Share

Kabanata 3

last update publish date: 2026-11-06 09:56:50

“These are our conditions,” ito ang sabi ng lawyer ni Zamrick. Nasa bahay nila ako, ang dating bahay na pinuntahan ko para lang makahingi ng tulong para sa anak ko.

“During pregnancy, dapat tumira ka malapit sa mga Wilkins so they can visit you whenever they want. They will provide you a house, sagot rin nila ang lahat expenses mo at iba pang mga gastusin. Matapos mo maipanganak ang baby, hindi ka pa rin nila pababayaan hanggang sa masiguro nilang okay ka na. And this is the money you can get after childbirth.”

Kumuyom ang kamao ko sa ilalim ng mesa habang nakatingin sa ilang 0 doon sa kontrata. Ang dami nilang pera pero noong nanghiram ako ng isang daan, hindi ako binigyan ni Mira.

“Sure. But before I sign it, may kondisyon rin ako.” Ang sabi ko na nagpatigil sa mag-asawa.

“What is it?” si Zamrick ang nagsalita. Napatingin ako sa kaniya at bahagyang natigilan.

Kanina ko pa nararamdaman ang mga taimtim na pagtitig niya sakin kaya pinipilit kong iwasan na tignan siya sa mga mata. Wala akong galit sa kaniya. Kay Mira lang.

Pero madadamay siya dito dahil anak pa rin niya ito.

“Kung gusto niyong nasa malapit lang ako habang dinadala ko ang baby niyo, then ayoko tumira sa ibang bahay. Gusto kong tumira dito kasama niyo mag-asawa.”

Agad na nanlaki ang mata ni Mira at agad niyang binagsak ang dalawang kamay niya sa mesa.

“NO!”

Lihim akong napangiti nang mabigla siya sa naging reaction niya. Alam kong bait-baitan siya pag nasa tabi niya ang asawa niya dahil sobra niyang mahal si Zamrick.

Kung kaya pilit nitong tinatago ang kasamaan ng ugali niya pero mukhang hindi niya ata napigilan ngayon.

Ayaw niyang may ibang babaeng lumalapit sa asawa niya. Paano pa kaya kung may ibang babae silang papatirahin dito sa bahay nila.

“I mean, hindi mo naman kailangan na tumira dito. We bought the house next to us, pwede ka doon.” Aniya at bumalik na iyong malambing niyang boses.

Tumaas ang sulok ng labi ko. Why would I? I think it’s exciting kung pati pagsasama nila mag-asawa ay sisirain ko rin.

“Gusto kong tumira 24/7 kasama niyo dahil baka mamaya may mangyari sa baby, ako ang ipakulong niyo. Gusto ko maniguro.”

“What do you mean may mangyari sa baby?” tanong ni Zamrick habang nakakunot ang noo.

Ngumisi ako. “Kahit na dumaan ako sa isang healthy pregnancy, hindi ibig sabihin no’n e ganoon ang mangyayari sa susunod kong ipagbubuntis. There are possible complications that could happen-" he cut me off.

“Alright. You can use the guest room.”

“Zamrick! No. Bakit ka papayag na tumira siya sa bahay natin?” react ni Mira at pinanlakihan ng mata ang asawa niya.

“She’s right. Pang limang beses na natin itong try, Mira.. We cannot afford to lose the baby this time. If letting her stay close to us to make sure she delivers our baby healthy then so be it. She’ll stay in the guest room.”

Tumingin si Mira sakin, galit na galit. At dahil gusto ko pa siyang idiin, I did a little bit of acting.

Sinubukan kong maluha. “Ayaw niyo po ba ate Mira? Gusto ko lang naman po makasiguro na safe si baby niyo kasi natatakot po ako na baka kapag ako lang ay baka may mangyaring masama sa kaniya. Atleast dito, panatag po ang loob ko. Pangako ko naman po na hindi ako magiging hadlang sa inyo ni kuya Zam.”

Tumingin ako kay Zamrick. His eyes are filled with annoyance habang nakatingin sa asawa niya. Tumayo ito at agad na hinila patayo si Mira.

“We will talk first,” ang sabi niya at umalis sila sa harapan namin ng lawyer nila.

Habang pinagmamasdan ko silang dalawa, hindi ko mapigilang hindi mapangisi. I’ve done the first part of my revenge. Unti-unti pero sisiguraduhin kong mararamdaman ni Mira ang sakit na pinaranas niya sakin.

Maya-maya lang, bumalik na si Zamrick pero si Mira ay hindi na.

“Pumapayag kami sa gusto mo na tumira dito kasama namin.”

Tumango ako at ngumiti at agad na pinirmahan ang kontrata. Tumayo ako at nakipagkamay kay Zamrick. Nang tanggapin niya ang kamay ko, napatitig ako doon.

Sa nakaraang buhay ko, hindi pa kailanman naglapat ang kaming daming dalawa.

“See you next week, Ayiesha.” Sabi niya at iyon ang araw kung saan isasagawa na ang procedure.

Mabilis lumipas ang isang linggo. Nagpaalam na rin ako kay mommy at daddy na aalis muna ako dahil natanggap ako sa isang trabaho. Kampante naman na ako ngayon na iwan sila dahil alam kong matapos lang ang surgery ni mommy e hindi na magiging banta ang cancer sa buhay niya.

Sa hospital, naroon na sina Zamrick at Mira. Hindi gaya noong una, talagang pinapakita na ni Mira ang inis at galit niya sakin. Kung nakamamatay lang ang tingin, baka kanina pa ako nawalan ng hininga.

Habang inaasikaso na ako ng mga nurse, bigla nalang may babaeng dumating.

“Ma’am, sir… pwede ko pa po bang ituloy ang surrogacy?” pagmamakaawa niya.

Kinabahan ako at may ideya na agad sa utak ko na baka siya si Ayiesha. Hindi ko na itinama ang pagkakakilanlan nila sa akin noon dahil natatakot akong umatras sila.

“Who are you?” tanong ni Zamrick.

“Ako po ito… si Ayiesha Cruz.”

Napasinghap ang dalawa… agad na nanlaki ang mata nila at napatingin sa gawi ko. Namumutla na rin ako sa pagkakataong ito at kabado lalo’t hindi ko alam anong mangyayari sakin matapos nito.

“Ayiesha? Kung ganoon, sino ang babaeng to?” tanong ni Mira sabay turo sakin.

Lumapit si Zamrick sakin at agad na hinablot ang kamay ko. Mahigpit sobrang higpit na halos mapadaing ako sa sakit.

“Who are you?”

Nagbaba ako nang tingin.

“My name is Pamela Dantes.”

“What?” namula ang mukha niya sa galit.

“Oh my God! Zam, she’s a scammer! Kailangan natin siyang ipapulis.” Sigaw ni Mira.

Tumingin ako sa mga mata ni Zamrick nang marinig ang salitang pulis.

“Kayo ang lumapit sakin noon at pinagkamalan akong si Ayiesha.”

“Yes pero bakit hindi mo sinabi agad ang totoo?”

Agad kong naisip si mommy. I don’t know if this lie can save me pero bahala na.

“Alam kong may bayad kapag naging surrogate mother ka sa isang mayamang mag-asawa. At sa araw na yun, kailangan ko ng pera. Na-diagnose ang mommy ko na may breast cancer at kailangan namin ng pera for surgery tapos yung lola ko ay nagda-dialysis pa. Kaya no’ng nalaman kong compatible ako para maging surrogate mother niyo, hindi ko sinabi na hindi ako si Ayiesha sa takot na umatras kayo.”

“Liar!” Sigaw ni Mira na pakiramdam ko ay gusto na akong mawala sa landas nila mag-asawa.

“Zam, don’t believe her. She’s a scammer.”

Hindi nakinig si Zamrick sa kaniya. Naglabas ito ng cellphone at may tinawagan.

“Leo, find out kung sino itong si Pamela Dantes, kung totoo bang may breast cancer ang mommy niya at nagda-dialysis ang lola niya… And I want an answer immediately!”

Doon lang niya ako binitawan, yung mga nurse sa tabi e natatakot na dahil kay Zamrick.

“Zam, ano ba? Bakit kailangan mo pang malaman ang tungkol sa mommy niya? Ipakulong na natin siya.” Pangungumbinsi ni Mira.

“Mira, can you please shut your mouth?”

Napahiya si Mira sa harapan naming lahat. Binalingan niya ako nang tingin at kung wala lang ang asawa niya ay baka kanina pa niya ako sinugod.

Makaraan ang ilang minuto, may tumawag ulit kay Zamrick.

Tumingin siya sakin, bumalik na naman iyong kaba ko.

Ipapapulis na ba niya ako?

Tumingin siya sa mga nurse at sinabing, “go on and continue the procedure.”

Nanlaki ang mga mata ko at parang may kung anong nakadagan sa puso ko ang biglang nawala. Now, wala nang makakapigil sa mga plano ko.

Tumingin ako kay Mira and this time, hindi ko na napigilang ngisihan siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Came Back And Became The Enemy's Surrogate Mother   Kabanata 4

    Naging matagumpay ang implantation. After 2 weeks, agad akong isinilalim sa beta-hCG blood test to confirm kung talagang buntis na ba ako and when the result came out at lumabas na talagang nagdadalang tao na ako, unang una kong nasilayan ang tuwa sa mukha ni Zamrick.“Thank you, Pam… thank you so much for carrying our baby.” Ang sabi niya habang si Mira sa tabi e hindi alam kung ngingiti o ano.Now, we just need to wait 4 weeks para bumalik sa OB-Gyne para sa unang transvaginal ultrasound.Nang makauwi kami sa bahay, nakaalalay sakin si Zamrick. Hawak niya ang kamay ko habang tinutulungan akong makababa sa sasakyan. Kahit ako ay nagulat.Tumingin ako kay Mira at kitang kita ang pagsiselos sa mata niya.“You have to be careful, Pam.”Kung ituring niya ako ay para bang isa akong babasaging bagay. Pero hindi ako nagri-reklamo lalo na kung nakikita ko nang malinaw ang mukha ni Mira na hindi na maipinta.Sa sala, sinalubong kami ng mga maids. Agad nila akong binati sa pagdadalang tao ko.

  • I Came Back And Became The Enemy's Surrogate Mother   Kabanata 3

    “These are our conditions,” ito ang sabi ng lawyer ni Zamrick. Nasa bahay nila ako, ang dating bahay na pinuntahan ko para lang makahingi ng tulong para sa anak ko.“During pregnancy, dapat tumira ka malapit sa mga Wilkins so they can visit you whenever they want. They will provide you a house, sagot rin nila ang lahat expenses mo at iba pang mga gastusin. Matapos mo maipanganak ang baby, hindi ka pa rin nila pababayaan hanggang sa masiguro nilang okay ka na. And this is the money you can get after childbirth.”Kumuyom ang kamao ko sa ilalim ng mesa habang nakatingin sa ilang 0 doon sa kontrata. Ang dami nilang pera pero noong nanghiram ako ng isang daan, hindi ako binigyan ni Mira.“Sure. But before I sign it, may kondisyon rin ako.” Ang sabi ko na nagpatigil sa mag-asawa.“What is it?” si Zamrick ang nagsalita. Napatingin ako sa kaniya at bahagyang natigilan.Kanina ko pa nararamdaman ang mga taimtim na pagtitig niya sakin kaya pinipilit kong iwasan na tignan siya sa mga mata. Wala

  • I Came Back And Became The Enemy's Surrogate Mother   Kabanata 2

    Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari na nakabalik ako sa nakaraan. My best friend is alive and now, kahit si mommy ay buhay pa.Jane died dahil pinatay siya ng boyfriend niya habang nasa camping sila and si mommy, she died 3 years from now dahil sa breast cancer. At no’ng nawala siya, sumunod rin si daddy na inatake sa puso dahil hindi nakayanan ang pagkawala ng mommy.Now that I’ve been given a second chance, wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi iligtas sila at balikan yung mga taong nakagawa sakin ng kasalanan.Si Dickson, Mira, yung dalawang lalaking bumaboy sakin at pati na si Zariya—ang isa sa kaibigan ko na naging kabit ni Dickson.“Pamela, your dad is here! Bumaba ka na for dinner.”Agad akong lumabas ng kwarto ko at naabutan ko siyang nakatayo pala sa harap ng pinto.“Mom…” I hugged her again at hindi ko na alam kung ilang beses ko na siyang nayakap sa pagkakataong ito.“Ano bang nangyayari sayo, anak? Hindi ka naman ganto dati. Bakit nagiging malambing ka bigla?

  • I Came Back And Became The Enemy's Surrogate Mother   Kabanata 1

    “Ate, pakiusap… maawa ka sa pamangkin mo!” Paki-usap ko kay Mira, ang sister-in-law ko na tulungan niya kami ng anak ko.Bumabagyo at inaapoy pa ng lagnat ang anak ko.Binenta ng asawa ko ang bahay namin at kinuha ang lahat ng savings namin dahil sumama na siya sa kabit niya. Pinalayas kami kanina no’ng nakabili ng bahay at hindi ko alam saan kami pupunta.“Ateeee Mira! Pagbuksan niyo naman kami ng pinto. Kailangan namin ng tulong, ate!”Pinagbuksan niya kami at akala ko papapasukin niya na kami, pero nagkamali ako. Isang sampal ang tinamo ko mula sa kaniya na halos ikabali ng leeg ko.Masakit… sobrang sakit pero kaya kong tiisin basta lang huwag niya kaming paalisin ng baby ko.“Hindi ka ba makaintindi? Sinabi ng ayoko!”“Pero ate, si Alee may sakit. Wala na kaming matutuluyan ngayon dahil binenta na ni Dickson ang bahay.”“Hindi kayo welcome dito at wala akong pakialam kung mamatay kayo mag-ina. Iniwan nga kayo ng kapatid ko, sa tingin mo may pakialam ako sa inyo?”“Pero ate, pamang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status