مشاركة

CHAPTER 2

مؤلف: Hare Ra
"Is Jasper back yet?" tanong ni Heath, ang tingin ay nakatitig nang husto kay Olivia.

"H-Hindi pa po, sir," sagot ni Olivia na kinakabahan.

Iniwas niya ang kanyang paningin. Hindi magandang tingnan ang makipagtitigan sa lalaki. Baka itong ituring nito itong kawalan ng galang, at mas malala pa, baka makaapekto ito sa career ng kanyang asawa.

Tumango nang dahan-dahan si Heath.

May taas siyang nasa 175 cm, may matalas pero kalmadong tingin, maputi ang balat, at may suot na salamin. Mukha itong aktor. Ang magandang pangangatawan nito at matitigas na braso ay nagpapahiwatig ng disiplinadong gym routine.

Hindi sinasadya ay naikumpara ni Olivia ang lalaki kay Jasper.

Bagama't gwapo rin naman ang asawa niya, tamad ito pagdating sa mga exercise-exercise na ‘yan. Ang tiyan nito ay nagsisimula na ring lumaki, malayo sa matitigas na six-pack na dati ay mayroon ito.

Kilala na ni Olivia si Heath Madrigal.

Naging senior niya ito sa college, ang mismong senior na nagpaiyak sa kanya noong orientation. Noon, nasa last semestre na si Heath, pero nagagawa pa rin nitong paglaruan ang mga bagong estudyante.

"Hmm." Tumikhim si Heath nang mapansing nakatayo lang na parang tuod si Olivia sa harap niya, ang tingin nito ay nananatili sa babae na tila ba sinusuri niya ito nang husto.

Doon lang napagtanto ni Olivia, ang manipis na daster na suot niya ay dumidikit sa kanyang katawan dahil sa matinding pawis niya.

Bakas ang hugis ng kanyang pulang bra sa ilalim ng puting tela.

Napasinghap siya. Napayuko siya habang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. Wala na siyang paraan para itago pa ito.

Dala ng instinct, sinubukan niyang takpan ang sarili, pero huli na ang lahat.

“May I come in?” muling tanong ni Heath.

Mabilis na tumango si Olivia. "O-Opo, sir. Tuloy po kayo."

Tumabi siya para paraanin ito.

Nang lagpasan ito ni Heath, isang tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi niya.

"Maupo po kayo, sir."

"Thanks. May appointment kami ni Jasper. I happened to be nearby, so I decided to drop by,” kaswal na wika ni Heath habang nauupo sa sofa.

Tumango si Olivia, hindi sigurado kung ano ang isasagot.

"Nasa kusina lang po ako, sir," magalang niyang sabi. "Pasensya na po sa inconvenience."

"Not at all," sagot ni Heath.

Paalis na sana siya nang—

"Sabi ni Jasper, nagtatrabaho ka raw dati?" tanong ni Heath, na nagpahinto sa kanya.

Natigilan si Olivia, saka tumango. "Opo, sir."

"Anong trabaho mo?"

"Isa po akong marketing supervisor," sagot niya, habang ang kanyang paningin ay medyo maiwas. Tuwing nababanggit ang trabaho, parang may lungkot na bumabalot sa kanyang mukha.

Napansin iyon ni Heath.

“What a waste,” sabi nito.

Napakunot ang noo ni Olivia. "Bakit niyo po nasabi yan, sir?"

"Ang isang babaeng kasingganda at kasingtalino mo... nakakulong lang sa bahay?" ani Heath, mababa ang tono ng boses at nakatitig sa kanyang mga mata. “You should have gone far in your career.”

Pagpapatuloy nito, tila nag-iisip, “You were brilliant back then. Pinag-usapan sa college ang GWA mo. Pati ang mga professor ay ikinukumpara kaming mga senior sa iyo. And now… you’ve given it all up.”

Napahigpit ang hawak ni Olivia sa kanyang mga daliri.

"Past na po iyon," mahina niyang sabi. "Mauna na po ako, sir."

Ni hindi na siya naghintay ng sagot. Tumalikod siya at nagmadaling pumunta sa kusina.

Habang naghahanda ng drinks, umaalingawngaw sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Heath.

Kung hindi siya nagbitiw... siguro nga ay promoted na siya ngayon.

Marahil ay iba ang naging takbo ng buhay niya.

Umiling si Olivia, pilit na itinataboy ang mga iniisip.

Pinili niya ang buhay na ito.

Pumayag siyang maging isang housewife.

Pero...

Masaya ba siya?

Hindi niya alam.

Minsan, pakiramdam niya ay hindi ito isang choice, kundi isang kulungan.

"Ano kayang ise-serve ko sa kanya?" bulong ni Olivia habang tumitingin sa paligid. "Kape... karamihan ng tao ay mas gusto ang kape," pasya niya.

Huminto siya sandali.

"Hindi naman siya ganoon katanda... ganoon pa rin ang hitsura niya gaya ng dati. Nakakainis pa rin," dagdag niya sa ilalim ng kanyang hininga. "Sige, kape na lang. Kung hindi niya gusto, problema na niya iyon."

Hindi nagtagal, ang bango ng bagong timplang kape ay humalimuyak sa paligid.

Maingat na dinala ni Olivia ang tray na may umuusok na tasa patungo sa sala.

Suot pa rin niya ang parehong manipis at walang manggas na puting daster.

“The coffee smells wonderful,” komento ni Heath, tumayo habang papalapit siya.

Nagbigay si Olivia ng isang pilit na ngiti.

Habang yumuyuko siya para ilapag ang tasa sa mesa, lumapit naman si Heath—

Nagkadikit ang kanilang mga kamay.

"Mainit ang kape," kaswal na wika ni Heath. “I might spill it.”

Pero sa halip na bumitaw, saglit na humigpit ang hawak ng kanyang mga daliri sa kamay ni Olivia.

Nanigas si Olivia sa kinatatayuan.

Isang kakaibang init ang dumaloy sa kanya, matalas at mabilis, parang kuryente.

Bago pa siya makakilos, dahan-dahang hinaplos ng kamay nito ang kanyang braso.

Nanlaki ang mga mata ni Olivia.

Mabilis siyang umatras ngunit naputol ang kanyang pagkilos nang humarang ang dulo ng sofa, dahilan para makulong siya sa pwesto.

Bumilis ang kanyang paghinga.

Ngumiti lang si Heath.

Muling gumalaw ang kamay nito…

*Ding dong. Ding dong*

Ang biglang tunog ng doorbell ay bumasag sa sandaling iyon.

Nakahinga nang maluwag si Olivia.

Inalis ni Heath ang kanyang kamay at bumalik sa pagkakaupo na para bang walang nangyari. Habang dumadaan si Olivia sa harap niya, bahagya siyang lumapit at bumulong, “You’re still as beautiful… and interesting as before.”

Umakyat ang init sa mukha ni Olivia.

Hindi siya sumagot at nagmadali siyang pumunta sa pinto.

Sa likuran niya, kaswal na kinuha ni Heath ang cellphone, ngunit ang mga mata nito ay nakasunod sa bawat galaw niya.

Nang buksan ni Olivia ang pinto, nandoon na si Jasper, bakas sa mukha ang pagod at inis.

"Bakit ang tagal mong magbukas?" bulyaw nito.

Nanigas si Olivia, mabilis ang tibok ng puso.

Kinabahan siya… paano kung may mapansin ito?

Paano kung malaman ng asawa niya?

"P-Pasensya na, babe..."

"Ready na ba ang lahat? Huwag mo akong ipapahiya. Importante ito," matalas na banta ni Jasper.

Napalunok si Olivia. "Ang boss mo... nandiyan na siya sa loob."

Natigilan si Jasper. "...Ano?"

Gulat at hindi makapaniwala ang rumehistro sa mukha ng lalaki habang nakatingin sa loob ng bahay.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Huwag Po, Sir! Baka Mahuli Tayo   CHAPTER 50

    [Olivia]: Okay, hihintayin ko. Bilisan mo ha!Pinindot ni Olivia ang send at nagdagdag ng sunod-sunod na smiley emojis. Ngunit sa likod ng katuwaang iyon, mabilis ang tibok ng kanyang puso. Desperado na siyang malaman ang katotohanan.[Febi]: On it. Maghahanap na ako ng masasagap! Napangiti si Olivia sa reply. Napaisip siya kung ano ang magiging reaksyon ni Febi kung malaman nito ang totoo, na siya ang asawa ng mismong lalaking iniimbestigahan nito ngayon. Sinubukan niyang sabihin sa sarili na wala siyang pakialam, pero sa mata ng batas, si Jasper pa rin ang kanyang asawa. Nag-alangan ang kanyang hinlalaki sa screen bago niya tuluyang pinindot ang 'unblock' sa contact nito. Sa kanyang pagkadismaya, wala siyang nakita. Walang text message, walang missed calls, walang notifications.“Ganoon lang pala ako kawalang-kwenta sa kanya,” bulong ni Olivia sa sarili. “Bnlock ko siya para magparamdam siya, pero hindi man lang niya napansing wala ako.” Isang bugso ng kawalan ng halaga ang buma

  • Huwag Po, Sir! Baka Mahuli Tayo   CHAPTER 49

    “Nanghihinayang ako na ngayon lang kita nakilala, Ms. Venice,” sabi ni Olivia, sinalubong ang tingin ng matandang babae.Kumunot ang noo ni Venice, nabigla. “At bakit naman?”“Dahil napaka-attentive mo. Pati ang sarili kong katawan ay hindi nakakaligtas sa paningin mo. O baka naman may gusto kang makita na higit pa dito?” tanong ni Olivia, habang ang kanyang mga daliri ay lumapit sa unang butones ng kanyang blouse.Ang kanyang isipan ay tila bagyo ng frustration. Ang makorner nang ganito ay hindi nagparamdam sa kanya na magtago; lalo siyang naging mapusok na wasakin ang buong sitwasyon. Kung gusto ni Venice ng palabas, handa si Olivia na bigyan siya nito.“Gusto mo bang makita, Ms. Venice?” muling tanong ni Olivia, habang ang kanyang daliri ay nakatapat na sa pangalawang butones.Click.Bumukas ang pinto, at pumasok si Heath sa silid. Natigilan siya, ang kanyang mga mata ay pabalik-balik sa gulat na mukha ni Venice at sa blouse ni Olivia na bahagyang nakabukas.“What exactly is going o

  • Huwag Po, Sir! Baka Mahuli Tayo   CHAPTER 48

    "Mapait pa rin?" tanong ni Heath, bahagyang pinuputol ang halik para lamang makapagsalita. Ang kanyang tingin ay napako sa babae, puno ng isang mabigat at tapat na pagmamahal."Mapait pa," sagot ni Olivia, ang boses ay maliit at puno ng pangangailangan.Kay Heath lang niya hinahayaan ang sarili na maging mahina. Kay Jasper? Hindi niya mapangahasan. Si Jasper ay lantad sa paghamak sa kanya, sinasabing spoiled siyang babae at kinamumuhian iyon sa kanya. Pero ang totoo, mas spoiled pa nga si Ava kaysa sa kanya. Siguro dahil ito ang kabit, ang drama ng sitwasyon ay nagbibigay kay Jasper ng adrenaline rush. Kay Olivia, wala nang kahit anong challenge; nagsawa na ang lalaki sa stability na mayroon sila.Muling pinagtagpo ni Heath ang kanilang mga labi. Alam niyang hindi lang lambing ang hinihingi ni Olivia; naghahanap ito ng patunay na mahalaga pa rin siya sa isang tao.Matapos ang mahabang sandali, humiwalay si Olivia sa halik at muling isinubsob ang mukha sa dibdib ng lalaki."Huwag mo na

  • Huwag Po, Sir! Baka Mahuli Tayo   CHAPTER 47

    “That’s the same as selling her,” wika ni Heath, ang boses ay gipit habang pinipilit na pigilan ang kanyang emosyon.“Hindi. Ginagamit ko lang ang pera nang pansamantala. Babayaran ko din naman iyon. Siguro, Mr. Madrigal, hindi mo pa po alam na ang marriage ay teamwork, maging ang pagma-manage ng household. Pasensya na po, Sir, pero huwag po kayong masyadong makialam sa personal na buhay naming mag-asawa,” sagot ni Jasper.Halatang naiinis siya na nagkomento si Heath tungkol sa perang kinuha niya kay Olivia. Napahiya siya, dahil alam niyang si Heath ay laging may front-row seat sa kanilang mga problemang pinansyal.“I’m not interfering in your 'business.' It’s your household, yes, pero kapag nakaapekto na ito sa performance ni Olivia, nagiging negosyo ko na ito. Nawawalan siya ng sigla kung kailan naman tambak ang trabaho natin, at ako ang nalulugi,” ganti ni Heath.“Eh 'di sabihan niyo siya na mag-resign,” singhal ni Jasper.Ipinikit ni Heath ang kanyang mga mata, napagtantong ginagaw

  • Huwag Po, Sir! Baka Mahuli Tayo   CHAPTER 46

    “Kinuha ni Jasper?” mahinang tanong ni Heath, ang boses ay naging malalim at mapanganib.Si Olivia, na patuloy sa paghikbi, ay tumango na lamang.“When? We’ve been here since Monday.”“Sa tingin ko bago pa tayo umalis. Hindi ako gumamit ng ATM kahit minsan simula nang dumating tayo; ikaw ang nagbayad sa lahat,” sagot ni Olivia sa gitna ng kanyang mga luha. Hinawakan niya ang kanyang sumasakit na ulo. Hindi niya maintindihan kung paano ito nagawa ng kanyang asawa, o baka naman siya ang naging masyadong bulag para hindi mapansin.Bago sila ikinasal, may malaking halaga ng savings si Olivia. Ngayon, lahat iyon ay wala na. Inunti-unti iyon ni Jasper… sinasabing temporary loan para tulungan ang ina nito… para pambili nito, pambayad niyan.Lagi niyang sinasabi sa sarili na kasama lang iyon ng buhay-mag-asawa; pinalalampas niya dahil naniniwala siyang si Jasper pa rin ang may pananagutan sa kanya. Pero ngayon, ang katotohanan ay hindi na maikakaila. Dalawang buwan nang ninanakaw ni Jasper an

  • Huwag Po, Sir! Baka Mahuli Tayo   CHAPTER 45

    “Ano bang gusto mong subukan? Huwag kang weird, Heath…” pagmamaktol ni Olivia, bagaman walang bagsik ang kanyang boses.Tumawa si Heath, ang mga mata ay puno ng kapilyuhan. “Sigurado ka bang hindi mo alam? Lalo na’t halatang nagugustuhan mo?”“Nagugustuhan ang alin?”“Ito. You’re soaking wet,” biro ni Heath, habang ipinapakita ang kanyang kamay.Namula ang mukha ni Olivia na parang hinog na kamatis. Tumagilid siya, ang mga labi ay napanguso sa inis.“Don’t look at me like that,” ani Heath, habang kumukuha ng tissue para punasan ang kanyang mga daliri.“Bakit hindi?”“Because if you keep making that face, I won't be able to stop, and we actually have to finish this drive.” Tinapik ni Olivia ang balikat ni Heath, isang pabirong hampas na walang bigat.“Ouch,” biro ni Heath, hawak ang kanyang braso na para bang nasasaktan talaga siya.“Oh! Nasaktan ba talaga kita?” tanong ni Olivia, ang inis ay agad na napalitan ng taranta.Tumawa si Heath at inabot ang kanyang ilong para pabirong pisi

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status