Share

Kabanata 7

Author: HANIFAH
last update Last Updated: 2025-11-11 22:13:10

Ramdam na ramdam ko ang pamumutla ng mukha ko habang nanginginig akong nagtitipa ng ire-reply sa chat niya.

Sa sobrang balisa ko ay hindi ko na alam ang dapat kong i-reply sa kaniya. Malapit nang maubos ang bigay sa aking oras dito pero paulit-ulit ko lang binubura ang nabubuo kong reply.

Sh-t! Ano ba dapat kong i-reply?

Should I ask him directly how he opened that hidden file of mine?

Pero paano kung nagsisinungaling lang siya? Na wala naman talaga siyang nakita? Na hinuhuli lang niya ako? Eh 'di parang binigyan ko pa siya ng rason para magkalkal pa lalo sa cellphone kong iyon kung magtatanong nga ako tungkol doon?

Lord! Ano ba 'tong napasok kong gulo?!

Pinagsalikop ko sandali ang mga daliri ko at saka iyon isa-isang pinatunog. I need to chill and think wisely.

Dump account ang ginamit ko, malayo sa tunay kong pangalan. May kutob ako na kahit papaano ay hindi siya sigurado kung ako nga ang nag-post.

Oo, malaki ang posibilidad na iniisip niyang ako nga ang nag-post, lalo na’t ako lang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 7

    Ramdam na ramdam ko ang pamumutla ng mukha ko habang nanginginig akong nagtitipa ng ire-reply sa chat niya.Sa sobrang balisa ko ay hindi ko na alam ang dapat kong i-reply sa kaniya. Malapit nang maubos ang bigay sa aking oras dito pero paulit-ulit ko lang binubura ang nabubuo kong reply.Sh-t! Ano ba dapat kong i-reply?Should I ask him directly how he opened that hidden file of mine?Pero paano kung nagsisinungaling lang siya? Na wala naman talaga siyang nakita? Na hinuhuli lang niya ako? Eh 'di parang binigyan ko pa siya ng rason para magkalkal pa lalo sa cellphone kong iyon kung magtatanong nga ako tungkol doon?Lord! Ano ba 'tong napasok kong gulo?!Pinagsalikop ko sandali ang mga daliri ko at saka iyon isa-isang pinatunog. I need to chill and think wisely.Dump account ang ginamit ko, malayo sa tunay kong pangalan. May kutob ako na kahit papaano ay hindi siya sigurado kung ako nga ang nag-post.Oo, malaki ang posibilidad na iniisip niyang ako nga ang nag-post, lalo na’t ako lang

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 6

    Hindi na masakit ang ulo ko, at lalong hindi ko na ramdam ang alak sa katawan ko. Ang tanging nararamdaman ko na lang ngayon ay galit, inis, tapos galit ulit!B-wisit na lalaking iyon! Kinuha na nga ang cellphone ko, ayaw pa akong papasukin sa bar niya para kunin ang pouch ko. Ano bang mapapala niya sa ginagawa niyang 'to sa akin? Ganoon na ba siya kasama?Puwes, makikita talaga niya ang hinahanap niya!Mabuti na lang at may barya ako sa bulsa. Puwede na itong pang-computer shop.Yes, I'm planning to spread that photo right now. Hindi ko na ito ipagpapabukas. Gawin niya na ang gusto niya, basta hindi ako papayag na hindi maisiwalat ang hilig niya sa mga pokpok!Akala niya, naisahan na niya ako dahil lang nasa kanya na ang cellphone ko? Puwes, nagkakamali siya!Dire-diretso ang pasok ko sa malapit na computer shop. Medyo sumama pa ang mukha ko nang pagpasok ko roon ay sinalubong ako ng pinaghalong usok ng sigarilyo at amoy ng mga lalaking mas inuna pang magbabad dito kaysa maligo.“Sam

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 5

    Huwag niyang sabihing ako ang tinutukoy niyang nerdy ugly! Oh my God! Hindi ko alam na may pagka–face-shamer din pala siya! "Sir, I only wear glasses during work hours but I'm not ugly!" galit kong depensa. Grabe. Imbes na gustuhin kong bumalik sa kumpanya niya bilang empleyado, parang gusto ko na lang siyang sapakin ngayon! Ang pangit ng ugali niya, sa totoo lang! "Oh, was that you?" he asked, looking genuinely surprised. Bahagyang nakaawang ang bibig niya habang tiningnan ako mula ulo pababa hanggang sa heels ko. Tsk. T-nginang ito, ayaw pang maniwala! "Seriously, you look completely different without those thick glasses," komento pa niya. Hindi ako ma-attitude na tao pero hindi ko na naiwasang ikutan siya ng mata. "I still look the same po with or without the glasses," I shot back, irritation dripping from my voice. "Nevermind. Just give me your phone." Nilahad na naman niya ulit sa harap ko ang kaniyang palad. Mapanglait na nga, ubod pa ng kulit. Sinabi ko nang ayaw ko;

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 4

    "Sir, hindi mo ’ko stalker. Hindi mo ba talaga ako naaalala?" Tinititigan niya ako ng matagal. Ako nama’y halos ilapit na ang mukha ko sa kaniya para lang matandaan niya talaga ako. Maya-maya ay umiling siya. “You said you’re one of the employees I fired, but I don’t remember you.” Seryoso talaga siya? Kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Ang weird lang, kasi nitong umaga lang niya ako sinante. Imposible namang nagka-amnesia siya. Hindi rin naman mukhang nabagok ang ulo niya. Actually, he looks perfectly fine to me. Napaisip ako bigla. Kalaunan ay muntik na akong mapalakpak nang may napagtanto ako. Of course he couldn’t recognize me since I’m not wearing my glasses! Kinapa-kapa ko ang bandang dibdib ko, lalo na ang kwelyo ng suot kong damit, nagbabakasali na naisabit ko doon ang salamin ko. Kaso wala doon. Natigil ako nang maalalang naipasok ko pala iyon sa dala kong pouch kanina. Ang kaso, sa kagustuhan kong mang-blackmail kanina ay nakalimutan ko rin ang po

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 3

    "Oh, e 'di ikaw na mayaman! Sa'yo pala 'to e. Bakit 'di mo agad sinabi?!"Malalalim na ang paghinga ko matapos kong isigaw 'yon sa mukha niya.Tumalsik pa ang laway ko, dahilan para mapapikit siya. Pagkatapos ay nandidiri niyang pinahid sa natalsikan niyang mukha ang isang kamay niya."F-ck. It smells like alcohol."Medyo tinamaan ako ng kaunting hiya doon, lalo na nang amuyin pa niya ang kamay niyang pinangpahid sa natalsikan kong laway."Eh, sino ba kasing may sabing ilapit mo sa'kin ang mukha mo? Natalsikan ka pa tuloy!" Nagawa kong magpakasarkastiko kahit unti-unti na talaga akong nilalamon ng hiya.Tingin ko ay nawawala na ang epekto ng alak sa katawan ko. Parang gusto ko na lang tumakbo palayo at hinding-hindi na sa kaniya magpakita.Ano ba naman kasing pumasok sa kukuti ko para gawin ang bagay na 'to?!"Now, give me..."Napatingin ako sa palad niya nang ilahad niya 'yon sa harap ko. Nang ibalik ko agad ang tingin sa mukha niya ay bahagya niya akong tinaasan ng kilay."Your phon

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 2

    Prente siyang nakaupo sa tanaw kong VIP lounge. Hindi lang iyon dahil pinapalibutan siya ng mga babaeng nasisiguro kong mga high-paid escort. Alam ko iyon, dahil kapitbahay ko si Sahil at isa siya sa kanila.Napangisi ako nang makita ko kung paano dumulas ang malikot niyang kamay sa balakang ng isa sa mga babae."Ito na pala ang perfect guy sa iba, huh?" nakangisi ko pang bulong sa sarili.Sa hindi malamang dahilan ay biglang naglikot ang utak ko. Napaayos ako ng upo at basta na lang kinapa ang cellphone sa bulsa."Bakit hindi ko naisip agad iyon?" usap ko ulit sa sarili, dahil sa naisip na plano.Alam kong mali ang gagawin kong ito, pero kung ito lang ang paraan para mabalik ako sa kumpanya niya... bakit hindi ko gagawin?Kinalikot ko ang screen ng cellphone ko at walang alinlangan kong itinapat sa gawi niya ang camera nito."Lagot ka sa'kin ngayon," bulong ko habang sini-zoom ang kuha ko sa kaniya.Nang makontento ako sa anggulo ng camera, pinindot ko na ang button nito.Ang galing!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status