Share

CHAPTER 6

Naisipan ni Niko pumunta sa mall after ng court hearing.  Normally, umuuwi na siyang nakabarong pero this time since may sasadyain siya ay nagbihis siya into a Lacoste black shirt.  Lumitaw ang pagka moreno niya sa suot at nabakat din ang matipuno niyang katawan.  Nagbunga rin at last ang consistent visits niya sa gym. Aba, hindi naman ako nalalayo sa tikas ni Joey.  Baka nga  nakakahigit pa siya pag-aassure niya sa sarili.  

Ngayon ang ikatlong araw na naghihintay siya ng makausap ng matino si  Lia.  Hindi sila matinong magkausap dahil laging naiinterrupt ang usapan nila.  I thought ang mga sales agents ay laging may time sa clients.  Si Lia ata ang naiiba.  Kaya imbes na tawagan niya ito ay napagpasiyahan na lang niya na puntahan ito sa mall kung saan ito naglalagi.  Subalit hindi niya ito nakita.  Napansin ng dalawang lalaki sa tapat ng booth na nag-aatubili siyang lumapit kaya nilapitan siya ng mga ito.

“Hi, Sir” bati ni Paul. “Don’t be scared, we don’t bite,” kindat nito.  Inakay nito si Niko palapit sa table sa tapat ng booth. Mas pronounced ang kembot ng puwet nito habang nililead papunta sa isang maliit na table sa corner ng booth.  “May we know your name po and kung within the area po ang balak niyong kunin na property?” malambing na tanong ni Paul. Tinuro nito ang isang metal chair with cushioned seat at sinabihan nitong umupo si Niko.  

“I’m Niko pala.” sagot ni Niko habang inextend nito ang kamay for a handshake na kinuha naman ng dalawa bago umupo.  “Ah, eh, actually may kausap na ako. Hindi kami makapag-usap ng mabuti kasi lagi siyang busy.  So the best way to talk to her is to see her na lang in person,” dugtong nito habang palinga linga sa mga nkadisplay na properties na binibenta ng realty.

Nagkatinginan sina Paul at Bong.  Alam nilang never iiwas sa calls si Lia from potential clients.  Feeling nila, isang suitor ito na hindi type ng boss nila.   Pero dyusko, isang Adonis ang nasa harap nila!  Hindi nila mapapatawad si Lia kung hindi nito tapunan man lang ng boss nila. Ah!  Hindi puwede! Sabi ni Bong sa sarili.  By hook or by crook dapat magtagpo ang dalawang ito, dahil bagay na bagay sila.  Both are tall and good-looking!

Napansin ni Niko  ang makahulugang tinginan ng mga ahente. “Uhm, friend ni Lia si Charlene.  I believe, she was here a few days ago?” sabi nito.

“Ah!  Si Miss Charlene!” chorus ng dalawa.

Kinilabit ni Bong si Paul at bumulong,” Mukhang may matchmaking na nagaganap.  Bet mo si min?” tanong nito

“Bet na bet,” kagat-labi nitong sagot.

“Puwes simulan na ang Project Lia,” mahinang sabi ni Bong pero bahagyang narinig ito ni Niko.

“I’m sorry?” tanong ni Niko.

“Ah, Sir Niko, make yourself comfortable ha.  Nag-iikot lang si Ma’am Lia.  May kailangan lang daw siyang bilhin atbaka daw makalimutan pa daw niya,” sabi ni Paul.  If you want, I can text her po and let her know na you’re here na po,”sabi nito.

“It’s okay. No need to text her.  I am willing to wait,” sagot nito.  Kimuha ang cellphone at nagcheck ng messages.

Kilig na kilig ang dalawang ahente.  Kumuha si Bong ng mga flyers at inilagay ito sa table.  “Ah, Sir, heto po ang mga properties namin within the area.  Baka gusto niyo pong tingnan habang naghihintay kayo.  Uhm, andito lang kami should you have any questions,” sabi nito kay Niko.  Halatang gusto nitong umupo sa tapat ng binata pero nag-aatubili ito.  Wari bang gusto pa nitong makita ang kagandahang lalaki ng bisita nila sa booth. Hmm yummy talaga sabi nito sa sarili.  Ang kinis ng balat, ang pula ng lips at napaka neat tingnan.  Napakatikas din nito kaya lalo siyang kinilig. Mukha itong smart at mukhang may pera.  Nakita niya ang mamahaling wristwatch nito at siyempre ang mamahaling sapatos.  Malalaman mong may pera ang lalaki sa sapatos at relo na suot nito.  Hindi na inisip ni Bong na magpacute sa binata.  Bagkus ay sinisipat na ito para malaman kung bagay ito sa boss.  Naku, bagay na bagay sila ni Ma’am Lia.  

Habang naghihintay ay tinitingnan din ni Niko ang mga flyers ng condominium units na inilatag sa harap niya. Pag-angat niya ay nakita niya ang papalapit na animo’y anghel na bumaba mula sa langit.  Walang ipinagbago, ah no actually merong pinagbago.  Mas naging sophisticated ito at parang mas naging smart ito.  She looks mysterious though.  Parang, may nagbago sa mga mata at parang mas naging seryoso nito.  Dati kasi parang napakacarefree nito.  Parang she was living life to the fullest.  That time, she smiled at everyone, trusted everyone…  Now, parang guarded na siya, malamlam ang mga mata at ingat sa mga kilos. Agaw atensyon  ito dahil bukas sa matangkad na, balingkinitan ang pangangatawan nito.  Hindi naitago ng coat nito ang kaseksihan nito dahil naka skirt ito na siguro mga 2 inches above the knees.  Legs palang nakakasilaw na.  May fetish siya sa paa ng babae at kahit sa malayo nakikita niya ang makinis nitong mga paa na parang kumikinang sa suot nito silver na ankle strap  dress sandals.  Sinundan niya ng tingin ang mga paang naglalakad hanggang sa makarating ito sa tapat ng booth.  Huminto ito sa tapag ng dalawang ahenteng kausap niya kanina. Saka siya tumingin pataas at nakita niya ang seryosong mukha nito habang nakatingin sa kanya.  May sinabi lang ito sa mga ahente at lumakad na ito palapit sa kanya. Nakangiti ito habang naglalakad nakaextend ang right hand for him to shake- which he did. 

“Uhm, Niko, right?” paniniyak nito.  Hindi niya akalain na ang minamatch sa kanya ni Charlene ay nakakalaglag puso.  Feeling niya artista kausap niya.  Kinuwestiyon niya tuloy ang sarili niya kung bagay ba sila.  Parang too good to be true kung magkakagusto ito sa kanya.  Iwas siya ng iwas sa lalaki eh nagooverthink lang pala siya.  As if naman magkakagusto ito sa kanya no!  Pilit niyang itago ang insecurities na nararamdaman. Sana hindi nito naririnig ang mabilis na pagtibok ng puso niya.  Malamig ba ang kamay niya?  Naku baka mahalata nito ang sari’t-saring emosyon na nararamdaman niya. So hindi naman pala kailangan iwasan dahil definitely eh wala nang mangyayari after this meeting.  Imposible naman na ang hunk na ito ay hahabol habol pa sa kanya. Naku, Lia!  Nag-feeling ka talaga! Natatawa niyang sabi sa sarili. So ngayon alam niya kung saan ang lugar niya, so there’s nothing to worry about. 

“Yeah.  Hindi na ako tumawag dahil nasa area lang ako.  Nabanggit sa akin ni Charlene na dito kayo nagkita, so naisip ko baka puwede na rin kitang puntahan;  Fortunately, andito ka,” pag-explain niya.

“Yeah.  I’m sorry ha, sobrang busy ko talaga lately,” pagpapaumanhin nito. “Thank you for taking the time to visit our booth,” sabi nito.  Nabaling ang tingin ni Lia sa mga flyers sa mesa.  “I see na nakita mo na ang mga properties.  May nagustuhan ka ba?” tanong niya. 

“Actually, meron.  I think ito rin yata ang kinuha ni Charlene.  Close kasi talaga kami nina Charlene, so interested ako na maging kapitbahay niya. Pero I want to see the place first.  Actually nasabi na sa akin ni Charlene and deliverables pero gusto ko ring makita pa ang mga units, if you don’t mind,” sabi nito sabay tingin kay Lia mata sa mata.

Naasiwa si Lia sa tingin nito at ibinaba niya ang tingin sa mga flyers.  “Ah I don’t mind at all.  How about the rates?  Baka gusto mong bigyan kita ng sample computation,” alok niya.

“Let us discuss that siguro kapag nakita ko na ang place.  When are you available para makita ko ang units?” tanong nito.

Halos napatanga si Lia.  Hindi ba mga ahente dapat ang nagtatanong non?  Ibang klase itong kliyente niya. “Ah mukhang nagmamadali kayo, Sir?” biro niya  “Madalas kasi linya namin yan,” sabi niya.  This time genuine na ang smile niya.

“Ah hahah! Hindi naman.” Namula ang mukha nito sa embarrassment.  “Look, kung busy ka, okay lang naman.  Just let me know when you are available,” natatawa nitong sabi. Npabunot ito ng panyo sa bulsa at pinunasan ang pawis na namuo dahil sa embarrassment.

“Alam mo ang mga ahente, kung puwede nga lang ay site visit na agad.  Kaya lang, we need to secure a pass pa para mavisit ang site.  Also, may event kasi ang company namin tomorrow.  20th Anniversary na namin,” sabi niya.

“Why don’t we invite him sa anniversary po natin, “ sabat ni Paul.

“Oo nga po,” singit din ni  Bong.  “ We are allowed to bring 10 potential clients, hindi po ba?,” pacute nitong sabi.  Eh si Sir Niko ata hindi na kailangan ng sales talk.  Mukhang it’s a sale na, so may karapatan siyang umattend sa anniversary party.

Tumingin si Niko kay Lia, at nakita niyang hindi naman ito nag-aalangan. Feeling niya ay lumundag ang puso niya.  Excited siyang makasama ito at makilala itong mabuti.

“Yeah, Sir Niko, please join us po,” pagiimbita ni Lia sa binata.  I will send you the digital invitation.  Kindly please write down your email address na lang.

“Thank you,” masayang sagot ni Niko.  “By the way, please call me Niko na lang. Huwag na Sir Niko kasi nakakatanda,” sabi nito.  “And don’t use po na rin,” dugtong nito.

“All right!” sagot ni Lia.  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status