Share

 I FOUND MY HOME IN YOU
I FOUND MY HOME IN YOU
Author: V. Lumalanlan

CHAPTER 1

“Hi Lia.  Come in, come in,” ani Jess Chua, ang may-ari  ng AVRM Realty. Matipuno pa rin ang pangangatawan nito kahit nasa early sixties na ito. Para itong si Ronaldo Valdez sa kilos at pananalita.  Meron itong executive presence kahit naka polo at slacks lang ito.  Tumayo ito para salubungin si Lia  na  humahangos papasok ng kuwarto. He guides Lia  sa isa sa mga chairs sa office nito. He pulls a chair and tells her to have a seat.  Mr. Chua set the bar so high sa pagiging gentleman at dahil dito lahat ng female salespersons naging sobrang pihikan na sa pagpili ng kanilang life partners.  

Habang papunta sa upuan ay tarantang inaayos ni Lia ang sarili.  Hinawi nito ang buhok na tumatakip sa maamo nitong mukha. Pinunasan din nito ang mukha, leeg at pati mga braso  dahil basang-basa ang pawis.   Kung bakit ba naman kung kailan siya nagmamadali saka naman nasira ang elevator.Kaya no choice siya kung hindi to take the stairs. Nasa 10th floor  lang naman ang office nila sa isa sa mga busiest districts ng Makati.  “Dyusko”, sabi niya sa sarili niya, di man lang siya nakapagretouch.  Pihadong nagmamantika na ang mukha niya. “Sir Jess.  I am so sorry, I’m late,” halos habulin nito ang hininga. “Kagagaling ko lang sa site visit with a client. Hindi ko na macancel kasi sayang ng opportunity.  I thought na kakayanin kong makarating on time.  Hindi pala.  Sira din po kasi ang elevator.” paghingi nito ng paumanhin.

“No problem, Lia,” ani Mr. Chua.  “I know that you are doing your best for the company.  And I know the hours that you are putting into para lang mameet mo ang sales quota mo.  Hindi mo lang namimeet, but you are consistently exceeding my expectations.  Kahit siguro pinaghintay mo ako ng isang araw para lang maclose ang sale, I don’t mind at all.  You know kung gaano ka vinavalue namin ng Tita Tes mo” anito. 

Si Tita Tes, and asawa ni Mr. Chua ay parang pangalawang ina nito.  Ito ang naging sandalan ni Lia nang nagipit siya. Actually, si Tita Tes ay grandmother ng dati nitong student na si Nicole, noong preschool teacher pa lamang ito.  Hindi nito akalain na of all people ito ang tutulong sa kanya noong panahon na walang-wala siya.

“ Na close mo ba?” tanong nito sabay kindat. “We are growing, and that’s because of hardworking people like you.  Baka in 5 years time ay makapagpatayo na tayo ng sarili nating building, and we will make sure na properly maintained ang mga elevators,” natatawa  nitong sabi.

Napangiti si Lia  sa tanong ng boss at naexpose ang kanyang pearly whites.  Sabi nga ng mga kaibigan nito na her smile can launch a thousand ships.  Magmemelt talaga ang mga nakakausap kapag nagismile na ito. “Yes sir.  2-bedroom unit po,” pagmamalaking sagot ni Lia. “Thank you po Sir Jess,” pagpapatuloy nito.  “I really appreciate that you can see my effort and my determination to succeed.  Thank you to you and Tita Tes for molding me into one of your best salespersons.  Utang na loob ko po sa inyo ang lahat.  Heaven-sent po kayo sa akin ni Lord. I don’t know kung saan kami pupulutin ni Stella, kung wala kayo ni Tita Tes,” anito.  Si Stella ang seven years old na anak ni Lia sa pagkadalaga.

“Para ka na naming anak. We invest so much in you kasi ikaw lang ang mapapagkatiwalaan naming mag-asawa na magpatuloy nitong business.  At alam mo naman na ang nag-iisa naming anak, walang kahilig-hilig sa business namin.  Also, ikaw din lang pinagkakatiwalaan ni Fides kasi lumaki halos sa iyo si Nicole,” sabi nito.  “ I want to retire na rin, and enjoy the fruits of my labor. Hindi lang kami ang Heaven-sent sa iyo.  Ikaw din ay Heaven-sent sa amin.  At dahil  diyan, we have decided to promote you to Sales Director. Actually, kung puwede nga lang part-owner na kaya lang you have to learn the ropes first.  Congratulations, Lia, you deserve it,” nagagalak nitong sabi.

Napalunok si Lia, at hindi halos makapaniwala sa narinig.  Hindi nito akalain na she will reach this far kasi 7 years pa lang siya sa business.  Alam nitong  marami pa siyang kakaining bigas.  Ngayon hindi nito alam kung tatanggapin niya ang position dahil alam niyang the higher the position, the higher the quota, at mas maraming panahon na laging wala siya sa bahay.  Marami na siyang pagkukulang sa anak niya.  Hindi pa man niya naibubukas ang bibig para magtanong ay inunahan na siya ni Mr.Chua

“I guess,iniisip mo na baka wala ka nang time kay Stella.  Don’t worry.  Parang phantom quota lang ang ibibigay ko sa’yo.  If you and your team will reach the quota, then good. If not, then keep on trying.  Ang assistant sales director ang pukpukin mo ng quota,” pagbibiro nito. “I just want you to manage the sales department kasi my hands are full.  But of course, internal arrangement ito.  Kaya please accept the position.” pakiusap nito. 

“I guess I have no other choice,” kibit balikat na sagot ni Lia..  “I have no choice, but to accept the position, right?” tanong nito.

“Yes.  There’s no saying no,” paniniyak ni Mr. Chua. “So I guess this is a wrap.  I will prepare the contract, we’ll have it signed sa 20th Anniversary ng AVRM Realty okay?  I will send you the draft before the party, so you can go through it, and if you have any questions.” anito.  Tumayo ito at inextend ang kamay kay Lia, na inabot naman nito.

“For our continued partnership,” anito “ We got your back Lia, you know that. From the start, I saw the potential in you.  You can do it, okay?  If you need anything, just let me know.  I want to groom you to be my successor, so you have to learn the ropes now.  I want to retire soon.  Nagtatampo na ang Tita Tes mo kasi hanggang ngayon busy pa rin ako.  I should be retired now.” sabi nito.

“Thank you for your trust, Sir,” sagot nito. “Makakaasa po kayo na I will do my best,” paniniyak nito.

Pagkalabas na pagkalabas pa lamang ng executive office ay tinawagan na agad nito ang secretary para sabihan ang team na may meeting the next day.  

“Michelle, make sure na all sales managers and up will attend the meeting day after next okay? Sa conference room sa main office ang venue, 1 pm.  Tawag ka rin ng caterer, charge it to me.  Thanks, Michelle,” sabi nito..

Bulung-bulungan sa main office ang bagong napromote na sales director.  Pero karamihan sa kanila isa lang ang tinutumbok.  Si Lia.

“Ipupusta ko ang commission ko sa isang project.  Pakiramdam ko talaga na si Ma’am Lia ang bago nating sales director,” ani nito.  “Siya lang ang laging nakakareach ng quota.  At nalalagpasan pa niya madalas ang quota.  At karamihan sa sales, sa kanya galing hindi sa mga tao niya. Paano niya kaya nagagawa yon?” tanong ng  isang sales manager.

“Naku sa beauty na lang ni Ma’am Lia, tapos sa taglay niyang kaseksihan, kahit ayaw bumili napapabili,” ani isa. “Idagdag mo pa ang legs na puwedeng iinsure,” dagdag nito,

“At siyempre the way she talks no?  Napakamahinhin pero grabe ang conviction.  Naobserve ko siya sa isang sales call.  Grabe ang galing. Parang sa kanya yung property na ibinibenta. Makikita mo na mahal niya yung property na parang, it’s too precious to let go.  Ganon siya magbenta.  Siguro dahil may teaching background siya, so madali para sa kanya ang magpresent.  Pero wala talaga akong masabi sa kanya. Minsan nakukuha niya sa tingin.  Kapag nagtotour sila ng unit for example, tahimik lang siya. Hindi siya gaya ng ahente na kulang na lang halikan ang puwet ng client.  Wala siya sa level na ngayon. Itotour niya at napakaprofessional niya kapag nagtotour.  Para bang flight attendant sa bearing.  Then pagkatapos ng tour tatanungin lang niya ng, “You like it? Sabay tingin mata sa mata at smile na nakakabighani.  Naku, sana kahit katiting man lang ng galing niya makuha ko.  She really deserves the position,” ani Paul, isa ring sales manager.

“Baka ito ang dahilan kaya tayo may meeting ngayon.  Baka ipapakilala na sa atin ang sales director,” sabi ng isa.

“Malamang.  At kapag ganitong scenario, madalas eh magbibigayan din ng quota,” sabi ng isa. “Sana hindi na itaas ang quota.  Sa hirap ng buhay ngayon kakaunti na lang ang gusto maginvest.”

“Sabi ni Michelle ay parang training lang daw how to get clients et al.  How to market the properties.  Sana nga makatulong, para mamotivate ako lalo at malaki na rin ang take home ko, “ ani nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status