로그인MEGAN
Hindi ko alam kung bakit pinapatawag kami ni Rica ng manager namin. Napaisip tuloy ako baka may nagawa kaming pagkakamali, pero kampante naman ako na maayos naming nagampanan ang trabaho namin sa opisina.
“Good morning Ma’am,” sabay naming bati nang makapasok kami sa office niya. “Uhm, pinapatawag niyo raw po kami, Ma’am.”
Umiikot siya sa swivel chair at humarap sa amin. Palangiti naman si Mrs. Santos but this time, ba’t parang ang seryoso niya. Then she handed to us a piece of paper. There it reads, TRANSFER OF WORK ASSIGNMENT. Binasa ko ang laman nu’n bago ko ibinigay kay Rica.
“Ibig sabihin po Ma’am, malilipat kami sa main branch effective today po?”
“Yes, Miss Castillo. The CEO himself ordered the two of you to be transferred to the main branch. At wala tayong magagawa dahil utos ‘yon ng big boss natin.”
Nagkatinginan kaming dalawa ni Rica. I know like me, napamahal na rin sa kanya ang lugar na ito. Pero ‘yon na nga, kapag utos ng nakatataaas, you have nothing to do but to obey.
“So sino po ang papalit sa amin dito Ma’am?”
“I don’t have an idea kung sino naman ang mailipat dito, from other branch. You know, nakakalungkot kasi mas gusto ko kayong dalawa. Pero paano, goodluck nalang. Siguro magkikita pa naman tayo.”
Para naman akong maiyak sa sinabi na ‘yon ni Mrs. Santos lalo na nang yakapin niya kaming dalawa ni Rica. Pero gano’n talaga ang buhay, nothing is permanent.
********
Mabilis na lumipas ang mga oras hanggang sa tuluyan kaming makarating sa main branch ng Sterling Crown Company sa Makati.
“Ang laki pala talaga rito, girl, noh?” komento ni Rica habang sabay kaming naglalakad sa mahabang hallway papunta sa elevator.
“Parang ibang mundo,” natatawang sagot ko habang palinga-linga sa paligid.
Pagdating namin sa HR department, agad kaming binigyan ng instructions tungkol sa bago naming assignments at itinuro ang opisina namin. Lahat ay nakakapanibago, pero kailangan talaga naming mag-adjust.
Wala pa yata akong kalahating oras sa pagkakaupo sa office cubicle ko nang biglang tumunog ang intercom.
“Ms. Castillo, you’re being called to the CEO’s office.”
Napakunot-noo ako.
“CEO?”
“Yes, ma’am. He’s waiting for you.”
Nagtaka ako. Bakit ako lang ang pinapatawag at hindi kaming dalawa ni Rica, gayong sabay naman kaming lumipat dito?
Anyway, wala naman akong karapatang magreklamo. Empleyado lang ako rito.
Habang naglalakad ako papunta sa opisina ng CEO, hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Ilang beses ko nang nakita si Don Rodrigo Sterling nang magpunta ito sa Quezon branch. Hindi naman ito iyong tipong boss na katatakutan. Mabait at approachable pa nga. Pero ngayon, bakit ako kinakabahan?
Nang makarating ako sa tapat ng executive office, agad akong kumatok.
“Yes, come in.”
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang baritonong boses mula sa loob. That voice sounds familiar na para bang narinig ko na ‘yon many times.
Nang bumukas ang p***o, para akong binuhusan ng malamig na tubig nang bumungad sa paningin ko ang lalaking nakaupo sa executive desk. ‘Yong taong ayaw ko sanang makita pero narito ngayon sa harapan ko.
“Brix?”
Bahagya siyang ngumiti habang dahan-dahang inilapag ang hawak niyang dokumento.
“Yes, it’s me Megan. Nice to see you again!”
Ilang beses akong napakurap just to make sure na hindi ako namalik-mata.
“O bakit?” nakangiti niyang tanong na parang nag-eenjoy sa pagkabigla ko. “Hindi mo inaasahang makikita ako rito?”
“Ikaw ang bagong CEO?”
Tumayo siya mula sa kanyang upuan at diretsong tumingin sa akin. “Yes.”
“Pero… akala ko si Mr. Rodrigo Sterling pa rin ang CEO. Wala naman kasing pasabi na magbibitiw na siya at iba na ang mamamahala ng kumpanya.”
A faint smile appeared on his lips. “Matanda na si Lolo, kaya hindi na niya kayang pamahalaan ang kumpanya.”
Nabigla ako sa aking narinig. Hindi ko akalain na ang gagong ‘to pala ang apo ni Don Rodrigo at bagong CEO ng pinakamalaking kumpanya sa buong bansa.
At doon ko rin unang napansin ang buong pangalan na nakasulat sa nameplate sa ibabaw ng office desk niya.
BRIX STERLING DE SILVA.
Sterling. Middle name niya pala iyon.
“Na-surprise ka ba? Like what I told you, magkikita pa rin tayo.” Muli siyang ngumiti na parang may ibig sabihin.
“So kaya mo ako pinalipat dito? For your personal interest?”
“Hindi naman. But let’s say 70% personal interest, 30% work-related matters.”
Muli na naman niya akong tinitigan, yong klase ng tinging nakakatunaw. Maybe it’s his best asset kaya maraming nababaliw sa kanya.
“Hey, h’wag mo akong tingnan like you want me to kiss you, at hindi kita tatanggihan.”
“Brix, p’wede ba kung wala ka ng ibang sasabihin, lalabas na ako.”
Tumayo ako at akmang pipihitin ang doorknob nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Isinandal niya ako sa pader malapit sa may pintuan “Brix, ano bang ginagawa mo? Nasa opisina tayo.”
“Alam mo bang nami-miss na kita, Megan? Like I wanted to kiss you and fvck you right now.”
Biglang nanginig ang tuhod ko sa sinabi niya. Paano kung maulit na naman ‘yong gabing may nangyari sa amin?
“Brix, please let me go...”
My voice cracked like any moment tutulo ang luha ko. Natatakot ako na baka matangay na naman ako sa karisma niya at maipagkaloob ko ulit ang sarili ko sa kanya.
Mariin siyang tumitig sa akin, bago niya ako masuyong hinalikan sa noo. “Okay you can go now. By the way, may CEO Welcome Gala tonight. Make sure to attend.”
Marahang tango lang ang itinugon ko habang nakayuko ang ulo. Ayaw ko siyang tingnan at baka mahypnotized na naman ako sa mga titig niya. Jusko.
“But wait, let me remind you Megan.” Muli niyang wika saka masuyong inangat ang baba ko kaya ‘di ko maiwasang mapatingin sa kanya. “You’re mine. At tungkol doon sa sinabi mong boyfriend, you better end things with him, at baka hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.”
Hindi agad ako nakasagot. Para akong natulala sa sinabi niya. “Brix, you can’t tell me what to do.”
“I’m not telling you, Megan. I’m warning you.”
Mariin akong napalunok. “Wala kang karapatang makialam sa buhay ko.”
“Maybe I don’t.” Lumapit siya nang kaunti, dahilan para lalo akong kabahan. “But you should know me well enough by now to know that I don’t like sharing what I consider mine.”
“Hindi ako pag-aari ninuman.”
Saglit siyang natahimik. Tinitigan niya ako na para bang pinag-aaralan ang bawat ekspresyon sa mukha ko.
“Then prove it.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Stay away from me, if you can. Pero tandaan mo, Megan. The more you try to stay away from me, the harder I’ll make it for you.”
Hindi na ako naghintay pa ng ano pamang sasabihin niya. Mabilis akong lumabas ng opisina at isinara ang p***o sa likuran ko.
Pero kahit nakalayo na ako, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi niya. Naisip ko rin parang may kakaiba sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. There’s something behind his stare na hindi ko pa matukoy kung ano. Pero parang nakikita ko ang galit at poot sa mga mata niya.
MEGAN"Ano ba kasi ang nangyari kagabi Mira? Bakit sinumpong na naman si Nanay?" Seryoso kong tanong sa kapatid ko nang magkasarilinan kami sa labas ng hospital room. Salamat at nakatulog na si Nanay after maturukan ng pampakalma. Akala ko kagabi pag-uwi ko magiging okay na siya, pero bigla na namang nagwawala kaninang madaling araw. Kaya nagdesisyon na ako na dalhin siya rito sa ospital."Sabi po ni Cheche—"Ang tinutukoy niya ay ang sinus'welduhan kong magbabantay kay Nanay kapag may trabaho ako at may pasok si Mira sa school."Naglilnis lang naman daw si Nanay kahapon sa lumang cabinet at nakita daw yong picture ng babae na 'yon kaya siya nagwala at iyak ng iyak."My heart felt heavy for my mother. Ilang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin nawala sa isip niya ang masakit na pangyayaring 'yon.I was still eleven that time and Mira was eight nang iwan kami ni Tatay."Alam mong hindi kita mahal, Aurora. Wala akong ibang babaeng minahal kundi si Mercedez lang."Sariwa pa sa isipan
BRIXInis na inis ako habang nakatingin kay Megan na masayang nakikipag-usap kay Jake. Kahit gaano ko kontrolin ang sarili ko, I really couldn't help myself from getting jealous. Shit! Bakit ba ako nagkakaganito sa isang babae? At sa anak pa talaga ng taong kinamumuhian ko? Tsk. Totally absurd!"Hoy, okay ka lang ba?" bulong sa akin ni Carla. "I guess, you're out of your mind. Nakakahiya sa ibang mga executives."Bigla akong natauhan sa sinabi niya kaya agad kong ibinaling ang atensyon sa mga kausap ko. "Uhm, sorry gentlemen for not paying attention. Pagod lang siguro ako.""We understand, Mr. de Silva. Maybe, masyado mo lang iniisip ang responsibility mo as the new CEO of the company."Nagkatawanan ang lahat. Napangiti na rin ako sa sinabi nila. Hindi ko naman iniisip 'yon because I believe I can handle my responsibilities as CEO. Bago ko pa tinanggap ang posisyon, inihanda ko na ang sarili ko sa pressure, expectation at problema na maaring kakaharapin ng kumpanya. But tonight, none
MEGANNang makabalik na ako sa mesa namin, saka palang medyo kumalma ang tibok ng aking puso. Akala ko katapusan ko na. Isa talagang malaking kahihiyan kung naabutan ako ng mga empleyado sa loob ng men's room na kasama si Brix.Gago talaga 'yong lalaking 'yon! At ginamit pa talaga ang sitwasyon para maamin ko sa kanya na nagseselos ako kay Carla. Pucha. Yon pala, wala namang sense ang pagseselos ko, dahil pinsan lang pala niya 'yon. Pero honestly, para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib, knowing na hindi niya babae si Carla.Napailing ako habang umiinom ng tubig, hoping it would somehow calm the heat creeping up my face. I saw Rica from a distance, talking to some of the female employees. Kahit saan naman mabilis lang itong nakakahanap ng bagong kaibigan. Kaya hahayaan ko na lang muna siya para ma-enjoy naman niya ang moment sa pakikipagdaldalan sa iba kaysa naman tinutukso niya ako kay Brix."Hi."Kaagad akong napalingon sa taong nagsasalita sa likuran. "Jake, ikaw pala." Muli n
BRIXFor a few seconds, nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang pinakiramdaman ang papalayong mga yabag."Nagseselos ako."Those words kept replaying inside my head.She actually admitted it. Megan was jealous of Carla. And for some damn reason, I couldn't stop from smiling.“Anong nginiti-ngiti mo dyan?" Aniya at pilit na kumawala sa pagkakakulong niya sa mga bisig ko."You really said it," I murmured.Napairap siya. "Oo na. Sinabi ko na. Happy?" She raised her eyebrow. "As if naman may choice ako, kung hindi nga lang ako natakot na makita nila ako rito, hindi ko sasabihin 'yon.""Whatever. Basta ang mahalaga nasabi mo na. And I knew you're telling the truth."Muli siyang napairap, pero hindi ko na lang iyon pinansin. A small smile crept across my lips. Kanina lang, halos mabaliw ako sa selos nang makita ko siyang sumasayaw kasama si Jake. I couldn't stand the way that man looked at her, let alone the way he held her close.Pero ngayon? After she said she was jealous of Carla,
MEGANBigla akong kinabahan sa posibilidad na si Brix nga ang nagpatigil ng music sa dance floor. But why would he do that? Jusko. Mas lalo kumabog ng malakas ang puso ko nang maalala kung paano niya ako tiningnan kanina habang kasayaw ko si Jake. Gago talaga. Ano bang pakialam niya? Eh siya naman itong sweet habang kasayaw ang isa sa mga babae niya."Hoy, sino naman 'yon ha?" tanong sa akin ni Rica nang makabalik na ako sa table namin. "Kumuha ka lang naman ng maiinom kanina, pero the next time I saw you, you were already in the dance floor with that handsome young man!""Si Jake Fernandez 'yon, bago kong kakilala. He is the Marketing Manager here.""Wow. Manager pala! Hanep talaga. Puro mga bigatin ang nagkakainteres sa 'yo, girl. Iba na talaga 'pag maganda." Panunukso na naman ni Rica. "Pero, lagot ka!"Bahagya akong napakunot-noo sa tinuran niya. "Bakit?""Alam mo bang hindi maipinta ang mukha ni Sir Brix, nang makita niyang nakipagsayaw ka sa Jake na 'yon? I'm sure he was jealous
MEGANMedyo napahiya ako sa iniisip ko. How could I thought that Mercedez Sterling de Silva was my father's second woman? Jusko. Hindi na ako nakapag-isip ng tama. Mayaman si Mercedez, paano niya papatulan ang isang mahirap na lalaki na tulad ng tatay ko? Tama si Brix. Marahil magkamukha lang ang Mommy niya at ang babaeng sumira sa pamilya namin. "Hoy, girl. Are you okay?" Rica suddenly snapped me back to reality. "Parang wala ka sa sarili mo." "Ha?" Napakurap ako at agad na natauhan. Kanina pa ako nakabalik sa bulwagan, pero hindi ko naman napapansin ang mga nangyayari dahil kung saan-saan lumilipad ang isip ko. "What are you thinking about?" Muling kumislap ang mga mata niya. Parang alam ko na ang kasunod nito."Hmm, si Sir Brix ba?"Sabi ko na nga ba eh. Tutuksuhin na naman ako neto. "Bakit lagi mo na lang siyang isinasama sa usapan ha?" Pairap kong sabi at bahagya ko pang itinaas ang isa kong kilay. Ngumisi lang siya, halatang nag-eenjoy sa panunukso niya sa akin. "Hmm. Kunwari







