Share

CHAPTER 8

Sa labas pa lang ay feel na feel na ni Niko ang party vibe.  Pumasok na siya kanina sa events place kaso wala pang katao-tao.  Sa sobrang excitement niya ay napaaga siya ng dating.  Napagpasiyahan niya na sa kotse na lang siya maghintay at kapag man nakita na siyang kakilala ay saka siya papasok. Habang naghihintay ay naisipan niyang bisitahin ang mga social media accounts niya na matagal-tagal na rin niyang hindi nabibisita.   Bakit nga ba hindi niya naisip na istalk ang social media accounts ni Lia.  Tinype niya sa search button sa ISocial and Lia Garcia.  Wala!  Tinype niya sa Photogram ang pangalan ni Lia.  Wala rin!  Nagpapakamisteryosa ba ng babaeng ito o may tinataguan?  Paano ito nagoonline marketing kung wala itong account?  Ah baka nakadummy account lang at naka page lang siya sa online marketing. Bakit ba napakailap mo, Lia?

Events like this bring back memories to Lia.  Noong bata bata pa siya, she was so carefree.  Natatandaan niya na siya pa ang nagyayaya sa mga parties na ganito.  Every Friday, nasa bars sila ng mga kaibigan niya.  Ang saya saya niya noon!  Dati, kapag papalapit na sila sa club at naririnig niya na ang music ay napapasabay na siya sa kanta at napapaindak sa saliw ng tugtugin.Hataw silang sumayaw sa dancefloor at talagang kapag sumayaw sila ay bigay na bigay akala na ng mga lalaki doon ay easy to get sila.  Why can’t girls have fun?  She used to catch men’s attention.  Andaming nagooffer na bibili ng drinks; maraming nanlilibre, maraming nakikisayaw.  Feeling niya she’s on top of the world.  Ang sarap irelive yung mga memories ng pagiging carefree at walang responsibilities.  For 8 years, puro paghahanapbuhay ang ginawa niya. Para siya kabayo na isang direksyon lang ang patutunguhan. Hindi siya ganito noon.  Hindi siya ganito karesponsable.  In fact, lagi silang nagkakagulo ng mama niya dahil wala siyang direksyon.  Nangongopya lang siya ng goals.  Ang pagiging guro ay kinopya niya kay Zoe, ang matalik niya kaibigan na matanda sa kanya ng isang taon. How time flies.  Ibang-iba na siya ngayon. 360 degrees ang turn ng buhay niya.  Isipin mo kung dati gusto niya maingay, ngayon gusto niya ng peace ang quiet.  Kung dati life of the party siya, ngayon behind the scenes na siya.  Kung puwede nga lang hindi siya makita.  Kung dati napaka loud niya, siya naming tahimik niya ngayon.  Dati alam ng lahat ang nangyayari sa buhay niya, ngayon ang selfish niya pagdating sa buhay niya. Ikaw pa ba ito, Lia Garcia?

“A penny for your thoughts?” a husky voice interrupted her dreamy state.  She felt his warm breath against his shoulders. She closed her eyes and felt her body shiver.  She felt her body tingle just by the sound of his voice. She took a deep breath to steady herself and then face the man who made her feel like a woman reborn.

Halos hindi makapagsalita si Lia sa samu’t saring reaksiyon na nararamdaman ng katauhan niya.  Parang nabuhay ulit ang pagkababae niya.  Nakatingin lang siya kay Niko, hindi makapagsalita.

‘What’s wrong?” tanong ni Niko. Bakas ang pagnanasa sa boses nito.  Nang nakita niya itong pababa ng kotse ay lalo siyang napahanga dito. She is not like most women who wear revealing clothes on parties like this.  But Lia is almost conservatively dressed, but oozing with sexiness.  Napaka-elegante na parang babasaging China doll. Her hair is neatly tied in a bun, exposing her delicate and beautifully sculpted shoulders.  Ang sarap halikan bawat shoulder blades. He could almost feel himself rising to the occasion, but he suppressed it by getting out of his car, and walking to the direction Lia was going.  He admired her from a distance. Hindi siya nagsasawang tingnan ito habang nakatayo ito at para bang may hinahanap sa crowd. She’s deep in thoughts.  Ako ba ang hinahanap mo, Lia?  Am I in your thoughts?  Ano ang iniisip mo, Lia?  Nagpasya siyang lapitan ang sinisinta at alamin kung siya ba, kahit paano ay iniisip din nito.  It’s been days since meeting her again that he’s been having sleepless nights.  He wants her in his arms.  He wants to envelop her in a tight embrace.  He wants to kiss her until her lips are sore. Oh, Lia, you have woken up my manhood and especially my heart.  I want you to be mine.  

“Ah eh,” wala naman” sagot ng dalaga na nagpabalik kay Niko sa kasalukuyan.  “N-nagulat lang ako k-kasi bigla kang sumulpot,” pautal nitong sagot.

“Oh sorry”paghingi ng paumanhin ng binata.  It’s just that you were alone and you were deep in thoughts. I thought I should say hi.” sagot ni Niko.

“Ah-okay lang.  Hmm, mag-isa ka lang?” tanong ni Lia habang luminga linga at tiningnan kung may kasama si Niko.

“I would rather be alone.  I actually am not a party-goer. Matagal na rin akong wala sa party scene.  Parang I feel too old na for this.”

“Pareho lang tayo.  Mas gusto ko na lang sa bahay na lang at magpahinga.  Kaso sa trabaho namin kahit ayaw namin magpuyat at magparty, kailangan e. Tara upo tayo.  I’m famished,” sabi ng dalaga habang nililead si Niko sa mga bakante pang tables.  Halos lahat ng tables malapit sa stage ay puno na.  Mabuti na lang may nakita pa siyang nasa gitna na bakante. Asan na kaya sina Paul at Bong?  Bakit wala pa?  Madalas kasi ang mga ito ang nagrireserve ng mga seats nila sa harap.  

“Dito na lang tayo.  Medyo malayo sa stage, pero sa gitna naman.  Ganito talaga pag late sa mga ganitong parties, mahirapan kang humanap ng vacant tables na ayon sa gusto mo.  Okay ka na ba dito?” tanong nito kay Niko.

“Okay na okay na.  Wala naman sa stage ang titingnan ko eh,” sagot nito sabay kindat sa dalaga.

Kung nagblush man siya, sana hindi mahalata ni Niko dahil parang naramdaman niya ang pag-init ng cheeks niya.

“Hindi ba teacher ka? “ tanong ni Niko.  “What made you shift to the real estate industry?” tanong nito.

“Sa sales kasi, kapag masipag ka, mas malaki ang kita.”

“So why did you not take up marketing in college?  Bakit Education?”

“Actually parehong teachers ang parents ko.  Also, dati walang direction ang buhay ko.  Follow follow lang ng dreams ng iba.  Parang di ko alam talaga ang gusto ko noon.  I only wanted to have fun.  Gusto ko lang masaya lagi,” sagot niya.

Matiim siyang tiningnan ni Niko at nagtanong, “Masaya ka ba ngayon, Lia?”

“Happiness or loneliness is not absolute.  You can feel both in different aspects of your life,” sagot niya. “You must always accept that you can’t have everything.  There are highs and lows, negative and positive, so you can’t possibly absolutely answer that question,” dugtong niya.

Napatingin si Niko kay Lia.  Malalim pala siyang tao. Matalino.  Totoo nga ang kasabihan na silent water runs deep, and this applies to Lia.

“Siguro naman masaya ka sa work mo?”  tanong nito.

“You will know,” misteryosong sagot ni Lia. Tumawa ito at siniko si Niko. “Of course I am happy!  For seven years I climbed the ranks sa sipag at tiyaga.  I have finally reaped the fruits of labor.  What more can I ask for?” sagot nito.

Nilapitan si Lia ni Niko.  Halos dumikit ang pisngi nito sa kanya. ‘Are you sure na you have everything na?  Are you sure, wala ka nang gustong makuha.  How about family life, Lia? Ayaw mo bang bumuo ng family?  Mahirap mag-isa sa buhay,” sabi nito.

Tiningnan ni Lia si Niko at in a soft, and quivering voice, asked him,” Are you hitting on me?”

“If you will allow, I am asking that we date, and see if it will work out.  No pressures,” tiningnan nito si Lia, waiting for her answer- longing for a positive response.

“You don’t know me well, Niko”sagot niya sa binata.

“I like how I know you, Lia,” sagot nito. “And that’s the reason why I want to date you because I want to know you more. In so short a time, nakita ko na mabait kang kaibigan, boss at…

“Marami kang hindi alam sa akin, and as of the moment, I want you to stay where you are.  For 8 years, nilasap ko ang tahimik na mundo, ayokong magulo pa.”

“Si Joey ba ang dahilan?  It seems like he is the reason why you are not giving me a chance.  Ayaw mong pumasok ulit sa mundong ginagalawan din ni Joey, “tanong nito.

“Ganun na nga,” sagot niya.

“Siguro naikuwento na sa iyo ni Charlene na may atraso din sa akin si Joey. “Gaya mo Lia, ayaw ko ring mapabilang pa sa mundo na ginagalawan din ni Joey,” sagot nito.

“I-I don’t know,” sagot niya.  “Tahimik na ang buhay ko. Marami pang iba dyan, Niko,” sagot niya, malungkot ang mga mata.  “Doon ka sa mas deserve ka. Sa ngayon talaga friendship lang ang maibibigay ko sa’yo,” sagot niya.  “Ayoko ng anything romantic,” pahabol niya.

“Okay ako sa friendship, Lia.  I just want to be with you.  That’s all.  No expectations.  No pressures, promise,” sabi ni Niko.

“O-okay” nag-aatubili pang sagot ni Lia.  “No pressures,okay?”

“Promise,” sagot ni Niko at itinaas pa nito ang kanang kamay. 

“Good!  Let us not complicate things, Niko,” malungkot na sagot ni Nika.

“I assure you, I am content with what you can offer, Lia” sagot ni Niko.

“Ladies and Gentlemen!” bati ng may-ari ng AVRM Realty- Si Jess Chua “I hope you enjoyed your dinner and the presentations earlier.  Now we move to the most important part of this event.  The awarding of the top sales teams, salespersons and of course, I have an important announcement later.”

Habang nag-aawarding ay tuloy sa kuwentuhan ang dalawa hanggang sa dumating sina Paol at Bong. Sabay pa ito humingi ng paumanhin for being late.  “ Ang traffic sobra,” sabi ng mga ito habang humahangos sa kanilang mga upuan.  “Mabuti, nakareserve pa kayo ng upuan, Ma’am Lia,” sabi ni Paul habang dumudukot ito ng face powder at nagretouch.  Si Bong naman ay tinitingnan sa salamin ang buhok at inaayos ito.  Siyempre bawal magsuklay at the table so touch touch na lang ito sa buhok.

“Mabuti nakaabot kayo sa awarding.  Ayoko namang umakyat para kunin ang mga awards niyo no!” sabi niya.

“Oo nga.  Grabe ang kaba namin sa biyahe kanina at ayaw naming mamiss.  Aba namili pa kami ng mga bagong suit para lang sa awarding na ito,” sagot ni Bong.  Nang medyo nakahinga na ng konti saka napansin ng dalawa sina Lia at Niko!

“Sir Niko, oh my goodness!  You are so yummy!  Este so handsome! “ knikilig na sabi ni Bong.

“At Ma’am Lia, finally nagpasexy kayo sa suot niyo ha.  Dati lagi kayong nakabusiness suit.  Ngayon nakadress.  Hm,,” parang kinikiliti ito sa tinig habang pabalik-balik ang tingin nito kina Lia at Niko.  “Naku, I smell romance,” dugtong ni Bong.

Parang naramdaman na naman ni Lia na nagblush siya.  At binuking pa talaga siya nitong herodes na ito. Hindi siya tuloy makatingin kay Niko.  Lalong naramdaman niya na hindi siya komportable nang isa-isang umalis ng table ang dalawang kasama para kunin ang kanilang awards.  Nakabibinging katahimikan ang namagitan sa dalawa.

Magsasalita na sana si Niko nang tinawag ang pangalan ni Lia ng may ari ng realty.

“Please help me in welcoming our new Sales Director, Lia Garcia!” announced by Mr. Jess Chua, the owner of the realty.

So ito ang sinasabing ni Lia kanina.  8 years at Sales Director? Hmm?  How did she go this far in so short a time?  Nakikita niya sa stage ang di maitagong connection na namamagitan sa dalawa.  May relasyon ba si Lia at si Jess Chua?  Dahil ba sa kanya kaya ayaw mag-commit ni Lia?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status