Share

Chapter 2

Author: Irish Server
last update Last Updated: 2026-02-11 07:56:12

Pag-upo ni Lizzy sa waiting area ng ospital, parang umiikot ang paligid. Mas malamig kaysa sa aircon, pero mas mainit naman kung ikukumpara sa nararamdaman niya. Nang tawagin ng receptionist ang pangalan niya, parang nanginginig ang tuhod niya habang binabaybay ang daanan papasok sa maliit at pribadong kwarto.

“Good morning,” bati ng doctor. Isa itong babae na blonde ang buhok. May mga salamin na bilog, na tila nagsilbing harang sa magagandang mga mata nito. “How can I help you today?”

“Good morning, Doc… I'm Lizzy,” napakagat niya sa labi niya, habang ang mga kamay ay kusang napabalot sa tiyan. “I’m afraid to say this, but I think I am pregnant?”

Hindi niya alam kung bakit parang bumigat ang hininga niya nang marinig niya ang mga salitang pinilit niyang ibigkas. Parang may inaamin siyang kasalanang pilit niyang tinatakpan.

Ngumiti ang doctor, mahinahon. May kakaibang klase ng pagkakalmang namumutawi sa mga labi nito. “Don’t you think it is my job to figure that out?” Ngumiti siya ulit. “Let’s confirm. Humiga ka muna, Lizzy.”

Sumunod siya. At nang umandar ang ultrasound, nang marinig niya ang mahina na tunog mula sa speaker, nang makita niya ang maliit na bilog sa screen… may kumurot sa puso niya.

“Congratulations,” saad ng doctor na parang tuwang-tuwa sa balitang nasaksihan. “You’re expecting. Tama nga ang hinala mo.”

Napapikit siya. Wala siyang ideya kung dapat ba siyang matuwa o matakot.

Muling binalikan ng doctor ang monitor screen. Dinaanan niya si Lizzy ng panandaliang tingin bago binahing ang atensiyon sa kanya.

“Lizzy…” dagdag niya “sa tingin ko ay hindi lang isa ang magiging anak mo.”

Biglang nanlamig ang buo niyang katawan sa mga narinig.

“D-Dalawa?” hula niya at halos paos niyang tanong.

“Yes. You’re pregnant with twins.”

Para siyang natulala at hindi agad nakasagot. Twins. Dalawang buhay ang dala-dala niya ngayon mula sa isang one-night stand.

“We’ll take care of you,” sabi ng doctor na puno ng galak. “But you’ll need support. Are you married? Will the father be able to make it here today?”

Dahan-dahan siyang pumikit at bumitaw ng isang malalim ng buntong-hininga. “Yes… was married. Pero…” Napalunok siya. “Hiwalay na kami ngayon." At hindi rin siya ang ama ng kambal.

Pero hindi niya naman pwedeng sabihin iyon. Ayaw niyang mahugsahan ng mga tao dahil sa pagkakamali niya. Ayaw niyang pag-usapan siya.

Sa nagdaang mga araw at linggo ay pilit niyang kinakalimutan ang gabing iyon. Pero ngayon nag-iwan pa siya ng souvenir sa sinapupunan niya, at dalawa pa. Paano siya ngayon makakalimot.

Matapos niyang lumabas ng clinic ay tumungo siya sa bar ni Mimi. Naabutan niya itong abala sa pag briefing sa mga bagong hired na server, pero nang pumasok siya sa loob ay huminto siya at agad na lumapit kay Lizzy.

"Anong sabi ng doktor?" malumanay niyang tanong habang inaakay siya papunta sa opisina niya.

Pagod siyang ngumiti sa kanya. "Buntis nga ako," pag-amin niya. "Hindi lang isang bata... kundi dalawa."

Namilog ang mga mata niya at tumingin sa tiyan ni Lizzy. "You're pregnant with twins?!"

"Ang magpalaki ng isang bata ay sobrang hirap na. Paano ko papalakihin mag-isa ang dalawa?" mangiyak-ngiyak niyang tanong at napasuklay na lamang ng buhok niya.

Agad na hinaplos ni Mimi ang likuran niya para damayan siya. "Lizzy, hindi ka nag-iisa. Narito ako, kasama mo ako. Ano pa at naging kaibigan mo ako kung hindi naman kita matutulungan?"

Nag-angat siya ng tingin kay Mimi at niyakap siya, hindi niya maitago ang takot sa kanyang mga mata.

"Kung gusto mo, pwede tayong manirahan sa bahay namin doon sa Canada. Malayo sa pamilya Rivas," suhesyon pa ni Mimi.

Doon siya napabitaw sa kanya sa pagkakayakap. Balak niyang umalis ng bansa at doon palakihin ang mga kambal. Balak niya rin maghanap ng trabaho habang lumalaki sila.

"Mimi, kung aalis ka, paano itong bar mo? Hindi ba't pinaglaban mo itong passion mo dahil ayaw mong maghandle ng negosyo niyo roon sa Canada?"

Nginitian siya ni Mimi at hinawakan ang mga kamay niya. "Kikita ang bar kahit wala ako rito. Pwede rin ako magpabalik-balik ng bansa kahit kailan ko gusto. Ang importante... ikaw at ang mga bata sa sinapupunan mo."

Hindi naging madali ang mga sumunod na araw. Lalong gumulo ang buhay niya nang nagsimula ang proseso ng annulment nila ni Harrison. Nag-file siya ng full custody demand sa mga ari-arian nila, sinisisi siya sa pagkasira ng relasyon kahit alam ni Harrison na hindi siya ang unang sumira nito.

Habang mahimbing siyang nakahiga sa kanyang kama, may biglang pumasok na mesahe sa inbox niya. Mula iyon sa attorney ni Harrison.

“We need to finalize your absence in the country. Harrison wants a clean break.”

“Clean break?” bulong niya sa sarili. “Pagkatapos niya akong ipagpalit at lokohin? Siya pa ngayon ay may ganang maghanap ng clean break?”

Ang kapal din ng mukha ng lalaking iyon.

Pero hindi na siya nakipagtalo. Hindi na siya ulit naghabol pa. Hindi niya na ibababa pa ang sarili niya para kay Harrison. Kahit ang replyan ang mensaheng natanggap niya ay hindi na rin niya ginawa.

Bagkus, nagtext siya kay Mimi na pumapayag na siya na pumunta sila ng Canada.

Ang pagbubuntis ng kambal ay hindi naging madali. Nang manganak siya, ang panganay niyang babae na si Aurora ay lumabas na malakas at maingay, parang ipinapaalam sa buong mundo na narito na siya.

Pero ang bunso niyang lalaki, si Argus, ay halos hindi makaiyak. Mahina ang paghinga niya. Dinala siya agad sa NICU, at parang may naghiwa sa dibdib ni Lizzy habang pinapanood niya itong nakahiga sa incubator, napakaliit at napakasensitibo.

Para siyang nabiyak sa dalawang bahagi. Ang isang bata na kayang ngumiti sa kanya, at ang isa pang halos hindi niya mahawakan sa sobrang pagiging sakitin.

"Argus..." tumutulo ang mga luha niya. Hindi niya kayang matingnan ng matagal ang kaawa-awa niyang anak.

"Lizzy, magiging okay si Argus. Hindi siya mawawala sa atin," pag-aalon kay Lizzy ni Mimi habang nakahawak sa balikat niya. "Naniniwala ako na magiging malakas din siya."

"We'll do everything for him, Lizzy. Huwag kang umiyak. Nararamdaman ng bata ang lungkot mo kaya hindi rin siya mapalagay," wika ng mommy ni Mimi sa gilid nila. Katulad ni Mimi ay mabait din sa kanya ang mga magulang niya. Itinuring nila siya na parang isang anak. Sila rin halos ang gumagastos sa pagbubuntis niya at alam niyang isa iyon napakalaking utang na loob.

Pagkalipas ng limang taon, kitang-kita na ang naging pagkakaiba ng paglaki ng dalawang anak niya.

Habang si Aurora ay mabilis tumakbo at hindi nauubusan ng lakas, si Argus ay laging dahan-dahan, laging may kailangan bantayan. Doon niya lalong naramdaman na kahit ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin tapos ang hirap na kailangan nilang pagdaanan.

"Halos wala man lang silang nakuha sa itsura mo," mahinang natawa si Mimi sa tabi niya.

Naroon sila ng hapon na iyon sa isang park para magpahangin.

Pinagmasdan niya ang kambal. Totoong halos lahat ay hindi nila nakuha sa kanya. Ang mga mata nila ay asul, samantala ang kanya naman ay brown. Kulot din ang mga buhok, pero bata pa lang siya ay tuwid na ang buhok niya.

"Unti-unti na rin silang nagtatanong kung nasaan ang Daddy nila," halos pabulong niyang saad. "Hindi ko na alam ang isasagot sa susunod dahil nauubusan na ako ng dahilan."

"Matalino ang mga anak mo, Lizzy. Maiintindihan nila kung sasabihin mo ang totoo," sagot ni Mimi. "Mahal na mahal ka nila kaya wala kang dapat ikatakot kung malaman man nila na hindi mo kilala ang ama nila."

"Mommy!"

Sabay silang napahinto ni Mimi nang marinig ang malakas na sigaw ni Aurora.

Paglingon niya, nakita niya si Argus na nakahandusay sa lupa, parang natanggalan ng kulay ang buong paligid. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kanya, nanginginig ang kamay habang niyuyugyog niya ito.

"Argus, wake up! Anak, gumising ka! Argus!" taranta niyang tawag sa kanya.

Hindi siya kumilos kaya binuhat niya ito at itinakbo nila sa ospital.

Halos wala siyang marinig sa paligid. Ang lahat ng tunog ay parang lumulubog sa tubig. Tinitingnan niya lang si Argus na nakahiga, nakakabit sa mga machines, at pilit niyang pinipigilan ang kamay niya sa panginginig.

At kung inakala niyang masakit na ang makita ang anak na natumba at nasaktan, may isasakit pa pala ito.

“Your son needs a bone marrow transplant,” sabi ng doctor habang pinipisil ang papel sa kamay niya.

Parang may sumabog na kulog sa tenga niya.

“Doc? Are you sure? Is it really that serious? Maybe you ran the tests wrong. Maybe there’s a mistake somewhere. There has to be a mistake!”

“Miss,” malumanay niyang sagot, “I’m not mistaken. We need to find an immediate match for your son. Parents are usually the first to be tested.”

Napaluhod siya, halos hindi makahinga. Ramdam niya ang hapdi sa lalamunan niya habang inuulit sa isip ang sinabi niya.

Matapos marinig iyon, agad siyang nagpa-test isang oras ang nakalipas. Literal na nanginginig ang mga tuhod niya habang hinihintay ang resulta. Hindi siya tumigil sa dasal. Hindi siya tumigil sa bulong na sana, kahit ngayon naman, makisama ang tadhana.

Pero nang dumating ang resulta...

“I’m sorry. You’re not a compatible match.”

Parang may bumaon sa dibdib niya, mabigat at hindi matanggal.

“But I'm here mother. How can I not compatible to be his donor?” mahina niyang bulong, ni hindi niya alam kung narinig nila.

Huminga nang malalim ang doctor. “Our next option is the biological father.”

Tumigil ang mundo niya. Para siyang tinanggalan ng lakas.

Ang ama ng kambal. Ang lalaking hindi niya naman kilala.

Ang lalaking nilayuan niya. Ang lalaking ang tanging naiwan sa memorya niya ay ang tattoo niyang dragon sa likod.

Walang masakit na salita ang pwedeng tumapat sa gabing iyon. Umiiyak siyang niyakap si Argus, hinahaplos ang buhok niya habang unti-unting humihina ang iyak niya sa balikat niya.

“Mommy’s here, baby. Hindi kita iiwan. Hindi ako susuko,” bulong niya habang pilit niyang kinakalma ang sarili.

Hindi siya pwedeng mawalan ng anak dahil ikakamatay niya iyon. Sina Aurora at Argus ang buhay niya.

Kaya kahit masakit bumalik, kahit nakakahiya, kahit posibleng makita niya pa si Harrison na may ibang asawa o ibang buhay na matagal nang wala siyang parte… nagpasya siyang bumalik sa Pilipinas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Have Twins With My Ex-husband's Uncle   Chapter 4

    Kakacheck-in lang nila sa hotel at umakyat na sila sa 27th floor kung saan ang room na nakadestino sa kanila.Habang naglalakad sa lobby, isa sa mga kwarto na nadaanan nila ang may ingay na nakakuha ng atensiyon ni Lizzy.“I know what I'm doing. And this has nothing to do with the company. Alam ko ang ginagawa ko at hindi ko hahayaang diktahan mo ulit ako.”Wala na sana siyang balak na pansinin iyon, pero sa sunod na sinabi ay napatigil siya."Tell them, that I... Elijah Rivas will not allowed to be their partners. Mas kailangan nila ako kaysa sa kailangan ko sila."Elijah Rivas.Narito rin siya sa hotel.Dali-dali niyang binuksan ang pintuan ng hotel room nila at tinulak doon papasok si Aurora. Mabuti na lamang at nakaheadphone siya, nakikinig ng music kaya hindi niya narinig ang boses ni Elijah.Kung bakit ba naman kasi sa kakaiwas niya sa pamilyang Rivas ay mas lalo lang siya napapalapit.Nagising siya nang mas maaga kaysa sa alarm kinabukasan ng umaga, pero mabigat ang katawan niy

  • I Have Twins With My Ex-husband's Uncle   Chapter 3

    Pagbaba nila ng eroplano, tumatakbo si Aurora sa unahan, kagaya ng lagi niyang ginagawa. Si Argus naman ay naka-kulong sa braso ni Lizzy, mahinang nakasandal sa balikat niya.“Mommy, are we here?” tila ba excited na tanong ni Aurora sa kanya. "Ang sabi mo ay dito ang totoo mong home, I'm so excited to visit a lot of places!"Napakagat si Lizzy sa labi. “Yes, baby. This is where mommy born and raise.”Hindi alam ng kambal ang totoong rason kung bakit sila narito. Ang alam lang nila ay narito sila para magbakasyon.Nauna silang umuwi ng Pilipinas. Sa susunod na araw ay dadating din si Mimi para samahan siya maghanap ng kung ano mang lead tungkol sa ama ng kambal.Hinawakan ni Lizzy ang kamay ni Aurora, pero bago pa niya masabi ang “Stay beside me,” tumakbo na ito sa unahan.“Baby, no! Aurora!” sigaw ni Lizzy.Hinabol niya ito, pero nawala sa paningin niya dahil sa dami ng tao.“Aurora!” Napahigpit ang hawak niya kay Argus habang lumalakas ang kaba niya.Isang airport staff ang kumaway m

  • I Have Twins With My Ex-husband's Uncle   Chapter 2

    Pag-upo ni Lizzy sa waiting area ng ospital, parang umiikot ang paligid. Mas malamig kaysa sa aircon, pero mas mainit naman kung ikukumpara sa nararamdaman niya. Nang tawagin ng receptionist ang pangalan niya, parang nanginginig ang tuhod niya habang binabaybay ang daanan papasok sa maliit at pribadong kwarto.“Good morning,” bati ng doctor. Isa itong babae na blonde ang buhok. May mga salamin na bilog, na tila nagsilbing harang sa magagandang mga mata nito. “How can I help you today?”“Good morning, Doc… I'm Lizzy,” napakagat niya sa labi niya, habang ang mga kamay ay kusang napabalot sa tiyan. “I’m afraid to say this, but I think I am pregnant?”Hindi niya alam kung bakit parang bumigat ang hininga niya nang marinig niya ang mga salitang pinilit niyang ibigkas. Parang may inaamin siyang kasalanang pilit niyang tinatakpan.Ngumiti ang doctor, mahinahon. May kakaibang klase ng pagkakalmang namumutawi sa mga labi nito. “Don’t you think it is my job to figure that out?” Ngumiti siya uli

  • I Have Twins With My Ex-husband's Uncle   Chapter 1

    "Hmmm..." impit na ungol ni Lizzy.May parang kung anong mainit at mabigat na naglalaro sa kanyang sikmura. Pakiramdam niya ay para siyang hinihila ng alon patungo sa init at dumadating na sa puntong hindi niya na maalala kung paano at saan siya nagsimulang mawala.Ang tanging malinaw lang ay ang bigat ng hininga ng estrangherong lalaking nasa ibabaw niya, ang naghahalong amoy ng alak at sigarilyo sa bawat buntong-hininga niya."Just tell me if you want me to stop," pabulong niyang saad."D-Don't! Huwag... kang hihinto," tugon ni Lizzy, halos hindi niya makilala ang sarili niyang boses.Gusto niyang ibaon sa limot sa mga sandaling iyon ang sakit na nararamdaman niya, kahit pansamantala lamang.Mas lalo pang ibinuka ng lalaki ang mga hita niya habang kinakaibabawan niya ito. And without warning, bigla na lamang niyang ipinasok ang matigas niyang alaga sa loob ni Lizzy.Napasinghap siya sa sakit. "M-Masakit! Dahan-dahan lang!" nakangiwi niyang pakiusap sa kanya."You're virgin?!" gulat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status