LOGINCHAPTER 5
Sa sobrang pagka-palikero ng boss niya, pati siya ay hindi pinatawad sa kalandian nito. Sinubukan siyang h alikan at akit-akitin nang minsang nalasing.
Sa inis ni Jillian ay pinatikim niya tuloy ng kamao ang pisngi nito at saka dinagukan ng matindi. Nagdadasal na siya para sa matinding sermon ni Jensen at pagkawala ng trabaho, kinabukasan ngunit ganon na lang ang gulat niya nang humingi ito ng paumanhin sa kanya.
“I’m sorry I wasn’t thinking straight last night. Hindi ko dapat ginawa ang bagay na ‘yon. Napagkamalan kita na ibang tao at— pasensya na. Hindi na mauulit.”
Agad niya naman pinatawad lalo pa’t bakas pa sa pisngi ng boss niya ang suntok niya. Simula nang araw na iyon ay hindi na lumampas si Jensen sa linya. Propesyonal na at ramdam ni Jillian na nire-respeto rin siya nito bilang tao.
Natigil sa pagbabalik-tanaw si Jillian nang may lumalagatak na takong palapit sa mesa niya. Kulot ang buhok ng magandang babae at bagay na bagay ang suot nitong fitted red dress kung hindi lang parang torong manunugod.
Malamang isa ito sa mga babae ng boss niya. Napabuntong-hininga na lang si Jillian na tumayo si Jillian, tanggap sa sarili na kasama na sa trabaho niya ang ganitong eksena dahil hindi na yata magbabago ang boss niya.
“Nasaan si Jensen?!” mataray nitong tanong sabay bagsak ng palad sa mesa niya.
“Hello, Ma’am. Wala po rito si Sir Jensen. May meeting po siya sa—”
“Oh shut the hell up! Alam kong pinagtatakpan mo ang lalaking iyon,” sikmat nito sa kanya at saka siya nilampasan papuntang opisina ng boss niya.
Nagmamadaling sumunod siya. “Ma’am, hindi po kayo pwedeng basta pumasok na lang basta.”
“Get out of my way!” Malakas siya nitong itinulak nang sinubukan niyang humarang sa daan nito.
Muntik na siyang mangudngod sa sahig kung hindi lang siya maagap na nahawakan sa braso ni Jensen na biglang lumabas sa opisina nito. Tinulungan siyang makatayo ni Sir Jensen bago malamig ang mga matang tiningnan ang bagong dating.
“Anong kailangan mo?”
“Ang kapal ng mukha mong bumalik rito! Sino ka para agawin ang posisyon na dapat ay kay Kuya Kalix? Wala kang karapatan dahil bastardo ka lang naman. Kung may dignidad ka pang natitira, bitawan mo ang posisyon at bumalik ka sa lusak na pinanggalingan mo!”
Natahimik ang buong palapag sa galit na boses ng babae. Hindi naman sikreto sa buong Chase & Co company na si Jensen ay anak sa labas ng Chairman. Hindi rin lihim na kaya nasa Cagayan si Jensen nitong mga nakaraang taon ay dahil takot ang unang pamilya ng Chairman na agawin ni Jensen ang kompanya.
Bumalik lamang si Jensen sa Maynila dahil sa nangyari kay Kalix—ang panganay na anak ng unang pamilya ng Chairman.
“Kate, si Daddy ang nagpabalik sa akin dito,” wika ni Jensen sa bunsong anak ng Chairman na kilala na sakit ng ulo ng pamilyang Chase.
“Wala akong pakialam! Ang sabihin mo, matagal mo na itong hinihintay na mangyari. Para kang asong naghihintay na tapunan ng kaparasong buto at mananakmal agad,” sigaw nito.
“Watch your mouth, Kate,” mas lumamig ang boses ni Jensen.
“Bakit, anong gagawin mo? Bastardo ka lang naman kaya wala kang karapatan sa kahit anong posisyon sa kompanyang ito.”
Sa halip na sumagot, ay inilabas ni Jensen ang cellphone at may tinawagan. Hindi pa man sumasagot sa kabilang linya ay tumunog na rin ang hawak-hawak na cellphone ni Katelyn.
“Hindi pa tayo tapos!” singhal ni Katelyn sa kapatid bago umalis.
Wala naman kahit anong reaksyon si Jensen bagkus ay nakipag-usap na lang ito cellphone at pumasok sa sariling opisina. Ilang minuto ang nakalipas, ay muling lumabas at dumiretso sa mesa niya.
Agad siyang tumayo sa iuutos nito subalit nakatitig lang sa kanya si Jensen na parang may gustong sabihin.
“Sir, may kailangan po kayo?”
Sa halip na sagutin siya ay lumingon ito sa isa pang sekretarya nito. “Get ready, you’ll come with me at Wolfgang Empire.”
Nasundan na lang ng tingin ni Jillian ang boss at ang isa pang sekretarya na papuntang elevator. Sa tatlo nitong sekretarya, siya ang mas pinakapinagkakatiwalaan ni Jensen dahil mas matagal silang magkasama kumpara sa dalawang sekretarya na dating ang boss ay si Sir Kalix.
Siya palagi ang sinasama ni Jensen sa mga importante nitong lakad katulad ng sa…Wolfgang Empire. Bakit nagdadalawang-isip ito kanina kung siya ang isasama?
Sa kabilang banda, nakahinga ng maluwag si Jillian dahil pabor sa kanya ang nangyari. Ayaw niyang makita si Zacharias Wolfgang!
[ZACHARIAS]
“Sir, Mr. Chase from Chase & Co., Group is here,” wika ng sekretaryang si Rafael.
Sandaling natigilan si Zacharias sa pagpirma sa mga dokumento. Humigpit ang hawak niya sa sign pen bago malamig na sumagot.
“Tell them to wait at longue room.”
“Yes, Sir.”
Halos kinse-minutos ang nakalipas bago pa tumayo si Zacharias para puntahan ang mga dumating. Pagpasok niya sa Longue Room ay mas lumamig ang kanyang mga mata nang makita ang kasama ni Jensen Chase.
“Mr. Wolfgang, nice to see you again,” bati nito sa kanya.
Tinanggap niya naman ang pormal nitong pakikipagkamay ngunit agad din bumitaw sabay upo sa pang-isahang couch.
“We are hoping for a collaboration with the Wolfgang Empire. This is our proposal for the Palawan Project.”
Kinuha ni Zacharias ang inabot nitong folder subalit, hindi man lang pinagkaabalahan na basahin. Sa halip ay inilapag lang sa mesa. Hindi naitago ni Jensen ang pagkagulat sa ginawa niya ngunit wala siyang pakialam lalo pa’t ipinaliwanag naman nito sa kanya ang laman ng proposal.
Halatang-halata na walang interes si Zacharias. Isang-tanong, isang sagot. Ilang minuto lang ay biglang tumayo si Zacharias.
“You explained enough. This meeting’s done!” kaswal niyang wika at bumalik sa opisina, mas lalong nabwisit.
[JILLIAN]
NAHULAAN agad ni Jillian na hindi maganda ang kinalabasan ng meeting ng boss niya Wolfgang Empire dahil nakasimangot ito nang bumalik sa opisina.
“Alam mo ba, nakakainis iyong CEO ng Wolfgang Empire,” kwento sa kanya ni Maria na siyang kasama kanina ng boss nila.
“Bakit, anong nangyari?”
Pumalatak ito. “Ang arogante. Ang taas ng tingin sa sarili. Hindi man lang sinilip ang pinaghirapang proposal ni Jensen. Nong nagpapaliwanag naman si Sir ay harap-harapan na pinapakita na wala siyang interes. Kaya nainis din si Sir Jensen kasi mantakin mo ba na bigla na lang sinabing ng CEO na iyon na tapos na ang meeting.”
Hindi na lang nagsalita si Jillian dahil dahil alam na alam niya ng iba na talaga ang ugali ng dating nobyo.
Kinabukasan, may ibinigay sa kanyang folder ang boss niya nang ipinatawag siya nito sa opisina. “Ano po ito, Sir?”
“Recised proposal of Palawan Project.”
“Po? Di ba naibigay na ito kahapon sa Wolfgang Empire.”
Kumusot ang mukha ni Jensen. “May pinabago sila. I want you to deliver it personally to CEO Wolfgang.”
“A-Ako po?” Itinuro pa niya ang sarili dahil, utang na loob!, ayaw niya ngang makita si Zacharias!
“Who else? May iba pa bang Jillian Aguillar dito? May problema ba kung ikaw ang magdadala? I thought CEO Wolfgang was just a mere former co-worker? May hindi ka ba sinasabi sa akin, Ms. Aguillar?”
“O-Opo, dadalhin ko na, Sir. Ito na po, aalis na. Ngayon na po.” Nagpapanik siyang lumabas ng opisina dahil baka kung anu-ano na naman itanong.
Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ni Jillian habang sakay ng taxi. Ilang beses niyang pinaalalahanan ang sarili na maging propesyonal kung magkaharap man sila ni Zacharias. Ang plano niya ay ibigay na lang sa sekretarya nito at sisibat na siya paalis.
“Dito na po, Ma’am. Bawal pumasok sa compound,” wika ng driver.
Literal na napanganga si Jillian nang makita kung gaano kaganda ang Empire Building na nasa harap niya. Mula sa malaking gate na may mga bantay, ay kailangan niya pang baybayin ang mahabang walkway para makapunta sa mismong lobby ng building.
“Hi, I’m from Chase & Co. May ihahatid po akong dokumento sa opisina ng CEO,” wika niya sa dalawang receptionist.
Sinuri siya ng mga ito ng tingin bago siya hiningian ng Company ID. Kapagkuwan ay nag-dial ang isa sa telepono. Ilang sandali lang ay bumaba na ang pamilyar na lalaking sekretaryo ni Zacharias.
Sakto!
“Hi, Sir. Secretary po ako ni Sir Jensen Chase. Nagkita na tayo sa dinner party noong nakaraan,” halos magniningning ang mga mata niya. Inabot niya rito ang folder. “Pinapabigay po pala ni Sir Jensen, revised proposal ng Project.”
Sa halip na kunin ay umiling ang pormal na sekretaryo. “Importante ang proposal na iyan, Miss Aguillar. Mas makakabuting ikaw mismo ang mag-abot kay CEO Wolfgang.”
Napawi ang ngiti niya.
“This way please.” Inilahad pa nito ang kamay papuntang elevator na para sa CEO lang.
Walang nagawa si Jillian kundi sumunod dito. Pagdating nila sa palapag na pakay ay agad siyang pinapasok nito sa mismong opisina ng CEO.
“Nasa meeting pa si Sir Zacharias. Madali na iyong matapos. Please wait for a bit here,” wika nito at inilahad na naman ang mga palad para paupuin siya. Nahihiya naman siyang tumanggi.
Bahagya itong yumuko sa kanya bago naglakad papuntang pinto. Magsasabi sana siya na sa longue area na lang siya maghihintay nang malakas na sumara ang pinto.
Nakurap si Jillian.
Bakit pakiramdam niya ay pinipigilan siya ng sekretaryo na makatakas kaya ikinulong na siya sa mismong opisina.
Inilibot niya ang tingin sa paligid ng malaki, maaliwalas, at malamig na opisina ng CEO. Sa karangyaan pa lang niyon, ang laki-laki na ng agwat nila ni Zacharias.
Ang sabi, madali lang ngunit inabot siya ng bente minutos na nakaupo lang sa sofa dahil ayaw niyang maglibot o mangialam sa kahit anong bagay na naroon.
Inip na sumulyap siya sa suot na relo. Tatayo na sana siya para tanungin ang sekretaryo sa labas nang bumukas ang pinto at pumasok si Zacharias.
CHAPTER 117 “Sir, hindi ko naman pwedeng pasukin ang apartment niya at basta na lang kunin mga gamit nila ni Young Master para ilipat sa Villa.” “At talagang sumasagot ka pa? Kung ang pagsagut-sagot mo na iyan sa akin, ay ginamit mo na para mag-isip ng paraan,” sermon nito sabay patay ng tawag. Kumusot ang ilong ni Rafael at napahilamos ng sariling palad sa mukha. Itong boss niya pagdating sa ibang bagay, matalino at rasyonal mag-isip. Pero kapag si Miss Jillian ang usapan ay kung hindi irasyonal at isip-bata ay nabobobo naman. Katulad ngayon, ang daming sermon sa kanya dahil hindi niya raw napapayag si Miss Jillian. Paanong naisip nito na mapapayag niya si Miss Jillian gayong ito nga hindi kaya.[JILLIAN] PAGKA-ALIS NG SUV, ay dumiretso si Jillian sa parking lot upang ilagay sana ang envelope na ibinigay sa kanya ni Rafael sa kotse niya. Ayaw niyang makita ng mga katrabaho niya dahil baka kung ano pang isipin ng mga ito. Bu
CHAPTER 116 Naunang bumaba si Madam Imelda. Bakas sa mukha nito ang eksaytment. "Halika, apo bilis!" Magkahawak-kamay sila ni Kai nang bumaba sa SUV. Napansin niya si Secretary Rafael sa front door ng bahay. Yumuko ito ng bahagya nang makalapit sila at bumati. "Madam, Miss Jillian, Young Master." "Hello po, Uncle Rafael," sabi naman ni Kai. "Sir Rafael--' "Rafael na lang, Miss Jillian. Amo ko po kayo," magalang nitong wika sa kanya. Napanguso naman si Jillian dahil hindi siya sanay. "Rafael, thank you for your hardwork," wika ni Madam Imelda. "Trabaho ko po ito, Madam." Kapagkuwan ay may inabot ito sa kanya na envelope. "Miss Jillian, inilipat na po ni Sir Zacharias ang villa na ito sa pangalan niyo. Sa inyo na po ang bahay na ito. Nandyan po sa envelope ang titulo at ilan pang dokumento. Nakasulat din po sa maliit na papel ang passcode nitong smartlock. Kumpleto na rin po ang mga gamit—appliances, bed
CHAPTER 115 "Sinungalin ka! Hindi ako iiwan ni Jander. Hindi siya katulad mo na masamang anak!" Wala pa rin siyang emosyon nang sumagot. "Oo na. Ako na ang masamang anak at si Kuya ang mabait. Ang tagal-tagal mo ng sinasabi 'yan. Naririndi na ako sa totoo lang. Ngayon, kung ayaw mong magpahinga, huwag kang mandamay ng ibang tao. Manahimik ka na lang kasi nakakahiya ang kaingayan mo sa kasama nating pasyente." "Wala kang modo!" Napapailing na lumabas na lang si Jillian ng kwarto. Walang balak patulan kaya mas lalong nanggalaiti si Lilia. Noong bata kaasi siya, palaging tikom ang kanyang bibig. Hindi yata nito matanggap na wala na ang batang nagmamalimos ng pagmamahal dito at wala na rin pakialam. Ang caregiver muna ang pinagbantay niya nang bumaba siya para kumain sa cafeteria. Binilhan niya na rin pagbalik niya. Masama pa rin ang tingin ni Lilia sa kanya ngunit malamig na tiningnan lang siya ni Jillian at saka lumabas ulit ng kwarto. Sa bench sa hallway siya tumambay at nag-cel
CHAPTER 114 Biglang may bumusina kaya napakurap-kurap si Jillian. Parang bulang pumutok ang nabubuong pantasya kanina. "Nandito na sina Kai. Uuwi na kami," sabi niya at nagmamadaling umalis sa garden. Kinausap pa siya ni Madam Imelda ng ilang minuto bago sila pinayagang umalis ni Kai. Hindi pa nga nakakapasok si Jillian sa kotse nang biglang sumakay si Zacharias sa passenger seat. "Anong ginagawa mo?" "Sasama ako pauwi." "Wala kang matutulugan sa apartment. Bumaba ka." "Sa sofa lang ako," ungot pa nito na parang bata. "Zacharias!" Nang makitang inis na siya ay napilitan itong bumaba. Saka naman siya pumasok sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan. Sa backseat ay ibinaba ni Kai ang bintana. Pigil ang tawa na kumaway pa sa daddy. "Bye, Daddy!" [INTERCHAPTER] HUMINGA NANG MALALIM si Zacharias para kumbinsihin ang sarili na huwag siyang sumunod kina Jillian sa apartment dahil mali na magpumilit siya. Di bale, balang-araw ay titira rin siya kasama si Jillian sa iisang b
CHAPTER 113 Kanina niya pa hinanda ang sarili sa lasa ng luto ni Zacharias kaya kalmadong sumubo siya. Okay naman kung babawasan lang nito ang alat. At saka nagkamali lang siguro ng lagay si Zacharias dahil may nalalasahan din siyang matamis. Kumuha rin si Ruiz at sumubo. Kung sila ni Xander ay kinakaya ang lasa, ang lalaki ay hindi napigialn ang masuka-sukang ekspresyon. Hindi ito pinansin ni Zacharias bagkus ay kumuha rin ng pagkain. Unang subo pa lang nito ay natulala ng ilang segundo bago masuka-suka rin. Nakipag-agawan pa ng fresh fruit juice na kalalapag pa lang ni Manang Karen sa mesa. Kapagkuwan ay inagaw nito ang kinakain niya. "Huwag mong kainin. Malalason ka!" "Hindi naman ganon kasama." "Anong hindi? Mamamatay na yata ako sa sama ng lasa," malakas na reklamo na naman ni Ruiz kaya sinipa na naman ito ni Xander sa paa. "Nakakain naman," sabi niya pa rin. "At saka hindi dapat nagsasayang ng pagkain." Muli siyang sumubo. Inagaw na sa kanya ni Zacharias ang kutsar
CHAPTER 112 Narinig niya ang paglabas ni Zacharias mula sa banyo. Hindi niya man lang nilingon nang nagsimula itong kumain at naghugas ng pinggan. Maya-maya pa ay narinig niya ang bank notification sa kanyang cellphone pero hindi man lang siya nag-abalang tingnan iyon. Lumapit sa kanya si Zacharias at biglang pinisil ang kanyang pisngi. Sinamaan niya ito ng tingin lalo nang makitang para na namang 'borles king' na tanging twalya lang ang suot. "Magbihis ka nga. Bakit pinaparada mo iyang katawan mo sa pamamahay ko?" Tumuwid ng tayo si Zacharias at parang modelong umikot. "I'm seducing you." "Hindi ako interesado. Umalis ka nga riyan, nakaharang ka sa pinapanood ko." "Hindi ka interesado pero naapektuhan ka. Tsk, hindi ka magaling magsinungalin, Babe." "Malamang maapektuhan ako kasi sino ba naman ang gugustuhin na may pakalat-kalat na nakatwalya lang?" "Bahay mo naman ito." "Kaya nga. Bahay ko, hindi sa 'yo." "Pareho lang iyon. Gusto mo ariin mo na rin iyong bahay ko s
CHAPTER 61[INTERCHAPTER] NAGMAMADALING sumakay si Lyndel sa kotseng nakaparada sa tapat ng hotel. “What happened?” tanong ni Kate na kanina pa nag-aabang ng mangyayari. “You’re right, Kate. That bitch already wrapped Jensen around her hand.” “I know
CHAPTER 60"Aba'y gaga pala siya! Bakit ikaw ang sinasabihan niya ng ganyan?Si Zacharias naman ang panay ang lapit sa ‘yo na parang asong ulol. Naku talaga!, kung nandoon ako kanina ingungudngod ko siya sa mga resibo ng pangungulit sa ‘yo ng lalaking ‘yon.” Nawalan siya ng imik. Nakahal
CHAPTER 50 Itinulak siya nito, pulang-pula ang mga pisngi. Kinurot siya nito sa baywang at sininghalan. “Manyak!” Ngumisi lang siya kaya halos p atayin na siya nito ng matalim na tingin. “Kai, kakain na,” siya na ang tumawag sa bata bago pa maisip ni Jillian na h
CHAPTER 49 “Iyong sinabi mo noon na ang mga dapat mangyari ay nangyari na, ang ibig mong sabihin ay five years ago, nangyari na ang gusto kong maging kayo?” Tumango si Zacharias. Umahon na naman ang inis ni Madam Imelda sa apo niyang ito. Akala niya malapit na si







