Share

Kabanata 6

Author: Sibolluya
“Matanda ka na, bakit mo pa pinapatulan ang isang bata?”

Natigilan si Alyanna. Matagal na niyang alam na hindi siya paniniwalaan nito, pero masakit pa rin ang lantaran nitong pagkampi sa iba.

Kahit minsan, never pa itong nakinig sa kanyang paliwanag.

Namumula ang kanyang mga mata sa pait habang pilit pinipigilan ang luha.

“Hindi ko siya tinulak!”

Tumawa nang bahagya si Paolo. “You mean to say, this child fell to the ground by himself? Huwag mo naman akong gawing tanga.”

Nanginig ang puso ni Alyanna.

Ano pa ang saysay ng pagpapaliwanag niya kung guilty na agad siya sa paningin ni Paolo?

Yumuko siya at pilit na kumalma. “Ang malas kong tap dahil nakilala kayong lahat, okay na ba?”

Tumalikod siya para umalis.

“Stop!.”

Natigilan si Alyanna ngunit hindi lumingon.

“CJ is just a child. Bakit kailangan mo pa siyang patulan?” Bahagyang lumambot ang tono ni Paolo. “Apologize to him. Now!”

“Paolo, please. Isn’t it too much? Hayaan na lang natin ang nangyari,” pagsingit ni Cristina na animo’y ipinagtatanggol siya. But Alyanna knows better. Alam niyang nagpapanggap lamang ang dalaga.

Umiling si Paolo. “Wrong is wrong. We should set an example to CJ. Kapag may nagawang mali ang isang tao, dapat itong humingi ng tawad sa na-agrabyado niya.”

Mahigpit na kinuyom ni Alyanna ang kanyang mga daliri. Halos bumaon ang mga kuko niya sa kanyang palad ngunit nakakapagtakang hindi na niya nararamdaman ang sakit.

Ganito na ba siya kamanhid sa ginagawa ng asawa sa kanya?

Dahan-dahan siyang lumingon at tinitigan si Paolo bago itinuro ang mga CCTV camera sa ilalim ng mga poste ng ilaw sa di kalayuan. “Puro surveillance camera ang paligid Diamond Residences. Bago ka umastang judge, hindi mo man lang ba kayang tingnan muna ang CCTV para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo?”

Dagdag pa niya, “Kung makikita sa footage na ako ang may kasalanan, hihingi ako ng tawad. Pero kung hindi, huwag mong asahang magso-sorry ako para sa isang bagay na hindi ko ginawa!”

Hindi na niya ito muling tiningnan at tuluyan nang umalis.

Biglang sumikip ang dibdib ni Paolo at mas lalo pang dumilim ang kanyang ekspresyon.

Nang marinig ni Cristina ang salitang “CCTV,” agad siyang kinabahan. Natatakot siyang baka totoong tingnan ni Paolo ang footage. Mabilis niyang hinawakan ang braso ng lalaki.

“Paolo, huwag na nating palakihin ito. Hindi naman nasaktan si CJ, at naniniwala akong hindi sinasadya ni Doc Yana ang pagtulak sa anak ko.”

Hindi niya maaaring hayaang makita ni Paolo ang CCTV kaya mabilis niyang binago ang usapan. “Male-late na si CJ sa Day Care Center. Umalis na tayo.”

Hinugot ni Paolo ang kanyang braso. “Nasabihan ko na ang school director. Dalhin mo na lang si CJ roon at sila na ang bahala. May meeting pa ako.”

Diretso siyang bumalik sa sasakyan.

Habang pinapanood ni Cristina ang pag-alis ng kotse ni Paolo, hindi niya namalayang napahigpit ang hawak niya sa kamay ni CJ.

“Mommy, masakit.”

Nagbalik sa ulirat si Cristina. Dahan-dahan siyang yumuko at hinawakan ang balikat ng bata. May bahid ng pagmamataas ang madilim niyang mga mata. “CJ, napakagaling ng acting mo kanina. Very good ka kay Mommy.”

“Talaga po?” kumurap si CJ.

Wala siyang gaanong naiintindihan. Isa lamang siyang inosenteng bata na may simpleng understanding sa mga bagay sa paligid niya.

Subalit alam niya na basta napapasaya niya ang kanyang Mommy at napupuri siya nito, mabuting bagay ang nagawa niya.

Ngumiti si Cristina habang hinahaplos ang kanyang mukha. “CJ, gusto bang maging daddy si Tito Paolo mo?

Masaya itong tumango.

Sa paagkakataong iyon, makahulugang ngumiti si Cristina.“Kung gano’n, gawin mo ang lahat para matuwa sa’yo ang Tito Paolo mo. Huwag kang gagawa ng anumang ikakainis niya. Do you understand what I am saying?”

Tumango muli ang bata. “Yes, mommy!”

…

Pagdating ni Paolo sa kumpanya, agad siyang nilapitan ng assistant niyang si Mario. “President Dela Vega, hinihintay po kayo ni Doña Rosalia sa opisina n’yo.”

Mahinang umoo si Paolo at pumasok sa opisina.

Maayos na nakaupo si Madam Dela Vega sa sofa habang umiinom ng tsaa. Tumingin siya rito. “Nabalitaan kong ipinasok mo sa Central Hospital si Dra. Cristina Gregorio.”

Niluwagan ni Paolo ang kanyang kurbata at umupo sa tapat niya. “Sinong nagsumbong sa inyo? Si Alyanna?”

Malakas na ibinaba ni Madam Dela Vega ang tasa ng tsaa. “Do you hear yourself, Paolo? Mukha bang sumbungera si Alyanna? Tigilan mo ang paninisi sa asawa mo. Lahat na lang ng bagay, ibinibintang mo sa kanya.”

Walang emosyon siyang ngumiti. “Why, Lola? Tama naman ako, hindi ba?” Naging seryoso ang mukha ni Paolo habang nagpapatuloy. “

“I don’t forget how Alyanna entered the Dela Vega family, and how you forced me to marry her.”

Bahagyang dumilim ang mukha ni Madam Dela Vega at may bakas ng pangungutya sa kanyang ngiti. “Kung totoong nagsumbong siya, sa tingin mo ba magkakaroon pa ng pagkakataong makabalik sa Pilipinas si Cristina? Alam mo ang kaya kong gawin, Paolo.”

Sandaling natahimik si Paolo bago siya tumingin sa matanda. “Huwag n’yo siyang gagalawin.”

Napatawa nang galit si Madam Dela Vega. “She accepted the ten million I gave her back then to stay away from you. A money-hungry and ungrateful woman. What is good about her?”

“If you hadn’t interfered back then, would she have left?”

“Idiot!” Biglang natawa si Madam Dela Vega na tila may naalala. Dahan-dahan siyang tumayo. “Paolino Avenido Dela Vega…you mistook something worthless for a pearl. The day will come when you will regret this. Hindi na ako mamamagitan sa inyo ni Alyanna. Tanggapin mo man ang pakikipaghiwalay niya o hindi, wala na akong pakialam. Bahala ka na sa buhay mo tutal ay wala ka nang pinakikinggan kundi ang malanding babaeng iyon.”

Pagkatapos noon ay umalis na ang matanda.

Kumuyom ang panga ni Paolo habang dumilim ang kanyang mga mata.

Regret?

Ano ang pagsisisihan niya?

Na ibinalik niya sa kanyang buhay ang babaeng pinakamamahal niya?

At isa pa, hindi ba’t si Alyanna ang mukhang pera? Yaman at karangyaan lamang ang habol nito sa kanya.

Masyadong gahaman ang babaeng iyon.

Kaya nagkakamali ang lola niya.

Hindi siya kayang iwan ni Alyanna.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 200

    “Patay na ang tao. Ano pa bang silbi ng pag-uusap tungkol dito?” Walang pakialam na sinabi ni Mariel. “Sisihin mo na lang ang tatay mo dahil anak siya ng pamilya Merced.”Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto at pumasok si Lola Teresa. Nagmamadali nitong sinabi,“Sige na. Bakit mo pa siya kinakausap nang ganoon katagal? Dumating na ang mga tao mula sa pamilya ng magiging biyenan niya. Naghihintay na ang nobyo niya!”“Ay naku, tingnan mo nga naman, nakalimutan ko na ang oras.”Dahan-dahang tumayo si Mariel..“Alyanna, makinig ka kay Tita Mariel mo. Malapit lang sa atin ang mapapangasawa mo, kaya mas madali ka naming matutulungan. Kahit medyo may edad na ang magiging asawa mo, may bahay at lupa naman ang pamilya nila. Barangay opisyal pa ang biyenan mong lalaki!”Habang sinasabi iyon, hinawakan niya si Alyanna at pilit itong pinatayo.“Ang kailangan mo lang ay mamuhay nang maayos at magpakasaya. Pagkaraan ng isang taon o kalahati man lang, bigyan mo ang pamilya ng isang malusog at mataban

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 199

    Halos hindi nakapaghanda si Dr. John, kaya sa lakas ng suntok nito ay napabagsak siya.Sa oras ding iyon ay natauhan si Alyanna at agad na humarang kay Paolo.“Bakit mo siya sinuntok?”Hinila ni Paolo ang kanyang kurbata. Dahil sa lakas ng kanyang galaw kanina, napigtas din ang isang butones ng kanyang polo, bahagyang nakalitaw ang matipuno at malapad niyang dibdib na bahagyang umaangat at bumababa kasabay ng kanyang paghinga.“Iniintindi mo siya?”Hindi pa nakakasagot si Alyanna nang umupo si Dr. John at pinunasan ang dugong nasa gilid ng kanyang labi.“Mr. Dela Vega, ano ba ang ibig mong sabihin?”“Magpapanggap ka pa ring walang alam, Dr. John?”Iniikot ni Paolo ang kanyang pulsuhan.“Nasa iyo si Mrs. Cruz, hindi ba? Talagang pinag-isipan mong mabuti kung paano siya maitago para hindi siya mahanap ng mga tauhan ko.”Kumunot ang noo ni Alyanna at tumingin kay Dr. John.“Nasa iyo si Mrs. Cruz?”Napatigil si Dr. John. Wala siyang nagawa kundi aminin ito.“Ipapaliwanag ko sa iyo kapag na

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 198

    Tinanggap ni Paolo ang mga dokumento. Dalawang buong pahina ang mga salaysay. Binasa niya ang mga ito nang walang anumang pagbabago sa ekspresyon ng mukha, ngunit wala siyang sinabi.Dahil hindi sapat ang ebidensiyang magpapatunay na sinadyang patayin si Eloisa Merced, hindi nagtagal ay pinalaya na ng himpilan ng pulisya sina Cristina at ang nurse.Paglabas ni Cristina ng himpilan, nakita niya si Paolo na nakatayo sa tabi ng kotse habang naninigarilyo. Sa likod ng maputing usok ay makikita ang madilim at mabigat na ekspresyon ng lalaki.“Paolo…”Pula ang mga mata ni Cristina at kumikislap ang mga luha sa mga ito.“Hindi ko talaga alam na mauuwi sa ganito ang lahat. Takot na takot talaga ako…”“Ano ang ginawa mo sa Central Hospital? Hindi ba’t day off mo ngayon?”Ipinagpag niya ang abo ng sigarilyo. Ang titig niya ay tila isang matalim na espada na tumatagos hanggang sa kanyang kalooban.Natigilan si Cristina.“Ako… Ang totoo, pumunta ako roon dahil kay Araceli. Gusto kong makipag-usap

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 197

    Nang muling magising si Alyanna, nasa loob na siya ng isang silid sa ospital.Nasa tabi niya sina Paolo at isang doktor na may pinag-uusapan. Kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito, wala siyang interes na pakinggan.Hinugot niya ang karayom na nakakabit sa likod ng kanyang kamay.Si Paolo ang unang nakapansin. Agad niyang pinisil ang sugat na muling nagdugo.“Alyanna, nababaliw ka na ba?”“Pupuntahan ko ang mama ko. Siguradong matagal na niya akong hinihintay…”Tulala at wala sa sarili si Alyanna habang pilit na kumakawala.Hindi pa siya nakakalayo nang ilang hakbang nang pigilan siya ni Paolo. Binuhat siya nito sa baywang at ibinalik sa kanyang mga bisig.“Alyanna! Tumingin ka sa akin.”Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at pinilit siyang tumingala.Napakaputla ng mukha ni Alyanna, na para bang wala nang dugo sa kanyang balat. Ang dati niyang magagandang mata ay ngayon ay walang laman at walang buhay.Marahang inayos ni Paolo ang buhok na nakadikit sa kanyang noo. Mabigat a

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 196

    Natakot ang nurse sa kalagayan ni Mrs. Merced, at natakot din siyang may makarinig at dumating. Kaya agad niya itong nilapitan at hinawakan.“Mrs. Merced, kumalma po kayo. Anuman ang problema, lumabas muna tayo at doon natin pag-usapan, okay?”Saglit ding nataranta si Cristina. Nang may maisip siya, bigla siyang tumalikod at tumakbo palabas.Hinawi ni Mrs. Merced ang nurse at hinabol siya.“Cristina! Tumigil ka!”Tumakbo si Cristina hanggang sa may hagdan. Dahil naka-high heels siya, nahirapan siyang tumakbo nang mabilis. Hindi nagtagal ay nahabol siya ni Mrs. Merced at mahigpit na hinawakan.“Cristina! Sabihin mo sa akin! Ikaw ang gumawa sa anak ko, hindi ba?! Ikaw ang may kagagawan nito!”Napakasakit ng pagkakahawak ni Mrs. Merced sa kanya. Napaatras si Cristina hanggang sa rehas ng pasilyo. Sa likuran niya ay ang taas ng gusali na ilang dosenang palapag, at ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada sa ibaba ay mistulang maliliit na bagay lamang.Tuluyan nang nawalan ng katinuan si Mrs.

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   KABANATA 195

    Nag-atubili si Dr. John nang ilang sandali bago niya pinatay ang tawag.“Hindi mo ba sasagutin?” nagtatakang tanong ni Alyanna. Hindi niya alam kung sino ang tumatawag sa kanya.Bahagya siyang ngumiti at itinago ang cellphone. “Siguro telemarketer lang.”Muling nag-vibrate ang cellphone sa kanyang kamay. Mahigpit niya itong hinawakan habang magulo at masalimuot ang kanyang kalooban.Ngunit alam niyang hindi niya iyon maaaring sagutin.Habang mas mabait sa kanya si Mrs. Merced at habang mas nagtitiwala ito sa kanya, mas lalo siyang magiging malambot sa mag-ina pagdating ng panahon.Ang kailangan niya ay ang “kahinaan” ni Paolo, hindi ang lumikha ng sarili niyang “kahinaan.”Kahit na maaaring may gusto siya kay Alyanna, sa pagitan ng kanyang pamilya at ni Alyanna, pinili pa rin niya ang kanyang pamilya.Hindi nagtagal ang dalawa bago sila naghiwalay at umalis.Pagkasakay ni Alyanna sa kanyang sasakyan, tinawagan siya agad ng kanyang ina.“Bakit hindi sinasagot ni Dr. John ang tawag ko? I

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 7

    Pumunta si Alyanna sa ospital upang tingnan ang kalagayan ng pasyenteng inoperahan niya sa ulo. Nang malaman ng pamilya ng pasyente na siya ang lead surgeon sa operasyon ng kaanak, muntik na silang lumuhod sa sobrang pasasalamat.Mabilis silang pinigilan ni Alyanna at agad silang itinayo. “Please do

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 5

    Dumilim ang mukha ni Paolo. Akmang bibitawan na niya si Cristina, ngunit hinawakan siya nito. “Paolo, hindi pa rin ako okay. Puwede mo ba akong samahan kumuha ng gamot na pampakalma?”Bahagya siyang kumunot-noo at ibinalik ang tingin sa direksyon kung nasaan si Alyanna. Hindi na niya ito nakita. Ma

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 4

    Nanigas ang katawan ni Alyanna. Tumingin siya sa kaniya nang hindi makapaniwala. “Ako? Binully si Cristina?”Ngayon, naiintindihan na niya. Kaya siya sinadya ni Paolo ay dahil nagsumbong si Cristina tungkol sa nangyari bago ang operasyon.“She’s the Chief. Dapat mo siyang igalang. Hindi mo siya dapa

  • Huli na ang Lahat, Mr. CEO   Kabanata 3

    Mukhang hindi inaasahan ni Paolo na babanggitin niya ang tungkol sa paghihiwalay. Dumilim ang kaniyang mukha. “What made you think na papayag ako sa gusto mo?”Natigilan si Alyanna.Hindi siya pumapayag sa pakikipaghiwalay. Pero bakit?Dahil ba may pagtingin na rin si Paolo sa kanya.Nagpatuloy ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status