共有

Chapter 132

作者: summer
last update 公開日: 2026-07-04 06:06:30

CHAPTER 132

Inabot ni Joseph ang tubig at sumimsim nang nagsalita siya. "Hindi ako pumapayag na tanggalin si Jillian."

Nabulunan ang ama. Galit na ibinagsak nito ang baso. “Gusto niyo talagang mamatay ako ng maaga ano? Wala na bang matino sa inyong mga anak ko?”

"Secretary ko si Jillian. Bakit hindi mo man lang ako tinanong?"

"Ako ang Chairman ng Chase & Co., Hindi ko ba pwedeng tanggalin ang isang hamak na sekretarya? Isa pa, ipinaliwanag ko na hindi ba? Mawawalan din naman ng trab
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Thin Tañala Sotto
next pls maganda talaga
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 136

    CHAPTER 136 [ZACHARIAS] Bitbit ang cellphone, sinilip ni Zacharias si Jillian sa master’s bedroom nang marinig niya ang masayang tawa nito. Amuse na napangiti siya dahil tuwang-tuwa ito habang kini-kwento na may fifty million na raw ito sa bangko. ‘Mas masaya ba na may fifty million kaysa maging girlfriend niya? Kung pakasalan mo kaya ako para mas marami pa sa fifty million ang makuha mo. Ibibigay ko naman lahat sa ‘yo.’ Kapagkuwan ay napailing si Zacharias nang maalala ang sinabi ni Jillian kanina tungkol sa magbabago raw ang nararamdaman niya para rito sa paglipas ng panahon. Kung mayroon man magbabago, siguradong mas lalalim lang ang pagmamahal niya. Katulad ngayon, mas malalim at mas minamahal niya si Jillian pagakatapos ng limang taon na hindi sila nagkita. Mas hinangaan niya ito dahil mag-isa nitong itinaguyod si Kai, kinaya ang lahat kahit ang hirap-hirap at hinintay siya kahit walang kasiguraduhan. Mas gusto niyang alagaan si J

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 135

    CHAPTER 135 Napahilot si Jillian sa sariling sintido. Kawawa palagi si Rafael sa walanghiyang Zacharias. Isinara niya ang pinto ng walk-in closet at saka lumabas ng kwarto nito. Mukhang nalock naman na ni Zacharias ang mga dapat i-lock kahit pa secured ang village na iyon kaya bumalik na siya sa Master’s bedroom. Eksakto naman na nagri-ring ang kanyang cellphone. “Baby ko!” maligaya niyang sabi."Mommy, susunduin mo ba ako bukas po?”"Oo, baby. Pagkatapos ng almusal, pupunta ako riyan.”“Mommy, hindi ka magwo-work bukas?” gulat nitong tanong."Hindi muna. Magpapahinga muna si Mommy ng ilang araw. Gusto mo ba na mamasyal tayo bukas?”"Talaga po? Gusto ko, Mommy ko. Gusto ko po!” eksayted na sabi ni Kai.“Oo. Teka, saan mo ba gustong pumunta?”Sandaling natahimik si Kai bago nagsalita. “Mommy ko, hindi na po pala. Magsleep ka na lang o kaya manood ng movie. Rest ka na lang, Mommy ko po kasi pagod ka sa work mo.”Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 134

    CHAPTER 134 Kumalat ang init sa kanyang mukha at leeg. Ngali-ngaling sipain niya na naman ito. Bakit ba ang berde ng utak ng walanghiyang ‘to kapag kausap siya?! “Okay hindi na.” Nangingisi itong nagtaas ng dalawang kamay. “Thank you for what, Babe? Wala akong maisip na ipinagpapasalamat mo.”"Ikaw ang nag-utos kay Chairman Chase na bigyan ako ng fifty million para sa ginawa ni Katelyn di ba?”"Nareceive mo na?""Oo. Akala ko nga nagkamali ang finance. O kaya may ilegal silang ginagawa tapos isasangkot ako.”“Ang dali mong takutin. Fifty million lang iyon.” Nagsimula itong sumubo ng pagkain."Magkano ba ang assets mo?""Around a hundred billion. Iyon ang sabi sa akin ng finance last year. Ang sarap mo talaga magluto.“Kaya naman pala naliliitan ka sa fifty million,” ismid niya rito.“You can have my assets if you just marry me.”“Hindi mo ako mauuto,” irap niya rito at kumain na rin.Humalakhak lang si Zacharias at dinagdagan pa ng ulam ang plato niya. “Now tha

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 133

    CHAPTER 133 Tumunog ang kanyang cellphone. Agad niyang sinagot nang makitang si Rafael ang tumatawag. “Miss Jillian, nailipat na po namin dito sa Taguig ang mga gamit niyo. Ibinalik na rin po namin ang susi na hiniram sa Landlady. Kailan po kayo pupunta rito sa Villa para maipasok ang mga gamit?” “Papaunta na,” sagot niya naman. Nakausap niya na kaninang umaga ang Landlady. Nasa kontrata nila na isang taon dapat siya roon kaya hindi na lang niya kinuha ang mga bayad na hindi niya naman magagamit. Usapan na lang nila na magiging bakante ang apartment na iyon. Mas mabuti nga iyon dahil paano pala kung nagkaroon sila ng malaking away ni Zacharias sa hinaharap? Aba, lalayas siya bitbit si Kai at babalik sila sa Apartment."Sige po. Hihintayin namin kayo sa tapat ng pinto. At saka, may meeting si Sir Zacharias. Susubukan daw po niyang makauwi agad. Ano naman pakialam niya kay Zacharias kung maaga itong uuwi o hindi? Saka bakit sa villa ito

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 132

    CHAPTER 132Inabot ni Joseph ang tubig at sumimsim nang nagsalita siya. "Hindi ako pumapayag na tanggalin si Jillian." Nabulunan ang ama. Galit na ibinagsak nito ang baso. “Gusto niyo talagang mamatay ako ng maaga ano? Wala na bang matino sa inyong mga anak ko?”"Secretary ko si Jillian. Bakit hindi mo man lang ako tinanong?""Ako ang Chairman ng Chase & Co., Hindi ko ba pwedeng tanggalin ang isang hamak na sekretarya? Isa pa, ipinaliwanag ko na hindi ba? Mawawalan din naman ng trabaho si Jillian kung nakipagmatigasan ako dahil siguradong lulubog ang Chase & Co.,”Nagtagis ang kanyang mga ngipin dahil tama ito. Madadamay rin ang iba pang empleyado nila kung nagkataon. Malalim na bumuntong-hininga si Joseph."Anak, kung gusto mong marating ang tuktok kailangan mong kontrolin ang emosyon mo. Matuto kang magsakripisyo. Babae lang ‘yan. Magkapraktikal ka! Isa pa, sa tingin mo ba may pag-asa ka kay Jillian?”Tuluyang nawalan ng imik si Jensen. Una pa lang, alam niya ng talung-t

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 131

    CHAPTER 131"Pwede ko bang makausap si Chairman?”“Hindi po pumasok si Chairman ngayong araw. Paki-sign na lang po ang kontrata. Sabi ni Chairman ay dapat bukas, hindi na kayo papasok. Miss Jillian, hindi naman po kayo lugi rito sa totoo lang.”Naalala ni Jillian ang plano niya na umalis naman na talaga. Dahil lang kay Sir Jensen kaya hindi siya nagre-resign. Ngayong tinatanggal siya ng mismong Chase & Co., ay mas maganda dahil karapatan niyang makatanggap ng separation pay. Baka kung magmatigas pa siya ay gumawa ng paraan ang kumpanya para siya mismo ang mag-resign. Mas lugi siya kung ganon.Hindi na siya nagpumilit at pinirmahan na ang termination cotract. Pagbalik niya sa opisina ay nilapitan siya ni Shane. “Pinapapunta po kayo ni Sir Jensen sa opisina niya.”"…sige, puntahan ko.” Alam kaya ng boss niya na tinaggal na siya? Mahina siyang kumatok sa pinto ng mismong opisina nito."Come in." "Sir, pinapatawag niyo po raw po ako?” pormal niyang wika nang makapasok.

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 39

    CHAPTER 39 Laman pa rin ng isip niya ang mga sinabi ng kaibigan nang mahiga siya sa kama. Dulot ng pagod ay agad siyang nakatulog. Nagising siya bandang alas-singko nang madaling araw. Pagsilip niya sa cellphone ay may text si Zacharias bandang ala-una. ‘Jil, you sleep?’

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 37

    CHAPTER 37 “Kuya, huwag mong pangunahan si Mama. Ayaw niya akong makita. Gusto mo bang mahigblood yon kapag nagpakita ako bahay natin?” “Matanda na si Mama. Magbabago rin ang isip niya. Pamilya pa rin tayo. Dapat magkakasundo tayo.” “Kayo lang ang pamilya, hindi

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 36

    CHAPTER 36[JILLIAN] “Bakit ka nandito?” tanong niya kau Zacharias nang makabawi sa pagkagulat. Sa halip na sumagot ay nilapitan siya nito at pinulot ang groceries na nabitawan niya kanina at saka ibinigay sa kanya. “Aalis na ako.” Base sa ekspresyon nito ngayon

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 34

    CHAPTER 34 Kung maganda na ang labas ng Manor ay mas nakakamangha sa loob. Pakiramdam niya ay nasa unang panahon siya kung saan ang disenyo ng gusali ay nililok ng magaling na iksultor. Maaliwalas at elegante! “Nagpalinis talaga ako sa buong bahay kasi unang bese

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status