Share

Kabanata 2

last update publish date: 2026-11-06 04:39:17

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari na nakabalik ako sa nakaraan. My best friend is alive and now, kahit si mommy ay buhay pa.

Jane died dahil pinatay siya ng boyfriend niya habang nasa camping sila and si mommy, she died 3 years from now dahil sa breast cancer. At no’ng nawala siya, sumunod rin si daddy na inatake sa puso dahil hindi nakayanan ang pagkawala ng mommy.

Now that I’ve been given a second chance, wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi iligtas sila at balikan yung mga taong nakagawa sakin ng kasalanan.

Si Dickson, Mira, yung dalawang lalaking bumaboy sakin at pati na si Zariya—ang isa sa kaibigan ko na naging kabit ni Dickson.

“Pamela, your dad is here! Bumaba ka na for dinner.”

Agad akong lumabas ng kwarto ko at naabutan ko siyang nakatayo pala sa harap ng p***o.

“Mom…” I hugged her again at hindi ko na alam kung ilang beses ko na siyang nayakap sa pagkakataong ito.

“Ano bang nangyayari sayo, anak? Hindi ka naman ganto dati. Bakit nagiging malambing ka bigla?” natatawang sabi niya habang marahang hinahaplos ang likuran ko.

“Mommy, pwedeng magtanong? Wala po bang masakit sa inyo?”

Kumunot ang noo niya. “Anong ibig mong sabihin?”

“Baka may masakit po sayo? Like yung bo0bs mo. Sumasakit ba ang bo0bs mo? May nakakapa ka bang bukol diyan?”

Napawi ang ngiti niya at nagtaka. “Teka, paano mo nalaman? May nakapa nga akong bukol dito sa kaliwang bahagi pero baka mawawala rin to.”

Agad akong umiling. Unang sign na yan.

“Mom, magpa-check up ka bukas ah? Sasamahan kita sa hospital.”

“Naku anak, mawawala rin naman to saka isa pa, kailangan natin ng pera kasi ang lola mo e nagda-dialysis.”

Nakagat ko nang mariin ang labi ko. Mauuna pa siya kay lola mawawala.

“Mom… please…”

“Anong nangyayari dito?” sabay kaming napalingon nang may nagsalita sa likuran namin. Si daddy na galing pa sa trabaho.

Isang game analyst si daddy sa isang Game Tech Company pero kahit na malaki ang sinasahod niya, hindi pa rin umaangat ang buhay namin dahil mahal ang gastusin namin kay lola.

“Hay naku Sebastian. Itong anak mo, masyado yatang maaalahanin ngayon.”

“Dad, kumbinsihin mo naman si mommy. May bukol na sa dibdib niya tapos ayaw niya ipatingin sa doctor.”

Nagulat si daddy at agad na napatingin kay mommy.

“Meron Alvira?”

“Isa ka pa. Wala lang to, mawawala rin to.”

“Hindi pwede… bukas na bukas kailangan natin yang ipa-check sa doctor.”

“Sebastian naman, alam mong kailangan natin ng pera.”

“Pero mas kailangan ka namin ng anak mo. Hindi bale nang wala na tayong pera basta masiguro ko lang na ligtas kayo ni Pam.”

Lihim akong nagpapasalamat kay dad. Kung ako lang, malabo ko talagang makukumbinsi to si mommy.

“Sige na nga para sa ikakapanatag niyo. Pero hindi ka pwedeng umabsent bukas Sebastian, may meeting ka bukas.”

“Sasamahan kita!”

“Ako na dad!” Presinta ko “Ako na ang sasama kay mommy bukas sa hospital.”

Nagdadalawang isip pa si daddy no’ng una pero kalaunan ay pumayag rin ito.

Kaya no’ng kinaumagahan, nagpunta na kami ni mommy sa hospital. At gaya nga nang inaasahan ko, nakitaan ng cancer cells si mommy sa bo0bs niya.

“Don’t worry dahil pwede pa itong maagapan dahil nasa early stage pa lang. Bago pa kumalat ang cancer cells sa katawan, kailangan na nating magsagawa ng surgery.” Sabi ng doctor.

Alam ko ang takot at kaba ni mommy nang marinig niyang may breast cancer siya but I assured her na magiging maayos ang lahat.

Habang naghihintay kami ng hard copy sa results ng biopsy niya, nagpaalam muna ako saglit para mag CR. Habang naglalakad ako sa hallway, hindi sinasadyang may makabanggaan akong lalaki.

Nanlaki ang mata ko nang mapamilyaran ko agad ito…

Zamrick?

“I’m sorry miss…” sabi niya at nagmamadaling umalis.

Tatawagin ko na sana siya pero naalala ko na hindi pa pala kami magkakilala sa timeline na ito.

Nagbago ang isipan ko, imbes pupunta ako ng CR, mas pinili kong sundan siya. Sa pagsunod ko sa kaniya, doon ko nakita si Mira.

Lahat nang sakit na pandalian kong nakalimutan dahil sa tuwa nang makita ko ulit si Jane at mga magulang ko ay bumalik.

Yung galit, puot at pangungulila ay nagsibagsakan sa utak ko nang maalala ang hirap na pinagdaanan ko sa kamay ni Mira at ng kapatid niya.

At ang mas masakit doon, si Alee, ang anak ko…

Kumuyom ang kamao ko sa galit habang nanlilisik ang matang nakatingin kay Mira. Galit na galit ako na umaakto siyang parang hindi makabasag pinggan.

Galit na galit ako na swerte siya sa buhay niya.

Bakit siya pa ang pinagpapala kahit na ang hasol ng ugali niya?

“Miss, kayo po ba ang candidate for surrogacy?” agad akong napatingin sa tabi ko nang may biglang lumapit sakin.

Isang nurse.

Nang tignan ko pabalik sina Mira at Zamrick, sa akin na rin pala sila nakatingin. Agad na lumapit si Mira sakin at hinawakan ang kamay ko habang umiiyak. Si Zamrick naman ay nasa likuran at taimtim na nakatitig sakin.

“Ikaw ba si Ayiesha? Nagbago na ba ang isipan mo?” tanong ni Mira. “Thank you, Ayiesha… thank you.” Sabi niya at hinila na ako ng nurse para i-check kung compatible ba ako na magdala sa anak no’ng dalawa.

“Ang bata mo pa ma’am, sigurado po ba kayo na may anak na kayo?” tanong ng nurse sakin.

“Bakit po? Kailangan ba na may anak muna ang babae bago maging surrogate mother?”

Tumango ang nurse. “Oo. Kailangan na naka-experience muna ng isang healthy pregnancy ang isang babae bago siya maging surrogate mother sa isang mag-asawa.”

Hindi ko alam kung pasok ako dito. Sa timeline na ito, intact pa ang hymen ko. Wala pa akong anak.

“So may anak na po kayo?”

Pero hindi ko kayang itanggi si Alee kaya tumango pa rin ako sa tanong ng nurse.

“Yes po…”

Kahit anong timeline naroon ako, si Alee ay anak ko.

“Sige… check lang po natin mommy ah para makasigurado. Kasi ang bata niyo pa po e,” natatawang sabi niya at agad na tinawag ang isang doctor.

Pinapanalangin ko na sana pwede ako. Gusto ko maging surrogate mother nila dahil ito lang ang tanging paraan ko para makaganti kay Mira. Nawala sa akin ang anak ko kaya anak rin ang kukunin ko sa kaniya.

When the results came out, it turned out that I’m positive na dumaan nga ako sa isang healthy pregnancy.

“Hahahaha!” hindi ko napigilang humalakhak. Nanginginig pa ang kamay at buong katawan ko sa tuwa at sabik sa susunod na magiging hakbang ko.

Mira… Dickson… humanda kayong lahat!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Came Back And Became The Enemy's Surrogate Mother   Kabanata 4

    Naging matagumpay ang implantation. After 2 weeks, agad akong isinilalim sa beta-hCG blood test to confirm kung talagang buntis na ba ako and when the result came out at lumabas na talagang nagdadalang tao na ako, unang una kong nasilayan ang tuwa sa mukha ni Zamrick.“Thank you, Pam… thank you so much for carrying our baby.” Ang sabi niya habang si Mira sa tabi e hindi alam kung ngingiti o ano.Now, we just need to wait 4 weeks para bumalik sa OB-Gyne para sa unang transvaginal ultrasound.Nang makauwi kami sa bahay, nakaalalay sakin si Zamrick. Hawak niya ang kamay ko habang tinutulungan akong makababa sa sasakyan. Kahit ako ay nagulat.Tumingin ako kay Mira at kitang kita ang pagsiselos sa mata niya.“You have to be careful, Pam.”Kung ituring niya ako ay para bang isa akong babasaging bagay. Pero hindi ako nagri-reklamo lalo na kung nakikita ko nang malinaw ang mukha ni Mira na hindi na maipinta.Sa sala, sinalubong kami ng mga maids. Agad nila akong binati sa pagdadalang tao ko.

  • I Came Back And Became The Enemy's Surrogate Mother   Kabanata 3

    “These are our conditions,” ito ang sabi ng lawyer ni Zamrick. Nasa bahay nila ako, ang dating bahay na pinuntahan ko para lang makahingi ng tulong para sa anak ko.“During pregnancy, dapat tumira ka malapit sa mga Wilkins so they can visit you whenever they want. They will provide you a house, sagot rin nila ang lahat expenses mo at iba pang mga gastusin. Matapos mo maipanganak ang baby, hindi ka pa rin nila pababayaan hanggang sa masiguro nilang okay ka na. And this is the money you can get after childbirth.”Kumuyom ang kamao ko sa ilalim ng mesa habang nakatingin sa ilang 0 doon sa kontrata. Ang dami nilang pera pero noong nanghiram ako ng isang daan, hindi ako binigyan ni Mira.“Sure. But before I sign it, may kondisyon rin ako.” Ang sabi ko na nagpatigil sa mag-asawa.“What is it?” si Zamrick ang nagsalita. Napatingin ako sa kaniya at bahagyang natigilan.Kanina ko pa nararamdaman ang mga taimtim na pagtitig niya sakin kaya pinipilit kong iwasan na tignan siya sa mga mata. Wala

  • I Came Back And Became The Enemy's Surrogate Mother   Kabanata 2

    Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari na nakabalik ako sa nakaraan. My best friend is alive and now, kahit si mommy ay buhay pa.Jane died dahil pinatay siya ng boyfriend niya habang nasa camping sila and si mommy, she died 3 years from now dahil sa breast cancer. At no’ng nawala siya, sumunod rin si daddy na inatake sa puso dahil hindi nakayanan ang pagkawala ng mommy.Now that I’ve been given a second chance, wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi iligtas sila at balikan yung mga taong nakagawa sakin ng kasalanan.Si Dickson, Mira, yung dalawang lalaking bumaboy sakin at pati na si Zariya—ang isa sa kaibigan ko na naging kabit ni Dickson.“Pamela, your dad is here! Bumaba ka na for dinner.”Agad akong lumabas ng kwarto ko at naabutan ko siyang nakatayo pala sa harap ng pinto.“Mom…” I hugged her again at hindi ko na alam kung ilang beses ko na siyang nayakap sa pagkakataong ito.“Ano bang nangyayari sayo, anak? Hindi ka naman ganto dati. Bakit nagiging malambing ka bigla?

  • I Came Back And Became The Enemy's Surrogate Mother   Kabanata 1

    “Ate, pakiusap… maawa ka sa pamangkin mo!” Paki-usap ko kay Mira, ang sister-in-law ko na tulungan niya kami ng anak ko.Bumabagyo at inaapoy pa ng lagnat ang anak ko.Binenta ng asawa ko ang bahay namin at kinuha ang lahat ng savings namin dahil sumama na siya sa kabit niya. Pinalayas kami kanina no’ng nakabili ng bahay at hindi ko alam saan kami pupunta.“Ateeee Mira! Pagbuksan niyo naman kami ng pinto. Kailangan namin ng tulong, ate!”Pinagbuksan niya kami at akala ko papapasukin niya na kami, pero nagkamali ako. Isang sampal ang tinamo ko mula sa kaniya na halos ikabali ng leeg ko.Masakit… sobrang sakit pero kaya kong tiisin basta lang huwag niya kaming paalisin ng baby ko.“Hindi ka ba makaintindi? Sinabi ng ayoko!”“Pero ate, si Alee may sakit. Wala na kaming matutuluyan ngayon dahil binenta na ni Dickson ang bahay.”“Hindi kayo welcome dito at wala akong pakialam kung mamatay kayo mag-ina. Iniwan nga kayo ng kapatid ko, sa tingin mo may pakialam ako sa inyo?”“Pero ate, pamang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status