Share

Chapter three

Peace/Adik

HANGGANG sa makauwi kami sa kanya kanya naming bahay ni Cita ay dala ko pa rin ang kaba. Pero yung kaba ko nag a-upgrade at hindi pa rin nawawala. Sumakit na nga lang yung mata ko kakairap kay Cita habang sinsabi niya kung gaano daw ka exciting yung nangyari sa amin ngayong araw.

Hindi ko maintindihan kung saan yung exciting don? Exciting ba yun? Hind! Muntik na kaming mapahamak ng totoo, tapos tawag niya doon, exciting? Aatakihin ako sa puso dahil sa kaibigan ko na yun.

Pakiramdam ko nga kahit nasa bahay na ako may nag hahabol pa rin sa akin. Grabe lang talaga yung kaba ko kanina. Mabuti hindi lumabas yung puso ko. Buong akala ko talaga ayun na yung katapusan namin ni Cita. Pero ako lang pala yung nag akala nun, para sa kanya pala exciting yun. Aruy ko po.

Laking gulat ko rin nung wala siyang ginawa sa amin kanina. I mean, muka siyang masama na tao kaya expected ko na sasaktan niya kami or anything. Na corner niya na nga kami dun sa abandonadong palengke. pero 'yun nga hindi naman niya ginawa, nakakapagtaka pero buti na lang at laking pasasalamat ko naman dahil dun.

"Oh anong nangyari sayo?" napalundag ako sa sobrang gulat ng bigla na lang sumulpot si Ate sa likod ko.

"Ate naman! Ba't ka ba nanggugulat?"

Nanonood kasi ako ngayon sa sala namin. Sa sobrang lalim ng pag iisip ko hindi ko na namalayan na dumating na pala siya.

"Gulat agad? O.a nito.." sabi nito at umupo sa tabi ko. "Anong ulam natin?"

Umurong ako konti sa sofa. "Nag prito lang ako ng isda, ate.."

Tumango siya naman siya.

"Okay. Bihis lang ako sabay na tayo kumain."

Pumunta na ako sa kusina para maihanda na ng maayos yung kakainin namin. Ilang saglit lang naman ay bumaba na rin siya.

Sabay na kaming kumain ni Ate.

Tahimik lang muna.

Pinapakiramdaman ko pa siya. Kung good mood ba or bad. Tinitigan ko lang siya. Hindi kasi ako mapakali hindi rin ako makakain ng maayos dahil nga sa nagyari kanina. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ba o hindi, Baka kasi ako yung ma bad shot dito.

"Napano ka?" si Ate. Napansin na niya ata yung pagkabalisa ko

Napatigil ako sa pag sawsaw sa toyo ng isda. "Ha?"

"Napano ka? May nagyari ba? mukha kang butete diyan, hindi ka mapakali.."

This is it.

Huminga muna ako ng malalim bago mag salita. "K-kase te.. Kanina m-may nangyari.." panimula ko

Nagtaas ng kilay si Ate at natigil sa pagsubo ng pagkain niya.. "Anong nangyari?"

"Kasi.. H-hinabol kami ng Adik kanina.." maingat na sabi ko.

"Ano?! Adik?!" singhal nito sa akin. At nag aalalang lumapit sa akin "Sinaktan ka ba? Nasugatan ka ba? Okay ka lang?" sunod sunod na tanong na niya.

"Ate, Ate, okay naman ako.." ani ko. At inalalayan ko siyang makabalik sa upuan niya.

"Sigurado ka ba? Tsaka bakit ka hinabol? Ano ba kasing nangyari?" kunot na noo pa ulit na tanong ni Ate. Ito na nga ba sinasabi ko e. Kaya nag aalilangan ako kung sasabihin ko pa  sa kanya kasi alam kong mag aalala lang to ng lubusan.

"Kanina kasi may nakita kami ni Cita na may binubugbog.." panimula ko. Pero nung tinignan ko yung mukha ni Ate, alam kong tapos na yung kwento ko.

"Nangielam na naman kayo, si Cita?" she concluded.

Mabilis akong umiling. "Hindi, Ate. Ako yung nakakita don nung una-"

"Oo nga, pero senigundahan ka naman ni Cita?" nag iwas ako ng tingin kay Ate.

Kahit pa gusto kong ipagtanggol yung sarili namin ni Cita ay hindi na kaya. Kilalang kilala na kami ni Ate. Kaya wala na kamimg kawala. Kahit hindi ko sabihin sa kaniya ang nangyari. Alam na agad niya.

"Jusko po! Hindi ko na alam ang  gagawin ko sa inyo nung kaibigan mo'ng iyon." napa hagod sa batok na sabi ni Ate. Ramdam ko yung stress ni Arte hanggang dito sa kinauupuan ko. "Siya pakielamera, ikaw naman taga sunod niya. Diyos ko Lord!"

"Ate, sorry na." nasabi ko na lang. Sa tingin ko kasi pag nag salita pa ako tapos ganitong stress na siya baka mahambalos pa niya ako ng tinidor niya ng wala sa oras.

"Sorry? Ewan ko sa inyo!"

"Ni report niyo ba sa police yan?" nasabi na lang niya. Hinde n naipagpatuloy ang pag kain.

Umiling ako.

"Bakit naman? Baka mamaya balikan kayo nun."

"Wala naman. Kasi kanina Ate, nung humabol sa amin yung nakaaway nung adik hindi naman niya kami sinaktan e. Tinanong pa nga niya kami kung okay lang daw kami."

"Police ba yung humabol sa inyo? Bakit kayo hinabol?"

"Hindi ko alam te." naguguluhan din na sabi ko. Totoo naman e. Hinde ko alam. Naka leather jacket yung lalaking may tattoo kanina, so parang police na rin siya. "Tinanong nga kung okay lang daw kami. Tapos umalis na rin siya."

"Hay nako! Sige na tapusin mo na yang pagkain mo at nang makapag pahinga ka na." ani Ate na napainom na lang ng tubig pagkatapos. Ilang sandali pa akong tinitigan ni Ate.

Alam ko naman na nag aalala talaga siya sa nakuwento ko. Kaming dalawa na nga lang sa buhay tapos mag kukwento pa ako nang ganun. Nakikita ko sa mga tingin niya sa akin ngayon. Kahit hindi siya mag salita nararamdaman ko.

"Pwede ba mag ingat ka ha?" pagkaraan nasabi niya. "At hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyari sayo.."

Tumango ako at lumapit kay Ate. Kumandong ako. At niyakap siya ng mahigpit "Sorry ate.."

"Oh, sige na. Basta sabihin mo kay Cita, bawas bawasan ang pagiging pakielamera ha." tumango na lang ako. "Sabihin mo din na gusto ko siyang kausapin."

--------

"Ayoko nga!" singhal ko kay Cita. "Kaya tayo lagi napapahamak dahil sa kalayasan mo e."

Paano ba naman kasi inaaya nanaman ako nito sa may likod ng campus. Doon sa pinag kainan namin kahapon kung saan namin nakita yung away.

"Grabe ka naman sa akin! Nag papasama lang naman ako sayo." ani nito na kunwaring nagtatampo pa. Inirapan ko naman siya.

"Ano nanaman ba kasing gagawin mo dun?"

"Kukunin ko nga lang yung sirang monitor na binili ko. Hindi ko kasi nakuha kahapon kasi nga diba yung nangyare.."

"O, sino ba may kasalanan?" pagkasabi ko nun ay tumahimik siya bigla. Na siyang pinag pasalamat ko. Atleast makakapakinig ako sa mga instructor namin ng walang nanggugulo. Walang mangguglo.

Tsaka isa pa nangako na ako kay Ate na mag iingat na. At gagawin ko talaga yun. mas dodoblehin ko pa ang pag iingat ko ngayon.

Doon kasi sa lugar sa likod ng school na kinainan namin kahapon ay medyo delikado dun. May compound kasi dun na puro adik ang nakatira. hindi naman ako judgemental or ano, pero yun kasi yung bansag sa compound na yun. Tapos nasa bungad lang yun. Ayun yung madadaanan mo bago ka makapunta sa karinderya na pinupuntahan namin.

Ilag nga yung mga estudyante na pumunta dun. Marami naman kasing ibang karinderya na pwedeng kainan, hindi ko ba maisip kung bakit gusto dun ni Cita. Samantalang alam naman niya na delikado ang pumunta don.

Nang matapos yung klase namin ay agad ko ng kinalabit si Cita para sabay na kami kumain.

"Anong kakainin mo sa lunch? Gutom na ko." sabi ko.

Pero hindi naman niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pag liligpit ng gamit niya.

"Ay ganoon? Hindi na namamansin?" sabi ko. "Okay.." ani ko tsaka na naunang lumabas. Kung ayaw niya akong pansinin edi huwag. Ang immature naman niya. Kakain na lang ako mag isa, tutal kaya ko naman.

Nang makapasok na ako sa canteen ay agad akong pumila sa bilihan ng pagkain. Nagugutom na ko e. Hindi rin kasi ako nakakain ng maayos kanina kasi yung mga paalala ni ate yung kinain ko.

Ilang sandali ay nakita ko nang pumasok si Cita sa canteen. Inirapan niya ako. Napailing ako. Dumiretso siya papunta sa akin.

"Bakit mo ko iniwan dun?" sabi niya pumila siya sa harap ko. Sasagot sana ako kaso, nag salita yung nasa likod ko.

"Bawal ang suminget. Hindi mo ba nakikita, may pila?" sabi nung babae na naka tube na orange at maong pants.

Napalingon si Cita doon. Lumihis pa siya sa pila ng konti para maharap yung babae. "Nakikita ko. Eh ano naman ngayon?"

Diyos ko po! Mabilis kong hinila si Cita sa braso para pigilan siya. "Cita.."

"Nakikita mo pala  bakit ang kapal ng mukha mo sumingit?"

"Eh bakit ikaw? bakit ang kapal ng lipstick mo, ang pangit mo naman." Sabi ni Cita sa babae sabay irap bago ako hinarap muli. "Bakit mo ko iniwan dun? Sino na lang kasabay kong kumain?" aniya na parang hindi siya nakipag sagutan dun sa babae. Muli kong nilingon yung babae sa likod ko. Nakita kong galit yung hitsura niya. Na offend ata sa kay Cita. Tinignan ko si Cita. Ako yung kinakabahan para sa kanya.

"Huy, kinakausap kita, Abi.." kalabit sa akin ni Cita.

"Ano.. kasi nag--"

"Ikaw na nga itong may kasalanan ikaw pa itong matapang!" singhal na nung babae. Galit na sya. Ako naman kinakabahan na dahil ako yung nasa gitna nila e. Diyos ko po.

"Oo no." cool na sabi ni Cita. "Tsaka pwede huwag kang epal muna? Kinakausap ko si Abigail yung bestfriend ko.."

"Cita kase.. Tama na.."

"I don't fucking care if you're talking to your bitch Abi--"

Masyadong mabilis ang nangyari. Napahiyaw na lang ako nang biglang sinampal ng malakas ni Cita yung kausap niya.

"Don't you dare mention my bestfriend's name! You ugly idiot!" mabilis kong niyakap si Cita. Nang magtangka pa itong lapitan ulit yung babae.

Marami ng umawat sa dalawa. Nag kakagulo na nga dahil gusto ring sumugod nung babae. Gustong gumanti. Hindi lang siya makawala dahil sa mga umaawat. Nakita ko na rin yung iba pa naming blockmates.

"Ilayo mo na yan si Pancita, Abi.." sabi ni Ryan yung isa naming blockmates.

"Fuck you! Ryan! Cita nga! Cita!"

Nasulyapan kong may dumating na apat na babae na lumapit dun sa sinampal ni Cita. Nanlaki yung mata ko. Jusko po! May back up!

Napapikit na ako. Inipon ko na yung buong lakas ko para mailabas si Cita doon. Dahil alam ko na mag pupumilit talaga siya na makipag away. knowing Cita, talagang mag wawala ito.

Hanggang sa makalabas kami ng gate ay kinakaladkad ko siya. Dumadaldal pa nga siya.

"Mag tawag pa siya ng tropa niya, wala akong pake!" si Cita.

"Ha! Baka pag buhulin ko pa sila!"

"Cita tumigil ka na nga!" sigaw ko sa kanya nung nasa waiting shd na kami sa labas ng school.

"Ano? Bakit ako?" tanong niya na parang hindi niya alam kung ano yung ginawa niya.

"Tama na pwede? Tumigil ka na. Nakakairita ka na e." ani ko at napaupo na lang sa bilog na upuan ng waiting shd. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Naubos ko yata lahat ng energy ko sa paghila kay Cita.

"Oo na.. Titigil na po.." aniya na umupo din sa tabi ko. "Nagugutom ka na ba?"

Tinignan ko siya ng masama. Tsaka ko lang naalala yung gutom ko. Kung hindi lang dahil sa kanya edi sana nakakain at naka dighay na ako kanina pa.

"Libre kita.." tinusok pa niya ako sa bewyang.

Napiling ako. Alam ko na kung saan pupunta to.

"Libre kita.. Dun tayo sa kar--"

"Huwag mo akong umpisahan diyan, Cita."

"Hindi.. Ano, dun tayo sa karinderya ni Jollibee.."

Sinapak ko siya sa hita.

Nag peace sign lang siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status