Share

CHAPTER 2

“It’s your turn, Bong” ani Paul, isa sa mga sales managers ng AVRM Realty. They take turns sa pagdistribute ng flyers sa mall.  May schedule sila sa pagdistribute ng flyers para fair sa lahat. Kung sino ang pumasok na kliyente sa oras na yon, mapupunta and commission sa nakaschedule sa oras na yon. “Aba, ang guwapo natin ngayon at talagang nagcoat ka pa,” puna ni Paul kay Bong, isa ring sales manager. “Kung alam lang nila, “ natatawa nitong sabi.

“Marami akong natutunan sa meeting natin noon isang araw kay Ma’am Lia.  Tama ang sabi niya na para pagkatiwalaan tayo ng ating mga kliyente, ay kailangan we look professional.  I am looking forward to earning millions starting today. I claim it!” ani Bong.

“Oo, sobrang nainspire ako sa life story niya. Pero alam mo, kung gaano siya ka generous sa pagbigay ng tips para makapag-generate sales eh siya namang tipid niya to share about her life.  Ang suwerte ng mapapangasawa ni Ma’am Lia. Kung tunay na lalaki ako, di makakalagpas sa akin yan.  Maganda na, sexy, mabait at napakasuccessful pa sa buhay.  Ang suwerte talaga ng lalaking magpapatibok o nagpapatibok ng puso niya,” ani Paul.

“Napakamysterious ni Miss Garcia, and most men like mysterious women,” ani Bong, “ ani nito habang nagbibigay ng flyers sa mga dumadaan sa  booth nila na kanilang nirent sa sikat na mall sa Mandaluyong.  “Baka may painful past, kaya tinatago.  Ano sa tingin mo?” tanong nito kay Paul. 

“Maaari.  Tsaka parang puro work ang ginagawa.  Kung asawa ganyan  kaworkaholic ang babae eh magrereklamo ang lalaki no..  Siyempre kapag kasingganda at kasing sexy eh gusto ng lalaki na may quality time sa kanya lalo na sa bedroom,” sabi ni Paul.  

Pero mahihirapan si Ma’am Lia makahanap ng match niya kasi karamihan sa mga lalaki ngayon mga insecure na.  Madali silang maintimidate sa mga kagaya ni Ma’am Lia na strong woman.  Napapansin mo ba na mas maraming single mom ngayon na kumakayod kesa mga single dad.  Kapag naghihiwalay ang couples, ang mga anak napupunta sa nanay.  Rare na napupunta ang mga bata sa mga dads.  That’s how strong women are now. 

“Chrue. Ako, hanggang ngayon, naiintimidate pa rin sa kanya. .  Kung makatingin kasi parang tagos kaluluwa.  There is just something about her,” ani Paul. “Pero kahit nakakaintimidate siya, gusto ko pa rin siyang kasama lagi dahil alam kong she’s got my back all the time, “ dugtong nito.

“Korek ka diyan,” ani Bong.  “Ang ibang empleyado, ayaw nilang kasama ang boss nila.  Tayo naman, mas gusto natin na andito si Ma’am Lia kasi nakakaclose tayo haha!

“Totoo!” pagsang-ayon ni Paul sabay apir sa kasama.

“Speaking of the angel,” ani Bong.  “Nag-iikot na naman si Ma’am which is good para maalalayan tayo sa mga makkausap natin ngayon,” ani Bong.  ‘At saka para mainsipire na rin tayo hanggang closing.  Sana hindi siya agad umalis,” dugtong nito. Hindi mapuknat ang tingin nito sa papalapit na parang flight attendant ang gayak at ang lakad. Kabigha-bighani sabi nito sa sarili. 

Malayo pa ay tanaw na Lia na sipag na sipag ang dalawang sales managers nito sa pagdistribute ng flowers.  Hindi siya nagsisisi na tinanggap niya ang position dahil wala siyang problema sa mga subordinates niya. In fact, ang suwerte niya sa mga ito.  

“Hi, Ma’am” bati ng dalawa kay Lia. At nagkasabay pa sila.  “Nagawi po ata kayo dito,” sambit ni Paul.

“Ah eh oo,” sagot nito. “Imimeet ko ang client ko dito kasi malapit sa project,” sagot sabi nito sabay ngiti with her pearly whites. Halos mawalan ng ulirat ang dalawang sales managers nang ngumiti si Lia.  Grabe talaga ang magic ng mga ngiti nito.

“Ah, sandali lang pala kayo dito.  Sayang,” panghihinayang ni Paul.

“Babalik ako dito mamaya.  Malakas mag generate ng sales dito sa mall kaya from visits sa different booths natin ay maglalagi ako dito sa mall..siguro from 4 or 5 pm onwards.  Maaga lang ako ngayon kasi may kliyente ako.Tsaka malapit lang ako dito,” sagot nito.

“Ah ganoon po ba,” pinipigilan ni Bong ang sarili.  Ayaw niyang makita ng boss ang kasiyahan niya na maglalagi ito araw-araw doon sa mall.

“Oo. Kaya maghanda kayo at babantayan ko kayo,” pagbibiro nito.

“Naku, Ma’am”ani Paul “ kung kayo ang magbabantay sa amin welcome na welcome po!  Kung gusto niyo e mula opening at closing ng mall, bantayan niyo kami,” dugtong nito.

“Ikaw talaga!” sabi ni Lia.  “O siya punta muna ako sa loob, at makapagpahinga saglit.  Kapag may maghanap sa akin, pakitawag na lang ako, please,” bilin nito.  Ang booth nila ay may mini-office kung saan sila nagpapahinga o nagoonline marketing kapag hindi nila shift at doon na rin sila kumakain.

Bistado na nina Paul na ang pahingang sinasabi ni Lia ay ang pagbukas nito ng laptop at pag oonline marketing. Sa tagal nitong nagbibisita sa kanilang booth, hindi nila nakitang nagpahinga ito. Kung hindi online marketing ay may kausap itong kliyente sa phone. Narining na rin nilang tumatanggi ito sa mga invitations sa sosyalan at sa date. Ni minsan wala silang narinig na tinatawag nitong “honey” or “babe.” Mukhang single nga talaga ito. O single parent, o hiwalay sa asawa. Wala rin itong personal F******k account. Walang nakakaalam kahit kinukulit nila si Michelle, ang secretary nito kung ano ba ang status ni Lia. Pero it’s an open secret na napasok ito sa real estate dahil sa mag-asawa. Walang nakasilip ng resume nito. Pero kapag awards nights naman, tinatawag siyang Miss. Pero kahit mga may-asawa sa kanilang realty ay tinatawag na Miss sa awards nights. Hmm.

“Paul!” pigil na sigaw ni Bong kay Paul.  Obviously, he was deep in thoughts thinking about his boss.  

“O bakit,” tanong  ni Paul. Napansi niyang may isang nasa mid-thirties na babae ang kausap nito.  Mukhang kliyente.

‘Di ba pupunta si Ma’am Lia mamaya sa Greenlanes Residences?” tanong ni Bong.  

“I believe so.  Bakit?  Lumapit siya sa dalawa at nakipagkilala siya sa kausap ni Bong.  “Hi Ma’am!  Good afternoon! I’m Paul.  Happy to help po. Are you available po ba later for site viewing?  Puwede ko po kayong ipakausap sa aming boss.  Papunta po kasi siya later.  In fact, hinihintay lang niya ang client dito then sabay na sila papunta sa site. May I have your name po?

“I’m Charlene Saavedra” pagpapakilala nito sabay extend ng kanang kamay for a handshake.  “Interested ako to get a 3-bedroom unit.  May available pa ba?”tanong nito.

“Opo, “ sabay na sagot nina Bong at Paul.  Pero since paubos na, you might want to reserve na. Sayang din kasi malapit siya sa lahat.”

“I will have to look at the place first,” sagot nito. “ Sa tingin mo ba okay lang sa boss niyo na dalawa ang clients na isasite visit niyo?” tanong nito.

“Ah opo.  Okay lang po.  Actually, puwede naman pong sumama sa inyo si Bong,” turo niya sa kasama. 

“ Ah ganon ba?” sabi nito” Mga what time kaya sila pupunta sa site?”tanong nito.

“Ang alam ko po 4pm.”  Tiningnan ni Paul ang kanyang relos..  3:45, bakit kaya hindi pa dumarating ang kausap ni Ma’amLia.  “Ah sandali lang po tatanungin ko po,” sabi niya sa kliyente. Pumasok siya sa pinakadulo ng kanilang booth para kausapin si Lia. Nadatnan niya itong abala pa rin sa harap ng computer.  Malamang hindi napapansin na malapit na ang alas kuwatro.

“Ma’am Lia,” tawag niya dito. “Uhm, mga what time po kayo pupunta sa site? Tuloy pa ho ba kayo ng client niyo?” tanong nito.

“I am not sure kung tutuloy pa yung client ko,” kalma nitong sagot.  Busy pa rin ito sa pagtipa sa laptop. “Baka hindi na.  Nagtext ako kanina, hanggang ngayon hindi pa rin sumasagot” sabi nito.

“Kasi po, may client po sa labas,  Nasabi ko may tripping kayo ng 4 pm, so sabi ko ask kita kung okay lang na isama mo siya. Sasama na rin si Bong kung sakaling gusto niyo pong mag focus sa client niyo,”anito.

“Ah okay lang,” sagot nito.  “The more the merrier,” masaya nitong sagot,  “I will be out in a while.  Kapag wala pa ng 4 pm at hindi pa rin sumagot sa tawag ko then alis na kami.  Paupuin mo na and please serve some refreshments ha,”malambing niyang sabi kay Paul.

“Yes, ma’am. Right away po!” sabi ni Paul, sabay lakad palabas ng booth.

“Paul, ready ma ba ang cli- - -.,” natigilang sabi ni Lia.  Namutla ito at parang natuklaw ito ng ahas nang makita ang client na kausap nina Bong at Paul.  Agad naman nahimasmasan si Lia, at masayang lumapit sa kliyente na gulat na gulat din nang makita siya.  

“Lia!” sigaw nito.  “Kamusta ka na!  Napayakap ito sa kanya. Naku!  Long time no see.  Ang tagal kitang hinanap ha!  Akala ko ikaw pa ang maghahandle kay Felicia kapag nagPrep na.”  Lumapit ito at niyakap si Lia. “I’ve missed you!”  Bumaling ito kina Bong at Paul.  “Naku, teacher siya dati ng anak ko.  Favorite teacher siya.  Magaling na teacher.” Bumaling ito kay Lia at nagtanong.  “Oh bakit nagreal-estate ka na.  Naku, nakakapanghinayang na mawala ang isang magaling na teacher na gaya mo sa school!.  Pero I guess you are doing an amazing job sa real estate.  And look at you!  You are more beautiful now! Sobrang busy mo ba?  Let’s have coffee naman muna para magkumustahan tayo.  My treat kahit kliyente niyo ako haha!  I am just so happy I found you!” galak na galak nitong sabi.

Napansin ng dalawang sales managers na hindi comfortable si Lia habang kausap ang kliyente.

“Ah, eh. Wait lang.” nag aatubiling sagot ni Lia. “Let me call my client first ha then sige punta na tayong coffee shop.  “Excuse me,” sabi nito.  Lumakad ito palayo sa tatlo to make a call. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status