Sir
Naisipan ko na maagang pumasok ngayon sa school dahil isa lang naman yung klase ko ngayon. It Capstone. Sa totoo lang nahihirapan ako dito sa subject ko na to e. Buti na lang kamo hindi ko kaklase si Cita ngayon."Aga mo ata ngayon, Abi?" tanong ni Cathy. Seatmate ko.Nginitian ko siya. "Maaga kasi akong nagising."Lumingon ako corridor wala pa masyadong studyante. Maaga pa kasi talaga. Six thirty pa lang. Karamihan kasi seven am nag uumpisa ang klase. Isa rin sa mga dahilan e, wala rin akong kasama sa bahay. Hindi kasi umuwi si Ate. Nag text lang siya na mag o-overtime daw siya. Pumikit ako saglit. Ninanamnam ang katahimikan dulot ng hindi ko kasama si Cita.Mas gusto ko yung ganito. Mapayapa. Yung tipong hindi ako nagsasalita. Tahimik lang."Grabe talaga yung nangyari kahapon no? Nabalitaan mo ba yun, Abi."Nilingon ko siya at umiling na lang."May holdapan kasi.. Tapos sa harap pa mismo ng school nangyari."Inignora ko na lang siya. Ayoko kasi talagang makipag usap ngayon. Tinatamad ako. Wala nga si Cita ngayon, pero mukang may kapalitan siya.Mag kaiba kasi kami ni Cita. Sobra. Tahimik lang ako lagi, samantalang siya napaka loud at outgoing masyado. Ang dami niyang alam tsaka lagi niya akong sinasama sa mga pinpuntahan niya. Minsan kahit ayokong sumama, sumasama na lang ako. Ako lang kasi ang kaibigan ni Cita dito sa school. May pagka m*****a kasi yon. Kaya lagi siya namimisunderstood ng lahat."Nasaksak yung isang Prof. natin dito kahapon."Gulat akong napalingon sa kanya. "Sinong Prof.?""Hindi ko kilala basta ang narinig ko lang e, prof. ng sociology..""Anong oras daw? Kahapon lang?" tanong ko n arin dahil napukaw na nag atensyon ko."Oo. Siguro mga 5 na yun ng hapon. Nagkaklase nga kami nun, tapos yun biglang bumaba halos lahat ng prof. para tignan yung nagayari.."Mga 5? Naka uwi na ako nun. Three kasi natatapos yung klase namin."Kawawa nga.. Yummy pa naman daw..""Nahuli na ba yung sumaksak?" tanong ko pa. Grabe lang no? Kami ni Cita may nakita rin kaming gulo. Yun nga lang hindi naman talaga kami dapat madadamay don, kaso lang nangielam kasi si Cita. Tapos ngayon naman isang Professor. Kawawa naman yung family nun."Hindi. Nakatakas daw." ani nito. "Tsaka sabi rin kanina na may pupunta daw ditong mga police mamaya para mag tanong tanong."Napatango ako. Nag usap pa kami sa ibang bagay. Natigil lang kami nung dumating na yung professor namin.Kahit nakaharap sa computer ay Gustong gusto ko itext si Ate ko kung okay lang siya kaso kinakabahan ako baka mahuli ako ng prof na nag tetext. Hindi ko kasi kaya mag text pag may prof sa harap. Sa pagkakataon na ganito ko hinihiling na sana kasama ko si Cita. Para siya na yung gumawa. Namaster na niya kasi yung ganun.Napapansin kong hirap sa pag tuturo yung Prof. namin kaya hindi na ako nagulat ng sa kalagitnaan ng pagtuturo niya ay bigla siyang napaupo sa table niya at napahagulgol.Hindi naman maalis sa amin ang mag alala sa kanya. Grabe kasi yung iyak niya. Baka naapektuhan siya dun sa nangyari. Lahat kasi ng mga instructor at proffessor dito ay magkakaibigan."Pasensya.. p-pasenya na." aniya sa kalagitnaan ng pag iyak niya. Tinabunan pa niya ng kamay ang muka niya para hindi namin makita ang umiiyak niyang muka."Ayus lang sir, iiyak mo lang po.." sabi naman nung isa kong kaklase."B..bestfriend ko k..asi yun.. Nasaksak kahapon.."Siniko ako ni Cathy kaya ako napatingin sa kanya. "Bestfriend pala niya." bulong nito sa akin na parang hindi ko narinig yung sinabi ni Sir."Sorry, Sir." Sabi ni Cathy. "Ano po ang pangalan niya Sir?""Si Instructor Diaz.." sagot ni sir.Nanlaki yung mata ko. Hala! Instructor ko yun nung 1st year! Sa socio. 1st sem. O my! May iba din akong narinig na nagulat dahil sa narinig kay Sir."Instructor ko yun ng second year ako!" sabi nung isang boses sa likod ko."Naging prof. ko yun sa isa kong back subject!"Naging maingay sa bulong bulungan ang room namin.Hindi pala nila ipinaalam sa mga studyante ang nangyari kahapon. Kaso hindi rin nila na kontrol kasi may mga nakakita kaya kumalat."Kung hindi mo kayang magturo ngayon Sir, maiinitindihan po namin..""Im s..sorry.. So..rry!"Hindi na nagturo pa si Sir ngayong araw. Naiintindihan ko naman. Nawalan siya ng matalik na kaibigan. Sana lang mahuli na yung gumawa nun kay Sir Diaz. Nakaka habag naman kasi.Maaga pa pero nandito na kami sa canteen. Isa't kalahating oras pa dapat bago matapos ang klase namin. Tinext ko na lang si Cita kasi nangungulit na rin. Bumili muna ako ng isang pirasong asado na siopao. Hindi pa naman kasi ko nagugutom, gusto ko lang ngumuya. Kakaupo ko lang sa gilid na lamesa nang makita si Cita na lilinga linga. Marahan kong tinaas ang kamay ko upang mapansin niya. Ngiti naman ang isinukli niya sa akin.Hindi pa man din siya nakakalapit sa akin ay nag uumpisa na siyang dumaldal."Uy! nabalitaan mo ba yung nangyari kahapon?"Tumango lang ako."Grabe no?" medyo malakas na boses na sabi niya nang makalapit na. "Ay, bumili kana agad ng food mo, hindi mo ako hinintay."Napatingin ako dun sa mga lumingon sa amin dahil sa lakas ng boses ni Cita."Hinaan mo konti yung boses mo, Cita.""Bakit?" masungit na sabi niya."Hindi lang tayo ang tao dito.""Pake ko naman? Hindi naman library itong canteen, kaya huwag silang maarte." sinadya pa ata niyang lakasan iyon. Jusko po! Sana pala hindi ko na lang sinita."Oh ano, tara na?" aya niya. Tumango ako at tumayo na. May usapan kasi kami ngayon na sasamahan ko siyang mag mall. Bibili kasi siya ng bago niyang laptop."Kilala mo ba kung sinong Prof. yun?" tanong niya habang naglalakad kami sa malawak na field ng school. May malaki pang puno ng Narra doon kaya kahit mainit ang panahon ay malilim pa rin ang nilalakaran namin."Si Sir Diaz, daw." sagot ko.Narinig ko naman na napsinghap siya. "Si ano.. Yung teacher natin nung 1st year sa socio?"Tumango ako."Shit. ayy hala! Andami ng pulis." sabi nito ng matanaw namin ang nagkalat na police sa may parking."Tara tignan natin..""Ayoko na, Cita. Dumiretso na tayo sa mall. Wala naman tayong maitutulong diyan.""Sandali lang tayo.." sabi nito sabay hila na sa akin.Marahan ko pang inayos yung strap ng bagpack ko sa balikat dahil nalaglag pa ito ng tumakbo kami ni Cita."Uyy, ano ng balita?" si Cita doon sa isa rin nakikiusyoso. Napalingon ito sa kanya.Nagkibit balikat yung lalaki na ka schoolmate namin. "Wala daw nakakilala e.. Naka hoodie daw kasi tapos tumakbo agad.""Hindi nakita sa cctv?" tanong pa ulit ni Cita."Nakita nila yung face. Kaya ipapaskil nila diyan mamaya.""Ah. Sige, salamat." si Cita na tinapik tapik pa yung balikat ng lalaki na akala mo'y matagal na silang mag kaibigan.Nag iba naman yung hitsura ng lalaki kaya umalis na rin."Tara na, Cita.. Kailangan kong makauwi ng maaga.." hinihila ko siya paalis don. Dahil gusto pa ata niyang magtagal doon.Marami pa ang nakiki usyoso doon na mga studyante. Hindi rin ako masyadong tumitingin sa daan dahil nagpupumilit si Cita na bumalik don.Paliko na dapat kami nang may mabunggo kami. Matigas na bagay."Ayy, Tanga, hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" hiyaw ni CitaHinaplos ko yung ulo ko. Medyo masakit kasi. Jusko po! Ano ba yun? Pakiramdm ko naihampas ko yung ulo ko sa matigas na kahoy."Sorry po.." sabi ko at bahagyang yumuko para pulutin yung ballpen nung nabangga namin."Patanga tanga kasi!" sabi ulit ni Cita.Pinalo ko siya sa braso pagkaangat ko. "Tumigil ka nga! Tayo yung nakabunggo sa kanya."Humarap ako dun sa taong nabunggo namin at inilahad sa kanya yung ballpen. Nanlaki yung mata ko ng makita ko yung mukha niya.Diyos ko po!Yung lalaking may rosas na tatto sa gilid!Napalunok ako. Naramdaman ko naman na natigilan din si Cita."Abi..""Sorry din. Nag mamadali kasi ako." anito at kinuha yung ballpen sa kamay ko."Hindi! Okay lang. Kasalanan naman talaga ni Abi yun. Hindi kasi siya tumitingin sa daan." si Cita. Napalingon ako sa kanya. Nag bago ang ihip ng hangin?"Anyway, ako si Cita." tapos ay naglahad siya ng kamay na mabilis namang tinanggap nung kaharap namin. "Ito naman si Abi.. Bestfriend ko." naglahad din siya ng kamay sa akin at kinakabahan na tinanggap ko iyon."Dylan Rogerr.""Wow! Sabi nila pag Rogerr daw ang name, daks daw, totoo ba yun?" walang hiya na pahayag ni Cita. Mabilis ko siyang pasikreto na sinabunutan sa likod. Lalo pa at nakita ko kung paano kumunot ang noo nung lalaking kausap."Joke!" agad na bawi ni Cita.Napailing naman si Dylan Rogerr. Magsasalita sana siya ng lapitan siya naka unipormeng police."Sir, pinapatawag po tayo ni Inspector sa Jeep.""Sige susunod ako Sir." sagot niya."Police ka ba?" agad na tanong ni Cita pag kaalis nung kausap na police.Tumango ito. "Yes." sabi nito. "I have to go now. Mag ingat kayong dalawa. Cita, Abi.." yun lang at umalis na ito."Sige Sir! Salamat! sa paalala!" pahabol na hiyaw ni Cita."Tang ina! Ang gwapo niya Abi!" ani nito at inalog alog pa ako.Chapter 38Nanatili lang akong nakayakap kay ate kanina pa. Nang umiyak ako kanina ay niyakap ko na lang siya at ayoko ng magsalita pa ng kung ano. At isa pa hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko, dahil masyasong natunaw yung puso ko ng tinanong niya ako kung may problema ba ako. Grabe lang..Imagine.. masyado kong dinamdam yung sama ng loob ko, samantalang si ate, ako pa rin yung inaalala..Kaya ngayon habang yakap niya ako ay sobrang nahihiya talaga ako. Ito na ata yung malaking away namin ni ate sa buong buhay ko."Huy, ano ba kasing nangyayari sayo?" tanong pa rin ni ate. Pilit niya akong inilalayo niya sa kanya pero hinihigpitan ko lalo ang yakap ko. "Huy, ano ba? Isa! Hindi ka aayos?" Kahit ayoko ay wala akong nagawa kundi ang umayos na lang ng upo. Mukhang galit na kasi ang boses ni ate. At ayoko ng dagdagan ang galit niya ngayon.Pinunasan ko ang pisngi ko. At nanatili pa ring nakatungo. Buti na nga lang at hindi na ako ganoon umiiyak tulad kanina, kahit papaano ay kumal
Chapter 37Habang papalapit ay pinupunas-punasan ko ang pisnge ko. Tumayo lang ako sa may gilid niya. Humihikbi. Tinitigan ko lang siya habang nanonood siya ng tv.Ilang sandali lang ay napansin din niya ako. Napatayo siya."Abigail, bakit? Anong nangyari sayo, bakit ka umiiyak?" nag aalala niyang tanong na lalong nagpaluha sa akin. Kahit pa masama ang nagawa ko kaninang umaga sa kanya, ay kaya niya pa ring itanong sa akin 'yon."Sorry ate.." sabi ko at mabilis na siyang niyakap..Yun lang ang nasabi ko at hikbi na ako ng hikbi.. Alam kong nagtataka siya pero.."Sorry po..""Wala nga siyang tiwala sa akin e." sagot ko. "Hindi mo ba naisip na baka nag aadjust pa si ate chacha?" napabaling naman ako sa kanya."Ito ang unang pagakakataon na may kahati si ate chacha sa atensyon mo, bukod sa akin. Baka naninibago lang siya sa mga nangyayari sayo. At talaga naman na may tiwala siya sayo. pero bilang first time niya na makita na may pinaglalaanan ka ng panahon bukod sa kanya, Kaya ayun..hi
Chapter 36Tinanggal ko ang tuwalyang nakapulupot sa aking buhok ng tawagin ako ni ate sa baba. Kakaligo ko lang kasi.Hindi naman din kasi kami nag tagal ni Cita sa mall, kumain kang kami pagkatapos nun ay inaya na niya akong umuwi. Himala nga dahil hindi siya nag aya mag shopping, pero naisip ko rin na baka napagod lang siya at isa pa.. Alam kog iniisip pa rin niya yung sinabi ni Erie.Sabi ko sa kanya na dito na lang siya matulog sa bahay para magkasama kami, pero ayaw naman niya. Gusto niyang mapag isa at irerespeto ko na lang 'yon. Alam kong maglilibang lang 'yon at mag iisip isip. "Opo..bababa na.." sagot ko kay ate at mabilis na sinampay muna ang tuwalya.Nang madaanan ko ang suklay sa table ko ay mabilis kong kinuha iyon. Para magsusuklay na lang ako habang pababa. "Ate, bakit po?" tanong ko kay ate pagkalapit ko. Nasa may baba siya ng hagdan at nakapameywang na hinhintay ako."May bisita ka." aniya at nginuso ang sala. Napangiti ako ng makita kung sino yun.Si Rogerr.. nak
Chapter 35Alas singko pa lang ng umaga ay nagising na ako. Gusto ko kasing bumawi kay ate kahit papaano. Ipagluluto ko lang naman siya ng breakfast at papabaunan na rin.Gising na si ate at naliligo na, kaya minamadali ko itong pritong talong at manok na ilalagay ko sa baunan niya. At para naman sa almusal ay nag luto ako ng itlog at bacon. Paborito ni ate ang bacon e."Ang bango naman.." napalingon ako ng pumasok si ate sa may kusina. Nakabihis na siya at ready na sa pag alis."Ate kumain ka muna po.." aya ko sa kanya"Syempre kakain ako.. Suhol ba 'to?"Napatigil naman ako sa pgaglagay ng kanin sa plato niya."Ate naman..""Joke lang!" aniya at kinurot pa ako sa beywang.Kumain na rin ako kasabay ni ate ng almusal. Nagkukwentuhan at panay namang asar ni ate sa akin pero hinahayaan ko na lang. Naging maayos ang usap namin ni ate kagabi. Nagkalinawan na at sinermunan ako. Which is okay lang naman. Ayos lang sa akin.Nang paalis na si ate ay muntik pa niyang maiwan ang hinanda kong p
Chapter 34Kahit gaano pala talaga kakisig at ka macho ang isang lalaki, may tinatago pa rin pala silang lambot. Tulad ng hawak ko ngayon, kamay siya ng isang matikas na lalaki pero pakiramdam ko may hawak akong unan sa aking kamay.Nasa sinehan kami ngayon magkatabi at magkahawak ng kamay habang nanonood. After kasi namin kumain ay nag aya pa siya ng manood dito. Kahit madilim dito sa loob, ang liwanag pa rin dahil katabi ko siya. Hihi. Ang saya ko sobra..Finally nakanood na rin ako ng sine na hindi kasama si Cita. At kasama ko pa yung boyfriend ko. Jusko po! Dahan dahan ko siyang nilingon at nakita ang seryoso niyang mukha habang nag coconcentrate sa movie. Well.. Sci-fi kasi itong napili kong movie. Nang tinanong niya kasi ako kanina ay kung ano na lang ang naturo ko, kahit hindi naman ako interesado sa movie na to. Masyado kasi akong na overwhelm sa isipin na manonood ako ng movie kasama siya.Dahan dahan kong sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Napapikit pa ng ako ng naramd
Chapter 33"Kung ako si ate cha, alam mo gagawin ko? Paghihiwalayin ko kayo.." ssabi ni Cita. kumunot naman noo ko. Anong pinag sasabi nito? Lutang na naman siguro.. Nandito na kami kasi sa canteen. Kumakain na. Kakatapos lang ng isa naming klase at naisipan kong ikwento sa kanya yung nangyari kahapon sa amin nila ate. Tapos ayan na..ayan na yung lumabas sa bibig niya."Bakit mo naman gagawin 'yon?" tanong ko."Seyempre! Trip ko lang!"Napailing ako. "Ewan ko sa'yo...""Hindi..pero joke lang..alam mo..happy ako for you." hinawakan pa niya ang kamay ko.Napangiti naman ako at ipinatong ko din ang kamay ko sa kanya. "Thank you. Ako din happy ako..""Hindi ko naimagine na darating 'tong moment na to. I mean.. kasi you're so tahimik and mahinhin tapos..ikaw pa mismo ang unang nagtapat sa kanya..Abigail, grabe lang! You paved your own way talaga.""Wala namang masama kung ako ang unang nagtapat diba?" tanong ko. Dahil pansin ko lang, hindi talaga siya makapaniwala sa part na yun. Yung una