Share

Huli na ang Lahat, Mr. CEO
Huli na ang Lahat, Mr. CEO
Author: Sibolluya

Kabanata 1

Author: Sibolluya
“Alyanna, pinag-isipan mo na ba talaga ito? Sigurado ka bang gusto mong lumipat sa Villa Cresencia Hospital?”

Hawak ni Director Cruz ang transfer application ni Alyanna habang nagtatakang nakatingin sa kaniya.

Bahagyang nanginig ang pilikmata ni Alyanna bago siya ngumiti nang mapait. “Opo, Sir. Sure na po ako.”

Nang makitang buo na ang loob niya, napabuntong-hininga si Director Cruz at tuluyang pinirmahan ang kaniyang transfer papers.

Paglabas ni Alyanna mula sa opisina ng director, nadatnan niya sa hallway si Paolo Dela Vega kasama si Cristina Gregorio na nakasuot ng puting coat at ang anak nito.

Bigla siyang natigilan.

Sa harap niya, tila ba sila ay perpektong larawan ng masayang pamilya

Magkatabing naglalakad sina Cristina at Paolo habang hawak ni Cristina ang kamay ng batang lalaki. Ang isa pang kamay ng bata ay nakahawak naman kay Paolo habang masaya itong nakangiti.

Tinamaan si Alyanna ng isang klase ng hapdi sa kanyang puso na hindi pa niya nararansan kailanman.

Ang pasensya at lambing na ipinapakita ni Paolo kina Cristina at sa anak nito ay mga bagay na kailanman ay hindi niya naranasan mula rito.

Alam niyang galit sa kaniya si Paolo Dela Vega.

Si Cristina ang unang minahal ni Paolo. Noon, matapos makipagkasundo si Alyanna kay Doña Rosalia, lola ni Paolo, at tuluyang maikasal sa huli, saka lamang niya nalaman na may dati itong kasintahan.

Sa paningin ni Paolo, si Alyanna ay isang babaeng mapagsamantala na kinuha ang pagkakataon para makapasok sa buhay ng mga Dela Vega at maagaw ang posisyon na hindi para sa kaniya.

Ngunit hindi kailanman malalaman ni Paolo na—

Mas nauna niyang nakilala ito kaysa kay Cristina.

Subalit hindi siya namumukaan ni Paolo. Inakala ni Alyanna na kapag pinakasalan niya ito, babalik ang nawala nitong alaala

At baka sakaling matunaw din ang malamig nitong puso.

Ngunit nagkamali siya.

Sukdulan ang galit ng lalaki sa kanya.

Paano siya mamahalin nito?

Kung mayroon man itong ni katiting na pagtingin para sa kanya, bakit sa loob ng anim na taon nilang kasal ay ipinakilala pa rin ng lalaki ang sarili bilang single sa publiko at nagkukunwaring hindi siya kilala?

“Doctora Alyanna,” tawag ni Cristina nang mapansin siya.

Napakunot naman ang noo ni Paolo habang nakatingin sa kaniya.

Para bang natatakot itong may masabi siya tungkol sa tunay nilang relasyon.

Saglit na kumirot ang dibdib ni Alyanna sa malamig nitong pagtrato ngunit mabilis din siyang kumalma.

“Miss Cristina. Sir Paolo.”

Kailan lang, naging shareholder si Paolo ng Central Hospital matapos itong mamuhunan doon. Pero alam ni Alyanna na hindi nito ginawa iyon para sa kaniya.

Ginawa nito iyon para kay Cristina.

Pagkabalik ni Cristina sa bansa, agad siyang ipinasok ni Paolo sa Central Hospital. Chief of Surgery agad ang ibinigay nitong posisyon sa babae, bagay na ikinagulat ng lahat. Hindi basta-basta ang posisyong iyon, lalo na sa baguhang tulad ni Cristina.

Kaya naman matindi ang naging usap-usapan na may relasyon ang dalawa. Lalo pang umigting ang mga tsismis nang mismong si Paolo ay hindi nagsasalita para itanggi ito.

Nakita ni Alyanna kung paano natural na kumapit ang dalaga sa braso ng kanyang asawa.

“Doc Yanna, masyado ka namang pormal sa akin. Mas senior kita rito sa ospital. At isa pa, kakapasok ko pa lang sa Central kaya marami pa akong kailangang matutunan mula sa’yo.”

Bago pa makasagot si Alyanna , yumakap ang batang lalaki kay Paolo Dela Vega.

“Daddy, I’m tired. Pwede mo po ba akong buhatin?”

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Alyanna.

Daddy?

Tinatawag nitong daddy si Paolo Dela Vega?

Kunwaring pinagsabihan ni Cristina ang bata. “Baby, hindi puwedeng basta-basta mong sabihin iyan.”

Pagkatapos ay humarap ang babae kay Paolo na may halong hiya.

“Sorry, Pao. Alam mo naman ang mga bata. Ako na ang humihingi ng dispensa para sa ginawa ni CJ.”

Sumulyap si Paolo kay Alyanna bago bumalik ang tingin niya kay Cristina.

“That’s fine.”

Walang bakas ng galit sa mukha nito habang marahan nitong binuhat ang bata.

“Yey! Ang cool talaga ni Tito Paolo!”

Mahigpit na yumakap si CJ sa leeg nito habang nagpapa-cute.

“Sana po, kayo na lang po ang totoo kong Daddy.”

Kinalabit ni Cristina ang noo ng bata.

“You’re so kulit talaga..”

Mahigpit na napakuyom si Alyanna ng kamao.

Hindi pa niya kailanman nakita si Paolo Dela Vega na ganoon kalambing at kapinong mag-alaga.

Tama na siguro ang kahibangan niya. Sobra-sobra na ang pagpapakababang ginagawa niya.

Tutal, kahit anong gawin niya, hindi rin naman niya mapapalambot ang puso ng asawa.

Siguro mas mabuti na rin na…

Na tuluyan na nilang palayaon ang isa’t-isa.

Pinilit niyang lunukin ang sakit na namumuo sa dibdib bago nilampasan ang tatlo at pumasok sa elevator.

…

Hindi ipinaalam ni Alyanna sa iba ang tungkol sa kaniyang paglipat ng ospital.

Hindi rin niya iyon sinabi kay Paolo.

Pakiramdam niya, wala namang dahilan para malaman pa nito.

Tutal, malamang wala rin itong pakialam.

Nagmaneho siya papunta sa lumang mansyon ng pamilya Dela Vega at pinindot ang doorbell.

Makalipas ang ilang sandali, binuksan iyon ni Manang Linda, ang kanilang kasambahay.

“Ma’am Yanna, welcome home po.”

“Nandiyan ba si Lola?”

“Nandito po si Doña Rosalia. Pasok po kayo.”

Si Doña Rosalia ang pinakarespetadong miyembro ng pamilya Dela Vega. Mula nang pumanaw ang lolo ni Paolo, siya na ang namahala sa lahat ng mahahalagang usapin ng pamilya.

Taga Mindanao si Doña Rosalia, at nagmula sa angkan ng mga negosyante. Noong kabataan niya, kilala siya bilang isang matapang at mahusay na businesswoman. Kahit hindi siya gusto ng biyenan niya noon, hindi pa rin ito nangahas na kalabanin siya.

Dinala ni Manang Linda si Alyanna sa isang silid-dasalan. Nakaupo ang doña sa kanyang tumba-tumba habang hawak ang isang rosaryo.

“Doña Rosalia, dumating na po si Ma’am Alyanna.”

Dahan-dahang iminulat ng matanda ang mga mata nito bago tumingin kay Alyanna.

“Maupo ka.”

Pagkaalis ni Manang Linda, lumuhod si Alyanna sa tabi nito at taimtim na yumuko sa rebulto ng Birheng Maria.

Deboto si Doña Rosalia ng Mahal na Birheng Maria. Madalas itong pumunta sa mga sagradong lugar, dambana, at simbahan na iniaalay para sa poon.

“Lola… gusto ko na pong hiwalayan si Paolo.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 200

    “Patay na ang tao. Ano pa bang silbi ng pag-uusap tungkol dito?” Walang pakialam na sinabi ni Mariel. “Sisihin mo na lang ang tatay mo dahil anak siya ng pamilya Merced.”Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto at pumasok si Lola Teresa. Nagmamadali nitong sinabi,“Sige na. Bakit mo pa siya kinakausap nang ganoon katagal? Dumating na ang mga tao mula sa pamilya ng magiging biyenan niya. Naghihintay na ang nobyo niya!”“Ay naku, tingnan mo nga naman, nakalimutan ko na ang oras.”Dahan-dahang tumayo si Mariel..“Alyanna, makinig ka kay Tita Mariel mo. Malapit lang sa atin ang mapapangasawa mo, kaya mas madali ka naming matutulungan. Kahit medyo may edad na ang magiging asawa mo, may bahay at lupa naman ang pamilya nila. Barangay opisyal pa ang biyenan mong lalaki!”Habang sinasabi iyon, hinawakan niya si Alyanna at pilit itong pinatayo.“Ang kailangan mo lang ay mamuhay nang maayos at magpakasaya. Pagkaraan ng isang taon o kalahati man lang, bigyan mo ang pamilya ng isang malusog at mataban

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 199

    Halos hindi nakapaghanda si Dr. John, kaya sa lakas ng suntok nito ay napabagsak siya.Sa oras ding iyon ay natauhan si Alyanna at agad na humarang kay Paolo.“Bakit mo siya sinuntok?”Hinila ni Paolo ang kanyang kurbata. Dahil sa lakas ng kanyang galaw kanina, napigtas din ang isang butones ng kanyang polo, bahagyang nakalitaw ang matipuno at malapad niyang dibdib na bahagyang umaangat at bumababa kasabay ng kanyang paghinga.“Iniintindi mo siya?”Hindi pa nakakasagot si Alyanna nang umupo si Dr. John at pinunasan ang dugong nasa gilid ng kanyang labi.“Mr. Dela Vega, ano ba ang ibig mong sabihin?”“Magpapanggap ka pa ring walang alam, Dr. John?”Iniikot ni Paolo ang kanyang pulsuhan.“Nasa iyo si Mrs. Cruz, hindi ba? Talagang pinag-isipan mong mabuti kung paano siya maitago para hindi siya mahanap ng mga tauhan ko.”Kumunot ang noo ni Alyanna at tumingin kay Dr. John.“Nasa iyo si Mrs. Cruz?”Napatigil si Dr. John. Wala siyang nagawa kundi aminin ito.“Ipapaliwanag ko sa iyo kapag na

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 198

    Tinanggap ni Paolo ang mga dokumento. Dalawang buong pahina ang mga salaysay. Binasa niya ang mga ito nang walang anumang pagbabago sa ekspresyon ng mukha, ngunit wala siyang sinabi.Dahil hindi sapat ang ebidensiyang magpapatunay na sinadyang patayin si Eloisa Merced, hindi nagtagal ay pinalaya na ng himpilan ng pulisya sina Cristina at ang nurse.Paglabas ni Cristina ng himpilan, nakita niya si Paolo na nakatayo sa tabi ng kotse habang naninigarilyo. Sa likod ng maputing usok ay makikita ang madilim at mabigat na ekspresyon ng lalaki.“Paolo…”Pula ang mga mata ni Cristina at kumikislap ang mga luha sa mga ito.“Hindi ko talaga alam na mauuwi sa ganito ang lahat. Takot na takot talaga ako…”“Ano ang ginawa mo sa Central Hospital? Hindi ba’t day off mo ngayon?”Ipinagpag niya ang abo ng sigarilyo. Ang titig niya ay tila isang matalim na espada na tumatagos hanggang sa kanyang kalooban.Natigilan si Cristina.“Ako… Ang totoo, pumunta ako roon dahil kay Araceli. Gusto kong makipag-usap

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 197

    Nang muling magising si Alyanna, nasa loob na siya ng isang silid sa ospital.Nasa tabi niya sina Paolo at isang doktor na may pinag-uusapan. Kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito, wala siyang interes na pakinggan.Hinugot niya ang karayom na nakakabit sa likod ng kanyang kamay.Si Paolo ang unang nakapansin. Agad niyang pinisil ang sugat na muling nagdugo.“Alyanna, nababaliw ka na ba?”“Pupuntahan ko ang mama ko. Siguradong matagal na niya akong hinihintay…”Tulala at wala sa sarili si Alyanna habang pilit na kumakawala.Hindi pa siya nakakalayo nang ilang hakbang nang pigilan siya ni Paolo. Binuhat siya nito sa baywang at ibinalik sa kanyang mga bisig.“Alyanna! Tumingin ka sa akin.”Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at pinilit siyang tumingala.Napakaputla ng mukha ni Alyanna, na para bang wala nang dugo sa kanyang balat. Ang dati niyang magagandang mata ay ngayon ay walang laman at walang buhay.Marahang inayos ni Paolo ang buhok na nakadikit sa kanyang noo. Mabigat a

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 196

    Natakot ang nurse sa kalagayan ni Mrs. Merced, at natakot din siyang may makarinig at dumating. Kaya agad niya itong nilapitan at hinawakan.“Mrs. Merced, kumalma po kayo. Anuman ang problema, lumabas muna tayo at doon natin pag-usapan, okay?”Saglit ding nataranta si Cristina. Nang may maisip siya, bigla siyang tumalikod at tumakbo palabas.Hinawi ni Mrs. Merced ang nurse at hinabol siya.“Cristina! Tumigil ka!”Tumakbo si Cristina hanggang sa may hagdan. Dahil naka-high heels siya, nahirapan siyang tumakbo nang mabilis. Hindi nagtagal ay nahabol siya ni Mrs. Merced at mahigpit na hinawakan.“Cristina! Sabihin mo sa akin! Ikaw ang gumawa sa anak ko, hindi ba?! Ikaw ang may kagagawan nito!”Napakasakit ng pagkakahawak ni Mrs. Merced sa kanya. Napaatras si Cristina hanggang sa rehas ng pasilyo. Sa likuran niya ay ang taas ng gusali na ilang dosenang palapag, at ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada sa ibaba ay mistulang maliliit na bagay lamang.Tuluyan nang nawalan ng katinuan si Mrs.

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 195

    Nag-atubili si Dr. John nang ilang sandali bago niya pinatay ang tawag.“Hindi mo ba sasagutin?” nagtatakang tanong ni Alyanna. Hindi niya alam kung sino ang tumatawag sa kanya.Bahagya siyang ngumiti at itinago ang cellphone. “Siguro telemarketer lang.”Muling nag-vibrate ang cellphone sa kanyang kamay. Mahigpit niya itong hinawakan habang magulo at masalimuot ang kanyang kalooban.Ngunit alam niyang hindi niya iyon maaaring sagutin.Habang mas mabait sa kanya si Mrs. Merced at habang mas nagtitiwala ito sa kanya, mas lalo siyang magiging malambot sa mag-ina pagdating ng panahon.Ang kailangan niya ay ang “kahinaan” ni Paolo, hindi ang lumikha ng sarili niyang “kahinaan.”Kahit na maaaring may gusto siya kay Alyanna, sa pagitan ng kanyang pamilya at ni Alyanna, pinili pa rin niya ang kanyang pamilya.Hindi nagtagal ang dalawa bago sila naghiwalay at umalis.Pagkasakay ni Alyanna sa kanyang sasakyan, tinawagan siya agad ng kanyang ina.“Bakit hindi sinasagot ni Dr. John ang tawag ko? I

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 7

    Pumunta si Alyanna sa ospital upang tingnan ang kalagayan ng pasyenteng inoperahan niya sa ulo. Nang malaman ng pamilya ng pasyente na siya ang lead surgeon sa operasyon ng kaanak, muntik na silang lumuhod sa sobrang pasasalamat.Mabilis silang pinigilan ni Alyanna at agad silang itinayo. “Please do

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 6

    “Matanda ka na, bakit mo pa pinapatulan ang isang bata?”Natigilan si Alyanna. Matagal na niyang alam na hindi siya paniniwalaan nito, pero masakit pa rin ang lantaran nitong pagkampi sa iba.Kahit minsan, never pa itong nakinig sa kanyang paliwanag.Namumula ang kanyang mga mata sa pait habang pili

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 5

    Dumilim ang mukha ni Paolo. Akmang bibitawan na niya si Cristina, ngunit hinawakan siya nito. “Paolo, hindi pa rin ako okay. Puwede mo ba akong samahan kumuha ng gamot na pampakalma?”Bahagya siyang kumunot-noo at ibinalik ang tingin sa direksyon kung nasaan si Alyanna. Hindi na niya ito nakita. Ma

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 4

    Nanigas ang katawan ni Alyanna. Tumingin siya sa kaniya nang hindi makapaniwala. “Ako? Binully si Cristina?”Ngayon, naiintindihan na niya. Kaya siya sinadya ni Paolo ay dahil nagsumbong si Cristina tungkol sa nangyari bago ang operasyon.“She’s the Chief. Dapat mo siyang igalang. Hindi mo siya dapa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status