Share

CHAPTER 3

“I am in luck to see you again, Lia,” galak na sinabi ni Charlene.  “Isipin mo, akala ko nagtuturo ka pa rin, iyon pala sa sales ka na.  Are you enjoying it?” tanong nito.

“Alam mo, sobrang mahal ako ni Lord.  Hindi niya ako pinababayaan.  Minsan lang ako natisod, pero agad naman agad nakabangon.  At binigyan Niya ako ng higit pa sa mga hiningi ko,” sabi ni Lia.

“I am so happy for you, Lia.  Naku mabuti na lang hindi kayo nagkatuluyan ni Joey.  That jerk! Sorry ha.  Nag-away kami actually ni John dahil pinakilala niya isang jerk. Grabe, sobra akong nahiya nang nalaman ko na yung ex-girlfriend pala ni Joey ang tumulong para makakuha siya ng scholarship grant sa US tapos iniwan ka niya para sumunod doon sa ex niya.’ daldal nito.  Natigilan ito nang nakita niyang nagulat si Lia. “Oh my God!  You don’t know.  That jerk did not even tell you. The least he could do was to be honest with you!” galit na galit na sabi nito. “Oh my God, Lia!  I am so sorry!” paghingi nito ng paumanhin.

Mabilis lang naregain ni Lia ang composure niya. Hindi niya alam kung paano itatago ang galit na nararamdaman.  Naglalaro sa isip niya kung gaano siya ginawang tanga ni Joey.  Hindi niya akalain na ganito kasama si Joey.  Galit na galit siya sa sarili niya dahil naloko siya ng ganito ni Joey. From galit ay pagkamuhi ang nararamdaman ngayon ni Lia kay Joey, ang taong minsan niyang minahal, ang unang lalaking pinagbigyan niya ng kanyang sarili, ang lalaking ama ng kanyang anak, si Stella. “I have moved on.” nanginginig niyang sagot.  Pilit niyang tinatago ang pagkabigla at pagkamuhi sa lalaking nang iwan sa kanya. “ I didn’t know that he would be this evil,” pinipilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili dahil mula nang isilang niya si Stella, she decided na hindi magpakita ng kahinaan kaninuman. Iniba niya ang somber mood at masayang sinabi kay Charlene na okay na okay siya. “Ano ka ba!  Ngayon lang tayo nagkita, tapos malulungkot na bahagi ng buhay natin ang pag-uusapan natin.  Don’t blame it on your husband and yourself why it did not work out.  Mabuti nga maaga pa lang nag-end na di ba?  Isipin mo na lang, mas mahirap kung nagkatuluyan kami, then after all the kids and lahat ng emotional investment ay maghihiwalay din pala.  I don’t think na magtatagal din kami ni Joey. He’s very ambitious.  He gets what he wants.  Ako naman eh I work hard then let God give me na lang what I deserve.  I am not a dream chaser kasi. I just work hard.  I compete with myself. Kay magkaibang-magkaiba kami. Also, he does not care who gets hurt basta makuha niya gusto niya.  Hindi ako ganon kasi.   Knowing that, dapat hindi ka na maguilty kasi we’re not really meant for each other, okay?”

“Okay, okay!” sabi ni Charlene. “ Gusto kong makabawi sa’yo kung okay lang sa’yo, please?”pagsusumamo nito. “This time, hindi talaga ako mapapahiya sa’yo,” paninigurado nito.  Hinawakan nito ang kanyang kamay at tiningnan siya mata sa mata. “ You deserve to be happy, and this man will make you happy.  I vouch for him.  Napakabait na tao.  God-fearing, family-oriented, lawyer, masipag at naku, napakasweet.  Just give it a try, Lia.  hayaan mo akong makabawi, please?  Naku, grabe siyang magmahal ng babae.  Magbubuhay prinsesa ka sa piling niya.  Just give it a chance, please para mawala na talaga ang guilt ko.  Alam kong habang hindi ako nakakabawi ay alam kong hindi ka magiging comfortable meeting me.  I want to preserve our friendship kasi we had fun times before di ba?  I love being your friend.  I miss being your friend.  Kaya kita hinahanap-hanap kasi you’re the only one who made me feel na through thick and thin, you will always be there for me.  Remember, noong nag-away kami ni John?  Hindi pa tayo ganon ka-close pero you opened your house for me and Felicia at pinag-stay mo ako sa bahay niyo for a week?  Yung iba kong kaibigan, ayaw makialam kasi alam nilang mas makakuha sila ng favor kay John kesa sa akin.  Bakit nila kakampihan ang isang mere housewife di ba?  Kaya please, let me make it up for you.  Let me help you find happiness.” pmimilit nito.

“H-hindi ko alam.  I am actually too busy para mag-alaga pa ng lalaki.  Masaya na akong maging single.  Ayoko nang gawing complicated ang life ko.  Masaya na ako sa buhay ko,” agam agam na sabi niya. “Ang totoo niyan ay wala talaga akong time,” pinal niyang sinabi.

“O baka naman kasi may tinatago kang boyfriend ha?  Ikaw pa naman napakamalihim mo,”san i nito.

“Naku, wala,” tanggi niya.  Wala lang talaga kasi akong time,” sabi niya.

“Basta, I insist.  Naku, lawyer ito!  Kayang-kaya bumili ng unit.  At sa pagkakaalam ko, ay naghahanap siya ng property ngayon for investment,” paniniyak nito.  “Puwede ka ring ipakilala nito sa ibang mga panyeros niya na puwede ring bumili ng property sa’yo. Di ba nga kapag nasa real estate business ka, dapat wide ang connections mo.  Tatanggihan mo pa ba?  What do you think?” pilyang tanong nito.

“Okay, okay.  You have a point.  Pero purely business dealings lang ito ha? Hindi pa kasi talaga ako ready as of now. Sobrang busy sa work, walang time sa love.

“Basta imeet mo lang si Niko.  Yon lang. That’s all.  Then let’s see how it goes,”pilyang ngiti nito.

“Ikaw talaga!  Hirap  talaga akong mahindian ka.  Ay sandali, since lawyer ito, so kilala din ito ni John at ni ex?” tanong niya.

“Ano naman kung connected sila.  Dapat lang si Niko ipalit mo para kung masaya kayo together ni Niko ay mag sising alipin si Joey.  He should be given a dose of his own medicine,” pagtataray nito.

“Pero wala akong planong gumanti.  For me the best revenge is silence.” ani nito.

“Ah basta.  Hindi puwedeng ganon na lang no?  Pinagmukha ka niyang tanga, so dapat malaman niya kung ano ang nawala sa kanya.” ani Charlene.

‘As if naman may pakialam pa yon who I date no?  I am sure wala iyon pakialam.” sagot niya.

“Correction, dear.  Whenever he calls John, he asks about you. Alam mo bang nagdadalawang isip on kung tutuloy siya ng US o hindi dahil ayaw ka niyang iwan.  Kaso, mataas ang ambisyon niya kaya tumuloy siya.  Pero he has never forgotten about you.  And by the way, yung dating girlfriend ni Niko, sinulot niya.  Kaya they are not in good terms.  Best revenge di ba.”

“Oh my, Charlene! Napakakumplikado nitong papasukin ko kung itutuloy mo ang pagpapakilala mi sa akin kay Niko.  Please huwag na.  Kung kapalit lang naman ng sales ay ang peace of mind ko, huwag na lang.  And please, do not tell John about me. Para wala siyang mabalita kay Joey,” pakiusap niya.  “Ayoko kasi talaga ng gulo at lalong ayaw ko nang may malaman pa si Joey tungkol sa akin  kung totoo man na nagtatanong siya about me.”

“Help me na rin na makabawi din kay Niko.  Actually wala naman planong maghiganti si Niko. Ayaw din niya ng gulo.  Pero okay sige, I will honor your wishes.  Ipapakilala ko na lang si Niko sa’yo para sa business okay?  Kung something amazing comes out of it then good!” sabi nito sabay kindat.

Napabunghininga na lang si Lia.  Hirap hindian ang kaibigan.  Hindi niya akalain na magiging kaibigan niya ito.  Bawal kasi sa kanila as teachers na makipagkaibigan sa mga patients.  Pero nang naging boyfriend niya si Joey, madalas sinasama siya nito sa get togethers na hosted by Charlene and her husband, John.  And dahil na rin sa teacher siya ni Felicia na anak nina John at Charlene, naging malapit sila sa isa’t-isa.  Pero hindi nito alam ang tungkol kay Stella, at wala siyang balak ipaalam ito.  Mas mabuting walang alam si Joey na may anak sila.  Isa itong abogado at anytime, puwede nitong kunin si Stella sa kanya.

“Ano na, let’s go na and make a sale,: yaya ni Charlene.

“Huh?” naguguluhang sabi niya.

“Halika na,  Tingnan na natin ang condo.Then iclose mo na ang deal.” paninigurado ni Charlene.

“Naku, matutuwa si Bong nito,” pagtitiyak ni Lia.

“I’m sure he will be,” paniniyak ni Charlene.”Tanong ko lang sis, bading ba yong dalawa?  Parang may something sa kanila eh.  Sila ba?” pilya nitong tanong.  

Natawa na lamang si Lia.  She did not confirm nor deny.  Buhay nila ay buhay nila.  Ayaw niyang makialam.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status