ’yun, ang akala ko ay nasa liblib na kagubatan o abandonadong bundok ang kinaroroonan n’un. Ang gusaling pinanggalingan ko pala ay walking distance lang mula sa isang maluwag na highway kung saan tanaw ang mga dumadaang sasakyan at poste ng ilaw.Napayuko ako at hindi na napigilan ang paghikbi nang may mapagtanti ako. “How could Raz not find me there?” pabulong kong tanong sa sarili habang humahagulgol. “With all his power, with all his money... it’s just a few meters away from the main road. Was I really that invisible to him? Or maybe Gino was right... maybe Raz never really intended to find me at all.”Bahagya akong natigil sa paghikbi nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Ethan na humawak sa nanginginig kong kamay. "You're safe now, Sam. Please, stop crying. Hinding-hindi ka na nila
"Patay na ba 'yan?" Malabo man ang pandinig ko ngayon pero narinig kong tanong iyon ng isa sa mga lalaking bantay."Hindi pa ata. Humihinga pa, o," sagot ng isa pa, sabay sipa sa paa ko para tignan kung may reaksyon ako. Hindi ako nakagalaw habang walang lakas na nakahandusay ngayon sa sahig."Pero mamamatay na 'yan, naghihingalo oh. Masyadong napuruhan sa ulo," dugtong ng isa sa mga babaeng bantay. Narinig ko ang yabag ng mga paa nila na papalayo nang bumukas ang pinto.Pumasok si Gino. "Labas muna kayo," maikli niyang utos.Naramdaman ko ang paglapit niya. Pasquat siyang umupo sa harap ko at hinawakan ang baba ko para iangat ang mukha kong puno ng dugo at pasa. "So, you made it, huh," bulong niya. Inalalayan niya akong maupo sa silya, bagaman parang lantang gulay na ang katawan ko.Bumalik siya sa pagkaka-squat sa harap ko, titig na titig sa akin. "I'm so disappointed in Raz. I gave him two days to find you, but he did not. With all his connections, he couldn't even track a single w
Ang sumunod na dalawang araw ay hindi ko na masyadong maramdaman ang katawan ko. Para akong nasa mahabang siklo ng dilim, na unt-unting nagpapaguho ng katinuan ko. Sa loob ng silid na ito, wala akong nakikitang bintana upang masulyapan ko man lang ang pagsikat o paglubog ng araw. Ang tanging basehan ko ng oras ay ang pagpasok ng mga tauhan ni Gino para maghatid ng panibagong round ng pasakit.“Gising, prinsesa!” Isang malakas na sipa sa sikmura ko ang nagpagising sa akin sa ikalawang umaga.Napaduwal ako sa sobrang sakit. Ang hita ko ay namamaga na dahil sa mga tusok ng gunting ni Marga noong nakaraang gabi. Ngayon ang dalawang babaeng tauhan naman nila ang mananakit sa akin. Kumuha ang isa sa kanila ng isang maliit na pliers, isang plais na karaniwang ginagamit sa construction."Sabi ni Boss Gino, kailangan daw naming i-record ang boses mo para may mapakinggan si Raz bago matulog," nakangising sabi ng babaeng may maikling buhok.Bago pa ako makapagsalita, hinawakan ng dalawang lalaki
Unti-unti akong napamulat. Nagtaka pa ako dahil sa bawat pagkurap ko ay sinasabayan ng matinding pintig sa sentido ko. Amoy kalawang, alikabok, at luma, iyan agad ang bumungad sa akin sa pagdilat ko. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko sa pag-aakalang baka malabo lang ang paningin ko…Pero nang luminaw na ang paningin ko, ang nakangising si Marga ang nakita ko. Nakaupo siya nang de-kwatro sa isang silya sa harap ko, prenteng humihigop ng wine. Agad akong nag-hysterical nang maalala ang nangyari sa party, pero natigilan ako nang maramdamang hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko. Pagtingin ko sa katawan ko ay nakagapos ako sa isang lumang kahoy na bangko."Gising na pala ang pakarat," nakangising bati ni Marga."Marga, pakawalan mo ako rito! Hayop ka, anong kailangan mo?!" sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mga lubid na bumabaon na sa balat ko."Boring mo talaga," nanunuya niyang sabi. “Dapat, pagmamakaawa ang unang lalabas sa marumi mong bibig… hindi ganiyan,” dugtong niya bago lum







