Share

CHAPTER 5

Kinabukasan lang naalala ni Lia na kailangan niya palang tawagan si Niko.  Sobrang busy niya kahapon dahil sa marami ang inquiries online at sa booth. Hindi niya alam kung dahil busy ba siya kaya niya nakalimutan itong tawagan o dahil sa nagaatubili pa rin siya na papasukin ito sa mundo niya. Marami kasing komplikasyon.  Pero nasa States naman si Joey, at parehong may atraso sa kanila si Joey.  May common ground kumbaga.  Pero nariyan si Charlene.  Mapagkakatiwalaan naman ito, pero hindi maiiwasan na tanggihan ito sa mga imbitasyon nito sa mga mahahalagang okasyon.  Eh ang mag-asawang Charlene at John pa naman ay mahilig maghost ng mga  parties. Bakit niya pa babalikan ang past na pinilit niyang burahin sa buhay niya.  Napabuntunghininga siya.  Niko seems to be a nice man.  Mukhang mabait naman at nag-vouch talaga si Charlene na good catch ito.  Pero nagkamali na ang mag-asawa kay Joey.  Napabuntunghininga ng malalim si Lia. Alam niya na sa real estate, basta available ang kliyente ay kailangang you make yourself available din. Nang nagsisimula pa lang siya, kahit puyat,at may sakit siya ay minimeet niya ang mga clients.  Mabuti na lang ayaw ng mga clients ng magtripping na may bagyo pero kausap niya ang mga ito sa telepono.  Walang baka-bakasyon sa kanya.  Walang day-off.  Walang weekend.  There was a time hindi halos siya makaabot sa birthday party ng anak niya dahil sa noong araw lang noon ito available. Babalik na daw kasi ito abroad, so kailangang makita na ang property.  Ang mga OFWs ang pinakatarget ng mga real estate agents kaya kapag nagyaya na itong magtripping, drop everything and go dapat.  

Alam niyang sa estado niya ngayon ay hindi na niya kailangang habulin ang mga clients.  Kung tutuusin magiging personal client niya si Niko, dahil hindi ito dumaan sa booth.  Puwede ko naman siguro ipasa sa ibang ahente para hands off na siya.   Teka, bakit ba siya nagooverthink e hindi naman nanliligaw sa kanya si Niko.  Napailing siya ng ulo tumayo at kinuha ang almost empty na cup of coffee from the table at hinugasan ito sa lababo.

Alas sais na ng umaga.  Time to wake up Stella!  Si Stella ang kanyang mundo.  Hindi niya naramdaman ang kawalan ng lovelife dahil higit pa ang saya na ibinibigay sa kanya ni Stella. At siyempre kasama ang mama niya na hindi niya akalain na igigive up ang lahat para sa kanila ni Stella.  Nanggigilid ang luha ni Lia sa pagabalik-tanaw niya sa mga pinagdaanan nila ng mama niya para lang maabot ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon.  Akalain mo, kung walang Niko, hindi niya siguro bibigyan ng oras ang pagbabalik-tanaw.  Siyempre, nagpapasalamat siya sa mga blessings na binigay ni Lord sa kanya.  Pero hindi niya minsan inisip ang pait na pinagdaanan para lang makamit ang tagumpay.  Most single parents would love to have the life she’s living right now. For the last four years ay super flexible na ang schedule niya, so anytime na kailangan siya ni Stella ay naroon siya. Pinagpapahinga na rin niya ang mama niya as much as possible dahil noong she’s still making a mark sa real estate industry ay ito ang gumagawa ng lahat.  Napaka maalaga nito sa apo. Before kasi siya naging established sa industry ay ito ang naging ina ni Stella.  Wala silang kasama sa bahay para na rin makatipid at ang mama naman niya mas gustong siya mag aalaga sa apo niya. Masaya ang buhay nila.  My sarili na silang bahay. May sasakyan, sa private school nag-aaral si Stella, at may insurance na rin sila.  Nabibili na rin nila ang gusto nila.  Kumpleto na, at noon hindi niya naramdaman na may kulang pa.  In fact, feeling niya nga noon ay sobra-sobra pa. Bakit ngayong may Niko na ay bakit parang may kulang na?

“Gising ka na pala anak,” bungad na bati ni Chedeng, ang mama ni Stella.

“Opo, Ma.  Ako na po ang bahala kay Lia.  Mga ten pa naman ako kailangan sa mall.  Bakit po ang aga niyong bumangon.  Usually nagmemeditate kayo,” tanong niya.

“Ah kasi may kailangan akong sabihin sa’yo,”sabi nito.

Napakunot noo si Lia.  bakas ang pag-aalala sa mukha nito. “May problema ba, Ma?” tanong niya,.

“Ah wala naman.  Eh napakabusy mo kasi.  Ibibigay ko lang itong invitation para sa birthday party ng kaklase ni Stella.  Hindi mo ata nakita pa,” sabi nito sabay abot nito ng pink na sobre.  Sa BGC daw yan sa susunod na Sabado.  Mabuti na lang hindi ngayong darating na Sabado  kasi di ba may Anniversary party kayo?”

Kinuha ni Lia ang sobre at tiningnan ang contents ng invitation.  “Aba, 8th birthday na ni Therese ha.  Mas matanda pala siya ng ilang months kay Stella.  Ah alam ko na ang bibilhing regalo para sa sweet na batang ito,” sabi nito habang nagluluto ng itlog para sa anak.  “Mabuti sinabi niya nang makaikot na ako sa mall mamaya para sa regalo.  Ma, pakigising na please si Stella kasi baka malate.  Tsaka para matanong ko na rin kung ano ang ireregalo namin kay Therese.  Baka nag-iba na ng  hilig,” sabi nito habang pinoporma naman an kanin na parang teddy bear.  Mas ginaganahan kasi si Stella kapag plated ang meals nito.

Sa kabilang dako, paikot-ikot namn si Niko at hindi mapakali.  Ititext ba niya ng good morning si Lia para mailagay na siya sa schedule nito ngayong araw?  Excited na kasi siyang makausap ito.  Gusto niyang makilala ito ng lubos. Natatandaan niya  siguro 7 or 8 years ago nang paalis siya sa isang party dahil may emergency sa bahay, at nakasalubong niya si Lia at si Joey.  Nakakabighani ang ganda nito.  Napaka-inosente ng mukha nito at talagang nakakabighani ang mga ngiti nito. Nagtataka siya bakit hindi ito kinuha sa isang toothpaste commercial dahil iba talaga kapag nag-smile na ito.   Those pearly whites alone can rake millions of pesos. At ngayon lang siya nakakita ng babae na may pale brown eyes. Balingkinitan din ang katawan nito pero well-endowed ang front and rear nito. Maluluma din si Melanie Marquez sa long legs nito. Parang alam ng babaeng ito ang assets niya dahil naka figure-hugging na black dress ito na above the knee ang length.  Napansin niya na ang tanging suot lang nito na alahas ay pearl necklace.  Hmm, nice catch, Joey.  Mukhang this time ay nakabingwit ka nang inosente at simpleng babae.  May allergy na siya sa babaeng puno ng alahas sa katawan.  It speaks so much what kind of woman they are.  Itong kasama ni Joey, napaka-regal-looking. Hindi siya gaya ng ibang babae na nakalingkis sa lalaki.  Itong babae ay parang queen na nakahawak lang sa braso ni Joey at para itong beauty queen na nakatindig at nakatingin sa lahat na halos napatunganga sa paghanga sa mala-animo’y anghel na galing sa langit. Pero knowing Joey, alam niyang hindi magtatagal at magbibreak din ang dalawa.  At hindi siya nagkamali.  At nabalitaan niya dati sa ibang high school classmates nila what an asshole he is.  Nagpakita ito ng picture nila ni Lia na nasa motel.  Nakipagpustahan pala ito na madadala niya ang dalaga in 2 weeks sa motel. At nakakalungkot dahil nakuha nito ang pinakaingat-ingatan ng babae.  Katwiran nito, hindi niya akalain na virgin pa ito! Awang-awa siya kay Lia noon.  Kaya siguro may soft spot siya dito.  Pero ang tanong, bibigyan kaya siya ng chance nito na makilala siya. It is still too early to tell kung saan patungo ang nararamdaman niya.  Ang alam lang niya ay matindi ang physical attraction niya kay Lia.  Just the thought of her innocent looks, her smile and her regal bearing makes him want her to be his!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status