Share

Kabanata 7

Author: Sibolluya
Pumunta si Alyanna sa ospital upang tingnan ang kalagayan ng pasyenteng inoperahan niya sa ulo. Nang malaman ng pamilya ng pasyente na siya ang lead surgeon sa operasyon ng kaanak, muntik na silang lumuhod sa sobrang pasasalamat.

Mabilis silang pinigilan ni Alyanna at agad silang itinayo. “Please don’t do this. Tungkulin po namin ang magligtas ng buhay.”

“Kung hindi dahil sa inyo, matagal nang wala ang anak ko. Kayo ang nagbigay sa kanya ng pag-asang mabuhay. Talagang nagpapasalamat ako sa inyo at sa lahat ng doktor na gumamot sa kanya.” Humagulgol sa iyak ang matandang ina ng pasyente. Magkahalo ang saya at emosyon nito matapos makaligtas sa panganib ang pinakamamahal na anak.

Bilang mga doktor, sanay na sila tumulay sa buhay at kamatayan. Ang makapagligtas ng isang tao mula sa bingit ng kamatayan ay isang napakalaking biyaya.

Ligtas na sa panganib ang pasyente at wala ring naging malubhang komplikasyon. Isa na iyong malaking swerte sa gitna ng malala nitong aksidente.

Inalalayan ni Alyanna ang matandang babae. Pinakalma niya ito at nagbilin bago tuluyang lumabas kasama ang iba pang medical staff na kasama niya.

Pagbalik niya sa opisina, bigla siyang nakatanggap ng tawag mula sa kanyang ama.

Matagal siyang nagdalawang-isip bago sinagot ang tawag.

“Alyanna, pwede ba kayong umuwi ni Paolo sa bahay?”

Nahulaan na ni Alyanna kung bakit biglang nag-request ang ama na dumalaw sila. Kaya naman dinerecha na niya ito. “Kung may kailangan kayo, sabihin n’yo na lang nang direkta. Huwag na kayong magpaliguy-ligoy pa.”

Hindi man niya nakikita subalit ramdam niya ang pagsabog ng galit ng ama. “Anong klaseng pananalita iyan? Hindi ba pwedeng pauwiin lang namin kayo dahil nami-miss namin kayo? Basta umuwi kayo mamayang hapon, tapos ang usapan!”

Bago pa siya makatanggi, ibinaba na ng ama ang tawag na tuluyang nagpasakit ng ulo niya.

…

Nasa meeting si Paolo nang makatanggap siya ng text mula kay Cristina:

【Paolo, okay na si CJ sa Day Care. Salamat. Kung hindi dahil sa’yo, hindi pa rin siya makakapag-aral.】

Sinulyapan niya iyon at nag-reply lang ng dalawang salita: “You’re welcome.”

Pagbukas niya ng WeChat, biglang napunta ang tingin niya sa chat box ni Alyanna.

Doon lang niya napansin na ang huli nitong mensahe ay noong ika-8 pa ng nakaraang buwan.

Tinanong siya nito kung pupunta pa ba siya sa bahay nila sa weekend.

Hindi siya nag-reply.

At hanggang ngayon, wala na itong ipinadalang kahit isang mensahe bilang pagtugon.

Marunong na talagang makipagmatigasan ang asawa sa kanya.

Nang hapon ding iyon.

Matagal na nakatayo si Alyanna sa labas ng bahay ng pamilya Merced bago tuluyang pumasok. Nang makita siya ng kanyang ina, ngumiti ito at lumapit. “Alyanna, welcome home.”

Pagkatapos ay sumilip pa ito sa labas ng pinto.

May bakas ng pagkadismaya sa mukha nito.

Napansin na iyon ni Alyanna kaya kalmado niyang sinabi, “Huwag n’yo nang hanapin si Paolo. Mag-isa lang akong umuwi.”

Bahagyang nanigas ang ngiti ni Eloisa.

Sakto namang bumaba si Ruel mula sa itaas. Nang hindi niya makita si Paolo, agad siyang nainis. “Hindi ba sinabi kong isama mo si Paolo?”

“He’s busy.”

“Anong busy? Asawa mo iyon! Sinong mag-asawa ba ang hindi nag-aaway at nagkakabati rin pagkatapos? Hindi mo man lang mapauwi ang sarili mong asawa sa pamilya mo para kumain ng sama-sama? Napakawalang kwenta mo naman!”

Lalong nanlamig ang puso ni Alyanna.

Walang nakakaintindi sa kanya.

Kahit sariling pamilya niya.

Hindi man lang nito tinanong kung bakit hindi niya ito kasama. Pagbuka pa lang ng bibig ng ama, siya agad ang sinisi nito. Sa loob ng maraming taon, wala talagang nagbago sa pakikitungo ng mga ito sa kanya.

Para siyang estranghero sa loob ng sariling pamilya.

Naalala niya araw na ikinasal siya kay Paolo. Sobrang saya ng kanyang mga magulang.

Bagama’t hindi kasing yaman ng pamilya Dela Vega ang pamilya Merced, mas maayos pa rin sila kumpara sa ordinaryong pamilya. Noon, akala niya ay hangad ng mga ito ang kaligayahan niya.

Subalit matapos ang kanilang kasal, sinimulan siyang pilitin ng kanyang mga magulang na humingi ng pera kay Paolo. Noong una, para lang iyon sa bagong villa at sasakyan ng kanyang kapatid. Kalaunan, naging pambayad na iyon sa mga utang ng kanyang ama matapos malugi ang kanilang negosyo.

Sa mata ng kanyang mga magulang, mas mahalaga ang kapatid niyang lalaki.

Samantalang siya, isa lamang siyang ATM na pinanggagalingan ng pera para sa mga luho at kapritso nila.

“I’m sorry, Mom, Dad,” Bumalik siya sa ulirat. Kalmado niyang hinarap ang mga magulang.

“Paolo and I are annuling our marriage. Maghihiwalay na po kami. ”

Pagkarinig ni Ruel sa salitang “maghihiwalay,” agad na nagdilim ang mukha nito at sinampal ang anak.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 200

    “Patay na ang tao. Ano pa bang silbi ng pag-uusap tungkol dito?” Walang pakialam na sinabi ni Mariel. “Sisihin mo na lang ang tatay mo dahil anak siya ng pamilya Merced.”Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto at pumasok si Lola Teresa. Nagmamadali nitong sinabi,“Sige na. Bakit mo pa siya kinakausap nang ganoon katagal? Dumating na ang mga tao mula sa pamilya ng magiging biyenan niya. Naghihintay na ang nobyo niya!”“Ay naku, tingnan mo nga naman, nakalimutan ko na ang oras.”Dahan-dahang tumayo si Mariel..“Alyanna, makinig ka kay Tita Mariel mo. Malapit lang sa atin ang mapapangasawa mo, kaya mas madali ka naming matutulungan. Kahit medyo may edad na ang magiging asawa mo, may bahay at lupa naman ang pamilya nila. Barangay opisyal pa ang biyenan mong lalaki!”Habang sinasabi iyon, hinawakan niya si Alyanna at pilit itong pinatayo.“Ang kailangan mo lang ay mamuhay nang maayos at magpakasaya. Pagkaraan ng isang taon o kalahati man lang, bigyan mo ang pamilya ng isang malusog at mataban

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 199

    Halos hindi nakapaghanda si Dr. John, kaya sa lakas ng suntok nito ay napabagsak siya.Sa oras ding iyon ay natauhan si Alyanna at agad na humarang kay Paolo.“Bakit mo siya sinuntok?”Hinila ni Paolo ang kanyang kurbata. Dahil sa lakas ng kanyang galaw kanina, napigtas din ang isang butones ng kanyang polo, bahagyang nakalitaw ang matipuno at malapad niyang dibdib na bahagyang umaangat at bumababa kasabay ng kanyang paghinga.“Iniintindi mo siya?”Hindi pa nakakasagot si Alyanna nang umupo si Dr. John at pinunasan ang dugong nasa gilid ng kanyang labi.“Mr. Dela Vega, ano ba ang ibig mong sabihin?”“Magpapanggap ka pa ring walang alam, Dr. John?”Iniikot ni Paolo ang kanyang pulsuhan.“Nasa iyo si Mrs. Cruz, hindi ba? Talagang pinag-isipan mong mabuti kung paano siya maitago para hindi siya mahanap ng mga tauhan ko.”Kumunot ang noo ni Alyanna at tumingin kay Dr. John.“Nasa iyo si Mrs. Cruz?”Napatigil si Dr. John. Wala siyang nagawa kundi aminin ito.“Ipapaliwanag ko sa iyo kapag na

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 198

    Tinanggap ni Paolo ang mga dokumento. Dalawang buong pahina ang mga salaysay. Binasa niya ang mga ito nang walang anumang pagbabago sa ekspresyon ng mukha, ngunit wala siyang sinabi.Dahil hindi sapat ang ebidensiyang magpapatunay na sinadyang patayin si Eloisa Merced, hindi nagtagal ay pinalaya na ng himpilan ng pulisya sina Cristina at ang nurse.Paglabas ni Cristina ng himpilan, nakita niya si Paolo na nakatayo sa tabi ng kotse habang naninigarilyo. Sa likod ng maputing usok ay makikita ang madilim at mabigat na ekspresyon ng lalaki.“Paolo…”Pula ang mga mata ni Cristina at kumikislap ang mga luha sa mga ito.“Hindi ko talaga alam na mauuwi sa ganito ang lahat. Takot na takot talaga ako…”“Ano ang ginawa mo sa Central Hospital? Hindi ba’t day off mo ngayon?”Ipinagpag niya ang abo ng sigarilyo. Ang titig niya ay tila isang matalim na espada na tumatagos hanggang sa kanyang kalooban.Natigilan si Cristina.“Ako… Ang totoo, pumunta ako roon dahil kay Araceli. Gusto kong makipag-usap

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 197

    Nang muling magising si Alyanna, nasa loob na siya ng isang silid sa ospital.Nasa tabi niya sina Paolo at isang doktor na may pinag-uusapan. Kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito, wala siyang interes na pakinggan.Hinugot niya ang karayom na nakakabit sa likod ng kanyang kamay.Si Paolo ang unang nakapansin. Agad niyang pinisil ang sugat na muling nagdugo.“Alyanna, nababaliw ka na ba?”“Pupuntahan ko ang mama ko. Siguradong matagal na niya akong hinihintay…”Tulala at wala sa sarili si Alyanna habang pilit na kumakawala.Hindi pa siya nakakalayo nang ilang hakbang nang pigilan siya ni Paolo. Binuhat siya nito sa baywang at ibinalik sa kanyang mga bisig.“Alyanna! Tumingin ka sa akin.”Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at pinilit siyang tumingala.Napakaputla ng mukha ni Alyanna, na para bang wala nang dugo sa kanyang balat. Ang dati niyang magagandang mata ay ngayon ay walang laman at walang buhay.Marahang inayos ni Paolo ang buhok na nakadikit sa kanyang noo. Mabigat a

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 196

    Natakot ang nurse sa kalagayan ni Mrs. Merced, at natakot din siyang may makarinig at dumating. Kaya agad niya itong nilapitan at hinawakan.“Mrs. Merced, kumalma po kayo. Anuman ang problema, lumabas muna tayo at doon natin pag-usapan, okay?”Saglit ding nataranta si Cristina. Nang may maisip siya, bigla siyang tumalikod at tumakbo palabas.Hinawi ni Mrs. Merced ang nurse at hinabol siya.“Cristina! Tumigil ka!”Tumakbo si Cristina hanggang sa may hagdan. Dahil naka-high heels siya, nahirapan siyang tumakbo nang mabilis. Hindi nagtagal ay nahabol siya ni Mrs. Merced at mahigpit na hinawakan.“Cristina! Sabihin mo sa akin! Ikaw ang gumawa sa anak ko, hindi ba?! Ikaw ang may kagagawan nito!”Napakasakit ng pagkakahawak ni Mrs. Merced sa kanya. Napaatras si Cristina hanggang sa rehas ng pasilyo. Sa likuran niya ay ang taas ng gusali na ilang dosenang palapag, at ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada sa ibaba ay mistulang maliliit na bagay lamang.Tuluyan nang nawalan ng katinuan si Mrs.

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 195

    Nag-atubili si Dr. John nang ilang sandali bago niya pinatay ang tawag.“Hindi mo ba sasagutin?” nagtatakang tanong ni Alyanna. Hindi niya alam kung sino ang tumatawag sa kanya.Bahagya siyang ngumiti at itinago ang cellphone. “Siguro telemarketer lang.”Muling nag-vibrate ang cellphone sa kanyang kamay. Mahigpit niya itong hinawakan habang magulo at masalimuot ang kanyang kalooban.Ngunit alam niyang hindi niya iyon maaaring sagutin.Habang mas mabait sa kanya si Mrs. Merced at habang mas nagtitiwala ito sa kanya, mas lalo siyang magiging malambot sa mag-ina pagdating ng panahon.Ang kailangan niya ay ang “kahinaan” ni Paolo, hindi ang lumikha ng sarili niyang “kahinaan.”Kahit na maaaring may gusto siya kay Alyanna, sa pagitan ng kanyang pamilya at ni Alyanna, pinili pa rin niya ang kanyang pamilya.Hindi nagtagal ang dalawa bago sila naghiwalay at umalis.Pagkasakay ni Alyanna sa kanyang sasakyan, tinawagan siya agad ng kanyang ina.“Bakit hindi sinasagot ni Dr. John ang tawag ko? I

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 4

    Nanigas ang katawan ni Alyanna. Tumingin siya sa kaniya nang hindi makapaniwala. “Ako? Binully si Cristina?”Ngayon, naiintindihan na niya. Kaya siya sinadya ni Paolo ay dahil nagsumbong si Cristina tungkol sa nangyari bago ang operasyon.“She’s the Chief. Dapat mo siyang igalang. Hindi mo siya dapa

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 3

    Mukhang hindi inaasahan ni Paolo na babanggitin niya ang tungkol sa paghihiwalay. Dumilim ang kaniyang mukha. “What made you think na papayag ako sa gusto mo?”Natigilan si Alyanna.Hindi siya pumapayag sa pakikipaghiwalay. Pero bakit?Dahil ba may pagtingin na rin si Paolo sa kanya.Nagpatuloy ang

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 2

    Natigilan nang ilang sandali si Doña Rosalia. Tumingin siya kay Alyanna at sinabi, “Noong nakipagkasundo sa akin noon, buo ang loob mong kasamahin ang apo ko habambuhay. Nagsisisi ka na ba?”Oo, nagsisisi siya.Ibinaba ni Alyanna ang kaniyang paningin, pinipigilan ang pait sa kaniyang mga mata. “I’m

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 1

    “Alyanna, pinag-isipan mo na ba talaga ito? Sigurado ka bang gusto mong lumipat sa Villa Cresencia Hospital?”Hawak ni Director Cruz ang transfer application ni Alyanna habang nagtatakang nakatingin sa kaniya.Bahagyang nanginig ang pilikmata ni Alyanna bago siya ngumiti nang mapait. “Opo, Sir. Su

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status