بيت / Romance / I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart / Kabanata 5 The Agreement I Won't Sign

مشاركة

Kabanata 5 The Agreement I Won't Sign

مؤلف: Maria Bonifacia
last update تاريخ النشر: 2026-11-09 11:10:42

“Papirmahin mo siya ng kasunduang magbibigay sa'yo ng karapatang magpatuloy sa pamamahala.”

Napahigpit ang hawak ni Alessia Escalante sa hawakan ng hagdan nang marinig ang sinabi ni Monica.

Ganoon din ang ginawa nila sa kanyang unang buhay.

Mula sa itaas ng hagdan, tanaw niya ang bahagi ng sala. Nakatago siya sa likod ng pader upang hindi mapansin nina Rafael at Monica.

“Wala kang dapat ipag-alala,” sagot ng kanyang ama. “Walang interes si Alessia sa negosyo. Mas gusto niyang habulin si Damian kaysa matutong magpatakbo ng kumpanya.”

Masakit marinig iyon mula sa sariling ama.

“Pero nakita mo kung paano siya sumagot kanina,” giit ni Monica. “Binanggit pa niya ang karapatan niya sa kumpanya sa harap ng mga Villacorta.”

“Galit lang iyon dahil hindi siya pinapansin ni Damian.”

“Paano kung seryoso siya?”

“Alessia doesn't know anything about business. Ako pa rin ang kakailanganin niya.”

Napakagat sa labi si Alessia.

Sa unang buhay, ganoon nga ang nangyari.

Pagsapit niya sa edad na bente singko, ipinatawag siya ni Rafael upang papirmahin sa isang Voting Trust Agreement.

Ipinaliwanag nitong maaari niyang ipagpatuloy ang paggamit ng voting rights ng mga shares na minana ni Alessia sa Meridian Logistics & Infrastructure Corporation (MLIC). Sa gayon, hindi na siya kailangang makialam sa mga desisyon ng kumpanya.

Kasal na siya noon kay Damian. Wala siyang interes sa negosyo at mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang pagiging mabuting asawa.

Kaya pumirma siya nang hindi binabasang mabuti ang kasunduan. Napakatanga niya sa kanyang past life.

Sa loob ng limang taon, nanatili sa itinalagang trustee ang paggamit ng kanyang voting rights. Nagpatuloy din si Rafael sa pamamahala sa MLIC.

Hindi na siya nakialam sa mga desisyon ng board. Kontento na siya sa buwanang perang ipinadadala ng ama mula sa kinikita ng kanyang pamana.

Ngayon, naisip niyang napakarami niyang binalewala noon.

“Siguraduhin mong pipirma siya,” narinig niyang sabi ni Monica.

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Rafael.

Umatras siya mula sa hagdan at bumalik sa silid nang hindi gumagawa ng ingay.

Pagkasara ng p***o, naupo siya sa kama. Hindi maaaring malaman nina Rafael at Monica na narinig niya ang kanilang plano.

Kailangan muna niyang maunawaan ang mga karapatang iniwan sa kanya ng ina.

May naalala siyang malaking envelope na ibinigay noon ng abogadong humawak sa estate ng ina.

Lumapit siya sa kabinet at inilabas ang kahon ng mga lumang dokumento mula sa ibabang istante.

Nandoon pa rin ang envelope.

Nakasulat sa harap ang pangalan niya.

Alessia Monteverde Escalante

Binuksan niya iyon at inilatag sa kama ang mga papeles.

May mga kopya ng dokumento tungkol sa kanyang mana, impormasyon sa shares, at mga pahinang nagpapaliwanag kung paano pansamantalang gagamitin ang voting rights hanggang sa kanyang ikadalawampu't limang kaarawan.

Hindi niya maunawaan ang lahat ng legal terms.

Ngunit malinaw ang isang bagay.

Siya ang nag-iisang tagapagmana ng mga shares ni Isabella sa MLIC. Mayaman na ang kanyang ina bago pa man siya ipinanganak, at ang mga shares na iyon ang nagbibigay ng controlling interest sa kumpanya.

Sa edad na bente singko, matatapos ang pansamantalang kasunduang nagpapahintulot kay Rafael na gamitin ang voting rights.

Siya ang magiging CEO at magkakaroon siya ng kapangyarihang bumoto sa pagpili ng mga direktor pati na ang mga malalaking desisyon ng kumpanya.

Walang nakasaad na obligado siyang ipagkatiwala ang mga karapatang iyon sa ama.

“Bakit hindi ko ito pinahalagahan noon?” bulong niya.

Tiningnan niya ang pangalan ng kumpanya.

Meridian Logistics & Infrastructure Corporation (MLIC). May mga logistics hub, warehouse, freight transportation services, at infrastructure projects ang MLIC. Bilyonarya pala siya base sa assets na iniwan sa kanya ng namayapang ina.

Hindi niya kabisado ang operasyon o ang kasalukuyang kalagayang pinansiyal nito. Wala siyang alam.

Pero maaari siyang matuto.

Kailangan niyang malaman kung anong mga proyekto ang pinangangasiwaan ng kumpanya at kung anong mga kasunduan ang pinasok ni Rafael.

Higit sa lahat, bakit ayaw nitong pakawalan ang kontrol sa MLIC?

Kinuha niya ang cellphone upang itala ang mga dokumentong kailangan niyang hanapin.

Ngunit may pumasok na mensahe mula kay Damian Villacorta.

“Are you seriously canceling our engagement?”

Napairap si Alessia.

Kanina lamang ay nag-usap sila sa labas ng kanyang silid. Hindi pa rin ba sapat ang sinabi niya?

“Sinabi ko na. Hindi ako magpapakasal sa'yo.”

“You can't just walk away from an agreement between our families.”

“Hindi ako bahagi ng kontrata ninyo, Damian.”

“Tell that to our fathers.”

Napabuntong-hininga siya.

Muling nag-message ang lalaki.

“My father wants another meeting with your family tomorrow. We need to discuss the partnership.”

Napatingin si Alessia sa mga dokumentong nakalatag sa kama.

Malaking real estate developer ang Villacorta Land & Development Corporation (VLDC), samantalang logistics at infrastructure ang negosyo ng MLIC.

Mahalaga ang partnership, lalo na sa mga proyektong nangangailangan ng lupa, warehouses, at transport facilities.

Ngunit bakit kailangang nakatali rito ang kanyang pagpapakasal?

“Bakit kailangan akong kasama?” tanong niya sa mensahe.

“Because you're the one replacing Aria in the marriage arrangement.”

Napailing siya.

“Hindi ako papalit sa kanya. Hintayin mo siya. Maniwala ka. She wouldn’t make it sa modelling career niya kaya babalik ang babaeng pinakamamahal mo. Give her one year.”

“Wow, ‘yan ang sabi ng babaeng walang pangarap sa buhay. Kailan ka pa naging manghuhula, Alessia?”

“Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Pero dadalo ako para marinig ang usapan tungkol sa negosyo.”

“Does that mean you're reconsidering?”

“No. Business meeting lang.”

Nang magpadala pa ito ng mensahe, hindi na siya sumagot.

Binalikan niya ang envelope.

Nakasulat doon ang pangalan at contact details ng abogadong humawak sa estate ni Isabella.

Kailangan niyang makausap ito nang hindi nalalaman nina Rafael at Monica.

Dalawampu't apat na taong gulang na siya. Hindi niya dapat sayangin ang natitirang panahon bago ang kanyang ika-25 kaarawan.

Itinabi niya ang mga dokumento sa drawer ng bedside table.

Habang naghahanda nang matulog, muling tumunog ang cellphone.

Mensahe mula kay Rafael.

“Alessia, basahin mo ang attached document. Pag-usapan natin bukas. Para ito sa ikabubuti mo kapag naging twenty-five ka na. Hindi mo na kailangang problemahin ang MLIC.”

May kalakip na P*F file.

Binuksan niya iyon. Voting Trust Agreement

Nanikip ang dibdib ni Alessia.

Ganoon din ang uri ng kasunduang pinirmahan niya sa unang buhay.

Ngunit nang makarating sa huling pahina, may napansin siyang hindi niya inaasahan.

May nakalagay nang pangalan sa bahaging para sa itinalagang voting trustee.

Hindi iyon ang pangalan ng kanyang ama.

Kundi ang pangalan ng babaeng pumatay sa kanyang ina.

Monica Escalante.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 13 Her First Investment

    “Labingwalong ektarya,” bulong ni Alessia habang tinitingnan ang isla sa digital auction catalog.Sa unang buhay, nabasa niyang naging mahalaga ang lupang iyon sa pagtatayo ng cargo port makalipas ang ilang taon. Hindi siya nakadalo noon sa The Legacy of Hope Charity Gala & Auction. Abala siyang maghintay kay Damian, gaya ng nakasanayan.Ngayon, maaaring iyon ang una niyang investment.May larawan ng dating nakabili sa artikulong nabasa niya noon. Muling sinuri niya ang mapa at lawak sa catalog upang matiyak na iyon nga ang isla.Sinuri niya ang lokasyon, panimulang bid, at kondisyon ng bentahan. Hindi pa tiyak kung papayagan ang pagpapatayo ng pantalan. Kailangan ding siyasatin ang titulo. Ngunit bago ang lahat, kailangan niya ng perang maaari niyang gamitin.Binuksan niya ang banking app. Mula sa buwanang allowance ni Rafael ang halos buong ipon niya. Hindi pa niya makukuha ang trust fund ni Isabella hanggang sa maging dalawampu't lima siya. Ang shares naman niya sa MLIC ay hindi pe

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 12 This Time, She Chooses Herself

    “Some promises are worth waiting for. I’m yours and you’re mine, forever.”Muling binasa ni Alessia ang caption sa larawan ni Aria. Nakangiti ang stepsister niya sa Paris, suot ang mamahaling hikaw na diyamante.“Sab, sa tingin mo, tungkol kay Damian ang caption?” tanong niya habang kausap si Sabrina Sanchez sa cellphone.“Posible. Pero wala tayong ebidensiya. Bakit? May nangyari ba mula nang umalis si Aria?”“Bigla akong gustong ligawan ni Damian.”“Ano? Hindi ba si Aria ang girlfriend niya?”“Iyon nga. May malaking business partnership ang mga pamilya namin. Gusto nilang ituloy ang kasal kahit tumanggi na ako.”“Alessia, gusto mo ba talagang pakasalan ang lalaking iyan? Sinasabi ko sa'yo, hindi ka niya mahal. The most important choice in a woman’s life is who she marries.”Napapikit si Alessia. Ganito rin siya pinayuhan ni Sabrina noon. Hindi siya nakinig.“Hindi na, Sab.”“Talaga? Alessia Escalante, ikaw ba ‘yan? May sakit ka ba? Okay ka lang?”Sunod-sunod ang tanong ng kaibigan.“

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 11 The Billionaire's Hidden Intentions

    “Let’s get to know each other.”Matagal na tinitigan ni Alessia ang mensahe ni Damian. Sa unang buhay, paulit-ulit siyang nagmakaawang samahan siya nitong maghapunan. Laging itong may dahilan para tumanggi. Ngayon, ito ang humihingi ng pagkakataong makausap siya.“Para saan? Hindi na natin kailangang kilalanin ang isa't isa. Let's not waste each other's time.”Mabilis ang reply.“Hindi tayo magkakaunawaan kung palagi tayong nagtatalo. May mga bagay tayong kailangang pag-usapan.”“Nasabi ko na ang desisyon ko.”“Just one meeting. No family. No arguments. Tomorrow?”“Hindi ako interesado sa romantic date, Damian.”“Hindi kita pinipilit makipag-date. Gusto ko lang makausap ka nang walang nakikialam.”Hindi na siya sumagot. Ibinaba niya ang cellphone at pinatay ang ilaw. Naalala niya ang ilang gabing nakatitig siya sa screen noon, naghihintay ng mensahe mula sa asawang hindi umuuwi.Kinabukasan, matapos mag-almusal, tinawagan siya ni Attorney Dominic Valle. Naipadala niya noong nakaraang

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 10 His Unexpected Invitation

    “Kung pahintulot ko bilang shareholder ang kailangan ninyo, bakit kailangan ninyo akong ipakasal kay Damian?”Hindi inalis ni Alessia ang tingin kay Fernando Villacorta. Hawak pa rin niya ang kopya ng business proposal na ibinigay nito.“May iba pa ba kayong kasunduang hindi ipinapakita sa akin?”“Wala pang pinal na kontrata,” sagot ni Fernando. “Ang kasal ay para patatagin ang samahan ng dalawang pamilya. Ganoon kasimple.”“Kung ganoon, walang dahilan para ipilit ninyo iyon.”Napatingin siya sa wedding schedule na nakapatong sa mesa. Tatlong linggo na lamang bago ang seremonya. Wala siyang ibinigay na pahintulot, ngunit parang nakapagdesisyon na ang lahat para sa kanya.“Hindi pa nga ninyo ako tinanong kung gusto kong ikasal,” dagdag niya. “Paano ninyo nasasabing kasunduan ito?”“Alam mong matagal mo nang gustong pakasalan si Damian,” sabi ni Fernando.“Iyon ang gusto ko noon. Iba ang gusto ko ngayon.”“Alessia, tama na!” sigaw ni Rafael mula sa kabilang sofa. “Hindi mo kailangang pa

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 9 The Heir They Underestimated

    “Alessia, hindi na puwedeng umatras. Nabayaran na ang lahat at naipaalam na sa mga Villacorta. Itutuloy natin ang kasal.”Muling binasa ni Alessia ang mensahe ng ama. Sa ipinadalang wedding schedule, tatlong linggo na lamang bago ang seremonya. May pangalan na nila ni Damian sa bawat pahina, kahit hindi siya pumayag.“Papa, kahit bayad na ang lahat, hindi ibig sabihin na maaari ninyo akong piliting magpakasal.”Naghintay siya, ngunit walang sumunod na mensahe. Inilagay niya sa tabi ng cellphone ang folder ng mga dokumentong ihahanda para kay Attorney Dominic Valle. Kung magpapakita ng bagong kasunduan ang mga pamilya, hindi niya iyon pipirmahan nang walang pagsusuri. Sa unang buhay, siya ang nagmamakaawang matuloy ang kasal. Ngayon, tila lahat ay nagmamadaling ipakasal siya sa lalaking ayaw na niyang habulin.Kinabukasan, nadatnan niya sina Rafael at Monica sa hapag-kainan.“Papa, bakit kayo nagtakda ng petsa nang hindi ako kinakausap?”“Matagal na itong pinaghandaan,” sagot ni Rafael

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 8 A Bride Against Her Will

    “Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko kung ano ang ginagawa mo rito? Damian, sinusundan mo ba ako?”Napatawa si Damian Villacorta, ngunit may pangungutya sa tinig nito.“Don't flatter yourself, Alessia. Hindi umiikot sa'yo ang buhay ko. May meeting ako sa ikaanim na palapag. Hinihintay ko lang ang driver ko.”Nasa tapat sila ng gusaling kinaroroonan ng opisina ni Attorney Dominic Valle. Umiwas si Alessia sa pintuan upang hindi makaharang sa mga taong pumapasok.“Kung ganoon, pareho tayong may sariling lakad.”“Bakit ka nanggaling sa law office? May kinalaman ba 'yan sa kasal natin?”“Personal na bagay.”“Are you planning to use a lawyer to force me into marrying you?”Napailing si Alessia. “Hindi ko kailangan ng abogado para maghabol ng lalaki.”“Then what's this about? Nagpapakipot ka lang dahil hindi kita binibigyan ng atensiyon.”“Damian, hindi lahat ng babaeng nagkagusto sa'yo ay habambuhay na maghahabol.”Nawala ang mapangutyang ngiti nito. Sandali siyang tinitigan bago sumulyap s

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status